Interview

Daily Report/Update on the Coronavirus Disease 2019 by Secretary Carlito Galvez, Jr., Chief Implementer of the Government’s National Policy Against the Coronavirus Disease 2019 (Covid-19)

Unang-una sa lahat, magandang gabi po sa inyong lahat. Nais ko pong iparating sa inyo ang pagbati ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inyong lahat. Kayong lahat ay nasa kaniyang puso at isipan. Lagi po niyang sinasabi sa amin po iyon. Nais ko rin pong pasalamatan ang ating mga frontliners particularly ang ating health workers. Kayo ang aming taga-pagligtas at mabuhay po kayong lahat. Tunay din pong nag-uumapaw ang ating pag-asa sapagkat sa panahong ito nakikita ang tunay na kahalagahan at kapangyarihan ng pagkakaisa at bayanihan.

We are pleased to inform you that the implementation of the government’s National Action Plan against COVID-19 is on track. Despite day to day challenges, we continue to confront at the National Task Force our work has proceeded as scheduled because of the motivation that we had from you.

Gusto ko pong ipabatid sa lahat na ngayon na maraming kumakalat na fake news at sari-sari talaga ang fake news natin sa social media at saka sa mga instigator lalo iyong mga member ng CPP-NPA, kaya aking pakiusap na makinig po kayo sa aming mga sasabihin kasi ito po ang talagang mga impormasyon na kailangan ninyong malaman.

Kaninang umaga, katuwang natin si Health Secretary Francisco Duque, pumunta po tayo sa Bases Conversion ng…development ng… ng tinatawag nating… iyong ating future quarantine area. Kasama po natin ang Bases Conversion and Development Authority president Vince Dizon at USec. Sadaing DPWH at binisita at ininspeksyon namin ang ilang pasilidad na magiging COVID quarantine areas.

So, makikita po natin, ito po ang Rizal Memorial Coliseum na puwede pong magkarga ng more or less 200 patients. May beds, may amenities iyan, may mga ilaw, mayroon po tayong mga saksakan ng cellphone at saka mayroon pong libreng Wi-Fi. Ito po ay ang—iyong Meralco at saka iyong ating ano na sinabihan po tayo ng ating president Pangilinan na ito po ay magiging libre sa panahong ito.

We are impressed with the work being done at the Rizal Memorial Sports Complex and the World Trade Center and PICC, pareho po naming binisita ito. Other facilities that are being proposed to be our mass quarantine area include the Philippine International Convention Center at ang Cultural Center of the Philippines.

We are also eyeing for the Philippine Arena, kanina po pinuntahan din po namin at nakikita po namin na mas malaki ang kaniyang kapasidad. Kung tutuusin noong makita natin, pagsama-samahin nating lahat ang mga pasilidad na ito kaya po ang more or less 2,000 patients.

Nandiyan din po, nasabi ko na kanina, Quezon Institute, Philippine Sports Complex or iyong Ultra. Tinawagan po ako ng Philippine Sports Commission at sila din po ay handang magpakain sa ating mga pasyente; at nandoon din po ang mga ibang mga complex at mga ibang mga tinatawag nating state colleges na sinabi nga ni Secretary Popoy de Vera na they are willing to help and provide.

Based on our timetable, we expect to complete the conversion of these facilities for about ten days from now; pero mauuna po iyong tinatawag nating Rizal Memorial Coliseum, baka sa Monday po puwede na pong mag-open iyon.

We wish to reiterate our profound thanks to the private sector who are all out in helping us to put up these facilties. Napakalaki po ng tulong na ginagawa ninyo at sana patnubayan po kayo ng Diyos at lalo pong lumago ang inyong mga business sa mga susunod na mga araw.

We are in the race against time as we try our best to flatten the curve and slowdown the spread of the disease. This is the reason why our main focus now is to ramp up the capability of DOH to conduct mass testing for the COVID-19 frontliners and also for the PUIs and the PUMs. More or less mayroon po tayong mahigit na 3,000 to 6,000 na PUMs at PUIs. By doing so, we should be able to efficiently identify, isolate and treat the patients who have tested positive for the disease. Mas maganda po iyon para at least hindi na sila magpalaboy-laboy at atin pong ma-treat nang maaga ang mga COVID patients.

As we mentioned in our earlier press briefing, we would like to correct that—DOH is already conducting massive testing for PUIs and PUMs so that we can take COVID positive patients from their communities and bring them to designated hospitals.

The good news is that out capacity to conduct COVID-19 testing has significantly improved. Our goal is to be able to do around 2,000 to 3,000 tests per day but we also have to ensure the safety of patients as well as the medical personnel when we carry out these tests.

We are also pleased to report to you that we have now increased the number of our testing centers to nine. So, nakikita po natin ito, nandiyan po sa board. Ito po ang mga accredited testing centers. Another nine hospitals are being evaluated for accreditation.

I would like also to share with you the highlights of the second Inter-Agency Task Force Management of Emerging Infectious Diseases meeting which was held earlier today. Also, the meeting that we have conducted with the National Incident Command.

As of four o’ clock PM today, April 3, the DOH has tested more than 16,268 individuals. So, ito po ang i-highlight natin na mayroon na po talagang 16,000 [signal fade]. It is worth noting that the Armed Forces of the Philippines Medical Corps will be assigned to these facilities with DOH to ensure that they will be taken cared of and the safety and security of the patients there—in this area.

During the IATF meeting also nais ko pong ipaabot na dapat simulan ng ating mga lokal na pamahalaan ang paghanda ng committee level isolation facilities. Matagal na pong nagsalita po si SILG na mayroon po siyang memorandum na dapat po makapag-ano po tayo ng mga quarantine area sa ating mga barangay, sa ating mga bayan at sa ating mga province para at least magkaroon po tayo talaga ng complete isolation at talaga pong inoobserba po natin ang 14-day quarantine para sa ating mga PUMs at PUIs.

Bagama’t mayroon man na mga lokal na pamahalaan ang ganitong klaseng pasilidad, marami ang hindi nakakaalam kaya’t kailangang ipabatid sa lahat na marami na pong mga quarantine facilities ang nakikita po natin. Lalo na dito ipinakita mo sa TV iyong sa San Juan.

Now I will now go to the LGUs’ role. As we have seen that the LGU’s role in this crisis is very vital and critical, it is key, they should play an active part in this effort because it is the welfare of their constituents which are at stake here. Alam ninyo po, wala pong magagawa ang national government kung hindi po magsusumikap ang ating LGUs kasi ang LGUs po sila po ang nandoon sa ating battlefront. Kung tutuusin po natin, ang ating LGU ito po ang ating nasa battlefront, frontliner po kayo. Kayo po ang nakakaalam kung ano po ang magandang gawin sa inyong lugar.

Meanwhile, 12,000 PPEs have been distributed by the Office of Civil Defense as confirmed by the DOH yesterday. Alam po natin na nakuha po natin iyan galing sa China. Ito po ang procurement—na one million procurement natin po doon sa China na kinuha po ng C-130 at nag-distribute na po tayo sa East Avenue Medical Center, sa San Lazaro Hospital, Lung Center, Philippine General Hospital, Jose Rodriguez Memorial Hospital at saka po sa V. Luna dahil kasi po ang V. Luna ay sila rin po ang magde-deploy doon po sa ating quarantine area.

Patuloy po nating tutugunan ang pangangailangan ng ating mga ospital sa PPE, in fact, bukas magkakaroon po kami ng tinatawag na Zoom meeting with the different administrator of the hospitals para malaman po namin ang kanilang mga hinaing at malaman din po namin ang mga pangangailangan ng bawat ospital dito sa buong Pilipinas.

Umaandar po ang ating Social Amelioration Program at nagkaroon po kami ng pagmi-meeting ng DPWH [DSWD] at kagabi po ay na-release na po, na-download na po ang pera sa Land Bank. Marami sa ating mga 4Ps benificiaries nakatanggap ng kanilang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P8,000. Ito po ay naaayon sa level ng minimum wage sa kani-kanilang mga lugar.

Patuloy na ibinabahagi ng DSWD diretso sa Land Bank account ng bawat benepisyaryo ang tulong na ito. Nauna lamang binigyan ang mga 4Ps beneficiaries dahil sila ay nasa datos ng DSWD but iyon pong LGU at saka iyong ating mga local DSWD department, mayroon po sila na, they have carried their cash cards and their records. Kanina nga po pinuntahan ko mismo ang pamimigay ng cash assistance sa Parañaque sa pamamagitan ng door to door approach na isinakatuparan ng LGU para ma-observe po natin ang social distancing.

Mahal na Pangulo at saka sa atin, nakita po natin napakaganda po ng mga ngiti ng mga beneficiaries at talagang tuwang-tuwa po sila, nakita po nila ang eight thousand cash doon po na nakalagay sa envelope. At nakikita ko na siguro sa pamamagitan nito natutuwa sila at talagang susunod sila sa patakaran ng ating lockdown at saka itong tinatawag na community quarantine.

Sa pagdating COVID ay isang pangyayaring hindi natin inaasahan. Sa ngayon, ay ramdam na ramdam na natin ang epekto nito, pati na ang epekto nito sa ating sosyal na pamumuhay at sa ating ekonomiya. Ngunit huwag po kayong mawalan ng pag-asa dito sa ating bansa, ginagawa ng administrasyong Duterte ang lahat upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19 at iwasan ang epekto nito sa ating pang-araw-araw na buhay at pamumuhay at sa ating pang-araw-araw na kabuhayan.

Kaya ako po ay nananawagan sa lahat ng ating kababayan na patuloy na manatili sa kanilang mga tahanan upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng sakit na ito. Pero minsan nasasaktan ako dahil mayroong mahigit na 1,000 na reported na medyo ano po tayo. Kung kinakailangan kayong lumabas upang bumili ng inyong supplies ay mangyari pong magsuot ng face mask para makatulong sa pagpigil sa sakit na ito. Ito po ay ie-explain po sa atin ng ating kasamahan ngayon sa UP, si Dr. Herbosa.

  1. HERBOSA: Salamat, Secretary Galvez. Magandang gabi sa inyong lahat. Kasama ang National Task Force, mayroon tayong mga eksperto sa medical na siyentipiko na tumutulong na iimplementa ang National Action Plan laban sa COVID.

Nakikita po natin sa isang slide po diyan ay galing po iyan sa Johns Hopkins University. Mino-monitor po nila ang lahat ng epidemic curve ng iba’t-ibang bansa na lumalaban ngayon sa COVID. Nakita namin sa ebidensiyang ito na ang mga bansang Singapore, Hong Kong, Japan at Korea ay nag-implementa ng programa o polisya ng pagsuot ng surgical mask kapag lumalabas ang kanilang mga mamamayan at nakita nating napakababa po ang pag-ano ng curve nila, ng epidemic curve maliban ito sa mga ibang quarantine measures na iniimplementa ng kanilang bayan at ng ating bayan sa Pilipinas.

Iyong kabila, iyong pula, ito iyong mga bansang Italia, España, Estados Unidos, ito po lahat ay hindi nag-implementa ng pagsuot ng mask. Kaya inirerekomenda namin ngayon sa National Task Force na magkaroon tayo ng polisiya sa pagsuot po ng surgical mask kapag lumalabas ng bahay. Iyon lang po, Secretary.

At isa pa sa lumabas sa ating technical briefing ng ating National Incident Command ay mayroon tayong key lessons sa ibang epidemic na nangyari. Noong 2013, nagkaroon po—2014, nagkaroon po ng Ebola outbreak sa West Africa at itong March 19 nai-publish iyong mga nagka-experience noon. Ang mga nai-publish po nila ay nagkataong pareho sa mga plano ng ating National Action Plan.

  1. Slow down the virus and take swift action to immediately ban public gatherings, close schools and ask residents to stay home. Ginawa po natin iyan sa Enhanced Community Quarantine.
  2. Ito po ang iniimplementa ngayon ni Secretary Galvez, ang pag-test, test, test. Rapid testing to a scale na mahanap natin iyong mga tao na mayroong COVID-19 para ma-isolate natin sila, mahiwalay sa komunidad at mapigilan ang pagkalat ng sakit na COVID.
  3. Protect the healthcare workers. Nadinig ninyo na nag-distribute na po ang ating National Task Force ng PPE para sa ating mga health workers sa siyam na ospital na ngayon ay designated COVID hospitals.
  4. Repurpose arms of government including the military to support the epidemic response. Nakikita naman po natin na iyong itinatayong mga pasilidad kung saan natin ilalagay iyong mga PUI, ating babantayan at hindi kailangang nasa malaking ospital ay susuportahan ng Armed Forces of the Philippines Medical Corps at iba pang kawani nito. At huli,
  5. Plan for the recovery and now focusing on those affected by the pandemic’s economic blow. Nakita ninyo kanina ipinakita ni Secretary Galvez ang pamimigay ng amelioration funds and benefits at nag-uusap na rin iyong IATF para gumawa ng mga plano para doon sa mga taong naapektuhan ang ekonomiya ng kanilang pamumuhay. Iyon lang po, Secretary. Salamat po.

SEC. GALVEZ: As a closing statement, nananawagan po ako sa ating mga kapwa Pilipino na tayo po talaga ay magkaroon po tayo ng talagang disiplina. Stay home at ano po natin na ang inyo pong… hinihingi lang ng ating mahal na Presidente na kailangan talaga na sumunod tayo sa gobyerno.

Alam ninyo po, nakita natin ang gobyerno ay iisa, nakita natin na ang ating COVID-19 National Action Plan is at work, marami po tayong nagagawa na at marami po tayong gagawin pa at nakita po namin na talagang isa sa pinakamagandang ehemplo na maipakita natin dito ay iyong obedience ng lahat ng ating mga fellow Filipino na sana tuparin natin itong enhanced quarantine. Itong lockdown ay kailangan po nating strictly i-implement.

Pangalawa, nakita po natin na nagkaroon na po tayo ng amelioration program at sa darating na mga araw ay matatanggap na ninyo rin ang inyong mga bahagi sa amelioration program na P5,000 to 8,000. Iyong iba na hindi makakakuha at alam nila na sila ay talagang karapat-dapat na kumuha, puwede po kayong lumapit sa ating mga LGUs at sa ating DSWD at sa mga regional offices nito. At ito po, nakita po natin na kung tayo ay magkakaisa, tayo ay magbayanihan kasama ang ating mga private sector, kayang-kaya po natin ang COVID-19.

Sa ating mga kapwa Filipino, ang sinasabi po namin, malasakit, bayanihan heal as one. Maraming salamat po at magandang gabi po sa inyong lahat.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)