Press Briefing

Press Briefing of Acting Presidential Spokesperson and PCOO Secretary Martin Andanar


SEC. ANDANAR: Magandang tanghali po sa ating mga kababayan at sa Malacañang Press Corps. Ito ang ating kauna-unahang Palace briefing matapos ang eleksyon noong Lunes, May 9, 2022.

Kaugnay nito, binati ng Pangulo ang Commission on Elections, mga guro, mga uniformed personnel, volunteers at iba pang mga grupong mayroong kinalaman sa eleksyon sa kaniyang regular Talk to the People Address kagabi, Miyerkules, May 11, 2022. Ayon sa Pangulo, sa pangkalahatan ay naging mapayapa ang eleksyon noong Miyerkules ng gabi.  Ito ay sinusugan ni Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nag-ulat na mayroong 16 validated election-related incidents from January to May 9, 2022.  Napakagandang Duterte legacy po ito.

Habang hinihintay natin ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa pagkapangulo, nilagdaan ni Presidente noong Martes, a-diyes ng Mayo 2022, ang Administrative Order no. 47 na lumilikha ng Presidential Transition Committee or PTC at internal transition committees sa mga departamento at mga ahensiya sa Ehekutibo.

Ang Executive Secretary ang magtsi-chair ng PTC, kasama ang mga sumusunod na mga miyembro: Ang Kalihim ng National Economic and Development Authority; ang Kalihim ng Department of Budget and Management; ang Kalihim ng Department of Finance, at ang Kalihim ng Department of Foreign Affairs.  Samantala, ang Office of the Cabinet Secretary at Presidential Management Staff ang magbibigay ng technical and secretariat support sa PTC.

These are the functions of the PTC:

  • It shall serve as the overall and central coordination committee of all executive departments, agencies, bureaus, government-owned and controlled corporations and other instrumentalities of the government relative to the transition to the new administration.
  • The PTC shall oversee the preparation and implementation of the respective transition activities of all government agencies, to ensure continuity and maintain the efficiency of government services;
  • And, the PTC shall perform such other functions the President may direct.

Sa usaping bakuna.  As of May 11, 2022, nasa mahigit 73 million ang naka-first dose habang nasa mahigit 68.5 million ang fully vaccinated ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Nasa mahigit 13.5 million naman ang naka-booster shots. And overall, nasa mahigit 148 million ang total doses administered.

Sa mga tsikiting na edad lima hanggang labing-isang taon gulang, nasa 2.2 million na ang fully vaccinated, samantalang ang mga batang dose hanggang disisiete anyos ay nasa higit 9.2 million ang fully vaccinated as of May 11, 2022.

Pumunta naman tayo sa ating mga lolo at lola, nasa 6.7 million ang fully vaccinated seniors as of May 11, 2022.

Sa ibang balita po naman, unang good news.  The Philippine gross domestic product or GDP according to the Philippine Statistics Authority posted an 8.3% [growth] in the first quarter of 2022.  This is a testament of how effective the approach of the administration is in ensuring our people’s safety from COVID-19 while giving the public the opportunities to alleviate hunger and joblessness.

Pangalawang good news. Foreign Direct Investment or FDI net inflows, according to the Bangko Sentral ng Pilipinas, jumped by 46.3% year-on-year in February to reach US $893 million in February 2022 from US $611 million recorded in February 2021.

Pangatlong magandang balita. Preliminary data from the Philippine Statistics Authority shows that manufacturing grew at its fastest pace in seven months last March 2022.  Manufacturing surged more than four times or 336.3% year-on-year in March. Isang magandang ekonomiya.

Makikita sa tatlong good news na ito na maayos na ekonomiya ang isang napakagandang Duterte legacy na ipapamana ng Pangulong Duterte sa susunod na administrasyon.

Pang-apat na magandang balita. Bago pa man ang opening ceremony ng Southeast Asian Games sa Vietnam ngayon araw ay humakot na ng mga medalya ang team Pilipinas.  As of May 11, 2022, 11 P.M., mayroon na po tayong one gold, five silver at five bronze.  Suma total ay mayroon na tayong 11 medals, ayon sa Philippine Olympic Committee o POC. Congratulations po!  Laban atletang pinoy sa Hanoi.

Pumunta na tayo ngayon sa mga tanong ng MPC. Magandang tanghali sa iyo, Undersecretary Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Andanar, at sa atin pong Malacañang Press Corps.

Una pong tanong mula kay Alvin Baltazar ng Radyo Pilipinas: Nabanggit daw po dati ni Pangulong Duterte sa mga nakaraan na kung sinuman daw po ang mananalo sa pagkapresidente ay kaniyang iimbitahan sa Palasyo para sila ay magkausap. Kailan natin kaya ito inaasahang mangyayari?

SEC. ANDANAR: Alvin, hintayin muna natin ang proklamasyon ng presumptive president. I’m very sure na excited lahat.

USEC. IGNACIO: At ang susunod pong tanong niya, Secretary: Kailan daw po ang huling Cabinet meeting na ipatatawag ng Pangulo?

SEC. ANDANAR: Pagdating po naman sa huling Cabinet meeting, inaayos pa ang schedule ng Office of the President, Office of the Cabinet Secretariat at ng Appointments Office.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Ang susunod pong magtatanong via Zoom, si Mela Lesmoras ng PTV.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi, Secretary Andanar. Follow up lang po doon sa naging tanong ni Kuya Alvin for the smooth transition nga. Kasama na po ba doon sa pinaplano naman ng Presidential Transition Committee nga iyong pag-iimbita doon sa magiging bagong presidente? At particularly kasi ngayon may COVID-19 pandemic pa rin, may issue sa ekonomiya… ano po iyong mga nakikitang particular steps ng Transition Committee para nga matiyak na hindi mapapabayaan at magtutuluy-tuloy iyong [progreso] ukol sa mga isyung ito?

SEC. ANDANAR: Magandang tanghali sa iyo, Mela. Sabi nga ng Pangulo, hintayin muna natin ang proklamasyon ng presumptive president. Pero just to give a sneak peek, again dalawang klaseng transition iyan: iyong isang transition ay para doon sa mga departamento, kaniya-kaniyang departamento – ito ‘yung proklamasyon na binanggit natin kanina; at iyong pangalawa naman ay iyong inagurasyon, iyong transition, inagurasyon ng susunod na pangulo.

Noong mga nakaraang inagurasyon, iyong kay Pangulong Duterte sa Malacañang; iyong [kay] Pangulong Aquino ay sa Quirino [Grandstand] at iba’t ibang lugar ‘no ang pinagdausan ng inagurasyon. At ito naman ay magdidepende kung saan gusto ng president-elect, kung saan niya gustong ma-inaugurate.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And, sir, just for the record kasi may lumalabas ngayon na nagpaabot na po ng pagbati si US President Joe Biden kay presumptive president Bongbong Marcos. Sa impormasyon po ba natin, nagkaroon na kaya ng any communication si Pangulong Duterte kay Marcos?

SEC. ANDANAR: Kausap ko lang si Pangulong Duterte kagabi at hindi naman namin napag-usapan iyon.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. At panghuli na lamang po, Secretary Andanar. Kasi May 12 na, malapit na namang mapaso iyong alert levels natin ngayon since sinabi na rin ni President Duterte kagabi sa Talk to the People na mababa pa rin talaga iyong mga kaso COVID-19. Finally, madi-dispel na po kaya iyong mga rumors at ibang pangamba noong ilan na magkaka-lockdown after eleksiyon at kailan po kaya iyong announcement ng bagong alert levels?

SEC. ANDANAR: Ito ay pag-uusapan at pagdedesisyunan ng IATF bago magtapos ang current alert level sa Linggo, May 15. So, hintayin natin kung ano ang desisyon na ito.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Maraming salamat po, Secretary Andanar, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Mela.

Secretary, ang susunod na magtatanong ay si Sam Medenilla ng Business Mirror: Ano daw po ang Palace’s reaction sa 8.3% GDP growth for the first quarter, although may nabanggit na kayo, Secretary, tungkol dito, pero ano daw po ang measures ng government para ma-sustain ito by the next administration?

SEC. ANDANAR: Itutuloy-tuloy lang ng ating Finance or Economic Cluster team kung ano ang ginagawa nito for the last five months. At kita naman natin na 8.3 iyong ating gross domestic product, ibig sabihin, tama ang ating ginagawa.

Kagaya ng sinabi ko kanina, magandang transition ito pagdating sa economy dahil ang bagong administrasyon na papasok ay hindi sila magkakandarapa na iangat o pataasin ang GDP dahil mataas na.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod pong tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Na-approve na kaya ni President Duterte ang proposed non-monetary measures ng NEDA to control inflation? If yes, ano po kaya ang mga nasabing measures?

SEC. ANDANAR: Hindi pa po ito napag-uusapan sa Gabinete, Sam.

USEC. IGNACIO: Opo. Susunod pong magtatanong si Ivan Mayrina ng GMA News: Sa isang nakaraang Talk to the People nitong Marso, binanggit po ng Pangulo na aalis siya sa Malacañang and will move out by April. Nag-alsa balutan na nga ba ang Pangulo? If so, where is he holding residence now?

SEC. ANDANAR: Ang lahat ng mga detalye ay kasama sa pag-uusapan ng Presidential Transition Committee at ng transition committee ng presumptive President. Kung anong percentage na sa mga gamit ng ating Pangulo ang nailipat na sa Davao [ay] wala akong information diyan.

USEC. IGNACIO: Ang kasunod po niyang tanong: What other preparations are being made for soon-to-be citizen Duterte? Baka may madagdag lang kayo, Secretary?

SEC. ANDANAR: Hindi namin napag-uusapan kung anong preparasyon ang ginagawa ng ating Pangulo para sa kaniyang paghahanda na maging isang private citizen. But knowing the President, and also based doon sa mga sinabi niya noong mga nakaraan ay ipagpapatuloy niya ang kaniyang advocacy for good government, ipagpapatuloy niya ang kaniyang advocacy para labanan ang korapsyon at labanan ang ipinagbabawal na droga sa ating lipunan.

USEC. IGNACIO: Opo. Last question po ni Ivan Mayrina: May in-assign na bang security detail o PSG for presumptive President Bongbong Marcos?

SEC. ANDANAR: I still don’t have information also about that but once I see the PSG head [ay] itatanong ko sa kaniya.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Andanar. Thank you, Malacañang Press Corps.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Usec. Rocky at sa lahat ng miyembro ng Malacañang Press Corps.

Dito po nagtatapos ang ating press briefing. See you again on our next briefing. Stay safe and healthy everyone.

Tandaan: Basta laging handa at sama-sama, kaya natin ang anumang pagsubok.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)