Press Briefing

Press Briefing of Acting Presidential Spokesperson and PCOO Secretary Martin Andanar


SEC. ANDANAR: Magandang tanghali po sa ating mga kababayan at sa Malacañang Press Corps.

Narito po tayo sa Cebu para samahan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kaniyang pagdalo sa Adlaw ni Lapu-lapu, the five hundred first anniversary of the victory of Mactan, at para sa inauguration ng pinakabagong icon sa Cebu, ang Cebu-Cordova Link Project. Isa [na] naman po itong Duterte legacy na mapapakinabangan ng ating mga kababayan.

Umpisahan po natin ang ating press briefing ngayon umaga sa balitang IATF.

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force ang national vaccination certificate na inisyu ng Holy See para sa arrival quarantine protocols at interzonal-intrazonal movement. Kaugnay nito, inatasan ang Bureau of Quarantine, ang Department of Transportation – One-Stop-Shop, at Bureau of Immigration na kilalanin ang proof of vaccination ng Holy See.

Humarap naman si Pangulong Duterte kagabi para sa kaniyang regular Talk to the People address at ito po ang ilan sa naging highlights:

Muling nanawagan ang Pangulo na ipagpatuloy ang pagsunod sa health at safety protocols dahil sa mga report na magkakaroon ng COVID-19 surge. Dagdag ng Punong Ehekutibo, the only way to get rid of it is if we have a concerted effort to cooperate with government.

Sinusugan ito ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na na-manage ng Pilipinas ang previous surges ng walang bakuna. Ang tumulong para tugunan ang previous surges ay ang pagsunod sa minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face mask.

Ayon sa huling ulat ni Sec. Duque, nasa two hundred ten ang daily average cases. Nasa 1.3% naman ang positivity cases.

Ini-report naman ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na maaaring magkaroon ng pagtaas sa buwan ng Mayo, ayon sa mga eksperto. Kaya nanawagan si Sec. Galvez, na para mawala ang vulnerability, ito ang ating last mile challenge sa ating vaccination program.

Una, kailangan mabakunahan ang 1.8 million unvaccinated seniors. Kailangan ding bakunahan ang 20 million unvaccinated Filipinos at kailangang paigtingin ang coverage ng BARMM at Region 12.

Pangalawa, kailangang patuloy na magbigay ng wall of protection sa priority at vulnerable sectors.

Pangatlo, kailangan magbigay ng access at serbisyo sa geographically isolated at vulnerable areas.

At panghuli, pabilisin ang pediatric vaccination para maprotektahan ang ating mga bata sa pagkakaroon ng severe cases.

Kaugnay nito, nagpapasalamat kami sa patuloy na suporta ng ating mga kababayan sa COVID-19 response ng pamahalaan. Walo sa sampung Pilipino, o 83%, ayon sa OCTA Research, March 5 hanggang March 10 survey. Kayo na po, taumbayan, ang nagsalita. Maraming, maraming salamat po.

Sa usaping bakuna pa rin, nagsimula noong Lunes, April 25, 2022, ang rollout ng second booster doses para sa immunocompromised adults. Huwag po natin palampasin ito. Added protection ito sa atin. Tandaan: Ligtas, gumagana, at libre po and second booster.

As of April 26, 2022, nasa mahigit 72.4 million ang naka-first dose habang nasa mahigit 87.6 million na ang fully vaccinated, ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard.

Nasa mahigit 13 million naman ang naka-booster shots. Overall, nasa mahigit 146.2 million ang total doses administered.

Sa mga tsikiting na edad lima hanggang labing-isang taong gulang, nasa mahigit 1.9 million na ang fully vaccinated, samantalang ang mga batang dose hanggang disisiete anyos, nasa higit 9.1 million ang fully vaccinated, as of April 26, 2022.

Pumunta naman tayo sa ating mga lolo at mga lola, nasa 6.6 million ang fully vaccinated seniors, as of April 26, 2022.

On other matters, we express our sincerest gratitude to the government and people of South Korea for their solidarity statement on Typhoon Agaton that recently hit our country.

South Korean President Moon Jae-in wrote, and I quote, “On behalf of the Korean government and people, I express condolences to the bereaved families in great sorrow and pain. My heart is also with those who have been displaced and lost home due to the unexpected disaster as well as with the people of the Philippines sharing the grief. I hope that the search for survivors and recovery work will proceed smoothly under your leadership so that the people of the Philippines can swiftly return to their peaceful life.”

At sa iba pang mga Duterte legacy at mga bagay, nilagdaan po ni Pangulong Duterte ang Republic Act no. 11691 na lumilikha ng Office of the Judiciary Marshals sa ilalim ng kontrol at supervision ng Supreme Court sa pamamagitan ng Office of the Court Administrator. The Office of the Judiciary Marshals shall be primarily responsible for the security, safety and protection of the members, officials, personnel and property of the judiciary, including the integrity of the courts and its proceedings.

Pinirmahan din po ni Pangulong Duterte ang Republic Act No. 11696, na nagbibigay compensation sa pagkawala at pagkawasak ng mga ari-arian at pagkawala ng mga buhay sa 2017 Marawi Siege. Ayon sa batas na ito, bubuo ng isang independent at quasi-judicial body na tatawaging Marawi Compensation Board na pamumunuan ng isang chairman at walong mga miyembro na i-a-appoint ng Pangulo.

Sa mga kaibigan natin sa media, pinirmhan po naman ni Pangulong Duterte ang Republic Act No. 11699 na nagdedeklara sa August 30 ng bawat taon na “National Press Freedom Day.” Ito ay bilang pagkilala kay Marcelo H. del Pilar, ang ama ng Philippine journalism, na ipinanganak noong August 30, 1850. Congratulations po sa mga kaibigan ko sa National Press Club, na sila po ang nanguna para ito’y maipasa at mapirmahan ng ating Pangulo.

At panghuli, nilagdaan din ni Pangulong Duterte ang Republic Act No. 11708 na lumilikha ng Metropolitan Davao [Development] Authority or MDDA. Kasama sa scope of services ng MDDA ang development planning; transport management; solid waste disposal and management; flood control and sewerage management; urban renewal, zoning, land use planning and shelter services; health sanitation, urban protection and pollution control; and public safety.

Good news po, extended hanggang May 30, 2022 ang libreng sakay sa MRT-3. As of April 26, 2022, mahigit pitong milyon na mga pasahero ang nakinabang sa “Libreng Sakay” program ng MRT-3 management at DOTr.

Pumunta na tayo ngayon sa mga tanong ng MPC. Magandang hapon sa iyo, Undersecretary Rocky Ignacio.

USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Martin. And good afternoon din po kay Usec. Mancao.

Una pong tanong mula kay Bianca Dava: What are three issues or challenges that you think await the next president and administration?

SEC. ANDANAR: Sound fiscal policy reforms might be a challenge as it is needed to address our economic recovery from the COVID-19 pandemic, the 10-point policy agenda adopted by the Duterte administration through Executive Order No. 166 definitely have accelerated and sustained economic recovery from the COVID-19 pandemic; second ay, to address the subvariants of the COVID-19. Presently, we have more than 67 million vaccinated individuals; at pangatlo po, is to continue the significant strides of the Duterte administration in fighting drugs, crimes and terrorism.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ang susunod po ay tanong pa rin ni Bianca Dava: Do you have any advice or message to the one succeeding President Duterte on how he or she could possibly face or address these issues?

SEC. ANDANAR: Alam mo, Bianca, we expect a smooth transition from the Duterte administration to the next administration. The Palace hopes that the next administration will continue the priorities and programs of President Duterte for peace and order which includes fighting crime, illegal drugs and corruption. At para po naman sa infrastructure spending, to pursue the gains of the Build, Build, Build program at para po sa social welfare ito ng mga Pilipino. Alam po naman natin na kapag mayroon tayong Build, Build, Build… if we inject investment in our infrastructure ay trabaho rin ang naililikha nito para sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. I think pupunta po tayo kay Usec. Cezar Mancao ng CICC. Go ahead, Usec.

DICT USEC. MANCAO: Magandang tanghali po sa lahat.

SEC. ANDANAR: Good afternoon po, Undersecretary Mancao. Kumusta po kayo, sir?

DICT USEC. MANCAO: Mabuti naman po, dito lang po sa opisina.

SEC. ANDANAR: Opo. Mayroon po ba kayong report, sir?

DICT USEC. MANCAO: Yes. Last Sunday, ang aming CICC kasama ang PNP Anti-Cybercrime Group ay nakahuli nitong tatlong suspects na miyembro ng XOX group na kung saan sila’y nag-threat sa ating Smartmatic at Comelec at sila ay may nakuhang data na kung hindi sila kakausapin ay sila’y magbubulgar.

Ito’y simula noong January 10 na inilabas ng Manila Bulletin at iyon na nga, noong hindi sila pinansin ay nagpalabas sila ng iba’t ibang mga impormasyon na na-access nila doon sa Smartmatic servers at pinalabas nila sa mga social platforms kagaya ng Facebook at [unclear].

Iyong tatlong mga nahuli ay napaylan [file] din po namin ng kaso. Noong Monday, sila’y kinasuhan ng Violation of the Cybercrime Prevention Act of 2012, na particularly iyong System Interference, iyong Illegal Access and Attempt in the Commission of Cybercrime. Sila po ngayon ay nasa Camp Crame.

SEC. ANDANAR: Usec. Rocky, baka mayroon pong mga katanungan ang ating mga kasamahan sa media kay Undersecretary Cezar Mancao?

USEC. IGNACIO: Opo. So far, ang tanong po na hawak natin dito ay para po sa’yo ‘to, Secretary Martin. Mula po kay Vic Somintac ng Radyo Agila: Ano daw po ang reaksiyon o plano or programa/hakbang ng pamahalaan kaugnay po sa mga manggagawang humihingi ng taas-suweldo?

SEC. ANDANAR: Ang petisyon po ng ating mga manggagawa, Vic, ay diringgin ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board. So, hintayin po natin ang magiging resulta ng kanilang review. Thank you, Vic.

USEC. IGNACIO: Opo. Susunod pong tanong ni Vic Somintac ng Radyo Agila-DZEC: Palace’ reaction daw po dito sa possible surge ng COVID-19 after election?

SEC. ANDANAR: Naku, Vic, iyan po iyong napag-usapan namin ni Pangulong Duterte kagabi. Pakiusap po natin sa ating mga kababayan na to fully practice minimum public health protocols. Iyon pa rin po – suot ng face mask, social distancing, maghugas ng kamay, kung maaari po ay umiwas tayo sa mga crowded areas kung wala namang dahilan o rason na tayo’y dapat nandoon. At kung hindi pa nababakunahan, hinihikayat po natin ang ating mga kababayan na magpabakuna at magpa-booster na – libre po naman ito ‘no – ito po’y dagdag na proteksiyon laban sa pagkakasakit ng COVID-19. Sabi nga ni Secretary Galvez kagabi na more than 90% na nagkaroon ng COVID-19 ay dahil sa hindi sila bakunado.

USEC. IGNACIO: Opo. From Ivan Mayrina po ng GMA News: Any update po sa proposal to redefine fully vaccinated to include at least one booster dose or setting an expiration date for vaccination cards? What other steps that are being undertaken to mitigate the imminent surge as projected by experts?

SEC. ANDANAR: Ivan, ito ay patuloy na pinag-uusapan ng Technical Working Group ng IATF. Sa ngayon, ang pagsunod sa minimum public health standards or iyong protocol katulad ng mask, hugas, bakuna, iwas plus booster ang ating tugon laban sa COVID-19 surge.

USEC. IGNACIO: Opo. Susunod pong tanong mula kay Maricel Halili ng TV5: Personal bang dadalo si Pangulong Duterte sa campaign rallies na sinasabing pagsasanib ng PDP-Laban sa UniTeam? Saan at kailan ito gagawin?

SEC. ANDANAR: Mayroon pong imbitasyon pero wala pa pong venue at petsa, Maricel.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Maricel: Ano ang desisyon ng Malacañang sa May 3 at May 9? May proclamation na ba ang dalawang petsang ito bilang holiday? Pareho po sila ng tanong ni Ace Romero ng Philippine Star.

SEC. ANDANAR: Wala pa pong nilalabas ang Malacañang Records Office kaugnay sa May 3 at sa May 9, so hintayin na lang po natin ang Malacañang Records Office para hindi po tayo makuryente.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula po kay Jo Montemayor ng Malaya: Will President Duterte consider attending the US-ASEAN Summit virtually or online since it is close to the elections?

SEC. ANDANAR: We’ll defer this to the Department of Foreign Affairs.

USEC. IGNACIO: Basahin ko na lang din po iyong second question niya, Sec.: Who will he send as his replacement to the US-ASEAN Summit if he cannot attend even virtually?

SEC. ANDANAR: Again, we will defer this to the Department of Foreign Affairs. But it was mentioned by the President during our meeting last night, iyong kalihim na puwede niyang ipadala doon sa United States ay most likely, it’s going to be SFA.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Jenna Balaoro ng GMA News: Ano po ang posisyon ng Palace, bawal po ba o puwede na raw pong gamitin ng mga bus [companies] ang mga private terminals [nila]? Sabi raw po ng LTFRB, ng MMDA, ng DOTr, bawal pa rin daw po ito.

SEC. ANDANAR: Siguro po ay kakausapin muna natin ang DOTr o LTFRB para maliwanagan po ang tanggapan po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula po kay Marichu Villanueva ng Philippine Star: Secretary Andanar, if President Duterte raw po has already written a congratulatory letter, message to newly re-elected French President Emmanuel Macron? What are the thoughts of President Duterte on the newly concluded presidential run-up debates in France?

SEC. ANDANAR: We’ll have to defer that to the Department of Foreign Affairs dahil hindi po namin napag-usapan kagabi.

USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol po ni Ace Romero ng Philippine Star: Sabi po ninyo, no venue pa at no date pa po ang UniTeam at PDP-[Laban] rallies, pero dadalo po ba ang Pangulo?

SEC. ANDANAR: Hindi po ako nakakatiyak kung siya po ay dadalo. Pero mamaya ay magkasama po kami, I’ll try to ask him.

USEC. IGNACIO: Opo.

Okay. Maraming salamat, Secretary Andanar. Iyan lang po muna iyong nakuha nating mga tanong sa ating kasamahan sa media, sa Malacañang Press Corps. Maraming salamat po, Usec. Cezar Mancao.

SEC. ANDANAR: Thank you so much, Usec. Rocky Ignacio.

Usec. Mancao, baka mayroon po kayong final message sa ating publiko before we wrap this press briefing up.

DICT USEC. MANCAO: Well, sa amin po, Sec., napag-alaman dito sa aming nahuli ay ito ay mga scammers lang ‘no. Kasi marami pong nagpanggap na ang resulta ng eleksiyon ay mari-rig, makapagbago o makapagbigay sila ng mga resulta na pabor doon sa kanilang pulitiko na magbabayad sa kanila subalit ito ay scam. Kasi bagamat kaya nilang ma-manipulate iyong sa Smartmatic Systems pero ang Comelec pa rin ang may control. At ang Comelec ngayon ay talagang nag-learn na ng kanilang lesson noong mga nakaraang eleksiyon, at sila ay [may] marami nang secured firewalls sa sistema, maraming multilevel access na, marami nang susi kumbaga, at several encryptions na in-implement kaya secure po ang ating eleksiyon ngayon.

Huwag kayong maniwala doon sa mga sabi nating nagri-rig o mandadaya na magbabayad sila. Sila ay lulokohin lamang nitong grupo na ito. Alam na namin na napakalaki ng grupong ito at napaka-powerful iyong nakuha nilang Sistema/data doon sa Smartmatic kung saan binuo iyong automated election system na hindi naman makapasa sa actual na eleksiyon.

Salamat po, Secretary Martin.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong assurance at paalala, Undersecretary Cezar Mancao. Mabuhay po kayo.

Maraming salamat muli kay Undersecretary Rocky Ignacio at sa ating mga kasamahan sa Malacañang Press Corps.

Dito po nagtatapos ang ating press briefing. See you again on our next briefing. Stay safe and healthy everyone.

Tandaan: Basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ang anumang pagsubok.

Maayong udto kanatong tanan.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center