Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque



USEC. IGNACIO: Magandang araw muli. Nagpapatuloy po ang aming paghatid serbisyo at impormasyon, kasama na po natin si Presidential Spokesperson Harry Roque.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Usec. Rocky. Magandang tanghali buong Pilipinas.

Una sa lahat, ipinapaalam po namin sa inyo na nag-isyu ng direktiba ang ating Presidente sa PhilHealth para gawing boluntaryo po ang pagbabayad ng mga OFWs ng PhilHealth premiums. Alinsunod dito, inanunsiyo na po ni Secretary Duque ng Department of Health na sinususpinde po niya ang Item 10.2.C ng implementing rules and regulation ng Universal Healthcare na nagpapataw nang mas mataas na kontribusyon habang mayroon tayong problema po sa COVID-19.

Inanunsiyo na rin po ng POEA at ng OWWA na hindi na po iri-require ang pagbayad ng PhilHealth premiums ng mga OFW para sila po ay maisyuhan ng kinauukulang mga papeles, iyong tinatawag na OEC, para makalabas ng bansa.

Bilang pangunahing nagsulong po ng Universal Healthcare Law sa 17th Congress, lilinawin ko lang po: Wala po sa batas na nagsasabi na dapat patawan ang mga OFWs nang karagdagang premiums sa pamamaraan na nais pong ipatupad ng PhilHealth. Iyan po ay nasa implementing rules and regulation para lang po sa kaalaman ng lahat.

A-kwatro na po tayo ng Mayo, ikaapat na araw mula nang ma-lift ang Enhanced Community Quarantine at mapairal ng General Community Quarantine sa iba’t ibang lugar sa ating bansa. Masyado po sigurong maaga para makita natin ang kinalabasan ng GCQ pero kailangan po lang na mag-practice pa rin tayo ng social distancing at pagsuot ng facemasks.

Uulitin ko po, ito po ang mga areas na nananatili under ECQ: Ang National Capital Region; ang Region III with the exception of Aurora; ang Region IV-A (CALABARZON); ang Probinsiya ng Pangasinan; ang Benguet; Iloilo, kasama po ang Iloilo City; Cebu, kasama po ang Cebu City; ang City of Bacolod; at ang City of Davao.At sa kahuli-hulihang pagpupulong po ng IATF, nagkaroon po ng rekumendasyon na isama ang Probinsiya ng Albay at ang Zamboanga City sa mga lugar na mananatili sa ECQ. Noong huling meeting din po ay pinayagan po ang gobernador ng Albay na ilagay sa ECQ ang siyudad ng Legazpi.

Nasaan na ho tayo dito sa laban natin sa COVID-19? Mayroon na po tayong 9,233 na mga kababayang nagkasakit ng COVID-19. Ang mabuting balita naman po, 1,214 ang gumaling sa sakit, halos doble po sa mga namatay na 607.

Kung makikita po natin ang graph, well, nagpapakita po na tumataas pa rin po ang mga kaso ng COVID-19. Pero inaasahan din po natin na iyong pagtaas ng kaso ay dahil na rin nagkaroon na rin po tayo nang mas maraming testing nitong mga nakaraang araw.

Pagdating po sa mga namatay, well, dumadami pa rin po ang suma-total ng mga namamatay pero lumiliit naman po iyong mga namamatay sa pang-araw-araw. Kahapon po ay apat lang po ang na-record na namatay. Samantala ang total recoveries, makikita ninyo po sa graph na ito na talagang patuloy po ang pagtaas ng mga gumagaling, at matarik po ang linya na nagsasabi na talagang mas maraming mga pasyente ang gumagaling ngayon sa lalong mabilis na panahon.

Nagkaroon na po tayo ng 104,146 PCR tests, pero ito po ay hindi pa kasama ang mga tests na ginagawa ng pribadong sektor sa Project ARK. Nagkaroon po sila nang mahigit-kumulat na 5,000 additional rapid tests. At sa Maynila alone po ‘no, sa Maynila, doon sa dalawang lugar sa Maynila, sa Sampaloc at sa Tondo ay nakadiskubre po sila ng 94 cases na positive at saka 107 cases na positive sa Tondo and they will be subjected to PCR testing as well.

Mayroon na po tayong 15 We Heal as One Centers dito po sa Metro Manila at mga karatig na probinsiya – Ito po ang Philippine Arena quarantine facility na nagsimula po na mag-operate noong April 30, 2020; Ito po iyong Ninoy Aquino Stadium quarantine facility na sa ngayon po ay mayroon ng 90 admitted cases. Ginagamit na po at marami na rin pong gumaling diyan sa Ninoy Aquino Stadium; Iyong World Trade Center quarantine facility naman po ay ngayon po ay mayroong 384 na mga Pilipinong mga OFWs na naka-quarantine po ngayon diyan sa World Trade Center.

Balitang IATF: Ang National Task Force Against COVID-19 po ay humingi ng isang linggong temporary suspension for all international airports inbound flights effective May 3, 2020. Ang dahilan po ay mayroon na po tayong mga 20,000 na mga OFWs na nakauwi at niri-require na po silang lahat na magkaroon ng PCR. Kina-quarantine po natin sila, binabayaran ng OWWA sa mga hotel at naubos na po ang mga kwarto sa mga hotels na ito. So kinakailangan natin ng panahon para lumabas po ang resulta ng mga PCR tests bago natin payagan muli na dumating ang iba pa nating mga OFWs. Araw-araw po, mahigit-kumulang 2,000 na po ang dumarating na ating mga kababayang OFW.

Balitang IATF din po: Naaprubahan na po iyong Resolution #31. Kagaya ng aking sinabi kanina, nagrerekumenda po na mapasailalim pa sa ECQ ang Probinsiya ng Albay at ang Siyudad ng Zamboanga; pero hinihintay po natin ang approval ng ating Presidente dito.

Mabuting balita po ‘no: Nagdesisyon din po ang IATF na irekumenda sa Presidente at alinsunod naman po ito sa kagustuhan ng Presidente na mabigyan ang lahat ng nangangailangan. Magbibigay pa po tayo ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program sa hindi lalampas sa five million na karagdagang pamilya doon po sa first tranche ng SAP.

Uulitin ko po: Hindi lang po 18 million families ang makakakuha ng ayuda sa first tranche ng Social Amelioration Program, dinagdagan na po natin ng five million or ang suma-total, 23 million po alinsunod sa pangako ng Presidente na dapat mabigyan ang lahat ng nangangailangan. Pero humihingi po ako ng inyong pag-intindi, bagama’t five million po iyan na additional na pamilya na mabibigyan ng ayuda sa first tranche, ang katunayan po ay marami pa rin ang magrereklamo na dapat sila mabigyan. Pero limang milyon na po iyan dahil narinig ng Presidente ang iyong kahilingan.

Para sa second tranche po ng SAP, nirekumenda po sa Office of the President na bigyan pa rin ng ayuda iyong mga lugar na nasa ilalim ng ECQ pero ito po ay inaantay ang approval ng ating Presidente.

Now, balitang IATF din po: Ang National Task Force COVID-19 Chief Implementer po ay nag-approve na iyong request ng mga iba’t ibang LGUs para po sa sweeper flights para po sa kanilang mga constituents. Ibig sabihin po, papayagan na lumipad pauwi sa kaniya-kaniyang mga probinsiya iyong mga na-stranded sa iba’t ibang mga lugar. Ito po ay provided na mayroong minimum health standards at provided din na ang gastusin po dito ay sasagutin ng mga LGUs na nag-request.

Pang-apat, ang National Task Force Deputy Chief Implementer na si Vince Dizon ay itinalaga po bilang Chief Coordinator para sa T3 – Trace, Treat and Test Program ng ating gobyerno.

Ang Department of Health naman po ay pinayagang magbigay ng exemptions para sa mga persons travelling in between GCQ ang ECQ zones para sa kanilang urgent life saving medical interventions and other medical considerations.

Isa namang mahalagang anunsyo po mula sa Department of Finance at Bureau of Internal Revenue, dahil nga po sa mga areas na nasa ilalim pa ng ECQ, nag-isyu po ang BIR ng Revenue Regulation # 11-2020. At ito po ay nag-e-extend ng deadline para doon sa, unang-una, magpa-file ng annual income tax return for individuals earning purely compensation income. Ang naunang deadline po niyan ay April 15, dahil sa ECQ ito po ay June 14, 2020. Iyong deadline po para sa annual income tax return for individuals including mixed income earners, estates and trusts, ang original deadline April 15, inusog po natin to July 14, 2020. Ang annual income tax return po for individuals earning income purely from business and profession, original deadline po ay April 15, 2020, ngayon po ay July 14, 2020.

Dito naman po tayo sa good news. Unang-una, nagkaroon po ng report ang prestihiyosong magazine na The Economist. At ang sabi po ng The Economist, ang Pilipinas daw po ay pang-animsa emerging economies na mayroong high-level of financial strength. Ibig sabihin, malakas po ang ating ekonomiya. Ang Pilipinas po ay pangatlo sa Asya at nangunguna po sa ASEAN. Kasama rin po sa top ten ang iba bang ASEAN countries na pinangungunahan po ng Thailand na number 7, at iba pang Asian countries kasama na ang Saudi Arabia, Bangladesh at Tsina. Congratulations po, Mr. President and to the entire economic team.

At siyempre po, kami po ay binabati ang ating His Eminence Cardinal Luis Antonio Tagle sa kanyang pagkakatalaga bilang isang Cardinal Bishop – ito po ang pinaka-highest title ng isang Cardinal sa Simbahang Katolika. Ang tagumpay po ninyo, Your Eminence, ay tagumpay ng buong sambayanang Pilipino. Maraming salamat po sa karangalan and congratulations.

Questions, Joyce of DZMM.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Yes, good afternoon po, Secretary. Sir, just to be clear on government policy on relief operations, I believe nabalitaan din po ninyo this weekend, naaresto po si former Senator Jinggoy Estrada dahil hindi daw po siya nakipag-coordinate sa LGU at wala po siyang hawak na quarantine pass when he gave out free bangus sa mga taga-San Juan. Ito po ba ay dapat po na ginawa, inaresto si former Senator Estrada?

SEC. ROQUE:   Alam po ninyo, pinapaubaya na po namin iyan sa mga nag-e-enforce ng ECQ diyan po sa San Juan.  At ang balita ko naman po, sang-ayon sa PNP ay binigyan po ng stern warning si dating senador Estrada – we leave it at that. At nakikiusap po kami doon sa nais magkawanggawa, makipag-coordinate po tayo sa LGUs dahil doon sa pagibigay ng ayuda sa ating mga kababayan ay kinakailangan naman po magkaroon ng safeguards nang hindi po magkumpul-kumpulan at dagsain kayo ng mga taumbayan. Kinakailangan magkaroon ng mga hakbang para masigurado ang social distancing habang namimigay ng ayuda.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Some were saying, Secretary, that this is an issue of politics in San Juan City. May panawagan po ba ang Palace sa LGUs in terms of politics sa mga ganitong panahon na mayroon tayong kinakaharap na pandemic?

SEC. ROQUE: Ang panawagan po ng Presidente sa buong sambayanan ay isantabi po muna natin ang pulitika habang nandito iyong krisis sa COVID-19.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Secretary, you mentioned may mga places nga po recommended for extension of ECQ. How about mayroon po bang places naman na dinenay [denied] ang IATF para mapasailalim sa ECQ?

SEC. ROQUE:  Wala pa naman pong nade-deny. Ang inaktuhan po ay mayroong mga pending requests.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Balik session na po ang Congress today, mayroon po ba tayong inaasahan from our lawmakers? May panawagan po ba tayo na sana unahin nila na key pieces of legislation?

SEC. ROQUE:   Umaasa naman po kami na talagang magiging kaagapay po ng Presidente ang ating mga kongresista at senador para magbigay ng tulong sa buong sambayanan sa panahon ng krisis na ito.

USEC. IGNACIO:  From Francis ng Tribune: Napag-usapan daw po ba ang posibleng pag-lift ng ECQ sa National Capital Region by City po mismo? Natanong po ito kasi may ilang cities  daw po sa Metro Manila ang mataas pa rin ang COVID-19 cases like Quezon City and Manila, and there are fears  from some na baka daw ma-lift na ang ECQ sa mga siyudad na ito eh mas tumaas daw po ang COVID-19. Ano po ang take dito ng IATF?

SEC. ROQUE:  Well, bilang tagapagsalita po ng IATF, wala pa pong desisyon kung ano ang mangyayari pagdating ng a-quinse ng Mayo. Ang desisyon po ay naka-base sa siyensiya at naka-base po doon sa ating ekonomiya. Habang hindi po sapat ang ating kapasidad na magbigay ng medical attention doon sa posibleng mga magkasakit ay baka hindi pa po ma-lift ang ECQ. Pero bina-balanse din po natin iyan doon sa karapatan ng mga mamamayan na magkaroon ng hanapbuhay. Siguraduhin lang po natin na kaya nating bigyan ang lahat ng magkakasakit ng medical attention dahil hanggang ngayon po ay wala pang bakuna, wala   pang gamot din sa COVID-19. Pero wala pa pong desisyon dahil pang-apat na araw pa lang mula po noong magkaroon ng two-week extension ang ECQ – titingnan po natin ang datos.

USEC. IGNACIO:  Iyong second question niya: If ever daw po na mag-decide na ang IATF na mag-GCQ ang NCR, do we expect activity sa Palace on Monday, May 18? Status quo pa rin po ba or virtual presser pa rin tayo?

SEC. ROQUE:  Wala naman po akong nakikitang problema dito sa virtual pressers na ginagawa natin.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Secretary, good afternoon po. Sir, I would like to ask for your—doon po sa PhilHealth, I understand suspended na po iyong pagtataas po ng contributions sa OFWs. But, sir, ibig sabihin suspended pero in the long run, sir, sisingilin pa rin po ba sila? So many OFWs and different groups are reacting to this na sabi po nasasaktan masyado iyong OFWs dito sa pagtataas na ito. Is there any possibility na completely hindi na po matuloy itong pag-i-increase ng contribution sa OFWs?

SEC. ROQUE:  Well, sa ngayon po, habang mayroon tayong krisis, ang naging desisyon  ng Presidente, huwag muna tayong magpataw ng karagdagang pahirap sa ating mga OFWs lalung-lalo na sa panahon na napakadami sa kanila ang nare-repatriate at nawala na rin ng trabaho. Now, whether or not tataas po iyan, well, riyalidad po na ang isang insurance system ay kinakailangan naka-base po sa actuarial science. Ang nililinaw ko lang po ay unang-una, ang pagtaas po ay hindi 3%; it’s only .5%, hindi po 3%. At pangalawa, nakasaad po sa batas  na ating sinulong na kapag hindi nakapagbayad  ng premiums, hindi po iyan dahilan na mawalan ng benepisyo. So kahit anong mangyari po, sagot po tayo ng estado dahil alinsunod po ito  sa  obligasyon ng estado na magbigay ng karapatan ng kalusugan sa lahat ng mga mamamayang Pilipino.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Secretary, on another topic. Today is May 4 and ngayon po iyong araw na mag-i-expire iyong franchise ng ABS-CBN. What can we expect when 12 midnight strikes, will they go off air? And at the same time, sir, over the weekend SolGen Calida has warned the NTC against issuing a provisional authority to ABS-CBN. Is there any chance na mag-intervene ang Presidente or Malacañang to let ABS-CBN continue with its operation considering, sir, that we are in a crisis, and ABS-CBN and so other media networks are also playing  a very important role?

SEC. ROQUE: Well, ang SolGen po ay isang alter ego ng ating Presidente at sumulat na nga siya  sa National Telecommunications Commission. Itong bagay pong ito is a matter that must be dealt with by the NTC as a quasi-judicial body at hihintayin po natin ang sagot ng National Telecommunications Commission. At ang Presidente naman po, ipapatupad po kung ano ang magiging desisyon ng National Telecom Commission.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  So, sir, halimbawa po, kung ang scenario natin is hindi po makapagbigay ng provisional authority itong NTC, wala na pong ABS-CBN by tomorrow, tama po ba? And at the same time, possible po ba or can the President, parang for this crisis lang, sir, suspend muna iyong rules governing or surrounding iyong regarding sa franchise ng ABS-CBN po?

SEC. ROQUE: Mayroon po kasing batas na nagbibigay ng kapangyarihang magbigay ng kasagutan dito sa mga tanong mo sa National Telecommunications Commission. So hahayaan po namin ang NTC na magdesisyon. At kung anuman ang desisyon ng NTC, ipatutupad din po iyan ng buong gobyerno. So ang desisyon po ay nasa NTC.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  I remember during an ambush interview with President Duterte, sabi po niya noon na pinapatawad na po niya iyong ABS-CBN at iyong ginawa po ni SolGen before was on his own. At this time, sir, is the Solgen acting on his own when he warn the NTC? Kumbaga wala pong kinalaman si Presidente doon sa naging recent  action in SolGen Calida?

SEC. ROQUE: Well, ang alam ko po ay iyong alam ninyo rin na napatawad ng Presidente ang ABS-CBN; pero hindi naman po pupuwedeng ma-impluwensiyahan ng ating Presidente ang NTC dahil sa batas, desisyon po niya iyan. Desisyon po ng Komisyon iyan at hindi naman po pupuwedeng pangunahan ng Presidente ang NTC pagdating sa isyung ito. Hayaan na muna natin magdesisyon ang NTC.

Thank you, sir. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: USec. Rocky?

USEC. ROCKY: Secretary, dalawa iyong tanong ni Kris Jose ng Remate pero iyong ikalawang tanong niya nasagot ninyo na about PhilHealth. Iyong unang tanong niya: Muli pong nag-positibo si Senator Sonny Angara sa COVID-19 and then may isa ring sundalo na after two weeks gumaling pero nag-positive pa rin daw ulit sa Zamboanga del Sur. Ano daw po ang explanation sa bagay na ito, normal bang itong ganitong usapin; at kung maaari daw po itong maging batayan para ma-extend ang ECQ sa National Capital Region after May 15? At ano daw po ang maipapayo ninyo sa mga pasyenteng nakakaranas ng ganitong sitwasyon?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, best wishes and get well soon kay Senator Angara; but I’m not qualified to answer your question. Hindi po ako doktor, so I would defer to USec. Vergeire.

Maricel Halili?

MARICEL HALILI/TV5: Magandang hapon po. Sir, just a few clarification lang po doon sa additional beneficiaries for the first tranche. Paano po pipiliin iyong additional five million? Automatic po ba na iyong na-reject doon sa first list kasama na po sila doon sa additional five million?

SEC. ROQUE: Mayroon naman pong guidelines ang DSWD at mayroon ding appeals procedure. So, siguro titingnan din ng DSWD iyong mga pamilya na na-reject noong unang beses na nagdesisyon kung sino iyong eighteen million families na iyan.

So, ang suma-total po diyan inaasahan natin na limang milyong karagdagang pamilya ang magkakaroon ng ayuda at sang-ayon din po iyan sa guidelines ng DSWD.

MARICEL HALILI/TV5: Opo. Pero saan po natin kukunin, sir, iyong funds considering na iyon pong two hundred billion na nakasaad po doon sa Bayanihan Act allotted po for only eighteen million families? So, ano po iyong plano natin?

SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po, first tranche pa lang ang malinaw. Aabangan po natin ang desisyon ng ating Presidente para sa second tranche; but I can assure you na iyong ayuda na ibibigay sa additional five million families is within the budget given to Congress for the SAP.

MARICEL HALILI/TV5: But, sir, will there be any changes po doon sa seven-day extension na ibinigay ng DILG considering na sa ngayon po like iyong sa Navotas, nasa 13.2% pa lang daw po iyong nadi-distribute nila, so mahihirapan sila na matapos and then there’s additional five million. So, will there be an extension po doon sa distribution?

SEC. ROQUE: Well, definitely po kasi iyong five million karagdagang pamilya po iyan. So iyong mga hindi nakatanggap, masama ang loob, may pag-asa pa po dahil naintindihan naman ng Presidente natin na talagang napakadaming nawalan ng hanapbuhay noong tayo ay nagkaroon ng ECQ. Kaunting tiyaga lang po, pasensya na po talaga, hindi po natin gustong mangyari ito.

Pero uulitin ko po: Iyong 4Ps natin kasi ipinamimigay natin sa pamamagitan ng pagpapatawag sa lahat ng beneficiaries sa mga multi-purpose centers at ginagawa iyan isang araw, tapos na, eh hindi po natin puwedeng gawin ngayon iyon dahil kinakailangan nga mag-social distancing. Kaya nga maraming mayor na nagsabi na ipakulong ninyo na po kmai at hindi namin talaga kayang gawin dahil nga mayroong social distancing rule.

So pag-intindi na lang po, kapit-bisig tayo, makakaraos din po tayo, makakarating din po sa inyo ang ayuda.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, last na lang po. What will happen po doon sa second tranche ng Amelioration? Will there be any delay considering po na mayroong additional for the first tranche?

SEC. ROQUE: Well, number one: Hindi pa po natin alam kung anong scheme ang aaprubahan ng Presidente. Ito namang five million additional families, alinsunod iyon iyon sa deklarasyon ng Presidente na dapat lahat ng nangangailangan ay dapat mabigyan.

Pero uulitin ko po, talagang hindi—wala pong aamin na ang lahat ng nangangailangan ay nabigyan kasi mayroon at mayroon pa ring magrereklamo na hindi sila nabigyan at nangangailangan sila. Pero siyempre po, limited ang budget pero sa tingin ko ang five million out of the original eighteen ay napakalaking porsyento po iyan in terms of additional families na makakatanggap ng ayuda.

MARICEL HALILI/TV5: Thank you, sir.

SEC. ROQUE: Thank you. Back to USec. Rocky.

USEC. ROCKY: From Rose Novenario of Hataw. Dalawa po ang tanong niya pero iyong second question niya nasagot ninyo na po about iyong arrest kay former Senator Jinggoy Estrada. Ito po iyong una niyang tanong: Makatwiran po ba na maging hostage ang isang OFW na kailangang magbayad ng mataas na PhilHealth premium bago maisyuhan ng Overseas Employment Certificate habang ang matataas na opisyal ng PhilHealth ay tumatanggap ng mahigit isang bilyong pisong bonus at benepisyo? Napanagot na po ba ang mga alleged tiwaling opisyal ng PhilHealth sa mga napaulat na anomalya gaya ng ghost patients at ghost dialysis?

SEC. ROQUE: Nahirapan akong sumagot diyan, Rose, kasi parang may conflict of interest ako bilang isang Harry Roque na nagsulong ng Universal Healthcare at Harry Roque na nilalabanan iyong kurapsyon sa PhilHealth. Pero bilang spokesperson po ng Presidente, ang masasabi ko lang po, inatasan na po ng Presidente ang POEA at OWWA na huwag ng gawing requirement ang pagbayad ng PhilHealth para makuha iyong Overseas Employment Certificate (OEC). So, hindi na po kayo hostage gaya ng sinabi mo.

Pagdating doon po sa isyu ng good governance sa PhilHealth ay hindi na po ako magkokomento diyan. In my personal capacity, ang sasabihin ko na lang po, zero tolerance po ang Presidente sa kurapsyon. Nakabinbin po sa Ombudsman ang mga kaso at inaasahan po natin na ang bagong liderato ng PhilHealth ay tingnan naman at pag-aralan itong mga reklamong ito. Zero tolerance po ang Presidente Duterte sa kurapsyon sa PhilHealth.

Joseph Morong? Joseph?

JOSEPH MORONG/GMA7: Hello, sir?

SEC. ROQUE: Yes, Mr. ‘Last Question’, kumusta ka na?

JOSEPH MORONG/GMA7: Yes, sir. Sir, first subject—[LAUGHS]

SEC. ROQUE: [LAUGHS]

JOSEPH MORONG/GMA7: Ayos lang. Sir, first subject of maybe three. First subject sa SAP: You said that the President added five more million na families. How much would this entail?

SEC. ROQUE: Well, hindi po ako magaling sa multiplication pero that’s five million times five to eight thousand per recipient.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, dati before iyong ibang mga provinces inilagay sa GCQ, ang sabi ng IATF, kayo… ng Malacañang, is that itututok iyong SAP sa ECQ areas na lamang. Ibig bang sabihin nito, sir, na iyong mga nasa GCQ now will not receive SAP anymore?

SEC. ROQUE: Wala pa pong desisyon na pinal pero mukhang ganoon po tayo patungo kasi binuksan na naman po natin ang ekonomiya noong mga lugar na nasa ilalim ng GCQ at puwede ng mag-hanapbuhay iyong mga mamamayan natin sa GCQ areas.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. So, sir, wala na—puwedeng—puwede or wala na iyong sa GCQ areas?

SEC. ROQUE: Hindi pa po pinal iyan pero pupuwedeng mangyari po iyan dahil nga po dinamihan natin iyong mga makakakuha ng ayuda sa SAP, naging twenty-three million instead of eighteen, so at—siyempre po iyong superseding event ay puwede na mag-hanapbuhay iyong marami nating mga kababayan under GCQ.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, just last on this topic. Bakit ganoon, whose fault is it na may mga nagrereklamo pa rin na hindi nakakatanggap ng SAP this late in the game, tapos na tayo sa isang buwan, more than one month?

SEC. ROQUE: Alam mo, we have to go beyond finger pointing, ang importante makarating ang ayuda sa taumbayan at iyan naman po talaga ang pinakikiusap na po ng Presidente. Gawin na po natin ang lahat under the limitation na kinakailangan may social distancing, iparating na natin iyung ang ayuda.

One consolation po eh is ang mga local government units naman talaga ay namigay din ng ayuda galing sa kanilang sariling mga budget, pero hindi po iyan sapat so the President is again appealing to all LGUs, it’s a matter of life or death po and that is how they should deal with this issue of distribution of the SAP.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right. Sir, can I shift to GCQ. Si Secretary Año kanina, he floated the idea na mukhang ang direction natin is as far as iyong mga nasa ECQ areas, localized quarantine. Are you aware of this option and can you elaborate what he meant since you’re also in the meetings?

SEC. ROQUE: As I said po, it all depends on Science and it also depends on economics. Kung kakayanin natin na isarado ang ekonomiya indefinitely hanggang magkaroon ng bakuna, bakit hindi? Eh, hindi po natin kaya iyon, so the next best is buksan iyong mga lugar kung saan mayroon ng kapasidad na magbigay ng medical treatment para naman magkaroon na ng hanapbuhay iyong mga mamamayan.

And that is one possibility ‘no, na puwedeng maibaba ang ECQ sa Metro Manila, anything is possible at puwede rin na iyong mga hotspot sa Metro Manila will remain under ECQ. It will depend po doon sa datos na makakalap natin bago mag-decide ang IATF kung anong gagawin on or before May 15.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, in terms of data, iyong health capacity, I’m sure you’ve discussed it sa meeting ‘no. Ano iyong capacity natin, healthcare capacity natin in Metro Manila?

SEC. ROQUE: Well, kulang pa po lalo na iyong ating critical care beds. In fact, almost exhausted na po iyong ating mga ICU beds sa Metro Manila kaya naman po ginagawan natin ng paraan na, unang-una, nili-limit na lang natin iyong mga malalalang kaso ng COVID-19, sila po iyong pupunta sa mga ospital; at iyong mga positive cases na pupuwede nang magamot na without the use of ICQ ay doon na sila sa We Heal as One Centers.

So, mayroon naman po tayong fifteen We Heal as One Centers, ngayon kaya mayroon naman po tayong additional capacity to deal with iyong mga taong mayroon ng sakit ng COVID-19.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, super last. Domestic travel – suspended siya ngayon but we’ve been discussing last week na puwede nang ituloy iyan, GCQ to GCQ. So, after next week mayroon ng domestic travel for ordinary people … ?

SEC. ROQUE: The latest from CAAP and DOTr is all commercial flights are still suspended until May 15, so although the possibility is there eh suspended po ang commercial flights, hindi sila maa-allow pa rin na lumipad even for domestic. So, ang pupuwede po ay iyong mga sweeper flights, iyong mga medical flights at iba pang mga emergency flights?

JOSEPH MORONG/GMA7: After May 15?

SEC. ROQUE: Well, after May 15 we will find out po because we will also determine nga in the first place kung puwede nang mag-operate ang NAIA at Clark at saka iyong mga major airports including Cebu and Davao, iyan po talaga iyong four largest airports natin eh, so napakahirap po talaga that the hubs are still under ECQ.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay.

SEC. ROQUE: Okay. Rocky? USec. Rocky?

USEC. IGNACIO:  From Bella Cariaso ng Bandera. May isa daw pong netizen na lumapit sa kanila at inireklamo ang nangyaring anomalya sa pagkuha ng Social Amelioration Program sa kanilang barangay sa Caloocan City. Ayon sa reklamo ni Nicole Longcop(?), may ibang kumubra daw po ng P8,000 na ayuda ng kaniyang 49-year old na nanay. Nang pumunta raw ang nanay niya para kunin ang P8,000 sa isang barangay noong April 28, sinabi ng namimigay ng SAP na may pumirma na at kumuha ng ayuda nila.

Hindi daw sila pinakinggan ng namimigay sa kaniyang reklamo, kahit daw po barangay ay hindi siya pinapasok nang magreklamo siya. Tinangka daw po nilang tumawag sa DILG para magreklamo pero wala umanong sumasagot sa telepono hanggang sa naubos na lang daw po iyong load nito. Taliwas daw po ito sa mga sinasabi ni Pangulong Duterte na magsumbong basta’t may reklamo. So, ano daw po iyong magagawa dito ng Malacañang? Humihingi po sila ng tulong sa Malacañang kung ano ang dapat gawin.

SEC. ROQUE:  Well, kung sinuman iyong nagtanong sa media, maraming salamat. Sa iyo na po kami makikipag-ugnayan para masigurado na maaktuhan ito ng DILG, pero sigurado po gagawa nang kaukulang hakbang ang DILG para parusahan kung sino po ang gumawa nito. So sa amin na po kayo makipag-ugnayan kung hindi ninyo ma-reach ang DILG and we will make sure na magkakaroon po ng aksiyon ang DILG. Pero hindi po iyan kinukunsinti ng ating Presidente.

USEC. IGNACIO:  From Aileen Taliping ng Abante Tonite: “Is there a chance for the left-out PWDs, senior citizens and single parents to be included in the second list for SAP? Apparently, marami umanong hindi nakatanggap ng cash assistance na dapat sanang makatanggap pero hindi daw allegedly naisama sa listahan ng DSWD.”

SEC. ROQUE:  Well, huwag na nating pag-usapan ang second tranche. Ang sagot ay yes, yes, yes, yes, yes – dahil mayroon na nga pong 5 million additional families na mabibigyan ng ayuda during the first tranche of SAP.

USEC. IGNACIO:  From Jason ng FOCAP: “Dr. Minguita Padilla who was among those consulted by the government has said that there appears to be an immense backlog in the number of cases being reported by the DOH, an estimated 8,000. She accused the DOH of lying. May we get the sentiments of the IATF about this?”

SEC. ROQUE:  Eh siguro hindi naman po pagsisinungaling iyan. It’s just siguro, mas kinakailangan natin nang mas accurate reporting. Ngayon nga po, iba na ngayon ang reporting ng DOH, nire-report nila iyong total number of tests done – 121,283 tests done; pero nire-report na rin nila kung ilang indibidwal – 107,000 individuals.

Mayroon din pong proposal na—alam ninyo kaya rin tumataas iyong figures ng mga new cases of COVID, kasi nagsu-swab tapos tumatagal nang tatlo hanggang apat na araw iyong resulta. So kapag nag-test ng positive, ire-record lang siya after makuha iyong positive test. So isang rekomendasyon ay kapag nag-positive ang isang tao, i-record iyong additional case na iyon doon sa petsa kung saan siya kinuhanan ng swab para mas accurate nang hindi naman tayo nagugulantang na biglang tumaas iyong figure – iyon pala, dahil lumabas lang iyong results ng swab testing ‘no.

So iyon lang po ‘no, at ito ang dahilan kung bakit tinalaga po si BCDA President Vince Dizon at buung-buo naman po ang tiwala ng buong IATF at ng Presidente kay Vince Dizon para maging T3 czar – Test, Trace and Treat. Pagtiwalaan po natin si Ginoong Vince Dizon na mapapadami pa niya ang testing capacity ng buong bayan, hindi lang po ng gobyerno, pati po ng pribadong sektor.

USEC. IGNACIO:  From Pia Gutierrez/ABS-CBN: Follow up lang po about their franchise. “What is Malacañang’s stand on the issue? How do you see the threat given by the Office of the Solicitor General that they may be prosecuted under the Anti-Graft and Corrupt Practices Act if they issue PAs to ABS-CBN and ABS-CBN convergence despite DOJ opinion that there is basis to allow broadcast entities to continue operating while their bills for franchise renewal remain pending in Congress?”

SEC. ROQUE:  Well, nasagot ko na po iyan, pero I will say it in another way siguro. We will apply the exhaustion of administrative remedies, the matter po ay dedesisyunan ng administrative agency which has specialized competence para magdesisyon sa mga bagay na ito, which is the National Telecommunications Commission, and we defer to whatever ruling the NTC may have.

USEC. IGNACIO:  From Angel Ronquillo and Jo Montemayor: May report daw po iyong DILG, may 16 posibleng malagay na, iyong iba ngang lugar dito sa Metro Manila sa GCQ, may listahan ba tayo Secretary? At kung iyong iba naman daw po sa Quezon City na posibleng ituloy pa rin iyong ECQ, kung may listahan na rin po daw?

SEC. ROQUE:  Ispekulasyon pa lang po iyan. Pang-apat na araw pa lang ng two-weeks extension, titingnan po natin ang datos – siyensya, ekonomiya – iyan po ang titingnan.

USEC. IGNACIO:  From Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: “Will the Palace support Secretary Duque’s call to suspend PhilHealth premium hike for OFWs,” at saka iyong, “any appeal daw to PhilHealth to settle financial obligations to hospitals – UST Hospital has retrenched workers partly due to financial losses including PhilHealth’s failure to pay 180 million obligation?”

SEC. ROQUE:  Well, as I said earlier po ‘no, ang Presidente na po ang nag-issue ng direktiba na itigil muna itong mga paratang o mga pabigat sa mga OFWs natin habang panahon po ng COVID-19. At iyan naman po ay nagkaroon nang mabilisang aksiyon ang ating Kalihim ng Kalusugan at sinuspinde nga iyong increased collection para sa PhilHealth ‘no.

At uulitin ko po, hindi na po kinakailangan ipakita ang resibo na nagbayad ng PhilHealth para makakuha po ng Overseas Employment Certificate. Lilinawin ko lang po kanina ‘no, noong sinabi ko na bilang author ng Universal Healthcare, wala po sa batas iyong ganitong pagsingil sa OFW. Iyan po ay nasa IRR, at hindi man lang po ako naimbita diyan sa IRR na iyan. So wala po tayong alam kung ano naging batayan nila sa pagsulat ng IRR na iyan. Ganoon pa man ay suspendido na po iyong probisyon ng IRR na nagpapataw nang mas mataas na PhilHealth premiums.

USEC. IGNACIO:  Okay. Secretary Roque, iyan po ang mga naging katanungan ng ating mga kasamahan sa Malacañang Press Corps.

SEC. ROQUE:  Okay. Maraming salamat po sa inyong lahat at as usual, mga kababayan, let’s all keep safe. And thank you Usec. Rocky.

SEC. ROQUE:  Okay. Maraming salamat Presidential Spokesperson Harry Roque. Maraming salamat sa Malacañang Press Corps. Salamat din sa RTVM. Sa ngalan po ng People’s Television Network, ako po si Rocky Ignacio. Salamat po.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)