Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Willie Delgado and Jorge Bandola (DZXL – Straight to the Point)

Q: Secretary Roque, magandang umaga po sa inyo.

SEC. ROQUE: Magandang umaga po. Happy New Year po.

Q: Happy New Year po. Si Willy Delgado po ito, kasama ko si Jorge Bandola.

SEC. ROQUE: Willie at Jorge. Magandang umaga po.

Q: Sec, Happy New Year. Maraming nag-aabang doon sa blind item mo ah, kung sino ang sisibakin ng Pangulo at ngayong araw na ito yata inaasahan?

SEC. ROQUE: Eh mag-aabang pa po tayo. Ako po ay naatasan na wag munang i-anunsyo ngayong araw na ito.

Q: Na-save.

SEC. ROQUE: Sa inyo ko po sinasabi ngayon na walang anunsyong mangyayari ngayong araw na ito.

Q: Paano na, naatras na naman?

SEC. ROQUE: Well, alam n’yo naman po. Noong una, kung naalala n’yo naman nung una, nagsabi rin si Presidente na may isang entire na komisyon na kanyang sisibakin ‘no, naanunsyo naman niya iyon, iyan yung PCUP.

So I guess iyong pa sabi niya na meron na naman isang sisibakin, eh matter of time naman po iyan. Pero nakatanggap po ako ng text ng 2:44 in the morning na wag munang i-anunsyo ngayong araw na ito; at isang tawag po ng 7:22 na wag munang i-anunsyo.

Q: Si Pangulo mismo ang tumawag po sa inyo?

SEC. ROQUE: Hindi po, hindi po.

Q: So ano po ito nahihilot po ba ang Pangulo sa mga ganyan, pag ganyan?

SEC. ROQUE: Hindi naman po ata, meron lang isang dokumentong tinitingnan ng Pangulo na pinakuha niya at ang alam ko naibigay na sa kanya at pinag-aaralan niya iyong isang dokumento.

Q: Ang pinag-uusapan po namin dito, Sec. Harry, either si Balutan or Sandra Cam o kaya iyong Marina Administrator eh.

SEC. ROQUE: Eh alam n’yo naman po ako, ako’y napag-utusan na wag munang mag-anunsyo. So wala po tayong masasabi po diyan.

Q: Di ba, a-uno ang gusto yata ng Pangulo. Pero kayo mismo ang humiling na—

SEC. ROQUE: A-trenta po. Kaya lang ang nangyari po, ang sabi is i-anunsyo sa susunod na press briefing. Iyong susunod na press briefing po natin, dapat a-uno ng Enero ‘no. Pero kinansel ko na po iyong a-uno kasi putukang balita iyan and si Secretary Duque ay nag-schedule din ng kanyang presscon ng 10:00 o’clock; 11:00 o’clock po ang press briefing natin sa Malacañang. So hindi ko na po tinuloy dahil nag-press briefing na si Secretary Duque. Kung natuloy po iyon, eh sana doon po na-anunsyo. Pero siguro po talagang tadhana, ngayon po ay pina-hold muna.

Q: Iyon bang dokumentong pinag-aaralan ngayon ng Pangulo eh, iyan na ba iyong mitsa kung masisibak o hindi iyong nasa listahan na iyan?

SEC. ROQUE: Ang pagkakaintindi ko po legal basis, legal basis ang…iyong legislative franchise po—Iyong legal basis sa pagbubuo ng opisina ay may tinitingnan lang ang Presidente.

Q: Okay. Famous ba itong personality na ito na nanganganib masibak?

Q: Hindi naman walang bilang.

SEC. ROQUE: At least ako po mismo, hindi ko siya kilala eh.

Q: Pero Secretary rank po o Usec or Director rank?

SEC. ROQUE: Head of office. Huwag na ho nating pag usapan iyan, dahil hindi na po pinapa-anunsyo sa akin. Pero at least sa inyo po iyong exclusive na hindi na maanunsyo sa araw na ito.

Q: Ang fear lang po namin ay baka sumuweldo pa ng a-kinse?

SEC. ROQUE: Oo nga ano.

Q: Wag mo nang paswelduhin ng a-kinse.

Q: Ibulong mo na rin kay Pangulo, sir baka sumuweldo pa ng a-kinse iyan.

Q: Sec, papano ba ang nagiging sistema pag may mga ganyang mga sinisibak ang Pangulo. Nalalaman n’yo ba iyan? Anong due process, kasi may nabasa ako kanina na hindi daw dumadaan sa due process pag sinisibak ang mga iyan. Ano po ba ang paliwanag ng Pangulo diyan?

SEC. ROQUE: Eh kasi kapag presidential appointee po walang due process, we serve at the pleasure of the President. So, kapag ika’y tumanggap ng isang presidential appointment alam mo iyon na kahit kelan puwede kang sibakin, maski walang dahilan basta sabihin ng Presidente. Ganoon po talaga kaming lahat na presidential appointee.

So, bagama’t siguro ‘no eh may mga pasabi, pero iyong mga ibang nasibak po, masasabi ko sa inyo na meron silang kumbaga kutob na sila, kasi gaya nung sa PCUP ‘no. Eh nakausap ko po iyong isang tao doon na isang miyembro ng komisyon at ang sabi nga niya kutob ko kami iyan. So, sabi ko at that point, hindi ko naman alam talaga na ang totoo niyan your guess is as good as mine ‘no. So ang pagkakaiba lang po nung PCUP sinasabi sa akin kaagad. Ako naman po… ang utos kasi i-announce mo sa press briefing. Eh I have to do the press briefing, bagamat sinabi sa akin na a-trenta, eh a-uno na hindi naman natuloy, so ngayon po sana iyong unang press briefing. So sumusunod din naman ako sa utos na kung hindi binawi na i-anunsyo, ia-anunsyo ko rin sa first press briefing na ngayon sana.

Q: Kung ilalabas iyang pangalan na iyan, Attorney, sino ba si Pangulo mismo ang magsasabi o ikaw na mismo ang uutusan niya?

SEC. ROQUE: Hindi ko lang po alam ngayon kung ano ang magiging set up ‘no. Kasi nung sa PCUP po pina-anunsyo niya sa akin iyong sa DAP, pina-confirm niya sa akin—So, pero siyempre puwede namang si Pangulo ang magsalita mismo. Kaya alam mo tinitingan ko schedule niya, wala naman po siyang schedule na may pagkakataong makipagkita sa media. Iyong mga schedule po ngayon ay puro mga diplomatic events, closed events ‘no.

Q: Sec, ito pong 2018 si Secretary Andanar ay nagpakansela na ng mga foreign trips for the year. Kayo po ba at sino po ba sa mga iba pang mga Gabinete ang nag-cancel na rin?

SEC. ROQUE: Well, ako po meron akong—kasi, bago pa ako matalaga na Spokesman ako po ay nahalal na presidente ng Asian Society of International Law. Eh bilang presidente ng Asian Society, dapat po sana ay dumalo ako doon sa mga komperensiya ng mga kapatid na mga society, gaya ng American Society, European Society, Latin America Society of International Law. Pero ngayon po ay nagpapadala na ako ng mensahe sa kanila na dahil sa direktiba ni Presidente, baka hindi na ako makarating diyan sa mga komperensiya na iyan.

Q: Paano po ngayon ninyo iha-handle ang ganyang sitwasyon eh katulad niyan meron kayong mga hindi natutugunan na mga tungkulin doon sa isang hinahawakan ninyong posisyon, papano po iyon?

SEC. ROQUE: Well, kailangan po talagang sumunod lang sa direktiba ni Presidente at saka ako naman po sa dalawang buwan na nanungkulan, ang trips ko lang po ay iyong kasama si Presidente mismo. So wala po naman akong—aah meron pala akong isa, iyong dinepensahan ko siya sa International Criminal Court na siguro naman walang kaduda-duda eh importanteng gawin iyon, dahil isang beses sa isang taon lang nagpupulong iyong state party ng International Criminal Court.

Sa akin po walang problema iyan, kasi noong ako po ay nasa UP ang aking linya international law, ako iyong namuno ng Institute of International Legal Studies. Maniwala kayo’t hindi, sa isang taon isang passport ang nauubos ko. Pagud na pagod na po ako kakabiyahe.

So sa akin po, parang si Presidente na ako na sawang-sawa na ako sa eroplano, ayaw ko na bumiyahe, happy na po ako dito.

Q: Ngayong taon, Sec, anong mga foreign trips ang nakalinya para sa Pangulo?

SEC. ROQUE: Alam ko po merong India, tapos merong South Korea at merong Australia at saka meron pong Israel.

Q: Kasama po kayo?

SEC. ROQUE: Hindi ko pa po alam. Kasi hindi naman po kinakailangan na lahat sasamahan. Kaya lang depende po, kung kasama ang media, kasama po ako; ganoon po ang rule of thumb. Pero kung walang media na kasama, hindi naman ako dapat sumama. Basta merong taga Malacañang Press Corps, sinasama po ako; kung walang Malacañang Press Corps hindi po ako sasama.

Q: Balikan ko lang iyong nanganganib sibakin, iyon ho ba ay si Presidente ang nag-appoint o dati na?

SEC. ROQUE: Presidential appointee po iyan ni Presidente.

Q: Pag iyong mga dumadaan sa mga rose from the rank, iyon ang kailangan ng due process, tama ba iyon?

SEC. ROQUE: Iyong mga covered ng civil service kinakailangan po nila dumaan. Dadaan pa nga iyan sa Civil Service Commission kung sila ay hindi tinatanggap iyong dahilan ng kanilang pagka-sisante. Mahabang proseso pa iyan, mga civil service eligible; hindi po iyong mga presidential appointee.

Q: Kumusta na po iyong kontrobersiya sa PCSO?

SEC. ROQUE: Eh ang alam ko po ay alam na ni Presidente lahat ng panig diyan. So hayaan na lang po natin si Presidente magkaroon ng kanyang deklarasyon diyan. Pero ang alam ko rin po eh pareho niyang pinaniniwalaan si General Balutan at Sandra Cam.

So, antayin na lang po natin kung ano ang magiging desisyon ng Presidente at ano ang aksyon niya.

Q: Huling tanong ko na lang po. Iyong sulat daw ni Atty. Lozano regarding doon sa compromise daw ng mga Marcos. Ano bang katotohan diyan, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, nagsalita na po iyong kapamilya ni dating Presidente Ferdinand Marcos, wala raw pong otoridad si Atty. Lozano na maggawa ng ganyang proposal.

So wala pong saysay iyong kanyang proposal ngayon, dahil hindi naman siya pupuwedeng magsulong ng isang proposal na hindi po kinikilala ng mga heredero ng dating Presidente.

Q: Pero, Secretary. Baka puwedeng i-remind n’yo nga si Pangulong Digong, sakali lang ha, na meron siyang binitawang salita kasi sometime in September 2017 na nagsasabi daw si Imee na may ibibigay daw na substantial amount para sa administration ng mga Marcos, baka lang sakali.

SEC. ROQUE: Tandang-tanda ko po iyon, at kasi nag-react ako bilang isang Kongresista. Naalala ko po ang sabi ni Presidente kinakailangan ng batas galing sa Kongreso ‘no para siya ay makapasok sa ganyang kasunduan at…so hindi pupuwede na si Presidente lang ang gagalaw diyan, kinakailangan magkaroon muna ng batas bago siya maka-pirma sa isang compromise agreement.

Q: Secretary maraming salamat sa pagkakataon ha, Happy New Year.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po at Happy New Year.

##

Resource