Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador S. Panelo by Mike Enriquez (DZBB – Saksi sa Dobol B)

Event Media Interview

ENRIQUEZ: Secretary, kaya po kami napatawag para humingi sa iyo ng kalinawan, para malinaw sa mga nakikinig at nanunood sa atin ngayong umaga, iyong sinabi ninyo na sinabi raw ni Pangulo na kapag nagkaroon… ito na eh, oo, puputok na po iyong labanan nitong Amerika at saka nitong Iran at Iraq na ito eh papayagan natin—papaano ba? Papayagan natin iyong mga barko ng Amerika o ng ibang bansa… gray ships ang tawag, ibig sabihin Navy po iyon; iyong puti na barko, Coast Guard po iyon. Pakilinaw nga, Secretary, iyong sinabi ni Presidente?

SEC. PANELO: Tungkol saan?

ENRIQUEZ: Na ang Pilipinas … ano ba ang tamang kataga? Tayo ay kakampi sa Amerika? Papanig sa Amerika o papaano? Papayagan natin silang dumaan dito, iyong mga barko nila, etc., etc., Secretary? Ano bang ibig sabihin noon?

SEC. PANELO: Hindi, ang sabi ni Presidente, kaya siya nagpadala ng envoy, pinapakiusapan niya na huwag idamay ang mga Pilipino ng Iranian government at saka ng Iraq sa away nila sa Amerika. Hindi siya papayag nasasaktan iyong ang mga Pilipino.

ENRIQUEZ: Papaano iyon, kapag may nasaktan na Pilipino, ano ang magiging tugon ni Presidente doon?

SEC. PANELO: In other words, sinasabi ni Presidente kung sasaktan ninyo iyong mga kababayan ko diyan eh kakampihan ko ang Amerikano.

ENRIQUEZ: Ah ganoon?

SEC. PANELO: Yes, iyon ang sinabi.

ENRIQUEZ: Opo. Papaano po iyong pagkampi sa mga Amerikano kung – huwag naman sana –  may masasaktan o madadamay na mga Pilipino, mga kababayan natin dito, Secretary?

SEC. PANELO: Iyon ang hindi ko alam. Basta iyon ang …I was just quoting the President of what he said.

ENRIQUEZ: So wala pang detalye kung paano iyong pagkampi na iyon kung – huwag naman sana – may madamay na Pilipino. Ganoon ba iyon, wala pang detalye?

SEC. PANELO: I do not know exactly how we will go about it, but that’s what the President said. Siguro si Secretary of National Defense na ang makakasagot noon.

ENRIQUEZ: Palagay ko, Secretary—palagay lang naman ito, puwedeng hindi kami eksakto rito. Ngayong araw na ito ay magiging busy kayo sa pagpapahayag kung ano ang tugon naman ni Presidente, ngayon at nag-uulanan na po ng missile doon po sa Iraq, mga missile na galing ng Iran, Secretary?

SEC. PANELO: Siguro since may order na ang Presidente na kung magkaroon ng escalation ng hostilities eh i-repatriate ang mga kababayan natin. So it goes without saying na kapag ganiyan ang nangyari eh tuloy ang repatriation that’s precisely why the two members of the Cabinet are there, that is why he created a committee to prepare for such an eventuality.

ENRIQUEZ: Opo. Iyong komite na iyan na binuo ni Presidente, sino po ang namumuno ng komite na iyan?

SEC. PANELO: It’s chaired by the Secretary of National Defense. Ang mga members niyan ay sila Secretary ng Foreign Affairs, Transportation, ng Labor at ang National Security Adviser.

ENRIQUEZ: Ah si Secretary Lorenzana?

SEC. PANELO: Yes.

ENRIQUEZ: Si Presidente ba mismo ay nag-utos na po ng tinatawag na mandatory o sapilitang paglilikas o mandatory repatriation, Secretary?

SEC. PANELO: I’m trying to reach him pero hindi ko pa siya nakukontak. Tinawagan ko rin si Secretary of National Defense, hindi ko pa siya nakukontak.

ENRIQUEZ: Opo. Malaman namin, hindi lang kasi—

SEC. PANELO: Immediately!

ENRIQUEZ: Ha?

SEC. PANELO: Immediately I will let you know, Mike.

ENRIQUEZ: Oo, dapat, kasi sinusunduan po itong kaganapan na ito hindi lang ng mga OFWs kung hindi pati iyong mga mahal nila sa buhay dito sa Pilipinas para sa ganoon ay hindi naman sila masyadong mangamba o para nalalaman nila kung anong nangyayari doon sa lugar ng kanilang mga mahal sa buhay, Secretary.

SEC. PANELO: Pero alam mo Mike, gaya nga ng sinabi ni Presidente, kapag nagkaroon ng ganyang escalation, definitely talagang iri-repatriate iyan. Kaya nga noong isang araw po ay gumawa na nga siya ng mga hakbang kasi iyong safety ng mga kababayan natin ang foremost in his mind.

ENRIQUEZ: Opo, sige po. Antabayanan na lang namin iyong mga susunod na impormasyon at pahayag na… kung sila po ang nagpakawala ng missile, hihintayin namin iyong pagpapakawala ninyo ng impormasyon parang makarating doon sa mga apektado, Secretary.

SEC. PANELO: Pakakawalan natin. Walang kapangyarihan na makakapigil.

ENRIQUEZ: Secretary, salamat sa pagtanggap ninyo sa tawag ngayong umaga at sa pagsagot ninyo sa mga tanong ha.

SEC. PANELO: Salamat din, Mike. Thank you.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

 

Resource