DEO: Secretary Martin Andanar, sir, magandang umaga po sa inyo.
ATTY. CHERRYL: Good morning.
SEC. ANDANAR: Good morning. Magandang umaga, Lakay at… sino po ang kasama ninyo…
DEO: Atty. CAM, as in Sandra Cam, Secretary.
ATTY. CHERRYL: Parang come and go po, Secretary. [laughs]
DEO: Iyon ay Atty. Cherryl Adami-Molina, in short CAM. You may come and go, Saint Martin. May Saint Martin ba?
SEC. ANDANAR: Meron po, San Martin de Porres.
DEO: Eh iyong Santo Rodrigo, kailan ibe-beatify?
SEC. ANDANAR: [laugh] Iyan ang tinanggap ni Presidente… iyong sumama na kayo sa Iglesia ni Rodrigo. [laughs]
DEO: Kailangan eh samahan mo na si Pangulong Digong sa Last Supper. [laughs] Anyway, Secretary Martin Andanar, bakit medyo naka-strike ano na ba—strike ang PCOO na may mga pagkakamali, pero kung tutuusin maliit lang, pero pagka inupakan ka ng mga kritiko mo, Secretary Andanar, talagang ano ha, ang laking isyu ha. May sumasabotahe nga ba sa iyo sa PCOO?
SEC. ANDANAR: Ako naniniwala, Lakay and Atty. CAM, na ito po naman ay… kasama ito sa mga challenges ng ating industriya sa pagbabalita. Matagal din ho tayo sa broadcast and kahit anong gawin po natin eh meron ho talagang mga pagkakataon na sumasablay po. It happens to the best news organizations.
For example, iyong nangyari na pagtawag kay Senator Sherwin Gatchalian na Winston, eh kapag gino-Google mo iyan, meron din pong mga diyaryo tulad po ng Manila Times, meron din po—or ang Manila Standard na iyon di po ang ipinangalan nila kay Senator. Ganundin po doon sa pangalan po ni Congressman Roilo Golez; in fact that was also published by ABS-CBN, GMA, Business World. It happens but what I am saying is that it is not acceptable sa atin, sa news organization, sa news industry; hindi po talaga acceptable iyan.
It happens to the best news organizations and it also happens to us sa gobyerno. If it’s very frustrating for me as much as it is very frustrating also para po sa mga kasamahan natin sa pribadong sektor, kaya alam natin na nangyayari talaga and alam naman natin na hindi acceptable.
But then again talagang—minsan Murphy’s Law ang nangyayari, but what I am saying is that we will continue to take this as challenge, beside that there are standard operating procedures. Para hindi na po ito mangyari o at least maiwasan, mabawasan. Sapagkat, nasa negosyo ho tayo ng pagbabalita, nasa operasyon po tayo ng pagbabalita, ang gobyerno, so therefore at it should not happen.
But then again, it does happen and that is the reason why, tayo sa news industry, we always issue erratum o kaya errata… and you that do that also. I would also like to, again, apologize to Senator Win Gatchalian sa nangyari po na pagkakamali po na ito. Hindi po ito sinasadya and we will do our best na ayusin po itong specific na kondisyon na nagkamali.
Alam mo, Lakay at Atty. CAM, maraming beses na po ito na nangyari. Na nangyari po ito sa Philippine News Agency, inayos po natin iyong SOP meron pong mga naparusahan, meron pong mga nag-resign. Noong nangyari po ito sa International Press Center, ganundin po iyong ginawa natin, meron pong mga nakasuhan, meron din pong nag-resign. Ngayon po sa pagkakataong ito, meron din pong administrative investigation na nangyayari at hindi ko alam kung merong magre-resign o merong makakasuhan, kasi kailangan patas po ang laban natin, sapagkat meron po tayong sinusunod na mga batas upang hindi po tayo unfair pagdating po sa imbestigasyon.
DEO: Sabi ko nga, Secretary, tama po kayo. Kasi maski sa mainstream media, iyong broadsheet na lang, Inquirer, Philippine Star, Manila Times, Standard, meron ng proofreader, meron ng editor na minsan nakakalusot pa, kaya naglalagay tayo minsan ng erratum. Sa atin eh, tayo ay hindi perfect. May mga pagkakataon. Kaya sabi ko nga ay tao lang.
ATTY. CHERRYL: Si ano nga, di ba, Lakay, si Mocha nga, di ba, saan nilagay iyong ano, iyong Bulkang Mayon sa Naga di ba, tao lang nagkakamali din.
DEO: Wala namang perfect. Pero ang gusto lang naming malaman talaga, Secretary, kung may sumasabotahe nga ba talaga sa inyo diyan sa PCOO na dapat tanggalin o talagang nagkakamali—
ATTY. CHERRYL: Honest mistake talaga.
SEC. ANDANAR: Marami nagsasabi sa atin na hindi na ano iyan, sabotahe na iyan. Kasi kung iisipin ko kasi na sabotahe iyan, Lakay at Atty. CAM, hindi na ako makakapagtrabaho ng husto, kasi iisipin ko na lang puro pulitika at fake news, etcetera. Kaya ako po ang iniisip ko lang ay proseso, proseso, ayusin ito. As a technocrat, ayaw ko pong maging political sa pag-iisip. Ang gusto ko lang po ay mai-ayos ang PCOO, mai-improve natin para once na umexit po tayo, eh maipapakita po natin sa sambayanan na talagang umasenso. Katulad po ng Radyo Pilipinas, umasenso na po; PTV, Philippine News Agency. So naka-focus na po tayo sa pag build, build, build ng government media infrastructure, dahil para po ito sa sambayanang Pilipino.
DEO: Secretary, sa ibang isyu ha. Aba’y ang Pangulong Digong talaga medyo ano ha—ito rin ang problema niya, lahat ng pagkakamali. Sabi niya ang mga kritiko talaga, mga oposisyon, kaunting mali ko talaga, talagang pinapalaki, talagang katakot-takot na upak ang ginagawa sa akin. So paano ninyo hinaharap itong ganitong isyu at ng Pangulo, Secretary Martin Andanar?
SEC. ANDANAR: Ako po, Lakay at Atty. CAM, personally, tinitingnan ko na lang po iyong major gains sa ating bansa – 10 billion na foreign direct investment, ano po iyan record po iyan sa Pilipinas; iyong 6.8 na GDP… na pag-i-increase po natin sa GDP; iyong mga investment sa ibang bansa; iyong paglago ng ating ekonomiya, iyong pagbaba po ng crime rate ng 19%. Iyong mga pangako po ni Pangulong Duterte na naipapatupad ng ating mahal na Pangulo doon po ako nakatutok.
Meron po talagang kritisismo, Lakay, Atty. CAM, at kasama po iyan sa demokrasya. Pero in the middle of all of this criticism, kitang-kita po natin na halos 80% po ang naniniwala na iyong bansa natin ay nasa tamang direksyon sa ilalim po ni Presidente Duterte. So, ibig sabihin po ay ginagawa po ng Pangulo ang tama and the people po ay naniniwala po sa kanya na talagang nasa tamang direksyon po tayo.
ATTY. CHERRYL: Iyong mga researcher, writer po ninyo diyan sa PCOO, ano po bang mga ano nila – sir, if I may ask – iyong mga natapos nila? Kasi po baka puwedeng mag-apply diyan, baka meron pang mga bakante diyan.
SEC. ANDANAR: Oo, puwede. Alam mo ang mahirap, Atty. CAM, sa gobyerno ay hindi po talaga ito iyong pinipili ng mga sabihin na natin, iyong mga sabihin natin iyong top graduates na mga pangunahing mga eskuwelahan sapagkat, gusto po nilang magtrabaho sa DZRH, sa mga malalaking broadcast network at pahayagan. So hindi po ito iyong choice samakatuwid.
So therefore, marami po talagang dapat ayusin pa, marami pang dapat i-adjust, mga—iyong salaries halimbawa ng Philippine News Agency. Kanya nga po noong 1986, noong umupo si Tita Cory at umusbong po iyong mass media ay nagsilipatan po iyong government media personnel sapagkat mas malaki po iyong suweldo sa private sector. So, it’s a—it is brain drain in the Philippines sapagkat iyong mga magaganda siguro, established ay pumupunta po sa ibang bansa, ganundin po sa government media. So, we just do with what we have and just train and retrain people and weed out those that… people who don’t really deserve to be in government’s media.
ATTY. CHERRYL: Alam n’yo po nakakatawa, kasi parang sa isang tweet ni Senator Gatchalian, parang sinabi niya, let’s take this as… in a positive way—parang sabi niya, baka naman—at iparamdam ninyo ngayon na iyong anak ko puwedeng maging Winston Gatchalian. Oh, di ba, Lakay? Hindi ba, nakakatuwa naman ano.
DEO: Saka nagalit yata ang Marlboro at saka Fortune dahil masyad0ng na-promote ang Winston, Secretary Andanar?
SEC. ANDANAR: Oo nga po. Napakasuwerte ng Winston na sigarilyo, kahit na bawal iyong advertisement nalibre tuloy. [laughs]
DEO: Secretary Martin Andanar, ang sinasabi ng Pangulong Digong, iyan may lahi siyang Chinese, may lahi siyang Muslim, ayan of course Kristiyano. Ano ang ibig sabihin ng ano, ano ba ang pina-practice na religion ng Pangulong Digong… Your god is not my god, your god is stupid, my god is perfect ha, ayan kanya kanya tayong paniniwala. Ano ang mas inaano niyang pina-practice, Christian o Muslim o Buddism—
ATTY. CHERRYL: O may sarili talaga siya na parang ang alam niya merong universal being—
DEO: Dating Daan, Iglesia Filipina Independiente. Ano ang pina-practice ng Presidente Digong?
SEC. ANDANAR: Ang binabanggit niya po ay he believes in the universal mind, universal God. So siguro ang punto dito ay we have our freedom to worship at respetuhin na lang po natin ang ating mga karapatan na mag-worship ng kanya-kanyang Diyos.
DEO: Sabagay, kasi may mga ibang grupo din, ang kanilang ano, although naniniwala sila kay Jesus Christ, may paniniwala na iyong isang Architect of the Universe kung tawagin nila, Secretary Andanar,sir, kaya—
SEC. ANDANAR: Opo. Kaya nga po siguro we—siguro wala na sigurong kailangan na interpretasyon pa sa sinabi ni Presidente, on our part. Di ba sinabi niya na iyong the universal mind, universal God, let’s just respect each other’s freedom to worship.
Siguro ganoon na lang po. At ang mahalaga po talaga sa amin, sa PCOO, siguro ganun na rin kay Secretary Harry Roque, na kaming lahat po ay talagang nakatutok sa trabaho namin.
DEO: At isa pa, Secretary Martin Andanar. Ang sabi ng Pangulong Digong ay baka daw po i-legalize na ang jueteng. Paki-klaro nga po iyan. Kasi ang sabi ng Pangulong Digong, marami pa ang nasa maliliit (communication cut)
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)