Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque



SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Umpisahan po natin sa balitang IATF. Nagpulong po kahapon ang IATF kung saan tinalakay ang mga lugar na classified na low risk areas. Ayon sa huling napalabas na resolusyon, ang mga ito ay hindi na mapapasailalim sa community quarantine. Pero nagkaroon po ng diskusyon ukol dito at kahapon nga po ay napagkasunduan na maglabas ng IATF Resolution No. 35-A.

Nag-issue ang IATF ng amendments sa Resolution No. 35 na simula Mayo 16, ang mga probinsiya, highly urbanized cities at independent component cities na classified as low risk areas ay mapapasailalim pa rin sa General Community Quarantine. So ngayon po, makikita ninyo sa ating mapa na ang buong Pilipinas po ngayon ay ‘yellow’. Lahat po ng parte ng Pilipinas ay nasa ilalim ng General Community Quarantine maliban po sa Metro Manila, sa probinsiya ng Laguna at sa siyudad ng Cebu na mapapasailalim sa Modified ECQ.

Nag-issue rin po kahapon ng IATF Resolution No. 36, ang laman po nito ay as follows: Unang-una, naaprubahan po ang guidelines ng implementation ng Modified Enhanced Community Quarantine. Ito po iyong pinalabas natin kahapon na detalyado. At binigyan din po ng awtoridad na magkaroon at isapinal ang mga amendments sa Omnibus Guidelines on Community Quarantine. Unang-una ang NTF po ay may ganiyang kapangyarihan para sa COVID-19, ang National Incident Command at ang IATF Secretaries.

Naaprubahan din po na ang mga land-based or sea-based OFWs ay papayagan pong umalis para sa abroad. Kinakailangan lang po nag magsumite sila at lumagda ng deklarasyon na alam po nila ang risk na kanilang haharapin kung sila po ay pupunta sa kanilang mga trabaho. Hindi po kasama dito iyong mga health professionals na sakop pa rin ng deployment ban na in-issue ng POEA.

Dahil nga po pinapayagan nang umalis ang ating mga land-based at saka sea-based OFWs, eh pinayagan na rin po ang mga recruitment and placement agencies na mag-operate sa areas na Modified Enhanced Community Quarantine at sa General Community Quarantine.

Ang mga tanggapan at ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa pagproseso po ng deployment at allied services ay dinirektahan na magtayo ng ‘green lane’ para mapabilis po ang pagproseso ng mga papeles ng mga kababayan natin na magtatrabaho sa abroad.

Pangatlo, sinuportahan ng IATF ang rekomendasyon ng DSWD at LGUs na direktahang bumili ng sariwang agri-fishery products at bigas sa farmers cooperatives and associations para sa food packs na ipinamimigay po sa ating mga kababayan.

Pang-apat, in-adopt ang mga sumusunod na rekomendasyon po ng CHEd o Commission on Higher Education: Ang pagbubukas ng klase po para sa mga higher education institutions ay nakabase sa education delivery mode. Ibig sabihin po, kung gumagamit ng full online education ay makapagbubukas po sila kahit anong oras. Ang higher education institutes na gumagamit ng flexible learning ay makapagbubukas anumang oras sa Agosto 2020;

At iyong mga higher education institutes na gumagamit ng significant na face-to-face/in person mode ay makapagbubukas lamang po nang hindi mas maaga ng Setyembre 2020 sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ. Iyong mga face-to-face at in person na instruction po, hindi po pupuwede magbukas hanggang Setyembre a-uno;

Ang mga pribadong higher education institutes po ay hinahayaang magpalit ng kanilang academic calendar at magbukas sa Agosto 2020. Patuloy po ang gagawing review ng CHEd sa mga kondisyon at pakikipag-usap sa mga higher educational institutions;

Panglima, klinaro po ng IATF na ang mga LGUs ay pinahihintulutan na po bumili at gumamit ng mga anti-body test – iyong rapid testing kits po na aprubado ng FDA. Alinsunod po ito sa sinabi ng Presidente, siya po ang mananagot sa paggamit ng rapid test kits.

Nasaan naman po tayo sa ating laban sa COVID-19? Well ayon sa datos po ng Department of Health, mayroon na po tayong mga 11,680 na kaso ng COVID-19. Ang magandang balita pa rin po ay patuloy ang pagtaas ng recoveries na nasa 2,251 at 772 na po ang namatay sa COVID-19.

Now makikita ninyo po ang ating graphs, may bahagyang pagtaas po pero mula kahapon hanggang ngayon, halos pareho lang po iyong mga numero ng mga bagong confirmed COVID cases. At iyong susunod naman na graph po ay makikita natin na iyong deaths, may bahagyang pagbaba po mula kahapon, pero nakikita ninyo po ang overall trend ay more or less bumababa po. Sa recoveries po, napakataas po ng numero ng mga nag-recover kahapon ‘no sa sakit na COVID-19, so parang biglang tarik po iyong numero ng mga nag-recover kahapon.

Makikita pa rin po natin, bagama’t tumataas ang mga bagong COVID-19 cases, hindi po masyadong matarik ang pagtaas, dahan-dahan naman pong tumataas. Samantalang tumataas din po iyong mga nagre-recover at mukhang stable po iyong numero ng mga namamatay.

Kasama po natin ngayon din ang ating Presidential Adviser on Flagship Projects, ang Presidente ng BCDA at ang Deputy Chief Implementer ng National Task Force COVID-19 at siya po ay magdidiskusyo uli tungkol sa T3 Program ng ating gobyerno. MR. Secretary Vince Dizon.

SEC. DIZON: Maraming salamat po, Secretary Harry. Magandang hapon po sa ating mga kababayan. Ito po ang ikalawang linggo ng ating briefing tungkol sa ating T3 effort kasama ng pribadong sektor, iyon pong Task Force T3, iyong Test, Trace and Treat. Makikita ninyo po sa ating screen ay iyong mga iba’t ibang mga kumpanya na nakisama sa ating pamahalaan at sinagot ang hamon ng ating Pangulo at ng ating pamahalaan na magsama-sama po tayong labanan ang COVID-19.

Makikita po natin ang mga napakalalaking kumpanya na nandiyan, halos lahat po ng malalaking kumpanya ay katulong na natin. At siyempre po ang Philippine Red Cross at ang iba’t ibang mga pribadong ospital na nakikita natin sa screen. Kaya nagpapasalamat po tayo sa pribadong sektor sa suportang binibigay nila sa ating laban against COVID-19.

Unang-una po, nais po nating i-emphasize iyong pinapakita paulit-ulit ni Secretary Harry simula noong isang araw, iyon pong kampanya na ‘Takot Ako Sa COVID’. Importanteng-importante po ito lalo na ngayon ay nagta-transition na po tayo papunta sa General Community Quarantine, pero ginagawa natin iyon nang dahan-dahan. Mas importante po ngayon na malaman ng ating mga kababayan ang kanilang mga kailangang gawin para talagang maiwasan nating mahawa pa ang marami nating mga kababayan.

At pinapakita dito sa ad campaign na ito na dapat tuluy-tuloy nating sundin ang ating mga safety protocols, ang ating mga minimum health standards tulad ng pagsusuot ng mask, ng social distancing/physical distancing at ang tuluy-tuloy at walang tigil na paghuhugas ng ating mga kamay. Napakaimportante po nito dahil makikita natin sa susunod na slide na paulit-ulit pong sinasabi ng ating Spokesperson na kailangan po ang ating approach dito ay dahan-dahan, unti-unti at hinay-hinay.

Hindi po tayo puwedeng bigla-biglaan na lamang na bumalik sa dating kinagawian natin dahil po napakalaki po ng threat ng virus na ito. At kapag tayo po ay hindi nagdahan-dahan at hindi tayo nag-ingat ay dadami po at marami pong magkakasakit, at dahil po doon, posibleng madami po ang mamamatay.

Kaya napakaimportante po itong imprastraktura na tinatayo natin, itong test, trace and treat sa tulong ng ating national government, ng ating mga local governments at ng pribadong sektor, sama-sama po tayo – iyong tinatawag nating whole-of-nation approach para po labanan ang COVID-19.

Ngayon po, ako ay magbibigay ng mga update ‘no. Maganda po ang nangyari noong nakaraang linggo, tumaas po ng 74% ang actual test per day po natin ‘no. Noong May 2, halos limang libo po ang ating test per day. Pero as of May 10 po, umabot na tayo po ng 8,700 tests per day – 74% po ang tinaas nito.

Makikita din po natin na dumami po ang ating mga laboratoryo ‘no. Ito po ang mga laboratoryo natin noong nakaraang linggo, as of May 2, mayroon po tayong dalawampung laboratoryo. Pero makikita po natin na—mamaya makikita natin na tumaas na po, ito; sa loob ng isang linggo ay nakapagdagdag po tayo ng sampung laboratoryo. At dahil doon, ang ating kapasidad ‘no, iyong kapasidad natin na mag-test ay tumaas mula roughly 8,500 noong May 2, tumaas po tayo as of May 10 to 14,500 – ito po ay 70.6% increase.

At makikita po natin iyan, dumami po ang ating mga laboratoryo. Nadagdagan po tayo ng walo, pero ngayon lang pong umagang ito ay nabalitaan natin na mayroon pong dalawa pa. So naging sampu na po ang ating mga laboratoryo as of—dagdag na sampu ang ating mga laboratoryo as of today. So from last week na dalawampu, ngayon po ay tatlumpu na ang ating mga laboratoryo.

Pero kailangan tandaan po natin kung ano ang ating goal. Ang goal natin ay 30,000 per day testing capacity. Kapag umabot po tayo nang ganitong kalaking kapasidad, halos pumapantay na po tayo sa mga bansang talagang tinatawag na benchmark o standard sa testing sa buong mundo katulad po ng South Korea at katulad po ng mga bansang Singapore at iba pang mga bansa sa Europa.

Ngayon po, titingnan po natin iyong mga laboratoryo ‘no. Gusto pa nating magdagdag pa hanggang Mayo 30 ng mga iba’t iba pang mga laboratoryo, at makikita ninyo, pakalat na po nang pakalat itong mga laboratoryong ito sa buong Pilipinas. Priority natin ang Visayas at siyempre lalo na ang Mindanao ‘no dahil contiguous po ang Mindanao at kailangang ma-spread out natin ang mga labs dito. Pati na rin sa Visayas, ang goal po natin ay bawat major island group sa Visayas ay mayroon pong laboratoryo.

Ngayon po, bago po tayo pumunta dito sa mga swabbing facilities, napakaimportante lang pong maintindihan natin ‘no maganda po ang ating improvement noong nakaraang linggo. Pero kung tatanungin ninyo po ako at tatanungin ninyo po ang IATF, masaya po ba tayo dito? Ang sagot po natin ay hindi. Dahil marami po tayong kailangan pang habulin lalung-lalo na mayroon tayo ngayong backlog na umaabot na sa 7,000 tests nationwide. Kailangan po nating i-address itong backlog na ito.

At ngayon po, ang kinaganda po nito, kahapon ay nakipagpulong po tayo sa lahat ng laboratoryo sa buong Pilipinas kasama na po ang mga pribadong laboratoryo para maghanap ng solusyon para dito. At nakahanap po tayo ng solusyon at kampante po tayo sa tulong ng ating mga private partners ay sa loob ng dalawang linggo ay mauubos natin itong backlog na ito at tuluy-tuloy po ang pagtaas ng ating test per day at ang ating capacity.

Ngayon po, apart from iyong laboratory, ongoing din po ang ating swabbing activities. At as of today po, from May 7 to 12, sampung libo na pong OFW ang ating na-swab. Kasama na po dito iyong ating mga swabbing centers katulad ng nakikita ninyo sa screen, ito po ay sa Palacio de Maynila; kasama din po iyong pagpunta ng ating mga iba’t ibang kawani ng ating Philippine Coast Guard sa mga hotels at mga quarantine facilities para po kumuha ng kanilang specimen at dalhin sa mga iba’t ibang laboratoryo.

Makikita rin po natin apart from iyong testing, kailangan po natin iyong isolation facilities. Kasi kapag naging positibo po ang ating mga kababayan, kailangan po i-isolate po natin sila para po maprotektahan hindi lamang sila pero lalo na ang kanilang mga mahal sa buhay at ang komunidad.

Noon pong April 13, wala po tayong dagdag na isolation beds para sa NCR at Luzon. Ngayon po, one month after, tatlong libo na po ang ating isolation beds sa NCR at sa Luzon. At ngayon po ay magtatayo na rin po tayo, nagtatayo na po ang DPWH, sa Visayas at sa Mindanao.

Ito po ang example ng ating mga isolation facilities, binuksan lang po ito kahapon, ito po ay sa Filinvest Alabang. Mga mahigit isandaang kama po ito para sa ating southern sector ng Metro Manila. At gusto rin po nating malaman ng ating mga kababayan na tuluy-tuloy po ang pagtanggap ng ating mga isolation facilities ng ating mga pasyente dito sa Metro Manila pati na rin po sa Clark. Ito po ay example, sa New Clark City, padating po at ngayon po ay mahigit isandaan na po ang ating mga kababayan na in-admit po sa New Clark City sa Tarlac.

At nakakatuwa din po, mahigit 60 na po ang ating dinischarge na mga pasyente sa iba’t ibang mga facilities natin sa Metro Manila at sa ibang panig ng Luzon. Ito po ang kanilang mga certificate. Nakakatuwa po dahil sila po ay binibigyan ng certificate kapag sila na po ay dinischarge at puwede na silang makauwi at makasama uli ang kanilang mga mahal sa buhay.

Iyon po ang ating update. Mamaya po ay tatanggap po tayo ng mga tanong. Maraming, maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Salamat, Kalihim Vince Dizon. Siguro alam na ni Pia Rañada kung bakit si Vince Dizon po ang tinalaga bilang Deputy Chief Implementer at hepe ng T3 Project – action man po siya. Mayroon po akong corrections: Sang-ayon po kay Mrs. Dizon, hindi raw po ako ang presidente ng Vince Dizon fans club; ako po ay co-chairperson lamang. So I stand corrected po.

Maricel Halili of TV5.

MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir. Magandang hapon po. Sir, ngayon na nasabay po ang Typhoon Ambo doon sa problema natin sa COVID-19. Ano po ang binigay na directives ni Presidente Duterte especially there is a big possibility na magkaroon tayo ng mga evacuees? Paano po iyong preparation natin sa mga evacuation center to ensure na mai-impose pa rin iyong social distancing?

SEC. ROQUE: Well, in full force po ang ating Oplan Listo ‘no. Ito po iyong paghahanda sa parating na bagyo dito sa mga lugar habang hinaharap pa rin natin itong COVID-19 na problema ‘no. Sang-ayon po sa Oplan Listo, sapat-sapat na po ang ating mga relief goods, handa na po ang ating mga evacuation centers at ipapatupad po ang social distancing on a per family basis. So iyan na man po ay pinaghandaan na ng mga awtoridad; at sanay na naman po tayo pagdating sa contingencies dahil po sa mga bagyo.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, just a few clarification lang po doon sa decision ng IATF. Kasi base po doon sa DOH data ng Region IV, iyon pong kaso ng COVID sa Laguna ay umabot po sa 338 as compared po doon sa 350 cases ng Rizal, and iyong number of deaths nila ay nasa 30 compared po sa 46 sa Rizal. So ano po iyong naging basis bakit po iyong Laguna ay diniclare [declared] po na bahagi ng Modified ECQ while iyong Rizal ay nasa GCQ po?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po iyan, paulit-ulit nating sinasabi, unang-unang kinukonsidera diyan ay iyong case doubling rate ‘no, iyong pagkalat ng sakit; at pangalawa, iyong kahandaan na magbigay ng critical care nung lugar ‘no.

Kakapasok lang po sa briefing room ni Mayor Arcillas ng Sta. Rosa, Laguna ‘no. At, Mayor, sinasagot ko kung bakit nasa Modified ECQ ang Laguna at ang Rizal ay hindi. So iyong kumbinasyon po ng dalawang iyan, iyong case doubling rate at saka iyong critical care capacity, ang nagiging basehan ng IATF para ilagay sa Modified ECQ at GCQ ang ilang mga probinsiya.

MARICEL HALILI/TV5: And as of now, sir, gaano na po kadami iyong mga LGUs na umapela with regards po doon sa categories natin ng quarantine considering na kahapon po iyong kanilang deadline?

SEC. ROQUE: Hindi ko lang po alam iyong exact number, pero ang alam ko po ang Pampanga, Bulacan ay nag-apila na sila ay mapasama na sa Modified ECQ; samantalang probinsiya ng Laguna naman ay umaapela na dapat sila ay maging GCQ ‘no. So tatlo po iyang alam ko pero I’m sure marami pa pong natanggap ang ating IATF Secretariat.

Audrey Gorriceta?

AUDREY GORRICETA: Magandang tanghali, Secretary Roque. Katanungan po para kay Secretary Vince Dizon: Bilang testing czar, ano iyong mga challenges o hamon sa pagsasagawa bg COVID-19 testing at paano po ito sinusulusyunan sa ngayon?

SEC. DIZON: Maraming salamat po. Alam po ninyo kagaya ng nasabi ko kanina, kahit na nakikita natin na gumaganda naman po ang ating kapasidad at nakikita natin ang mga numero ay malaki po ang itinataas ay hindi pa po tayo kuntento at masaya dito sa nagiging nasa resulta natin ngayon at kailangan tuluy-tuloy po ang pagtatrabaho at pagtutulak ng talagang ma-test po natin ang ating mga kababayan.

Dahil kagaya po ng nasabi natin noong nakaraang linggo, ang testing po ang pinakaimportanteng paraan para po talaga malaman natin kung gaano na kalala o gaano na kadami ang na-infect ng COVID-19 sa ating mga komunidad. Importanteng-importante po iyon dahil kailangan nating maalagaan ang ating mga kababayan na magkakasakit at mai-infect, pero importante din na kailangan nating maihiwalay sila para hindi po sila makahawa at hindi po nila mahahawa ang kanilang mga mahal sa buhay.

Napakarami pong challenges sa testing. Ito po ay napakakumplikadong proseso, napakarami pong kailangang gawin from iyong supplies na kailangang bilhin from abroad, iyon pong mga testing labs, iyong mga equipment, pati na rin po iyong skill ng mga medtech, ng mga mag-o-operate ng mga labs na ito. Napakakumplikado po talaga kaya nga po nakikita natin ang isang indication nito ay iyong malaking backlog at nakikita po natin iyan, ang gobyerno napaka-transparent diyan sa website ng DOH, makikita po natin ang backlog level.

At ang importante po talaga ngayon, kaya po tayo nagpatawag ng meeting kahapon at matagal po tayong nakipag-usap sa lahat ng mga laboratoryong currently accredited, iyon pong halos 30 laboratoryo at kinausap po natin sila para po magtulungan tayo dahil po marami sa ating mga labs, lalo na sa Metro Manila ay nakaka-experience ng backlog. Ibig sabihin, nagpapatung-patong po dahil minsan may mga nagiging aberya sa makina, nagkukulang ng supply. So, minsan po nagkakaroon ng delay sa pag-process ng mga test. At alam ko po marami po sa ating mga kababayan ang dumadaing dito pero makakaasa po sila na talaga pong pinipilit nating solusyunan ito nang mabilis.

At kahapon po sa usapan ng private sector at ng gobyerno, nagkaroon po ng dalawang major solution at breakthrough: Unang-una po ay pumayag po ang mga private lab na tanggapin ang mga backlog o ang mga hindi nate-test ng mga iba’t ibang lab, kamukha ng mga government labs, at sila po ang magti-test nito sa mga susunod na araw. Nagsimula na po nilang gawin iyan ngayong araw na ito, at ina-assure po tayo ng ating mga private partner hospitals na bibilisan po nila at tutulungan po nila tayo dito.

Ang ikalawa pong solusyon ay iyong automation. Marami po kasi sa ating mga laboratory ay manual pa o ang kanilang ibang proseso. Ngayon po, sa tulong na rin ng private sector ng ating mga donors, nagbibigay po sila ng mga automated machines sa ating mga government labs. Halimbawa po ang San Miguel Corporation – nagpapasalamat po tayo – nagbigay po sila ng mga automated machines sa RITM, at dahil po doon ay halos madodoble po natin hanggang 80% po ang itataas ng kapasidad ng mga laboratoryo natin tulad ng RITM dahil sa mga automated machines na ito.

At dahil po sa dalawang solusyon na iyan, kampante po tayo sa tulong ng private sector na within two weeks ay mauubos po natin ang backlog na iyan at tuluy-tuloy na po ang pag-arangkada ng ating daily testing. Salamat po.

AUDREY GORRICETA: Mula po kay Francis Wakefield ng Daily Tribune. Sinabi po ni Health Spokesperson Ma. Rosario Vergeire noong Miyerkules na ang ating testing capacity ay na-reduce by 2,000 test. Sinabi niya sa latest testing capacity na ang record po natin ay 6,594. While its previous record was 8,314 tests, ang target ay 30,000 tests by May 30. Kumpiyansa pa po ba ang Malakanyang o ang ating gobyerno na maaabot ito?

SEC. ROQUE: Well, nasagot na po iyan ni Presidential Adviser on Flagship Projects. Mula noong May 2 po na 5,000 per day ang test natin, umabot na po tayo ngayon sa 8,700. Siguro ang explanation po diyan, ang tala po ng DOH ay partial po at ang suma total po ay kasama na iyong mga private labs at iba pang mga testing facilities. Sa Lunes po siguro ay iimbitahin namin muli si Presidential Adviser Joey Concepcion para naman mag-report din doon sa tinatawag na Project ARK para ipakita na itong testing po talaga ay binibigyan ng halaga hindi lang ng gobyerno, kung hindi po ng pribadong sector.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Secretary, good afternoon. Sir, doon po sa second tranche ng SAP, matutuloy pa po ba iyong pamimigay because bukas na po iyong last day ng second extension ng ECQ and until now hindi pa po nai-start-tan iyong pamimigay ng SAP? And magbabago po ba iyong mechanism ng pamimigay considering na nakita natin na nagkaproblema noong ibinaba sa barangay level?

SEC. ROQUE: Well, tuloy po iyan hanggang hindi natin naubos iyong pera na ibinigay ng Kongreso, itutuloy po natin ang pamimigay ng ayuda. Magkakaroon po ng pagbabago doon sa mga highly urbanized cities po, magkakaroon na tayo ng electronic money transfers. Gagamitin na natin iyong PayMaya at iba pang technological innovations para mapabilis iyong pamimigay ng ayuda sa ating mga kababayan. Pero sa mga probinsiya po, hahayaan pa rin natin ang mga local government units dahil ang mga naging problema lang naman po talaga ay dito sa highly urbanized cities.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, kailan po magsisimula itong pamimigay nitong second tranche?

SEC. ROQUE: Well, simula na po iyan. Kung hindi po ako nagkakamali, ang kinakailangan lang po is mapakita na natapos na nila iyong first tranche; at may mga lugar po na namimigay na ng second tranche.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, on another topic, iyong kay General Sinas. Although I understand, there is an ongoing investigation, makikita din naman po natin na in the pictures, they don’t lie na mayroon po talagang na-violate na social and physical distancing measures and there was mass gathering. And General Sinas is insisting na wala pong violation na nangyari. Sir, how are we going to address iyong general sentiment ng publiko ngayon na sinasabi kasi ng government ‘no one is above the law’ pero nagmumukha po na kung may kapangyarihan o mayaman, puwede po nilang malusutan iyong batas; whereas, kung may mahihirap po na nanghihingi lang ng tulong, kagaya po doon sa Marikina 10 na lumabas po, naposasan sila – in some other cases, napapatay kapag nagba-violate ng law. How are we going to address this public sentiment, sir?

SEC. ROQUE: Well, kakausap ko lang po kay Executive Secretary Medialdea bago tayo nagsimula ng briefing. Inatasan na po niya ang Internal Affairs Services (IAS) ng PNP na mag-conduct ng imbestigasyon at i-forward sa kanyang tanggapan na mismo kung ano ang resulta ng imbestigasyon. So iyan po ang latest development sa isyu na ito.

Let me also go back to your first question. Hinihintay nga pala iyong paglabas pa ng memo galing din sa Office of the Executive Secretary para doon sa second tranche, and we expect that to be issued soon.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Ano po iyong maximum penalty if ever na puwedeng mabigay po kay General Sinas or kung hindi sa kaniya ay doon sa mga taong supposedly nag-execute ng gathering po na iyon?

SEC. ROQUE: Well, I think it’s a significant development na no less than the Executive Secretary has ordered the investigation and that the results be forwarded to his office. So, hayaan na muna nating umusad ang imbestigasyon bago natin pag-usapan ang parusa.

AUDREY GORRICETA: Okay, Secretary, from Tuesday Niu of DZBB. Malinaw sa mga inilabas na guidelines ng IATF na hindi pa puwede ang mga religious activities kahit saan regardless kung anong klaseng quarantine mayroon. Pero may idinaos pong misa kahapon sa Manila Cathedral na dinaluhan pa ng limang mga metro mayors. May nalabag ba dito? Ano ang gagawin dito ng IATF kasi baka maging precedent po ito sa ibang lugar na gustung-gusto na ring magdaos ng misa, samba o ano pa mang religious ceremony?

SEC. ROQUE: Ang pagkakaintindi po natin diyan, iyong misa na iyan ay live stream so virtual mass din po iyan. Kakaunti lang po iyong tao na nasa Manila Cathedral at sumunod din po sila social distancing. So sa tingin ko po, wala namang naging paglabag dahil ngayon po talaga the new normal is virtual everything, including the masses.

AUDREY GORRICETA: Second question po mula kay Tuesday Niu. Pakilinaw po ang second tranche ng SAP, sabi po sa batas, ang ayuda ay para sa dalawang buwan sa 18 to 23 milyong pamilyang Pilipino. So inasahan po ng ating mga kababayan na sa dalawang buwan nilang walang trabaho ay mayroon silang dalawang beses na tig-5,000 hanggang 8,000 pesos. Bakit daw po ngayon iyong mga inilagay sa GCQ area ay hindi na makakatanggap ng katulad na halaga gayong marami sa kanila ay walang natanggap kahit na noong ECQ sila?

SEC. ROQUE: Well, lilinawin ko po P205 billion po ang binigay ng Kongreso para sa ayuda at nakasaad po sa batas, minimum 18 million ang pagbibigyan. Twenty-three million po ang pinagbigyan natin noong first tranche kasi marami nga ang nagreklamo na hindi sila nakatanggap at dapat magkaroon sila ng ayuda. So ang ginawa po ini-increase ng five million iyong original eighteen million kaya naging twenty-three million. At dahil limitado po iyong ibinigay ng Kongreso na 205 billion, minabuti po ng IATF na para sa second tranche eh iyong mga areas under ECQ na lamang ang bibigyan ng ayuda and this amounts to around thirteen million beneficiaries pa rin po.

Ang dahilan naman po, dahil nasa GCQ na sila pupuwede na sila kahit papaano magtrabaho, maghanapbuhay hindi gaya noong mga nasa ECQ. Pero itong bagay pong ito ay will be subject nga to a memo to be issued by the Office Executive Secretary and siyempre po, nandiyan po ang ating Presidente, the ultimate decision will lie with the President.

Alam ninyo naman po si Presidente, talagang siya’y nag-utos na magbigay pa ng five million, tingin ko po, kung sa tingin niya eh kinakailangang bigyan ang lahat eh gagawan niya ng paraan. Pero sa ngayon po, hintayin natin ang desisyon ng ating Presidente; pero iyong twenty-three million po from the original eighteen million na sinabi ng Kongreso dahil nasabi po iyan ng Presidente, bigyan ang mga nangangailangan.

Joyce Balancio?

JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes, sir. Good afternoon, Secretary. Just to clarify lang po kasi in your earlier slide, you mentioned low risk areas will be placed under GCQ pero seconds later you mentioned Modified GCQ. So, hindi ko po alam kung baka may error lang doon sa pag-mention ng Modified GCQ. So, is it GCQ or Modified GCQ? And if it’s GCQ, ibig sabihin po ba nito, sir, wala na iyong category na Modified GCQ?

SEC. ROQUE: Mayroon pa rin po iyan pero I guess for simplicity purposes, General Community Quarantine muna ‘no. It was actually General Año who mentioned yesterday the Modified GCQ pero sa ngayon po, hinihintay pa rin natin iyong guidelines pero while—so, for now, pending the receipt of guidelines of Modified GCQ, malinaw naman po ang guidelines sa GCQ – that’s applicable throughout the Philippines except for NCR, Laguna, and Cebu City.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Sir, follow-up doon sa question ni Maricel kanina on appeals ng LGUs. Ang Lapu-Lapu City and Mandaue City po sa Cebu ay uma-appeal din po. Currently, GCQ iyong pataw sa kanila pero they want to be included sa ECQ areas. Kasama po ba sila sa pinag-aaralan na rin po ng IATF? I think, kahapon po iyong deadline natin sa receiving of appeals.

SEC. ROQUE: Basta naman po na-receive ang appeal nila, this would be considered by the IATF and the submission could be email or physical submission of the request for reclassification. May itinayo po tayong validation committee para mag-receive at aktuhan po itong mga apelang ito.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Kailan, sir, ilalabas iyong decision on them, sir? May 14 na po ngayon.

SEC. ROQUE: Well, at the soonest time possible po. Kung hindi na kakayanin na before May 16, I’m sure shortly after May 16.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, very important question lang po. Doon sa mga kababayan nating ihi-hire as contact tracers, magkano po iyong suweldo nila? Papaano iyong application process at ano iyong classifications po para dito?

SEC. ROQUE: Well, ang minimum wage law naman po ay dapat sundin siguro pero they will be hired—as of now ang alam kong information po, ay they will be hired as temporary government employees.

Audrey Gorriceta?

JOYCE BALANCIO/DZMM: Qualification, sir?

SEC. ROQUE: They will be hired as temporary government employees ‘no. So, back to Audrey Gorriceta.

GORRICETA: Okay. Secretary, katanungan mula Julie Aurelio ng Inquirer: Can I clarify media operations under Modified ECQ? Your PowerPoint presentation yesterday showed that under Modified ECQ, media operations can resume at 100% subject to safety protocols; as compared to ECQ wherein media can only operate at 50% of the workforce.

With the Modified ECQ, does this mean that IATF IDs or RapidPasses for media are no longer needed? Will media ID suffice at checkpoints? Will the IATF or PCOO issue new guidelines on media operations under Modified ECQ?

SEC. ROQUE: Ang question is kung valid pa ba ho iyong ibinigay na mga passes ng PCOO? They are still valid. Ang pagkakaintindi ko naman, iyong mga media companies they submitted the names of all the employees at lahat naman po sila ay binigyan ng IDs kaya nga lang po hindi sila lahat ni-require na magtrabaho sa kanilang work situs at karamihan ay naka-work at home. Katunayan po, marami sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps ngayon ay working from home pa rin.

So, wala pong epekto itong transition to Modified ECQ doon sa mga IDs na na-issue na po ng PCOO, they remain valid.

Joseph Morong? Okay… Wala pa si Joseph, mamaya pa iyong ‘last question’ natin. Back to Audrey.

GORRICETA: Okay. Secretary, katanungan mula kay Bella Cariaso ng Bandila (Bandera): May LGUs po na mag-aapela sa IATF sa naging desisyon na isama na sila sa GCQ after May 15. Like sa Pampanga, for example, after meeting with the mayors, ang sabi po ni Governor Pineda naging consensus na i-appeal na isama ang buong Pampanga sa Modified ECQ instead of GCQ to allow them to prepare for the transition to GCQ. Will that be considered by the national government?

SEC. ROQUE: It will be entertained po by the IATF. We have established a screening and validation committee para aktuhan po lahat itong mga apelang ito; kasama po ang Pampanga diyan sa mga nag-apela.

Joseph Morong?

JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir. Good afternoon.

SEC. ROQUE: Good afternoon.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, first question. Sir, sa liquor ban, ano muna… number one, iyong desisyon ng IATF; and number two, because some of you are saying that it is up to the LGU, mayroon po bang suasion iyong IATF to convince iyong mga LGU to lift the liquor ban if they have because I understand there are some interests there?

SEC. ROQUE: Well, I’m looking at Mayor Arcillas here for guidance. I think the liquor ban was imposed by the different local government units—Okay. Sa kaso po ng Sta. Rosa, ili-lift nga daw po niya – malapit na – ang liquor ban.

So, wala pong discussion sa IATF pagdating sa liquor ban, ang diniscuss lang po eh pupuwede nang mag-operate under Modified ECQ iyong mga liquor companies at saka mga tobacco companies dahil kinakailangan naman natin ng pondo.

Pero tama po iyong aking nabanggit sa iyo before, dito po sa Metro Manila ay actually may ilang mga local government units po na walang liquor ban at it is the local governments that imposed the liquor ban.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. Doon po sa movement of workers and individuals. We have several cities na under MGCQ and then—ah, no, no… GCQ and MECQ. First—first group of people, mga workers from MECQ areas that will have to go to a GCQ company; and then second set of people, iyong mga hindi naman workers but they want to go back to their residences. Ano po iyong requirement as far as quarantine passes are concerned and papaano iyong movement? Will they be allowed to move?

SEC. ROQUE: Well, mayroon na pong guidelines tayo sa interzonal movements. Iyong mga allowed pong magtrabaho sa iba’t ibang quarantine areas, they would be allowed provided of course, that they are working in an industry that is allowed to operate. So, ang kailangan lang po nila is employment ID at saka iyong ID na nagpapatunay kung saan sila na katita.

Para doon sa mga iba po na gusto pang umuwi, well, hindi pa po natin pinapayagan iyang mga non-essential travels at kinakailangan pa rin na kung gusto ninyong magbiyahe na interzonal na hindi naman work-related, kumuha pa rin po kayo ng LGU clearance.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, one short question before I can go—I wanna go to Sir Vince but one quick question for you. Iyong sa media establishments, in an ECQ, it’s 50% and then in the slides that you released yesterday, sa Modified ECQ ay naging na siyang green. So, does that mean that media establishments may ask to have a 100% workforce na under MECQ?

SEC. ROQUE: Well, under MECQ po, ang media is 100%; although ini-engganyo po natin sila na the general rule pa rin is kung pupuwedeng work from home, mag-work from home po tayo. At tayo naman po sa Malacañang Press Corps maski tayo nasa MECQ we will continue with our online press briefing po because I have comorbidity, so we will continue with our virtual presscon po.

Vince? Secretary Vince?

JOSEPH MORONG/GMA7: Kay Secretary Vince.

SEC. DIZON: Yes, Joseph. Thank y0u.

JOSEPH MORONG/GMA7: Yes, sir. Good morning. Sir, questions ko: Sa testing ng mga workers, will you require companies to have their workers go back to their companies na bago bumalik magpa-test muna?

And then second question: When you talk about 30,000 tests, are you talking about test that have results or just tests na pending results? Iyong 30,000 ninyo, for example—

SEC. DIZON: Sige po. Doon po sa unang tanong mo, Joseph. Ang Department of Health po ay maglalabas ng tinatawag nilang return to work protocols at I’m assuming po na kasama po din diyan ang testing protocols para sa mga empleyado at mga kumpanya para mapapasok na nila ang kanilang mga empleyado sa trabaho. Siguro po dapat abangan natin iyon at hintayin natin na lumabas bago tayo magkomento, kasi hindi ko po talaga alam pa kung anong laman ng protocols na iyon.

Doon sa ikalawang tanong tungkol sa 30,000, kagaya po – and maybe we can flash it po on the screen – ang goal po natin is capacity. Iyong kapasidad na mag-test, iyong laboratory capacity. Dahil po iyan ang pinaka-basic na kailangan nating mayroon tayo para in the event na magkaroon tayo ng paulit-ulit na nilang silang sinasabing second wave o third wave nitong infection na ito, ay iyong ating bansa ay may imprastraktura na handa na ma-detect nang mabilis itong mga second or third wave na maaaring mangyari sa ating bansa sa mga susunod na buwan.

Ngayon po, kagaya ng sinabi ko at uulitin ko po para po very clear sa ating mga kababayan. Ang actual testing po natin, iyong tumaas mula limang libo hanggang walong libo mahigit sa loob nitong nakaraang linggo, ito po ay actual test na. Actual na test at may resulta na po ito. Pero kagaya ng sinabi ko kanina, mayroon tayo ngayong backlog na I think approximately mga 7,000 tests. Ito po ang mga test na hindi pa lumalabas ang mga resulta. Ito po ang malaki nating challenge ngayon na sinusubukan natin at pinipilit nating solusyunan sa lalong madaling panahon sa tulong ng ating mga partners sa private sector.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. Thank you.

SEC. DIZON: Back to Audrey.

MR. GORRICETA: Okay. Secretary, pangalawang katanungan mula po kay Bella Cariaso pa rin ng Bandila: May mga areas na sa Visayas na nasa signal number 3 dahil sa Bagyong Ambo. Bagama’t busy ang LGU sa laban sa COVID-19, ano po ang direktiba ng Palasyo to make sure na handa ang bansa sa iba pang kalamidad lalo’t pumasok na ang typhoon season sa ating bansa?

SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan ano, mayroon tayong Oplan Listo at ang NDRMMC naman ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa DILG at sa mga lokal na pamahalaan dahil sanay na naman tayo sa mga bagyo. Ang pagkakaiba nga lang ‘no, pagdating sa evacuation centers, kinakailangan social distancing by family.

Audrey pa rin…

MR. GORRICETA: Okay. From Kris Jose ng Remate: Sa kabila po ng babala ng DILG sa mga barangay officials na huwag gumawa ng katiwalian gamit ang ayuda na ibinibigay ng gobyerno sa mga apektado ng lockdown ay may mga barangay chairman pa rin po ang nanloloko sa pagbibigay ng ayuda. May napaulat na dalawang barangay chairman sa Maynila po ang gumawa nito. Ang ilan kasi sa mga residenteng inilagay nila ay namatay na. Gumamit din umano sila ng mga pekeng pirma at may mga nagkadoble-doble pang pangalan sa listahan ng mga benepisyaryo. Paano po masisiguro na magiging maayos ang pagbibigay ng second tranche ng SAP na hindi mababahiran ng katiwalian?

SEC. ROQUE: Well, kahapon po inanunsiyo ko na mayroon nang 188 ongoing investigations at mabilis po ang resulta ng imbestigasyon, kuwarenta y kuwatro na pong mga barangay captain ang kinasuhan ng ating DILG, ang kaso po ay parehong criminal at saka administrative. So ang Presidente nga po, magbibigay ng pabuya doon sa mga whistleblowers at magsusumite ng ebidensiya dahil hindi po natin palalampasin ang kumakana ng ayuda na dapat sana ay mapunta sa pinakamahihirap sa ating lipunan.

Pia Gutierrez…

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, sir. Good afternoon. Sir, my question is, marami po kasi iyong kumukuwestiyon doon sa desisyon ng IATF na ipagbawal pa rin ang public transportation under MECQ. Dahil ang sinasabi nila, paano makakapasok ang mga trabahador kung ang available means of transportation lang ay mga private vehicles at iyong mga public shuttles na ipo-provide ng mga kumpanya. Are we confident na itong mga public shuttles will be enough to support the reopening of industries under the MECQ?

SEC. ROQUE: Well, unti-unti, dahan-dahan dahil ayaw po nating mapagaya doon sa ibang mga bansa na nagbukas ng ekonomiya at nagkaroon ng second wave. So kung hindi naman po kaya talaga ng kumpanya na magbigay ng shuttle o kung walang sasakyan iyong kanilang mga empleyado, eh huwag na po munang magbukas dahil mas importante na ma-avoid po natin, maiwasan iyong second wave na tinatawag. It’s a policy decision po, we want to restart the economy but not at the expense of having a second wave.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Okay. Another question, sir. Kasi after NCRPO Chief Sinas, there are reports na may isang mayor naman sa Santo Tomas, Pangasinan ang nag-birthday party din kahit may lockdown; kumpleto, may catering, may banda. I wonder if the President has learned about these parties and how will the government address this particularly po iyong sa incident doon sa mayor sa Pangasinan?

SEC. ROQUE: Well, kung mayroon po kayong mga reklamo sa mga taong gobyerno na lumalabag sa quarantine protocols natin, iparating ninyo po sa DILG dahil ang DILG naman po ang mag-iimbestiga kung ang mga nirereklamo ay mga lokal na opisyales. Aaktuhan po iyan dahil seryoso po tayo: Quarantine po, iyan lang ang pamamaraan para mapabagal ang pagkalat ng sakit and of course we will lead by example.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Last question na lang, sir. Iyong reaction ninyo lang po doon sa filing ng ABS-CBN provisional franchise in Congress. Do you think that this is the best move considering na may mga nakaasa nga na mga thousands of workers sa ABS-CBN and at the same time may mga issues na gustong pasagutin iyong mga Congressman natin regarding the operation of ABS-CBN? And last question, sir, do we expect the President to sign the bill when it reaches his table?

SEC. ROQUE: It’s not only the best move, it’s the only move under our Constitution because it’s very clear po ‘no na tanging Kongreso lang po ang pupuwedeng mag-grant ng franchise or mag-revoke ng franchise para sa mga broadcast companies. Inaasahan ko naman po na kung wala naman pong Constitutional infirmity, pipirmahan naman po ito ng Presidente dahil pinarating na rin niya ang mensahe sa mga miyembro ng Kongreso: He is neutral, do your Constitutional function.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Okay. Thank you, sir.

SEC. ROQUE: Melo Acuña… Anyway wala si Melo Acuña, back to Audrey.

MR. GORRICETA: kay. Secretary from Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: Since the MECQ does not allow CPAs to work full time taxpayers may not be able to meet the income tax deadline on June 14. Will the government extend the deadline?

SEC. ROQUE: Well they are allowed to work, 50% at their work situs and 50% work-from-home. So hindi po totoo na hindi sila pupuwedeng magtrabaho ng 100%; ang 50% po is kung saan lang sila magtatrabaho. At under the new normal naman, kung pupuwede talagang work-at-home, it should be work-at-home. Eh kaya naman po ginawa na itong guideline na ito, dahil kung hindi po tayo magpa-file ng ating tax returns, wala po tayong pera na papasok sa kaban ng ating gobyerno na gagamitin natin para sa COVID-19.

MR. GORRICETA: Okay. Mula pa rin po kay Genalyn Kabiling: Will the government consider the huge financial subsidy requested by the local airline industry? When can the government resume subsidy distribution to displaced local workers and OFWs?

SEC. ROQUE: Unang-una muna po, iyong pinakamahirap po muna ang bibigyan natin ng ayuda.

Melo Acuña…

MR. ACUÑA: Yes, Secretary, magandang hapon po. Ang Pilipinas po ay tumatanggap ng mga donasyon mula sa iba’t-ibang samahan, sa mga pamahalaan at korporasyon. Will the government be able to quantify these donations in peso and dollar term so that we can appropriately acknowledge and write about this in our reports, Secretary?

SEC. ROQUE: In fact, I regularly thank our donors po, so we do have a list of all those who are giving donations at hindi naman po tayo na hindi nagpapasalamat. At every opportunity we thank them po ‘no. Lilinawin ko lang po, mga tatlong beses na akong nagbasa ng mga donors, siguro po iyong mga iba na feeling nila hindi sila napasama eh sa naunang binasa ko naman po, kasama naman po sila. Hindi naman po tayo inggrato, we will thank all those who gave us.

MR. ACUÑA: Yeah. Will we be able to quantify their donations in peso and dollar terms for—

SEC. ROQUE: Of course we can. If you want, I will ask PMS to quantify the total donations that we have received on the basis of the list of countries and companies that they have made me thank.

MR. ACUÑA: Yes. Do we still have enough funds to finance the requirements dito sa COVID-19 dahil na-extend tayo nang kaunti?

SEC. ROQUE: Well, so far po ‘no, wala po tayong hinihinging supplemental budget. Pero depende na po iyan siguro kung anong mangyayari ‘no. Unang-una, kung anong mangyayari dito sa SAP ‘no; kung talagang bibigyan natin ang lahat ng SAP eh mayroon na po tayong deficit na 5 billion doon sa 205 billion na binigay ng Kongreso ‘no. Kung nanaisin po nating bibigyan lahat ng orihinal na nakatanggap ng ayuda eh kulang na po iyong binigay ng Kongreso.

Ang mabuting balita naman po, tapos na po iyong proseso ng DBM na paghingi sa mga line agencies kung ano iyong mga pondo na pupuwedeng ma-realign and I expect anytime now that we will have a figure kung magkano iyong pupuwede nating ma-realign para ma-allot na natin iyon sa COVID related expenses. At kung kulang pa rin, eh siyempre hihingi tayo ng supplemental budget.

MR. ACUÑA: Thank you very much, Secretary. Thank you.

SEC. ROQUE: Back to Audrey, siguro last 2-3 questions.

MR. GORRICETA: Okay. Secretary from Joepel Pelenio ng DWIZ: May kumakalat po sa social media na letter from Bulacan Provincial Office na humihiling daw po na muling ibalik at isailalim sa ECQ ang buong lalawigan—

SEC. ROQUE: I already answered, Audrey. Thank you very much, already answered – that will be considered by IATF. Next question, please.

MR. GORRICETA: Okay. From Kris Jose ng Remate: Sinuspinde na po ng DOLE ang pagtanggap ng applications para sa Abot-Kamay Ang Pagtulong o AKAP Program para sa mga OFW. Ang dahilan po ni Labor Secretary Silvestre Bello III, lumagpas na sila sa target na bilang ng mga benepisyaryo na 150,000 OFWs. Nakatanggap na sila ng higit 400,000 applications para sa AKAP kung saan 142,550 ang kanilang inaprubahan.

SEC. ROQUE: Hihintayin po natin na ma-replenish iyong pondo ng DOLE para diyan. Titingnan nga po natin doon sa report ng DBM kung iyong mga pondo na pupuwedeng ma-realign ay ilan diyan or a portion of that will be allotted to this program. Pero ang importante po, panandalian mayroon po tayong pansalo na programa, ito po iyong Salary Subsidy Program ng Department of Finance para sa small and medium enterprises. Kung hindi po kayo nag-qualify sa programa ng DOLE, puwede pa po kayong mag-apply dito sa programa ng DOF, that is 51 billion.

Last question?

MR. GORRICETA: Okay. Secretary, iyon lamang po iyong mga katanungan.

SEC. ROQUE: Okay. Kung wala na pong katanungan, maraming salamat po sa inyong lahat. Nagpapasalamat po ako kay Secretary Vince Dizon – huwag po kayong magsasawa, Secretary Vince. At nagpapasalamat din po ako kay Mayor Arlene Arcillas for joining us in our press briefing.

Philippines, as usual keep safe. Sa ngalan ng inyong Presidente, ako po ang inyong Spox Harry Roque. Good morning to all of you.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)