Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque with Baguio City Mayor Benjamin Magalong



SEC. ROQUE:  Magandang tanghali, Pilipinas.

Muling humarap po si Presidente Rodrigo Roa Duterte sa taumbayan kagabi kung saan pinag-utos niya kay Secretary Duque na gawin ang lahat para sa ating mga frontliners. Pinag-usapan din po kahapon ang ‘di umano ay issue ng overprice na lumabas sa Senado. Malinaw po kagabi na wala pong overprice pagdating po sa mga PPEs.

Bagama’t pagdating po sa makinarya ng PCR, iyong mga extractors at sa mga test kits ng PCR, ay inutusan po ng Presidente na imbestigahan ang bagay na ito lalung-lalo na iyong issue ng profiteering dahil ‘di umano ay mayroong mga pribadong mga kumpanya na nagsasamantala sa pangangailangan natin ng PCR machines at PCR test kits na isang paglabag sa Bayanihan Law dahil ito po ay tinatawag na profiteering or kumikita sa isang national emergency.

Pangalawa po, nanawagan po ang ating Presidente dahil nga pinag-utos niya na dapat makauwi na iyong 24,000 na mga OFWs na mga kababayan natin na naghihintay pa ng resulta ng kanilang PCR swabs. Ang pakiusap po niya sa mga LGUs, tanggapin ninyo naman po sila. Lahat po sila ay mayroon na pong PCR test results na sila ay negatibo bagama’t pupuwede ninyo silang i-quarantine sa inyong mga lugar, eh kung pupuwede po doon na sila i-quarantine sa mga barangay quarantine areas para malapit na sila sa kanilang mga pamilya.

At pangatlo po, marami pong mga tanong na mula ala-sais ng umaga eh sinasagot ko na sa radyo at sa telebisyon: “Ano ba hong ibig sabihin ng Presidente noong sinabi niyang wala munang pasok habang walang bakuna.” Iyon po ang sinabi ng Presidente, ibig sabihin po niyan habang wala pang bakuna at habang wala pa tayo sa new normal, iyong wala na pong community quarantine, hindi pa rin po tayo magkakaroon ng face-to-face classroom na mga klase.

Pero kapag dumating naman po ang beinte kuwatro Agosto at nasa new normal tayo, pupuwede naman po. But kung hindi po talaga dumating ang new normal at hindi mai-lift ang mga community quarantines, hindi naman po ibig sabihin na hindi na mag-aaral ang ating mga kabataan. Mayroon po tayong tinatawag na blended learning, sang-ayon po kay Secretary Briones ng DepEd, gagamitin po natin ang telebisyon, ang radyo at ang internet para ipagpatuloy po ang edukasyon ng ating mga kabataan.

So, ano po ang leksiyon? Kinakailangan po manatili pa rin sa bahay kung hindi dapat lumabas, mag-observe ng minimum health standards, magsuot ng masks, social distancing, use of disinfectants para makarating na po tayo sa new normal na tinatawag.

Now nasaan na po tayo sa laban natin dito sa sakit na COVID-19? Mayroon po tayong 14,319 cases ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health. Muli akong nagpapaalala na manatili sa bahay, be a homeliner, kung hindi naman essential ang gagawin. Okay. Sa COVID-19 po mayroon na po tayong, sinabi ko nga, 14,319 na kaso ng COVID-19. Mayroon po tayong recoveries na 3,323 at mayroon po tayong mga namatay na 873.

Makikita po natin ang chart na ito na nagpapakita ng mga bagong kaso ng COVID-19, may bahagya pong pagtaas nang mga nakalipas na dalawang araw, pero bahagya lang naman po. At mayroon pong bahagyang pagbaba rin pagdating po doon sa mga namatay dahil sa sakit. Sa recoveries, mayroon pong bahagyang pagbaba rin ng recoveries, pero patuloy naman po ang numero nang dumadami at sadyang mas marami na po ngayon ang gumagaling kaysa sa mga namamatay.

Makikita pa rin po natin na patuloy pa rin ang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID, ito po iyong yellow line pero kung mapapansin ninyo po, steady lang ang pagtaas niya at hindi naman po masyadong matarik ang ating linya. Samantala po, umaakyat din iyong linyang green na mga recoveries at steady po iyong mga numero ng mga namamatay which is the red line.

Balitang OWWA naman po tayo – Well, alinsunod po sa utos ng ating Presidente, nagpapauwi na nga po ang OWWA doon sa mga 24,000 na ating mga manggagawa na nag-hihintay ng kanilang ngang mga resulta. So as of May 24, mayroon na po tayong 8,922 na mga kababayang napauwi. Kahapon po, mayroon na pong 2,926 na ating mga kababayan na napauwi; 2,257 po sa pamamagitan ng eroplano and 670 by land.

Ngayon po, tuloy ang pag-uuwi sa pamamagitan ng bus at eroplano, at mayroon po tayong isang barko na maglalayag papuntang Visayas sakay po ang isang libong mga kababayan natin. Ang total numbers po ng mga kababayan nating OFWs na nakauwi na sa kanilang mga probinsiya as of May 25, ay 11,848.

Ngayon po, mayroon po tayong guest sa ilang mga briefings natin, palagi po nating ini-emphasize ang ating testing ‘no, dahil ang testing po talaga ay importante, iyan lang po ang pamamaraan para malaman natin kung nasaan ang kalaban. Pero equally important po itong tinatawag na tracing, kapag na-test na po natin ang tao at nagpositibo sa COVID, kinakailangan magkaroon ng tracing para mahanap natin iyong mga tao na na-expose sa kaniya dahil itong mga taong ito ay dapat ngang ma-isolate.

So mayroon na po tayong programa para sa tracing, ang nangunguna po rito ay ang DILG and we have an enabled, a robust public-private partnership to develop a nationwide integrated contact tracing process for COVID-19. Sa mga hindi nakakaalam, mayroon po tayong contact tracing app tulad ng staysafe.ph@covid ‘no. Kaya nga nabuo sa tulong ng pribadong sektor upang mapabilis ang paghahanap ng may sakit na COVID at iyong mga tao na na-expose sa kanila.

Ayon sa National Task Force for COVID-19, sa patuloy na public-private effort ay pinalalawak po natin ang mga pamamagitan ng isang arkitektura na magpapalakas at magpapalawig pa ng kakayahan nating mag-contact trace sa mabilis na paraan. Itong platapormang ito ay tatawaging ‘FASTER’, upang ganap pa nating maintindihan ang COVID-19 activities sa mga barangay, makakatulong din ito sa ating mga health experts para po sa early detection at local forecasting.

Tamang-tama po ang topic natin ngayong araw sa contact tracing, ang ating resource person po ngayon ay walang iba kung hindi ang isang alkalde ng siyudad na kinikilala na mayroong best practice po pagdating sa tracing. So, samahan po natin ngayon ang Mayor, Alkalde ng aking siyudad, Baguio City, wala pong iba kung hindi si Mayor Benjamin Magalong. Mayor, good morning.

MAYOR MAGALONG:  Good morning po, Secretary Harry. Good morning po sa ating mga televiewers.

SEC. ROQUE:  Gaya ng aking sinabi po kanina, kinikilala po kayo as having one of the best systems for tracing. Paki-kuwento naman po sa buong Pilipinas kung ano pong ginagawa ninyo diyan sa Baguio para sa tracing.

MAYOR MAGALONG:  Bale po, mayroon akong pina-prepare na mga presentation at [garbled] i-post lang po nila iyong aking presentation.

SEC. ROQUE:  Okay. Naka-flash na, Mayor.

MAYOR MAGALONG:  Mr. Secretary, gusto ko lang pong i-share sa inyo ang aming contact tracing methodology. Pakita ko lang po sa inyo iyong aming ginawang conceptual framework which is actually aligned doon sa tinatawag po nating T3 concept ng contact tracing.

Ito po iyong sa amin, eh naging apat po iyong components nito. And itong apat po na ito ay ito po iyong, first, we identify then we immediately isolate, then we test, then we trace. Iyong tracing po, iyon po iyong tinatawag po namin na isa sa mga best practices po namin dito sa siyudad ng Baguio.

But before that, let me just give you an idea how do we work on our incident management. Ipapakita ko lang po iyong aming work flow sa inyo: Every time we have a positive case, ang ginagawa po namin, sini-secure kaagad namin iyong personal circumstances ng positive patients and then we immediately conduct the interview. After the interview, we immediately launch po iyong contact tracing.

Simultaneously, ang ginagawa ko po ay ino-order ko po kaagad ng lockdown ang barangay, dini-deploy po namin iyong security forces namin composed of PNP personnel. After that, ang ginagawa ko po ay kinakausap ko personally iyong pasyente para kumbinsihin siya na kung puwede i-disclose niya in public iyong kaniyang identity dahil dito po talaga nai-speed up po natin iyong contact tracing. And at the same time, kapag once na binanggit po niya na okay po siya, payag siya, we immediately send a post through social media at mainstream media.

Ito naman po iyong sunud-sunod na aksyon na ginagawa natin: We immediately inform iyong local IATF natin, iyong management committee, iyong contact tracing team and, at the same time, iyong Sangguniang Panglungsod. And after that, inuumpisahan po natin kaagad iyong decontamination – either iyong  bahay po ng positive patient, iyong mga sasakyan  niya at kaniyang opisina.

Now, we lined up several principles po ng ating contact tracing. Unang-una, ito po iyong seamless collaboration between law enforcement and health authorities. Importante po ito na magkasama po ang ating mga PNP investigators at ating mga doctors and nurses; hindi puwedeng magkahiwalay po ito. Hindi puwedeng sabihin noong isa na kaya ko na; dito po nagtutulungan po sila. Ang importante po rito ay iyong effort ng isa complements the effort of the other.

Extensive testing is critical to contact tracing. Gusto ko lang pong ipakita po sa inyo, itong binuo po namin na hypothetical na situation. Bakit po importante rito, bakit importante sa amin ang rapid diagnostic test? Kasi marami pong kumukontra, pero sa contact tracing, ito po ay isang bagay na indispensable po sa amin. This is a hypothetical situation, every time we have a positive case, nagkakaroon po siya ng first level contact, nagkakaroon din ng second and third level contact.

Alam po ninyo, sa realities sa ground, ang totoo po nito, hindi lang po sampo ang kaniyang first level contacts. Mayroon po kaming mga insidente na umaabot po ng 50; ang pinakamataas po namin dito umaabot po ng 153. And can you just imagine we have very limited resources, how can you follow up all these first level contacts sa dami po niyan, lalung-lalo na po kapag bumaba tayo sa succeeding na level ng contact.

So ang ginagawa po namin dito, we subject iyong first level contact sa RDT. In the process, malalaman po namin sino iyong positive at sino iyong negative. Dito po natin ina-apply iyong process of elimination. So with limited resources, makakapag-focus po kami doon sa mga nag-positive lang po. We isolate them at ilu-launch po namin iyong contact tracing. Meantime, they are subjected to RT-PCR. Alam naman po ninyo, iyong RT-PCR, it takes about 4 to 5 days para makuha po natin iyong resulta – sometimes po two days; kung sinuwerte po kami, one day lang. Pero kalimitan po kapag may backlog talagang 4 to 5 days po ang nangyayari. So with that, malalaman po natin kung sino po ang nag-positive sa kanila, iyon po iyong susundan talaga po namin, doon po ipu-focus iyong lahat ng effort ng ating mga contact tracers.

Going back to the third principle, transparency and speed are in indispensable. I always mention this: Every second matters. Hindi po, not every day matters. Bakit po dito? Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na bawat segundo ay puwede pong maka-infect ang isang positive na patient. So importante po iyong transparency, kaya po natin kinukumbinse kaagad iyong positive patient o positive case na banggitin po niya kaagad iyong kaniyang identity sa publiko.

Again, I would like to emphasize iyong speed po rito, kailangan po immediately ma-launch kaagad iyong contact tracing dahil kailangan po nating habulin kaagad kung sino po iyong potentially infected persons para ma-isolate kaagad natin and at the same time malaman po natin kung sino po iyong mga first and second level contact.

Our fourth principle, ito na po iyong cognitive interviewing skill. This is a 14th day training po sa aming—when I was in CIDG, ito po iyong isang training na ipinatupad natin. This is a 14- day training, at hindi po lahat ng investigators mayroon pong ganitong training. Ang maganda po rito sa training na ito, nadi-develop po iyong ability ng investigator to help an interviewee, a witness na ma-recall po niya iyong mga insidenteng nangyari. Can you just imagine, iyong atin pong positive case ay kalimitan po iyan conflicted, ang taas po ng anxiety level niyan, litung-lito po iyan. Kaya can you just imagine, kung ini-interview po ninyo iyan, wala po sa tamang isipan, hindi po siya rational. Kaya dito po papasok iyong skill na ito ng isang investigator.

Next is iyong use of technology. For the City po, mayroon po kaming tatlong components ng aming e-system – indispensable din po ito sa amin. Mayroon po kaming data collection tool, second po iyong aming GIS platform and third po iyong aming link analysis na analytical tool. So, tatlo po iyong ginagamit namin.

Another basic principle is, iyong contact tracing is highly dependent on quality of information. Gusto ko pong i-emphasize dito na hindi lang po tao-tao ang pinag-uusapan po dito, hindi lang po iyong nili-link natin iyong tao-tao. Kailangan po natin malaman iyong story, iyong istorya, iyong content, iyong substance para malaman po natin kung anong level ng contamination o infection ng isang tao. Kailangan po natin malaman high risk ba siya, moderate risk, low risk and at the same time, kailangan po natin malaman iyong buong kuwento dahil marami po tayong hinahabol dito – Paano na-infect itong tao na ito? Saan galing iyong infection? Ang dami po nating dapat alamin and that is the reason why I keep on saying that contact tracing is very similar po sa pag-iimbestiga po ng isang serial criminal offense.

And finally, ito pong being proactive, isa po iyan. Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo iyong aming experience. Noong ginawa po namin itong sistema na ito, mayroon na po kaming mga kaso. Kaya hirap na hirap po kaming i-train iyong aming mga investigators na wala pang training sa cognitive interviewing dahil very limited po iyong number nila and at the same time kung papaano po namin iti-train itong mga health authorities namin dahil karamihan po sa kanila ay nasa field – kailangan ipunin uli sila, bayaan muna iyong kanilang trabaho.

So my advise po doon sa mga local government units na wala pa pong kaso, it is about time, this is now the right time for you to build your capacity and capability po sa contact tracing.

Gaya po ng nabanggit ko, iyong amin pong contact tracing mayroon pong tatlong components iyan: Iyong data collection tool. Ito po ay pinagtutulungan na po namin, almost every three days or every two days, twice a week or three twice a week ay nagmi-meeting po kami ng DILG, ng COVID … at ito pong grupo ng Stay Safe para po maayos po natin, magkaroon lang po tayo ng unified na data collection tool. Uniformed po dapat ito.

And at the same time, we have this two analytical tools iyong GIS platform namin at iyong link analysis using a very expensive software pero readily available po ito. Maski na mahal po ito, readily available po ito sa Philippine National Police, ganundin po iyong GIS platform natin.

Iyong GIS platform natin sa Philippine National Police, ito po iyong tinatawag nating Crime Information Research and Analysis System. We developed that when I was still in the Philippine National Police.

Iyong link analysis naman natin, ito po iyong ginagamit po natin sa pag-imbestiga, ang tawag po natin dito is Case Management and Analysis System. Na-develop din po natin iyan noong nandoon po tayo sa CIDG.

Now, let me show you po iyong interface, ito na po iyong user interface. It’s a very, very simple po na form; madali pong mag-encode. It has seven main directories; mayroon naman po siyang 80 sub-directories. Ito naman iyong kaniyang spreadsheet, ito na po iyong backend. Nandito po lumalabas po lahat iyong buong information na ne-encode. Dito po sa aming data collection tool, almost siguro mga 8,000 na po na records ang aming na-encode po rito.

Iyong top most, nakikita ninyo po itong top most na row na ito, ito po ay aabot po ito ng 80 – otsenta po na information about one particular patient lang po.

Ito namang sa left most column, nandito na po iyong kaniyang history, lahat po ng detalye tungkol sa isang specific na positive patient, iyong resulta ng kaniyang specimen at iyong kaniyang mga links. And finally, importante pa rin po iyong kaniyang specimen information, anong nangyari sa kaniyang mga resulta, either iyong resulta ng kaniyang RDT, okay, at the same time ito pong ating RT-PCR.

Ito na po iyong sample po ng isang history ng isang positive patient, nakikita ninyo sequential po iyan, naka-timeline po iyan. Ito na po iyong aking data collection tool, iyan po iyong aming scores – dashboard na tinatawag. Ito po ay mabi-view ng publiko dahil, sabi ko nga ho, ini-emphasize po namin iyong principle of transparency.

And this is now our GIS COVID platform, ito po ay isang special na technology na ginagamit po natin sa crime mapping. Instead of ‘map a crime’ ang pinapalabas po natin dito, ang makikita ninyo po rito ay iyong mga COVID cases and at the same time, iyong mga suspected and probable. Each of those icons po ay may ibig sabihin po iyan.

So basically, ang nagagawa po nitong GIS platform, na o-overlay po iyong inyong mga information over a particular type of map. So nakikita ninyo po iyong extent ng infection sa isang particular na lugar, either you use a street map or a satellite map or a vector map. Marami pong klaseng mapa po na puwede po nating gamitin.

Now, let me show you po sa … bibigyan ko po kayo ng isang maikling demo – demonstration. This is about just a few seconds po na demonstration; puwede ninyo pong i-zoom in and i-zoom out po iyong mapa using a particular GIS application. Nakikita ninyo siguro na bawat icon, every time you click it, lalabas po lahat iyong mga attributes or all the information about that particular person. Ginagamit po namin ito kapag nag-lockdown po kami para ma-identify po namin iyong extent po ng potential infection sa isang barangay.

Okay, now let me go to the link analysis. Ito po naman ay nai-establish po rito iyong ating relationship, iyong trends, patterns at network. So nakikita ninyo po rito iyong a very complicated po na link diagram. And with all this information, no human brain can process this; only technology po ang makakapagproseso nito. So I’ll just show a short video, iyong capability nito.

So nakita ninyo kapag zinoom in ninyo, makikita ninyo na po iyong detalye ng bawat icon na nakikita ninyo diyan: Pinapakita po natin iyong positive case; iyong connection ng one positive case to another positive case. Ito pong nasa taas na parang ruler, timeline po iyan para maintindihan ninyo po kung kailan nangyari iyong insidente. Nakita ninyo rin po kung papaano nagkakasabay-sabay kung minsan iyong mga positive cases.

So this system mayroon pong istorya ito, it builds a story. Mas maiintindihan ninyo po iyong inyong kaso o iyong series of cases, positive cases.

Now, this is what our operations center looks like. We have about 12 people manning it, members of the Philippine National Police, iyong local government unit at iyong Bureau of Fire. Ito po iyong aming isa sa mga special na technical expert namin sa link diagram or sa link analysis.

That ends my presentation. Maraming salamat po sa inyong lahat.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mayor Benjamin Magalong. Kayo na po ang COVID buster. So punta na tayo sa mga katanungan galing sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Uulitin ko po, iyong anunsiyo ni Presidente tungkol sa pasok sa eskuwelahan: Ang face-to-face po ay kung mayroon na tayong new normal by August 24. At kung wala naman pong new normal, we will resort to flexible learning – gagamitin ang telebisyon, ang radyo at ang internet.

Inuulit ko po ito dahil alam kong napakaraming tanong tungkol dito, para hindi na po paulit-ulit ang pagbasa at pagsagot. At nang sa ganoon po, kung mayroon din kayong katanungan kay Mayor Magalong ay maitatanong ninyo po.

Sige po, kay Joyce Balancio ng DZMM – Joyce Balancio? Okay, wala si Joyce. Si Rocky, Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. May tanong tayo mula kay Francis ng Daily Tribune. Kung magpapatuloy daw po iyong mataas na kaso na niri-report ng DOH, kung iri-retain daw po ng IATF nang June 1 ang MECQ o iyong iri-retain ang MECQ sa mga siyudad na mataas pa rin ang kaso ng COVID like Quezon City and Manila.

SEC. ROQUE: Well, hintayin na po natin ang magiging desisyon ng ating IATF dahil inaasahan naman po natin na bukas ay baka mayroon nang desisyon. Ang importante po, titingnan natin ang doubling rate, ang critical care capacity at siyempre atensiyon din sa ating ekonomiya.

USEC. IGNACIO: Second question niya: Cabinet members enjoy the full trust and confidence of the President, but did the President give any reason why he still sticking with Secretary Duque despite his alleged shortcomings as top health official ng bansa and iyong calls po for his resignation? What’s preventing the President from removing him considering na marami na daw pong puwede naman daw ipalit sa kaniya as Health secretary?

SEC. ROQUE:  Naku, na kay Presidente na po iyan. For now, since hindi pa po natatanggal ang kahit sinong miyembro ng Gabinete, ibig sabihin ay may tiwala pa rin po ang ating Presidente sa lahat ng miyembro ng Gabinete.

Si Joyce, nandiyan na ba si Joyce?

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Yes, Secretary. Good afternoon. Sir, doon lang sa blended learning natin na nabanggit po ninyo ‘no. Some are saying this can result to discrimination of some students lalo na po iyong mga walang access sa internet and also sa mga liblib na lugar na posibleng wala rin pong access sa TV and radio. So how do we ensure na hindi po madi-discriminate, may mga maa-isolate na mga students as we implement ito pong blended learning?

SEC. ROQUE:  Well, gaya ng aking sinabi kanina, lahat ng medium of instruction ay gagamitin natin. Kung walang internet, sigurado namang may radyo doon. Siguro po kung kinakailangan ay magkakaroon po siguro tayo ng make-shift classroom using radio or TV sa iba’t ibang mga barangay centers kung saan pupuwede talagang magkaroon ng social distancing ‘no.

Pero sa mga susunod na araw ay iimbitahin din po natin ang DICT para tanungin kung ano talaga ang kapasidad natin pagdating sa internet learning po ‘no. Pero sa tingin ko po, ang radyo po at ang TV, iyan po ang magsisiguro na wala pong diskriminasyon laban po sa mga mahihirap.

JOYCE BALANCIO/DZMM: So, iniisip po natin, sir, we’ll be using iyong mga local radio stations po, Secretary?

SEC. ROQUE: Definitely po, definitely mga local TV and local radio in addition to the internet.

 JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Secretary, mayroon pong report doon po sa isang mag-ina na tinanggalan po ng bubong at ng pinto dahil hindi po sila nakabayad ng renta, sila po ay nandito sa MECQ. Ano po iyong ating panawagan? Dapat po hindi ba sila pinagbabayad, pinipilit na magbayad ng kanilang mga landlords at ano iyong kasong puwedeng kaharapin ng mga landlords na namimilit po ng pagbabayad ng renta?

SEC. ROQUE: Naku! Ayaw ko pong mag-abogado dito sa naging biktimang ito. That really is an advice that should come from his or her lawyer. Ang akin lang po, let us remind our people po na mayroon pong guidelines ang IATF sa panahon ng ECQ, MECQ, GCQ, dapat po ay mayroong grace period na ibinibigay sa mga umuupa.

JOYCE BALANCIO/DZMM: So, mali po ito, Secretary? What happened to the lady po na sila ay—?

SEC. ROQUE: Ay, hindi po dapat. Hindi po dapat nangyari iyan dahil mayroon nga pong stipulated grace period. Patapusin muna natin po ang mga community quarantine at saka po tayo maningil ng mga pagkakautang.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Secretary, ano po ang mensahe ng Palasyo doon sa mga panawagan, continuous na panawagan for resignation or replacement ni Secretary Duque? I believe itong Private Hospitals Association of the Philippines that is composed of more than 700 private hospitals ay sumulat po sa Palasyo to replace Secretary Duque and I believe last night si Pangulong Duterte he gave an advice to Secretary Duque on how to respond to criticism and issues. Ito din po ba ay pagpapakita ng kaniyang trust and confidence at pagbibigay pa rin ng chance sa kaniyang Health Secretary?

SEC. ROQUE: Pareho lang po ang sasabihin ko diyan, habang nandiyan po si Secretary Duque, he continues to enjoy the trust and confidence of the President.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Last na lang po from me, Secretary. Mamaya po may meeting ang IATF, dito pa lang po pag-uusapan po iyong what will happen after May 31. Present po ba si PRRD dito sa meeting na ito?

SEC. ROQUE: Wednesday po ang meeting; today is a Tuesday ‘no. Pero mamaya po may konsultasyon sa mga religious leaders. Instead of a live dialogue, it will be by Zoom. It will be at 3 P.M. po.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Rocky?

USEC. IGNACIO: Secretary, from Bella Cariaso of Bandera: Sa column daw po ni Atty. Rudulf Philip Jurado, sinabi niya na hanggang June 5 na lamang maaaring magamit ang emergency power na ibinigay ng Kongreso kay President Duterte kahit hanggang June 25 po ang effectivity ng Bayanihan Heal as One Act since under the Constitution, emergency power can only be used while Congress is in session. Since matatapos na po ang session sa June 5, mawawala daw po ang bisa ng emergency power ng Pangulo. Ano daw po ang comment ng Palace dito?

SEC. ROQUE: Unang-una, we have exercised all the powers given to the President. Una po diyan iyong power to realign the budget, nai-realign na po natin iyan. On Thursday, we have Secretary Wendel Avisado as guest para ipakita po kung magkano at saan napunta iyong mga nai-realign na projects.

Pangalawa, pagdating naman po sa procurement, mayroon na po tayong kumbaga stockpile ng PPEs at na-order na rin po iyong mga ibang mga kailangan natin kasama na po ang mga ventilators. Ibig sabihin, napabilis na po iyong proseso ng pagbili ng mga medical equipment na kakailanganin natin.

So, sa tingin ko po kahit kailan pa iyong date ng expiration ng Bayanihan Act eh nagamit naman po ang lahat ng special powers na ibinigay sa ating Presidente.

USEC. IGNACIO:  Okay. Iyong tanong po ni Jona Giolagon ng Asahi Shimbun ay opening of classes kaya ito na lang po iyong tanong naman ni Rose Novenario of Hataw: Ang inireklamo kahapon ni Ormoc City Mayor Richard Gomez ay ang kakulangan ng koordinasyon ng national government sa LGUs sa pagbabalik-probinsiya ng mga residente. Ano po ang sistemang ipatutupad ng national government upang hindi masayang ang pagsusumikap ng ilang lugar na maging COVID-free?

SEC. ROQUE: Unang-una, uulitin ko po, wala pong pinauwi sa probinsiya nang hindi po negative sa PCR testing. PCR testing po ang ibinigay natin sa lahat noong 24,000 na mga OFWs natin.

So, ang importante lang po, kung ninanais pa ng mga lokal na pamahalaan na i-quarantine sila, ang pakiusap lang i-quarantine na po sa barangay level nang malapit na po sila sa kanilang mga pamilya.

Maricel Halili?

MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir. Good afternoon.

SEC. ROQUE: Good afternoon.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, clarification lang po doon sa second tranche ng Social Amelioration Program because yesterday you mentioned nga po na may go signal na ang Office of the Executive Secretary to start the distribution. Does he also mentioned po na mayroon na pala tayong 12 million na malinis na listahan from the first tranche na kumbaga iki-carry over for the second tranche? Ito po bang 12 million na ito naka-center na po ito doon sa mga beneficiaries from the ECQ area na idineclare from May 1 to 15 o may kasama pa po dito na GCQ? Kasi po ang naka-allot din na budget natin is for 18 million families, so does it mean maghahanap po tayo ng additional six million para mapuno iyong 18 million or dito na po papasok iyong additional five million na sinabi ni Presidente?

SEC. ROQUE: 12 million po para doon sa mga nauna ng beneficiaries in ECQ areas na patuloy pa ring nasa ilalim ng ECQ. Five million po ang iyong mga bagong pangalan na bibigyan natin ng ayuda.

MARICEL HALILI/TV5: Pero, sir, ang ibig sabihin po bubuuhin pa rin ba natin iyong 18 million because the second tranche po is nasa amounting to P100 billion pa rin po, hindi po ba so for 18 million families?

SEC. ROQUE: Mauubos po iyan dahil ang estimate lang natin is 12 and five ‘no, pero mauubos po iyan dahil I’m sure hindi po magkukulang ang nais makakuha ng karagdagang ayuda.

Sabi natin, five million pero titingnan po natin; kung may pera pa eh di magbibigay pa rin. Uubusin po natin iyan buong-buo para sa ayuda.

MARICEL HALILI/TV5: I see… So sila na po iyong bubuo for the second tranche?

SEC. ROQUE: Opo.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, clarification lang po doon sa expanded targeted testing. Iyong kahapon po sinabi po natin na—lumagpas pa pala sa 30,000 iyong maximum capacity natin, naging 32,000 pa, so nag-exceed tayo doon sa target natin, but that’s the maximum capacity.

Iyon pong actual testing natin, mayroon po ba tayong number or average kung ano po iyong actual testing natin and kung mayroon pa po tayong backlog, mga kailangan pong habulin?

SEC. ROQUE: Wala ako ngayong hawak na datos tungkol diyan pero ang importante po, napakadami pa po nating mga kababayan na uuwi, mga OFWs at lahat po sila ay mapapasailalim pa rin sa PCR testing.

So iyong capacity po natin importante dahil ibig sabihin niyan, mas marami tayong mabibigyan ng PCR habang lumalaki rin po iyo numero ng mga umuuwi nating mga kababayan.

I do not have the revised figures for the actual tests as of today but I’m sure on Thursday we will have it.

MARICEL HALILI/TV5: All right. Thank you, sir.

SEC. ROQUE: Thank you very much.

Back to Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Okay. From Sam Medenilla ng Business Mirror. Tatlo po ang tanong niya: Nag-instruct po si President Duterte to use some of the over 200 billion fund of the Bayanihan Heal as One Law para po sa pagpapauwi ng OFWs. Magkano po kaya ang additional budget ang ia-allocate para po sa nasabing initiative?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po kasama na po diyan iyong sa nanggaling sa portion na ini-realign po natin ano. At sa Thursday po kasama natin si Secretary Wendel Avisado, siya po ang magsasabi kung magkano iyong realigned funds para po maiuwi sa kanilang mga tahanan iyong mga bumabalik nating OFWs.

USEC. IGNACIO: May update na daw po kaya kung ilang Build, Build, Build Projects ang magre-resume? Ilan po sa nasabing project ang maii-scrap because of COVID-19?

SEC. ROQUE: Well, nangako na po talaga si Acting Secretary Karl Chua na ibibigay ang listahan as soon as possible at ang DPWH po wala pa silang exact na numero kasi depende nga po iyan doon sa mga proyekto na makaka-comply doon sa mga construction safety guidelines including iyong pagtatayo ng tirahan para sa mga manggagawa.

Pero ito po iyong ilan sa mga flagship project na nagsimula na pong muli: Ang Harbor Link, ang NLEX-SLEX Connector, ang Cavite-Laguna Expressway, ang Skyway Stage 3, ang R1 Bridge Project, ang TPLEX, ang Subic Freeport Expressway.

Ilan lang po iyan doon sa mga flagship projects na tuloy na po muli ang konstruksyon.

USEC. IGNACIO: Iyong last question niya: Mayroon na po bang specific projects kung saan ia-allocate ng government ang additional 150 billion budget which will be allocated for COVID response?

SEC. ROQUE: Well, hahayaan ko na po si Secretary Wendel ang sumagot diyan. Lahat po itong mga tanong paki ‘tick’ [text] at itatanong naman natin lahat iyan kay Secretary Wendel Avisado. Hayaan ko na po siyang mag-report pero iyong numero po na na-realign ay mas malaki pa po doon sa figure na nasabi natin na 150 billion.

Next question, please kay Joseph Morong.

Joseph? Okay, habang wala pa si Joseph, si USec. Rocky, mayroon kang katanungan?

USEC. IGNACIO: Opo, Secretary. Ito na lang po… teka lang po huh… Sandali lang po nawala din ako. Iyon pong tanong naman ni… sandali lang po….

SEC. ROQUE: Sana mas maraming miyembro ng Malacañang Press Corps ang mag-Skype ano.

USEC. IGNACIO: Opo.

SEC. ROQUE: Ayun, nandoon na yata si Joseph. Joseph? Wala pa.

USEC. IGNACIO: Kasi mayroon ding nagpapahabol ng tanong—

SEC. ROQUE: Trish Terada?

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hello, Secretary. Good afternoon po.

SEC. ROQUE: Good afternoon, Trish.

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, follow-up po doon sa second tranche po ulit. Kasi po doon sa Bayanihan Act, it was specified na iyong identified 18 million families should get the aid twice. Wala pong ini-specify kung they have to come from ECQ or GCQ basta raw po by April and May they need to receive cash aid twice. How does the government plan to reconcile this, sir, given na medyo nagkaroon po ng pagbabago sa plano na magiging 12 million from ECQ areas and additional five million left out families na lang po iyong bibigyan?

SEC. ROQUE:  Well, we believe there is compliance with both literal and intent of the law ‘no. Ang ginagawa nga namin, mas marami pang nakinabang kasi instead of 18, it became 23 million families. So that is a position of the Executive, I don’t think there is really any question about whether or not it was proper to give to 5 million additional beneficiaries. But kung mayroong kuwestiyon naman po diyan, mareresolba po iyan ng hukuman.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Sir, there’s also a question about the source of funding, kasi po dito sa 12 million, at least doon nakalagay sa EO ‘no, na manggagaling po ito sa DSWD-EICS program or iyong specific program po ng DSWD. Bakit daw po dito kukunin iyong budget instead of doon sa budget for the allotted for the second tranche?

SEC. ROQUE:  Ang alam ko po iyong 12 million, iyan nga po talaga iyong galing talaga sa Bayanihan fund at Bayanihan Law ‘no. At iyong 12 million are the same 12 million comprising the original 18 million, so I don’t think hindi po under question iyong 12 million na iyan.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Okay. Sir, since we’re talking about contact tracing ‘no, where are we now in terms of hiring contact tracers and at the same time people for our testing centers?

SEC. ROQUE:  Si Secretary Wendel po will also answer that kasi mayroon din pong portion ng budget na realigned for that purpose. Pero nakita naman natin sa presentation ni General Magalong ‘no, na—General Magalong, perhaps I could ask the question ‘no on their behalf. Gaanong kamahal ho itong testing na in-implement ninyo sa Baguio? More or less, how much did it cost the city government?

MAYOR MAGALONG: Wala po, libre po ito, Secretary Harry.

SEC. ROQUE:  Pero iyong in terms of budget na ginastos ng city government, gaanong kalaki po iyong naging budget ng city government for a testing like this—for a tracing like this?

MAYOR MAGALONG: Iyong kuwan lang po, ang ginagastos po namin dito iyong aming rapid test kits. Pero iyong mga technology, wala ho kaming ginastos diyan dahil mayroon po iyan, available po iyan sa Philippine National Police. Nagkakataon lang po na kung minsan nakakalimutan ng ibang mga commander na mayroon iyong ganiyang sistema sa kanilang mga command.

SEC. ROQUE:  Manpower po, hindi kayo kumuha ng additional manpower?

MAYOR MAGALONG: Hindi po kailangan, Secretary Harry, dahil hindi ho basta-basta puwedeng sinu-sino na lang ho puwedeng kunin diyan. Dapat po iyong mga ire-recruit diyan sa contact tracing, iyong may mga investigative capability, investigative mindset. Kaya ho hindi ho basta-bastang puwede na lang kumuha ng mga ordinary na workers diyan at turuan na lang po diyan because they need to be trained po sa cognitive interviewing skills, pati ho iyong mga basic investigation – kailangan matuto ho sila sa ganoon.

SEC. ROQUE:  Okay. Thank you, Mayor Magalong. Trish, any further questions

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Sir, final question. Sir, about lang po doon sa healthworkers, marami po iyong nagtatanong especially those who were affected by the deployment ban. Is there any chance that it can be lifted soon? Kasi po iyong iba naman po na healthworkers na may perfected contract, mukhang hindi daw po na-coordinate iyong directive [garbled] at mapapaso na raw po iyong mga kontrata nila, sir.

SEC. ROQUE:  Iyong mga perfected contracts po ‘no, dapat napaalis ‘no. Ang sakop lang noong ban ay iyong mga bago, bagong mga kontrata na ipinasok matapos po mag-issue ng ban ang POEA. So siguraduhin ninyo po na pasok kayo doon sa petsa kung saan nagkaroon ng ban, dahil kung pasok naman kayo, dapat i-process sila at payagang umalis.

Rocky?

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Thank you, Secretary.

USEC. IGNACIO:  Secretary, follow up ni Ace Romero doon sa education: Ano daw po ang implication of the President’s announcement given that we do not know yet when a COVID vaccine will be developed, and administer about opening of classes?

SEC. ROQUE:  Well, I think nasagot ko na po iyan ‘no. Kinakailangan pa ring maghanda, pero kung hindi talaga aabot sa punto na nandoon tayo sa new normal na mababawasan natin ang banta sa kalusugan ng mga kabataan, hindi tayo magpi-face-to-face class at tayo po ay magkakaroon ng flexible blended learning. The bottomline is, we will not compromise the health of our youth, iyon po ‘yun.

USEC. IGNACIO: Opo. May question si Vanz Fernandez: Iyon daw pong statement ni Presidente Duterte kahapon about Secretary Duque, doon sa expensive PPE procurement, ibig ba daw pong sabihin nito, no more independent investigation sa procurement process na alleged overpricing ng DOH supplies and testing kits?

SEC. ROQUE:  Hindi po. Malinaw na ang walang imbestigasyon na ay sa PPEs kasi naging malinaw naman, nagbigay din ng opinyon ang mga pribadong mga doktor na talagang wala pong irregularity, walang overprice doon sa PPE kasi set po iyan – dalawang PPE nga po ang kasama diyan, kasama pa iyong goggles, kasama iyong sa paa so wala pong question sa PPE. Ang pinapaimbestigahan po iyong mga extraction machines at mga test kits dahil karamihan po dito lalung-lalo na iyong test kits, galing lang po sa isang kumpanya sa Tsina at iba-iba po ang presyo depende kung sino nagbenta. So, iyon po ang pinaimbestigahan ng ating Presidente.

Joseph Morong?

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, doon lang sa school ‘no. Iyong inclusions natin, ang clearly kasama diyan iyong mga bata lang up to high school. But how about the higher education institutions and also iyong mga law schools, papaano magiging sistema nila under what the President said yesterday?

SEC. ROQUE:  Well, kahit naman po grade school o high school, kung hindi po tayo matatanggal sa community quarantine eh talagang wala pa rin po tayong face-to-face. So I’m advising all types of schools na maghanda na po sa new normal. Ang possibility po talaga is we will have to be more creative, they will have to be more blended or flexible learning. At tama naman po ang sabi ni Presidente, habang walang bakuna, eh hindi po talaga tayo tuluyang ligtas.

Pero let’s hope na by the 24th or by September, at least we reach that point na nasa new normal na tayo dahil more or less mama-manage naman po ang risk natin. Ibig sabihin noon, napabagal na natin nang husto ang doubling rate ng COVID at sapat-sapat na iyong ating mga critical care facilities.

JOSEPH MORONG/GMA7:  This goes for higher education institutions, sir, college and then iyong mga law students, ganiyan din?

SEC. ROQUE:  Yes po, yes po.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Okay. Sir, sa OFW, just for sound bite purposes. Iyong mga nakauwi na, what sort of aid are we providing them? And then second, ang sabi ni Secretary Año kanina, at the end of 2020 mayroon tayong inaasahan na 300,000 more na mga OFWs na uuwi. So are we prepared for that kind of influx in terms of supporting them?

SEC. ROQUE:  Ang OWWA po mayroon talagang ayuda na binibigay sa lahat ng mga umuuwing OFW. Alam ko po, binigyan na ng additional pondo rin ang DOLE para po doon sa mga programa niya na COVID-related na pupuwede ring makakuha iyong mga umuuwi nating mga OFWs. Alam ko po na ang dami nang programa po ngayon ng DTI na pautang at ang DA para makapagsimula po ng mga negosyo ang ating mga kababayan na pupuwede ring panggalingan ng pondo para sa mga bumabalik na OFWs para sa kanilang mga hanapbuhay.

At alam ko rin po, dahil nga mananatili pa rin ang Build, Build, Build initiative ng ating gobyerno, magkakaroon po tayo ng kumbaga job fair especially targeting the OFWs dahil kailangan po natin sila ngayong narito na sa ating bayan sila ‘no dahil kulang na kulang po talaga iyong mga construction workers dahil marami nga po ay nagsi-abroad na. So ang tingin ko naman po, dahil malakas ang ekonomiya natin bago tayo tamaan ng COVID, eh makapagbibigay rin tayo ng hanapbuhay sa maraming mga bumabalik nang OFWs.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, just a little bit on the healthcare workers ‘no. What will make the government, the President lift the ban on healthcare workers who wanna go and work abroad?

SEC. ROQUE:  Kapag humupa na siguro iyong banta ng COVID-19 sa mga lugar na nais nilang puntahan.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, last question na lang ‘no. Sa MGCQ na matagal siguro pa tayo bago makarating doon, mayroong mga mass gathering na ia-allow up to 50%. We’re talking about the entertainment sector, the live events industry ‘no. So ibig sabihin ba, sir, niyan ay iyong mga companies that are involved in these kinds of productions, they can go to work already because bibigyan na sila ng chance to show to a 50% audience?

SEC. ROQUE:  Well, sabi ko nga ‘no, matagal pa tayo diyan ‘no. Pero ang importante kasi, we need to adjust to a new lifestyle ‘no. So maski nasa MGCQ na iyan, maski nasa new normal na iyan, talagang kabahagi na ng ating buhay ang social distancing, so lahat po ng activities ay kinakailangan magkaroon ng social distancing ‘no. So ang kasagutan ko diyan, well the future of these events industries will really depend on our ability to adopt to a new lifestyle.

JOSEPH MORONG/GMA7:  All right, sir. Thank you for that.

SEC. ROQUE:  Salamat po. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: From Julie Aurelio: Are employers allowed to charge employees for shuttles or transportation provided for them or should this be for free?

SEC. ROQUE: Well, dapat po ay obligasyon iyan ng mga employers ‘no na magkaroon ng shuttle bus. So ang pagkakaalam ko po, hindi naman sila pinilit na magbukas provided magbigay sila ng shuttle bus, dapat po sila na ang mag-shoulder ng cost na iyan. Kung mali po ako, I will stand corrected. Pero sa tingin ko po ngayon ‘no, obligasyon talaga ng employer na magbigay ng shuttle.

USEC. IGNACIO: For government workers daw po, Secretary, kung tuloy pa rin daw po iyong hazard pay kahit nasa GCQ na ang lugar nila, kung saan sila?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po iyong hazard pay ay para sa lugar na mayroong ECQ ‘no. At ang GCQ naman po ay mga 50% capacity or hundred percent capacity. Pero sa gobyerno po ‘no, sa gobyerno po ay full workforce na tayo kung darating na tayo sa GCQ, so tingin ko po ay wala nang hazard pay.

Yes, via Skype, Melo Acuña. But again, Julie, let me check on that ‘no. Melo Acuña?

MELO ACUÑA: Magandang hapon, Secretary. Good afternoon. Follow up lang doon sa binanggit ni Joseph Morong kanina. Gaano kahanda ang pamahalaan para maiwasan iyong impact … kung uuwi iyong mga manggagawa natin, anong impact nung mawawalang foreign remittances sa ekonomiya sapagka’t nakasalalay tayo sa foreign remittances at consumer spending? So ano po ang nakikita ninyong programang inihanda ng pamahalaan sapagka’t makaaapekto ito sa gross domestic product at gross national income? Thank you, Secretary.

SEC.  ROQUE: Well, linawin natin, Melo. We need to survive this crisis. If we’re able to survive, that’s an achievement. And we will survive! Bakit po? Dahil napakalakas nga ng ating ekonomiya bago tayo tamaan. So bagama’t magkakaroon tayo ng contraction in the economy, we feel that it is not as bad as our neighboring countries or the rest of the world.

Pero totoo po, hindi po ako magsisinungaling, magiging masakit po iyan dahil matagal na tayong nakadepende sa mga remittances ng ating mga OFWs kaya nga po tinatawag natin silang mga bagong bayani. Pero kakayanin po natin ito – sanay naman tayo sa mga pagsubok, sanay po tayong magbayanihan.

MELO ACUÑA: Follow up ko lang po. Tungkol naman sa turismo sapagka’t malaki rin ang mawawala kung hindi tayo handa at kung hindi rin handang magpadala ng turista ang South Korea at ang Tsina. Anong puwedeng gawin para magkaroon ng stimulus ang tourism industry in the Philippines?

SEC. ROQUE: Well, mayroon naman po tayong opsyon talaga ‘no to encourage domestic tourism kapag pupuwede na. Ang tinitingnan po natin ay anong mangyayari sa Bohol, kasi alam naman natin na ang Bohol and Boracay are favorite destinations. Ngayon po ay naka-GCQ na sila, posible po na mag-MGCQ na sila sa mga darating na araw kung saan papayagan na po ang 50% na turismo.

So mayroon na po tayong, kumbaga, mga models na masusunod ‘no dito sa Bohol at sa Boracay. Pero kampante po tayo na sa ganda naman ng ating mga tourist destinations ay hindi po tayo magkukulang ng mga tao na nais makarating at makita itong mga destinasyon na ito.

MELO ACUÑA: Pahabol ko lang po. Ano na po ang status ng mga quarantine facilities na pinasinayaan natin kamakailan, iyong PICC, katulad ng World Trade Center? Fully utilized na po ba ang mga ito?

SEC. ROQUE: Hindi naman po fully utilized. Ang ginagawa na lang natin ay, in fact, dati ay ginagamit natin for quarantine lang for returning OFWs. Ngayon ang ginagamit po natin karamihan ay mga hotels dahil nirireserba na natin iyong mga We Heal as One Centers doon sa mga may positive cases ng COVID. At hindi pa naman po tayo fully—well, hindi pa tayo full capacity kaya nga po isa iyan sa konsiderasyon sa desisyon ng IATF kung ano ang mangyayari pagdating ng katapusan ng buwan ng Mayo.

MELO ACUÑA: Maraming salamat po. Thank you.

SEC. ROQUE: Rocky?

USEC. IGNACIO: From Joel Gorospe ng DWWW. Motorcycle rider po ito. Malaking usapin ngayon sa social media ang doble plaka. Marami po ang nagsasabi na hindi napapanahon at hindi makatao dahil sa penalty at parusa. Mayroon po bang sagot ang Pangulo dito?

SEC. ROQUE: Makipag-ugnayan po tayo kay Chairman Delgra ng LTFRB or DOTr. Tatanungin po natin kung magkakaroon ng full implementation itong doble plaka. Paki-remind ako na in the next press briefing may sagot na tayo diyan. Yes, please?

USEC. IGNACIO: From Celerina Monte ng Daily Manila Shimbun: With the flexible mode of education, will the government urge Dito Telecommunity Corporation of Dennis Uy to fast track the roll out of commercial services to subscribers instead of its target March 2021?

SEC. ROQUE: Well, hindi lang naman po tayo nakadepende sa mga pribadong sektor para rito. Dahil isa po ako sa mga nagsulong noong 17th Congress ng libreng internet para sa lahat ‘no. So siguro po kinakailangang pabilisin at palawakin pa itong programa ng libreng internet dahil importante ngayon na lahat ng kabataan na kinakailangang mag-aral ay mayroon ding internet. Habang wala pa po ang lahat ng internet, gagamitin nga po natin ang radyo at ang telebisyon.

USEC. IGNACIO: From Julie Aurelio: Will OFWs returning to their hometowns be required to undergo another round of quarantine?

SEC. ROQUE: Nasa desisyon na po iyan ng LGUs. Pero, mga LGUs, fully tested po, negative po sila sa PCR testing so baka naman masayang ang quarantine; pero we respect your prerogatives.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, iyan po iyong mga nakuha nating tanong mula sa Malacañang Press Corps.

SEC. ROQUE: Well, bago po tayo magtapos – Mayor Magalong, can we have your last words? Kakayanin ba ng buong Pilipinas na ipatupad ang ginawa natin diyan sa Baguio?

MAYOR MAGALONG: Maraming salamat po, Secretary Harry, at inimbitahan ninyo po kami. Unang-una, gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na ang local government ng Baguio ay willing pong i-share itong mga technology namin sa contact tracing. Makipag-ugnayan lang po kayo sa aming opisina at willing po kaming tanggapin po iyong gustong mag-immerse po rito para maturuan po namin iyong inyong mga IT specialists at mga contact tracer.

Maraming salamat po. At maraming salamat, Secretary.

SEC. ROQUE: Mayor, bago kayo umalis, ang tanong ko kanina is: Kakayanin ba ng ibang LGUs na gawin iyong ginawa ninyo diyan sa Baguio?

MAYOR MAGALONG: Oo naman po. Magugulat po kayo, Secretary, na marami rin pong mga best practices ang ibang LGUs, hindi lang po naha-highlight.

SEC. ROQUE: Last question: Kung ibibigay sa inyo ang posisyon ng tracing czar, willing ba kayong magbitiw bilang mayor?

MAYOR MAGALONG: [Laughs] Mr. Secretary, ang tracing czar po natin si Usec. Bernie Florece na po. Sumusunod na lang po ako sa kaniya.

SEC. ROQUE: Okay, salamat po, Mayor. Thank you very much. And to the members of the Malacañang Press Corps, thank you very much. To Usec. Rocky, maraming salamat.

At Pilipinas, sa ngalan po ng ating Pangulo, Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque. Please keep safe. Good afternoon.

##

 

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)