USEC. IGNACIO: Magandang araw. Upang ihatid po ang mahahalagang balita at impormasyon, kasama na po natin si Presidential Spokesperson Harry Roque.
SEC. ROQUE: Magandang umaga, Pilipinas. Nasaan na ho ba tayo sa laban natin sa COVID-19? Well, ang sumatotal po ng mga kababayan nating nagkasakit na ng COVID-19 ay nasa sampung libo’t apatnapu. Pero mabuting balita po, dumadami po ang mga gumagaling 1,506 at ang mga namatay ay 658 na po.
Makikita po natin sa graph na bagama’t paakyat-baba sa mga nakalipas na araw, mayroon naman pong general trend na nagpa-flatten po iyong curve, at least panimula na nagpa-flatten ang curve.
Ang mga namamatay po, bagama’t bahagyang tumaas po noong mga nakalipas na araw, ang general trend po ay pababa na ang dami ng mga namamatay; bagama’t ang sumatotal ay tumataas pa rin.
Walang kaduda-duda po, napakataas na nang inakyat ng mga numero ng ating mga kababayan na nakaka-recover po sa sakit na COVID-19.
Ito naman po makikita natin na bagama’t marami pa ring mga bagong COVID cases, ang pagtaas naman po ay hindi masyadong matarik. At makikita na rin natin na iyong mga nagre-recover ay pataas na po ang numero, ang mga namamatay ay parang pareho lang po on a daily basis.
Balitang IATF po tayo, na-adopt na po iyong IATF Resolution No. 33. Ang unang na-adopt po nila ay ang isang food security framework and food safety guidelines for the agricultural and fishery sector. Ibig sabihin po, ito iyong isang framework o panigurado na hindi tayo mauubusan ng kakainin.
Na-adopt din po ng IATF ang mga rekomendasyon ng NEDA tungkol doon sa mga tinatawag na supply chain issue. Nagkaroon po tayo ng creation of Sub-Task Force Group for Supply Chain, iyong launching ng Supply Chain Analytics at saka iyong development ng Scan Dispatch Optimization Sub-Task Force for Medical Supplies. Ang ibig sabihin po nito, iyong tinatawag na ‘chain’ ay panigurado na mula pumasok ang mga pangangailangan natin ay makakarating ito sa kinakailangang puntahan nang lalong mabilis na panahon, lalung-lalo na po pagdating sa mga medical supplies at equipment na kinakailangan natin.
Nagkaroon din po ng resolusyon na inaatasan ang DILG na tumulong po sa DOTr doon sa pagko-coordinate ng isang programa na tinatawag na ‘Hatid Estudyante Program’. Itong programa pong ito ay mag-uuwi sa mga stranded na estudyante sa kani-kanilang mga probinsiya.
Nagkaroon din po tayo ng approval na magkaroon po ng isang national framework para po ma-increase iyong physical and mental resilience ng ating publiko. Kinakailangan po, manatiling malusog hindi lang ang pisikal kundi po pati ang ating pag-iisip.
Nagkaroon din po ng establishment ng Regional Inter-Agency Task Force sa lahat ng mga rehiyon na pamumunuan po ng Center for Health Development ng mga rehiyon.
Now, pagdating naman po sa mga pagkakautang: Nagkaroon po tayo ng resolution na nagbibigay ng 30-day grace period sa pagbabayad ng lahat ng utang kasama na po ang lahat ng financial institutions – GSIS, SSS and PAGIBIG Fund – 30 days mula po doon sa pag-lift po ng ECQ or GCQ without incurring interest, penalties, fees or other charges.
At pagdating naman po sa mga renta, nagkaroon din po ng resolusyon na magkakaroon tayo ng grace period na 30 days from the last due date or until the Community Quarantine is lifted for residential and commercial rents, falling due within the duration of the ECQ or GCQ. Doon po sa mga sektor na hindi pinayagang mag-operate habang nasa GCQ or ECQ.
Naaprubahan din po ng IATF iyong DTI at DOLE interim guidelines on the workplace prevention and control of COVID-19. Ito po iyong new normal, kung anong mangyayari doon sa mga lugar na pinagtatrabahuhan natin. Kinakailangan po magkaroon ng alternative work arrangements – iyong working hour shifts, iyong work-from-home kung pupuwede po at saka iyong pagtatrabaho on a rotation basis.
Kinakailangan po nagsusuot po ng face masks, ang mga meeting po ay kinakailangan mayroong minimum number of participants para masiguro po ang social distancing, at kung pupuwede, ang mga pagpupulong ay gawin na lang via video conferencing. Iyong mga tables po natin sa ating mga pinagtatrabahuhan eh ayusin po natin sa pamamaraan na magkakaroon ng physical distancing at kung pupuwede magkaroon po ng barriers in between tables.
Iyong mga work stations’ lay out po natin ay dapat idisenyo para po magkaroon ng isang direksiyon lamang nang pag-move sa mga aisles, corridors or walkways. One-way street in other words po.
Para po magkaroon ng physical distancing iyong mga taong nasa loob ng enclosed spaces such as sa mga kuwarto, tindahan or mga halls ay dapat limitahan; Iyong mga elevators po ay kinakailangan magkaroon ng physical distancing at i-limit po ang sakay ng mga elevators para magkaroon ng one-meter physical distancing.
Iyong paggamit ng stairs po ay ini-encourage. Kung mayroon pong dalawang stairways na accessible, iyong isang stairway po gamitin pataas at iyong isa naman po ay gamitin pababa para magkaroon ng social distancing.
Iyong online system po ay ini-encourage natin para po doon sa mga kliyenteng nangangailangan ng mga assistance from offices including the use of video conferences. Iyong mga roving offices po shall always ensure physical distancing in observance of minimum health protocols.
Iyong guidelines naman po para sa mga malls and shopping areas na nadeklara na under GCQ: Unang-una, kinakailangan po talaga magkaroon ng social distancing. Lilimitahan po natin ang mga tao na papasok ng malls na sisiguraduhin na ang isang tao ay mayroong access sa two square meters. Ibig sabihin one-is-to-two, one-is-to-two. Kung 200-square meter po ang tindahan, kinakailangan 100 persons lang ang pupuwedeng naroroon.
Kinakailangan po limitahan natin iyong entrances at para po sa mga seniors, iyong mga buntis at saka mayroong mga kapansanan, isa lang po ang puwedeng kasama; Kinakailangan po mayroong social distancing, one meter apart.
Kinakailangan mag-assign po tayo ng mga personnel doon sa mga mataong mga lugar at sa escalator naman po, every other step po ang tayo – sa escalator, so every other step. Tapos sa elevators po, eh i-limit na po natin ang pagsakay sa elevator sa mga malls. Hayaan na natin ang mga seniors, ang mga PWDs, ang mga buntis ang siyang gumamit ng elevators.
Kinakailangan po magkaroon tayo ng mga silya o upuan para sa mga nag-aantay, kapareho noong mga silya na hinahanda ng ating mga supermarkets at grocery nang masigurado po iyong social distancing. Kinakailangan magkaroon po tayo ng mga one-way flow para po ma-decongest iyong mga pila at kinakailangan po i-increase natin ang police visibility.
Kinakailangan magkaroon po tayo ng centralized pickup locations sa mga delivery service providers. Ang aircon po, hindi dapat malamig, 26 degrees at wala po dapat wifi dahil kapag malamig at may wifi, eh marami pong tatambay.
Wala muna po tayong sales at saka mga marketing events na magdadahilan para magdagsaan ang tao. At kinakailangan mag-implement pa po tayo ng iba pang mga hakbang gaya po ng express lanes kung kinakailangan.
Now, na-issue rin po kahapon ng ating Presidente ang Executive Order No. 114, ito po ay iyong sa ‘Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program’ as a pillar of balanced regional development. Ibig sabihin, iyong polisiya po na pinangungunahan ni Senator Bong Go eh pinapatupad na ngayon po sa Executive Branch of government.
Nagkaroon po tayo ngayon ng ‘Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Council,’ pinamumunuan po ito ng ating Executive Secretary; ang Vice Chairperson po ay ang Secretary ng NEDA at saka—NEDA po ang magiging Vice Chairman. At ang miyembro po ng komite ay halos lahat po ng mga kalihim ng iba’t-ibang mga departamento.
Sa immediate term po, magbibigay po ng financial and non-cash assistance ang DSWD para doon sa gusto nang umuwi. At ang napag-alaman ko po na dalawang probinsiya na ang tatanggap ng mga babalik-probinsiya – ang probinsiya ng Leyte at ang probinsiya ng Camarines Sur. Ang magbibigay po ng transportasyon ay ang Department of Transportation pero ang staging area po ay diyan po sa opisina ng National Housing Authority dahil ang General Manager po ng NHA ang siya ring magiging Executive Director ng Balik Probinsiya Program.
SEC. ROQUE: So, mayroon na po tayong mga allowances, mayroon na tayong mga sasakyan at mayroon na tayong koordinasyon sa mga local government units. Pero iyong long term naman po, kinakailangan magkaroon tayo ng policy shift; iyon batas po ay isusulong ni Senator Bong Go. Magkakaroon po tayo ng mga bagong ecozones doon sa mga iba’t-ibang lugar na mga nasa probinsiya at magkakaroon po tayo ng IRA review, at siyempre po, ikukonsidera din natin iyong increase ng population sa probinsiya at kinakailangan magkaroon ng bagong census sa Comelec.
Okay, shall we—on other matters po, bago natin sagutin ang mga tanong ng mga taga-Malacañang Press Corps, nais kong pasalamatan ang pamunuan po ng BCDA, ang DICT at ang PMS sa mga datos at infographics na inyong nakita sa ating presentasyon. Maraming-maraming salamat po sa inyo.
Ang unang tanong po ay kay Trish ng CNN…
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi, sir. Magandang umaga po.
SEC. ROQUE: Good morning.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, si Secretary Año po, binanggit niya po na after May 15 it’s possible that some areas in Metro Manila will now be placed under GCQ. Napag-usapan na po ba sa IATF kung anu-ano po itong mga cities in Metro Manila na ilalagay po sa GCQ? And ano po ang magiging parameters kung, at least for Metro Manila since epicenter po tayo, kung aling lugar iyong mga ilalagay under GCQ po?
SEC. ROQUE: Well, ang guidelines po niyan ay hindi po nagbabago ‘no, – iyong bilis na pagkalat ng sakit, iyong availability ng critical care. At ang mabuting balita naman po, doon sa last press conference ni Dr. Wong na nilabas niya iyong obserbasyon na kung dati-rati ang paglaganap ng sakit ay dumudoble every two to three days, ngayon po ay dumudoble siya every five to six days sa Metro Manila at pagdating sa probinsiya ay seven days pa. At sinabi rin ni Dr. Wong na mayroon pa tayong excess capacity pagdating sa mga ventilators at pagdating po sa ating critical care bed capacity.
So malamang, ito po iyong mga basehan sa deklarasyon ni Secretary Año na posible nang bumalik or magkaroon ng GCQ ang Metro Manila, pero hindi lang po ako sigurado kung ito ay magiging para sa buong Metro Manila dahil sa iba’t-ibang mga siyudad po ay patuloy pa rin po iyong pagdoble ng sakit every two to three days. Alam ko po sa aking siyudad na Quezon City ay mabilis pa rin po ang pagkalat ng sakit.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: So sir, most likely, chosen cities lang. And at the same time, sir, may report po na nagbabanggit na iyong waiting time daw po sa MRT ay posibleng umabot na ng two to three hours, ano po iyong puwedeng maging aksiyon ng Malacañang or IATF about this? Will you be asking specific agencies like MMDA, DOTr to provide transportation, sir? And at the same time, sir, kung dadami naman iyong mga sasakyan sa kalsada, hindi po ba mas lalala naman po iyong trapik?
SEC. ROQUE: Well, kaya nga po may imumungkahi ako mismo na personal sa IATF. Pero hayaan ninyo munang imungkahi ko muna sa susunod na pagpupulong ng IATF. Pero tama po kayo, dahil nga po kinakailangan mag-social distancing, kung ngayon ay 30 minuto iyong paghintay sa MRT, ay talagang lalo pa pong hahaba iyan paghihintay na iyan kung hindi natin pupunuin ang mga MRT at LRT. Sasabihin ko po sa inyo kung nagawa ko na iyong aking mungkahi.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Secretary, doon naman po sa issue ng ABS-CBN franchise. Many law experts are saying that this is now beyond legal questions, legal matters, and it’s become more political in nature, that’s one, sir. And at the same time, sir, kung halimbawa ii-script-off natin or isantabi natin lahat po ng technicalities surrounding the franchise and looking at the people na maapektuhan po. For example, may mga nagtatanong po na empleyado: Paano na iyong mangyayari sa trabaho nila sa mga susunod na buwan. Probably, sir, iyong mga anak could also be wondering if they could still enroll sa kanilang mga paaralan. Paano iyong mga breadwinner na doon umaasa, iyong mga talents na umaasa po sa kada shoot? Kung titingnan po ito ni Presidente Duterte, kasi alam po natin na he has a very strong political will and at the same time kilala rin po siya na administration na someone na malapit iyong puso sa mahihirap. In what way can we possibly expect the President to exhibit political will in this situation?
And, sir, tanong ko na rin po: Since the ball is in the Congress right now, kung halimbawa, sir, na umabot na sa table ni Presidente, will he sign it or will he just allow it to lapse or veto it, sir?
SEC. ROQUE: Unang-una, sagutin natin iyong isyu sa mga manggagawa dahil sila ang pinaka-apektado rito, iyong 11,000 na manggagawa ‘no. Nilinaw na po ni Secretary Bello ng DOLE na hindi naman po ibig sabihin wala na silang employment, palibhasa nagkaroon ng cease-and-desist order – empleyado pa rin po sila, kinakailangang suwelduhan pa rin sila despite the cease-and-desist order.
Pangalawa po, iyong usaping pulitikal ay, well, kung usaping pulitikal naman po ay ginawa na ni Presidente ang kaya niyang magagawa. Sinabihan na po niya ang kaniyang mga alyado, neutral po siya diyan sa isyu ng ABS-CBN. Kung dati-rati, alam nilang nagalit si Presidente; nakita naman ng lahat, tinanggap na ng Presidente iyong patawad ng ABS-CBN. Wala na pong ibang magagawa ang Presidente kung hindi sabihin nga sa kaniyang mga alyado sa Kongreso, bumoto kayo sang-ayon sa inyong mga konsensiya.
Pangatlo po, wala naman po talagang magagawa sa ngayon ang Presidente. Gustuhin man niyang bigyan ng prangkisa, sa Saligang Batas po, talagang Kongreso lang ang magbibigay ng prangkisa. Ang usapin lang po ay kung pupuwede bang panghimasukan ng Presidente ang National Telecommunications Commission? Well ito po, minabuti ko na na i-flash sa ating screen iyong kauna-unahang batas ‘no … iyong ating kauna-unahang batas na bumuo noong dating Ministry of Public Works and Ministry of Transportation and Communications kung saan unang nailagay po ang NTC sa ilalim ng Ministry of Transportation and Communications. Makikita ninyo po dito sa Section 16—sana po nakikita ninyo ngayon sa screen ninyo ‘no.
Sa Section 16 nakasulat po diyan na iyong National Telecommunications Commission ay nasa ilalim po ng control and supervision ng Ministry of Transportation and Communications except with respect to its quasi-judicial functions. Ito po ang dahilan kung bakit lahat ng desisyon ng NTC ay sa hukuman ho dinadala, hindi po sa Office of the President.
Itong quasi-judicial function po niya, hindi po ito nabago sa mga ibang batas pa na isinabatas ‘no. Palagi pong nasa ilalim ng either Department of Transportation and Communication at ngayon po ay DICT, ang NTC, pero hindi po nagbabago na quasi-judicial po siya. Kung ang Presidente po ay maghihimasok, it is a form of graft po because hindi po pupuwedeng ini-impluwensiyahan ng kahit sinuman ang desisyon ng mga quasi-judicial at judicial bodies.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Pero, sir, for example po, magawa po nila, ng Congress, na matapos iyong bill at ipasa for signing na po ni Presidente, can we expect the President to sign it?
SEC. ROQUE: Unless there is any Constitutional infirmity, I don’t think the President is inclined to veto it. Sinabi na nga po ng Presidente, “Neutral ako diyan, gawin ninyo na ang katungkulan ninyo, bumuto na naaayon sa inyong mga konsensiya.” Next question, Rocky.
USEC. IGNACIO: Okay. Question from Kris Jose of Remate: Kinuwestiyon ni Vice President Leni Robredo ang desisyon ng NTC na ipasara ang ABS-CBN sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19. Umaasa si VP Leni na mamumulat ang administrasyon sa panganib na dala ng pagsasara ng ABS-CBN habang patuloy daw po ang krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa COVID-19. Sabi po ni VP Leni, bakit ito ginawa ngayon sa panahong humaharap tayo sa matinding krisis. Wala dapat puwang sa panggigipit umano at pansariling interes sa mga panahon kung kailan dapat nagtutulungan.
SEC. ROQUE: Well, talaga pong iyan lang po ang magagawa natin ‘no, kuwestiyunin ang desisyon ng NTC. Dahil sang-ayon sa batas, it is a quasi-judicial body, hindi po natin pupuwedeng panghimasukan. Malaya naman po tayong kuwestiyunin ang desisyon na iyan pero ultimately, tanging ang NTC lang ang pupuwedeng magbigay ng desisyon at tanging mga hukuman lang ang pupuwedeng bumaliktad sa desisyon na iyan.
Pero sa tingin ko po, dahil bukas naman po ang Kongreso, ang solusyon ay kinakailangan hingin ng ABS-CBN ang kaniyang prangkisa sa ating Kongreso.
Joyce Balancio?
JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes, good afternoon, Secretary. Just a follow up question lang po sa question ni Trish on mga sinabi ni Secretary Año. Puwede po ba nating sabihin na iyon na po ang magiging direksiyon natin, at least, pagdating sa NCR because he mentioned specific cities na okay naman po iyong development? Like for example iyong San Juan and Valenzuela, posible daw na isailalim sila sa GCQ. Ito na po ba iyong magiging direksiyon natin? Is the IATF looking into specific cities sa NCR for GCQ after May 15?
SEC. ROQUE: Well, kung hindi po magbabago ang datos ‘no na nagpapakita ngayon na bumabagal na iyong pagkalat at mayroon pa tayong kapasidad na magbigay ng critical care ay siguro po iyan ang direksiyon. Kaya nga po ang pakiusap ko sa mga nalalabing araw – konting tulog naman po ito – manatili po sa ating mga tahanan nang hindi po mahirapang magbigay ng desisyon ang IATF na baguhin na ang ECQ, lalung-lalo na sa Metro Manila.
JOYCE BALANCIO/DZMM: When can we expect the IATF po to release the list of cities in NCR na isasailalim po sa GCQ?
SEC. ROQUE: Well, the ECQ will end on May 15, so I suppose it will be a few days before May 15 dahil kinakailangang mag-transition din tayo to GCQ para doon sa mga areas na pupuwede nang mag-GCQ. Ganiyan naman din po iyong ginawa natin bago matapos iyong original ECQ noong a-treinta ng Abril.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Update lang po, Secretary, you mentioned before that they are at least seven other places or provinces also requesting for them to be placed under ECQ. May update na po ba ang IATF if these were denied or approved?
SEC. ROQUE: Wala pa po. These matters to be taken up in the next meeting. If I am not mistaken, the next meeting is tomorrow, Friday. So nandoon po tayo.
JOYCE BALANCIO/DZMM: On ABS-CBN lang, sir. Does the Palace think that the Congress is at par with its job of you know really representing the people who elected them? I am asking this sir, because there are a lot of statement of support for ABS-CBN pouring in at this time coming from different organization, press corps, groups and even, you know, ordinary citizens, if you just look at social media, you will see a lot of statement of support calling for the renewal of the franchise of the network. Sir, should Congress not ignore these statements, if they really want to prove that they are staying true to their oath that they will be serving only the interest of the people who elected them?
SEC. ROQUE: I think that is a matter that is better left to be answered by Congress. But having been myself a part of the House of Representatives, ang masasabi ko lang po – at ang Presidente rin natin ay naging Kongresista rin — hindi naman po bulag, hindi naman bingi ang inyong mga representante sa hinaing ng mga taumbayan.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Should they not ignore?
SEC. ROQUE: Well, nasagot ko na po iyan. Sa aking eksperyensiya po at ang eksperyensiya din ng ating Presidente noong kami po ay parehong nasa Kongreso, hindi naman po nagbubulag-bulagan, hindi naman nagbibingi-bingihan ang mga Congressman sa hinaing ng kanilang constituents.
USEC. IGNACIO: Okay, question from Bella Cariaso. Secretary, tatlo po iyong question niya. Reaksiyon po sa statement ni Bishop Broderick Pabilio, Apostolic Administration ng Archdiocese of Manila sa pagsasara ng ABS-CBN. Sabi niya the specter of martial law is coming up. This action of the government is not uniting the people. In fact, it is using the pandemic as a cover for its dastardly deed?
SEC. ROQUE: Nirerespeto po natin ang desisyon ni Bishop, pero ang katotohanan po, bukas po ang Kongreso, bukas po ng ating Supreme Court at ating ibang mga hukuman, bukas po ang mga media outlets, bukod lang po sa ABS-CBN dahil nawalan nga siya ng prangkisa. So, sa tingin ko po, malayung-malayo tayo sa sitwasyon ng martial law noong 1972.
USEC. IGNACIO: Ang second question niya, even Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr., reacted on the shutdown of ABS-CBN saying it’s a shame for the National Telecommunications Commission (NTC) and the House of Representatives. Ano po ang masasabi ng Palasyo dito na maging opisyal ng gobyerno na naniniwalang kahihiyan umano sa NTC at Kamara ang ginawa sa ABS-CBN?
SEC. ROQUE: Wala naman po kaming reaksiyon, dahil iyan ay personal na opinion ni Secretary Locsin. We leave it at that.
USEC. IGNACIO: May mga residente daw po sa Barangay Talipapa, particular sa Villa Sabina Subdivision ang nagrereklamo na hindi man lang sila nabigyan ng SAP form. Ngayon ang distribution ng P8,00o na ayuda sa Barangay Talipapa pero wala pa daw pong nag-iikot para mamigay ng form sa SAP. Ano po ang payo ninyo sa kanila, tumatawag daw po sila at nagte-text sa hotline ng barangay, pero wala naman daw pong response?
SEC. ROQUE: Siguro dumiretso na po kayo sa DILG, kay Undersecretary Dino, dahil siya po ang undersecretary for Barangay Affairs, iparating po ninyo kay Undersecretary Dino ang inyong reklamo.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sa backlog, ilan po iyong backlog natin?
SEC. ROQUE: Sa backlog sa SAP, ang huling ulat po ng DSWD…
JOSEPH MORONG/GMA7: Hindi sir – sa testing?
SEC. ROQUE: Well, hindi ko po alam kung ilan ang backlog. Ang alam ko lang ay kung ilan na ang na-test natin. As of last time, iyong last press briefing natin, 121,000 individuals at, kung hindi ako nagkakamali, around 124,000 tests or something like that. So malaki po. Ang backlog na hinihingi ninyo, iyong mga inaantay na mga resulta sa PCR, wala po akong ganiyang datos bagama’t ang alam ko po talaga ay may katagalan po dahil 3 to 4 days inaabot ang resulta.
JOSEPH MORONG/GMA7: Iyong backlog sa SAP, since you mentioned it.
SEC. ROQUE: Sa SAP po, 75% na po ang naibigay sa taumbayan. So sa original na first tranche po, 25% na lang. Nagkaroon po ng extension ng deadline ng DILG, at sabi ng DILG, parang last question mo na talaga iyan, hindi na talaga pupuwedeng magkaroon ng further extension beyond May 10.
JOSEPH MORONG/GMA7: Iyan iyong latest, sir?
SEC. ROQUE: Yes.
JOSEPH MORONG/GMA7: Balik po ako doon sa backlog. Sir, kahapon kasi si Usec. Vergeire ‘no, mayroong data na doon sa Bulacan, 400 iyon na tests na hindi pa nakikita kung positive or hindi. Meaning to say, sir, iyong pine-present natin na data and even the DOH data, hindi po iyan real time ‘no?
SEC. ROQUE: Hindi po, in fact kaya nga po may pinag-aaralang proposal ngayon na kapag lumbas na iyong resulta ng mga PCR tests, i-record siya as of the time kinuha iyong swab. Kasi kapag ni-record mo iyan as soon as the results come out, biglang nag-i-spike iyong cases, hindi masyadong accurate. So may ganiyang proposal po.
JOSEPH MORONG/GMA7: So, sir, ibig sabihin, hindi kita iyong totoong picture and therefore, ito ba dapat ang maging basehan ng ating desisyon whether to lift iyong ECQ sa Metro Manila?
SEC. ROQUE: I wouldn’t say it’s completely 100% accurate but it’s fairly accurate at this point. Lalo na po ngayon na lalo nating pinapalakas iyong ating testing capacity with the opening of the four meg swabbing centers, at saka with the increase of our PCR testing centers. At bukod pa ito doon sa programa ng pribadong sector, iyong Project ARK na napakadami rin po nilang nakikitang mga positive dahil importante na sa puntong ito, we are at the verge of at least trying to restart the economy ay ma-locate, ma-isolate at ma-cure iyong mga may sakit, na magagawa lang natin through mass testing.
JOSEPH MORONG/GMA7: But, sir, should this be of basis, iyon pong inilalabas na data ng DOH for a decision to whether to lift the ECQ in Metro Manila?
SEC. ROQUE: I think it’s a good basis because, number one, lalo nga pong nag-i-increase iyong ating testing capacity. So as we come closer to May 15, we would have a better picture. Ang importante po, number of respirators, number of critical care beds at saka number of We Heal As One Centers kung saan natin pupuwedeng mailagay iyong mga hindi na kinakailangan na maospital na positibo sa COVID-19.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, ganito, umulan na kahapon at alam naman natin na iyong June is the onset of the flu season. So, may nag-point out lang po sa Facebook na parang kung halimbawa come June ay magkaroon ng sakit, ng ubo, sipon iyong mga tao, will we be treating them instantly as COVID cases o papaano natin ite-treat iyong mga ganoong ailments na normal during those period, but in the context of our present situation that we have COVID? Paano iyon sir?
SEC. ROQUE: Well, all I can say, Joseph, is we are aiming to reach 30,000 per day of PCR testing para nga mas mabuti ang ating gauge kung gaano kadami na iyong may sakit. At as we increase our capacity to test, we are also increasing our capacity to locate, to isolate and cure those with COVID-19.
JOSEPH MORONG/GMA7: Meaning, sir, if you have the 30,000 tests, more or less, by that time nahiwalay na natin iyong mga may COVID and therefore, those that we will see ay baka ordinary na sakit, tama ba iyon?
SEC. ROQUE: Yes. In fact, that 30,000 is PCR test, kailangan bilangin din natin iyong rapid test na gagawin natin. Although, the government target is 2.2, the private sector target is in excess of 1 million already. Kasi iyong mga nag-i-empleyo, alam nila na para ma-restart ang kanilang mga negosyo, kinakailangang ma-test din iyong kanilang mga empleyado.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, last na lang. Iyong sa Balik-Probinsiya—
SEC. ROQUE: Ayan ka naman huh…[LAUGHS]
JOSEPH MORONG/GMA7: Initially, we—[LAUGHS] No, no… Initially, we taught it’s going to be after COVID. Even Senator Go said maybe after COVID but right now, pinapaandar ninyo na pala iyan?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po kasi habang mahirap ang buhay sa Metro Manila, marami talagang gustong umuwi na sa kanilang mga probinsiya. So, ginagawa naman po ng paraan na iyong talagang iba na nais nang bumalik sa kanilang mga probinsiya ay makabalik na.
So, ito naman po ay panimula pa lamang, kinakailangan mag-comply pa rin sa mga quarantine protocols dahil ayaw naman nating kumalat ang COVID sa mga probinisya.
JOSEPH MORONG/GMA7: You mentioned two provinces, Leyte and Camarines ba iyon?
SEC. ROQUE: Camarines Sur.
JOSEPH MORONG/GMA7: Papaano iyong procedure, sir? Sino ang sasabihan nila na gusto ko ng umuwi?
SEC. ROQUE: Ayan nga po, ang secretariat po ay NHA, si GM po ang ating kumbaga chief enforcer nito. Ang mga bus will be provided by the DOTr and the coordination will be done by DILG. And of course, Department of Health will also contribute dahil kinakailangan masunod iyong testing protocols bago sila makauwi.
JOSEPH MORONG/GMA7: So, NHA sila magpapaalam, sir?
SEC. ROQUE: Opo.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Thank you for your time.
SEC. ROQUE: NHA, DILG. Rocky? USec. Rocky? Sige, habang wala pa si USec. Rocly, si Mr. Huang Zheng Zheng ng CCTV.
Mag-i-English tayo dito kasi hindi ito nananagalog.
Okay. Hello, Huang!
HUANG ZHENG ZHENG/CCTV: I would like to focus on the ECQ issue. I would like to know if we would like to lift to the ECQ, do we have any kind of indicative to help us determine we can do so or not. Let’s say, if we have any kind of indicatives, like how many days we have to continuously decrease of the confirmed cases or something like that?
SEC. ROQUE: We have actually approved in the AITF a decision-making guide on when to actually lift the ECQ and impose GCQ. The most important factors, as I said earlier, is the speed by which the disease is being transmitted and I have made an observation that in the past it was two to three days the cases would double in Metro Manila but we now have better indicators that it is now doubling at the rate of five to six days within Metro Manila. But outside of Metro Manila, it now takes seven days for the disease to double more or less.
So, this is pretty much a good indicator that the ECQ has been working but in addition to that, we’d look at critical care capacity, we’d look at ventilators, we’d look at the ICU beds and we look at the total beds available for those who need to be isolated.
HUANG ZHENG ZHENG/CCTV: So, because right now we have the Mega Swabbing Center already and under this situation that means maybe our current number will increase sharply. So, how do we handle this kind of situation if we have more cases before—after the end of May, because I know after the end of May we will have capacity to test 30,000 individual per day?
SEC. ROQUE: We anticipated of course the increase on the number of COVID cases until we have a vaccine or a cure, it will continue to increase. That is why we built We Heal as One Centers to serve as quarantine facilities because we know we cannot open the economy unless those afflicted with the disease can be located, isolated and cured.
HUANG ZHENG ZHENG/CCTV: Thank you, Secretary. And also, I would like to know, because this morning we have a report about our GDP contraction for the first quarter and NEDA said it may be worse in the second quarter. So, you just mentioned like we already have the guideline for the economic side like people – how they work at the office, something like that. But does the government has any plan to recover the economy under this kind of new normal?
SEC. ROQUE: Well, the good news for the Philippines is we have very sound economic fundamentals as evidenced by very good credit rating and a very strong peso and that is why despite the fact that we already imposed ECQ in the month of March, basically half the month of March, the economy contracted only by 0.02%.
We expect, of course, the economy to shrink even more during the month of April because the whole month of April was basically under ECQ and the first two weeks of May as well. So, we definitely expect a big contraction but the economic planners are very vigilant. We foresee a “V-Shape” of economic recovery. There will be a stiff decline in the GDP for the second quarter perhaps but we expect a very strong rebound courtesy of the Build Build Build Program of the government and number one: very prudent fiscal policy as well as prudent monetary policy which means we’re using public spending as a tool for economic recovery and we’re also using money supply as a tool also for economic recovery.
HUANG ZHENG ZHENG/CCTV: Thank you so much, Secretary.
SEC. ROQUE: Yes, Usec. Rocky? Ang daming English noon ah. Anyway… [LAUGHS]
Wala pa rin si Usec. Rocky. Who’s next? Melo, Melo Acuña. Melo…
MELO ACUÑA/CCTV: Good afternoon, Secretary.
SEC. ROQUE: Yes, go ahead.
MELO ACUÑA/CCTV: I hope you can hear me now.
SEC. ROQUE: Yeah, I can hear you now.
MELO ACUÑA/CCTV: Secretary, good afternoon.
SEC. ROQUE: Good afternoon.
MELO ACUÑA/CCTV: Maganda iyong balita tungkol doon sa Balik-Probinsiya, walang problema iyong uuwi sa probinsiya. Ang tanong ko lang muna, ano iyong daratnan nila sa probinsiya?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, lahat naman, lalung-lalo na iyong mga probinsiya na may GCQ ay medyo nagkaroon na po sila ng panahon para magkaroon ng economic activity. So, mas buhay po iyong mga nasa GCQ ngayon kaysa dito sa mga areas na nasa ECQ. So, sa tingin ko po ngayon mas maraming mga pagkakataon sa mga probinsiya.
At alam ninyo kasi dito sa ECQ, naging karanasan natin talagang pagdating sa pagkain mas matindi ang problema dito sa mga siyudad gaya ng Metro Manila kaysa sa probinsiya. Ang probinsiya palaging may gulay, hindi sila nagugutom pero dito sa Manila talaga kung walang ayuda ay mas maraming nagugutom.
So, sa tingin ko po alam din ng nagnanais na bumalik-probinsiya na mas may oportunidad na tayo ngayon sa mga probinsiya at lalung-lalo na doon sa pagdating sa pagkain mas less likely silang magutom sa probinsiya kaysa dito sa siyudad.
MELO ACUÑA/CCTV: Ngayon po sa tanong ko na. Maliban sa contact tracing, gaano na po kalawak ang nagawa ng pamahalaan para maunawaan iyong COVID-19? Sapagkat sa press briefing ni Gov. Andrew Cuomo kagabi, binanggit niya na sa New York, nalaman nila na karamihan ng mga pasyente na napasok sa ospital ay hindi umalis ng bahay, hindi sumakay ng public transport.
So, maybe makakatulong ito para sa pag-unawa natin kung mayroon tayong angkop na pananaliksik sa mga pinagmulan ng ating mga COVID-19 positive cases – number one—
SEC. ROQUE: Melo, I think I have to defer to USec. Vergeire on that point because I’m not a doctor, I’m not an epidemiologist, I can only speculate like you, so please ask that of Usec. Vergeire in her presscon this afternoon.
MELO ACUÑA/CCTV: Okay. Ngayon po, ang Malaysia nanghuli sila ng mga migrants kamakailan. Would you have any idea kung mayroong mga Filipinong nadakip dahilan sa – if I recall it right, si Mindanao Development Authority Chair Manny Piñol lumiham doon sa Malaysian, sa Sabah Gov. na huwag munang ipatapon pabalik sa Pilipinas iyong undocumented Filipinos – would you have any idea kung kumusta iyong ating undocumented Filipinos sa Sabah?
SEC. ROQUE: Ngayon po, wala akong actual information but I will inquire and on Monday I will answer your question. Okay, Melo—
MELO ACUÑA/CCTV: Thank you very much. Have a nice day!
SEC. ROQUE: May mga questions po na ipinarating na lang sa atin si Usec. Rocky. Ano ba iyong next question?
Question po ni Francis Wakefield ng Daily Tribune: With COVID-19 cases continuing to rise in the country especially in Metro Manila, when can we expect the IATF make a decision on whether i-extend pa ang lockdown sa NCR or local ECQ na lang?
Well, the ECQ is until May 15, on or before May 15 a decision will have to be made.
Question from Julie Aurelio: Will returning OFWs and their children be separated or will they stay together during the quarantine?
Ang polisiya po natin, pinagsasama po natin ang mga magulang at kanilang mga anak during quarantine.
Can we have an estimate of how much manpower the government needs for the 4 Mega Swabbing Facilities? How will the government maintain this manpower once the ECQ is lifted and work in the government/private sector resumes and volunteers have to go to work?
We need 1,500 po dito sa mga Mega Swabbing Facilities na ito at ito po ay para sa mga swabbers, encoders and barcoders; Lahat naman po sila ay susuwelduhan ng ating gobyerno kasama po ang hazard pay. Iyong mga volunteers, mayroon din po silang bayad at kung gusto nilang bumalik sa kanilang regular na trabaho, hahanap po tayo ng mga panibagong volunteers.
From—what are the quarantine procedures for pregnant OFWs? Are there OB-Gyn specialists in the quarantine facilities and other specialists for other illnesses?
Yes, dinesignate po natin ang National Children’s Hospital para dito sa mga buntis na OFWs. Lima na pong mga na-quarantine na OFW ang nanganak, iyong isa po ang pangalan ay Covid Bryant.
Question from Samuel Medenilla/Business Mirror: What is the reaction of the Palace on the contraction of GDP?
Well, of course we regret it but we’re glad that it’s a minimal contraction given that nag-ECQ na po tayo ng first—last two weeks of March which of part of the first quarter.
With the impact of the COVID-19 closing the economy during the second quarter, is the government expecting a recession?
Ang recession po kasi three consecutive quarters of decline in the GDP – we’re hoping po that pursuant to the “V” strategy eh baka naman po umakyat na by the time we hit the third quarter… we’re hoping.
How does the government plan to boost the GDP?
‘Already answered po, we’re relying on government spending through the Build Build Build Program and we’re relying also on sound monetary policy, we’re lowering interest rates and we’re asking banks to lower their… hindi, hindi lang interest rate mayroon pang isa, iyong kanilang deposit, so that more money will be available in the economy.
Question from Genalyn Kabiling/Manila Bulletin: Will the President sign into law or veto—
Already answered po unless there’s any further Constitutional infirmity, I don’t think we would veto pero depende po iyan dahil speculative din iyan, wala pa po iyong bill or the law.
Why has the President decided to keep a neutral stance on ABS-CBN? Why can’t he openly declare his support for ABS-CBN? [unclear] to counter his previous stance against the network?
Well, malinaw naman po iyan, independiente at co-equal branch of government ang Kongreso, ayaw naman niyan diktahan. It’s enough that he has cleared the air, he is now neutral as far as the franchise of ABS-CBN is concerned.
How will you address criticism, the government prefers the opening of POGOs over ABS-CBN that employs thousands of workers?
Naku! Hindi po apples to apples iyan, ang POGOs po, ang kinikita natin diyan eh six hundred million a month in regulatory fees alone, twenty-two billion pesos a year in income and one hundred eighty in withheld income tax alone, so—and of course in terms of employment, 35,000 po ang Filipino na nag-eempleyo diyan sa mga POGOs. Pero ang importante po iyong kikitain natin sa POGO na mahigit isang bilyon kada buwan ay pupunta po lahat sa COVID-19.
So, since there are no further questions, I’m sorry we lost contact with Usec. Rocky but thank you very much, Usec. Rocky.
And maraming salamat, Pilipinas. As usual, keep safe and healthy. Ako po ang inyong Spox, Harry Roque. Magandang tanghali po sa inyong lahat.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)