Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque Radyo Pilipinas (Erwin Tulfo Live by Erwin Tulfo)

ERWIN:                                              Sign of weak evidence kaya nakikiusap na lang ang Malacañang na bumitiw na si Sereno, kasi wala naman daw talagang sapat na ebidensiya para siya ay ma-impeach, Secretary Roque. Eh kayo po ay nandoon pa kayo sa Senado  nung sinampa po ito. Wala bang ebidensiya, Mr. Secretary?

SEC.  ROQUE:                                 Erwin, sa katunayan tatlong beses na nagdeklara ang miyembro ng Committee on Justice ng Kamara ang reklamo laban kay Chief Justice. Unang-una ay sufficient in form and in substance at saka pangalawa  po ay merong basehan  iyong reklamong iyon. Para sabihin na mahina  ang complaints  eh dapat po sana ay hindi na nakaabot sa stage na ito ang impeachment complaint na iyan  kung wala pong ebidensiya.

Ang ating panawagan po ay kuhestyon para po mapalakas naman at hindi tuluyan na masira ang hudikatura. Pero ngayong hindi na po pumayag ang Chief Justice,  hayaan na po natin ang proseso magpatuloy  at titingnan na  lang po natin kung ano ang magiging resulta niyan.

ERWIN:                                              May pag-asa ba, sir na ito ay –kasi may mga hinihingi rin siya  na request na i-cross examine  niya iyong mga testigo daw, Mr. Secretary?

SEC.  ROQUE:                                 Well, noong huli pa po akong nasa Kamara,  nadesisyunan na po iyan na pupuwedeng mag-cross examine, pero dapat siya at ang proseso po naman na pinagdadaanan  nung nakaraan ay  pareho rin po ng proseso sa mga  fiscal. Wala pong abogadong nagtatanong ng mga cross examinations sa fiscals’ office dahil ang pinag-uusapan lang  naman po doon  ay probable cause.

So mgkakaroon po siya ng pagkakataon na mag-cross examine  kung ito po ay maisampa sa senado at magkakaroon ng impeachment trial.

ERWIN:                                              Alright. Sir si Chief Justice iyan, papano po si ‘ika nga Ombudsman, Secretary. Kasi marami din pong nagrereklamo na parang she’s dragging her feet or her foot pagdating ng pagsasampa ng  kaso sa mga  Liberal o mga kapartido ng dating administasyon. Hindi  n’yo po ba na napapansin  or papano po ito, wala po bang plano na  ito po ay isunod na. But I think dapat ordinaryong mamayan ang magsampa ng reklamo o grupo, hindi po ba, Secretary?

SEC.  ROQUE:                                 Ang pagkakaalam ko po bago pa po ako umalis sa Kamara  ay meron na pong nakabinbin na reklamo diyan  laban kay Ombudsman din para ng kanyang impeachment.

ERWIN:                                              Opo. So antayin na lang siguro natin, parang hindi pa kasi gumugulong, Mr. Secretary?

SEC.  ROQUE:                                                Opo, medyo nagta-traffic sa Committee on Justice, dahil madami talaga ring impeachment complaint. Pero ngayong  tayo po ay nasa Malacañang na hahayaan na  po natin ang proseso, buo naman nag tiwala namin sa kakayahan ng Kamara de Representante na gawin ang tama, mag-antay na lang tayo ng desisyon  ng Kamara at later  on possible  iyong desisyon  din  ng Senado.

ERWIN:                                              Secretary Harry Roque, Presidential Spokesperson. Maraming salamat po. Magandang umaga, Mr. Secretary.

SEC.  ROQUE:                                 Magandang umaga at salamat din po.

##

Resource