SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Haharap pong muli ang ating Presidente Rodrigo Roa Duterte mamayang gabi para malaman na natin kung anong mangyayari sa atin pagdating ng a-uno ng Hunyo. Matapos ang mahigit pitumpung araw, nasaan na ba tayo sa laban sa COVID-19? May pagbabago ba sa pagdating ng Lunes? Antabayanan po natin ang mensahe ng Pangulo sa ating mga kababayan ngayong gabi.
Meanwhile, pumalo na po sa mahigit labinlimang libo ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health. May 380 na bagong kaso ang naitala kahapon; ang taas po nito, kaya patuloy po tayo sa ating mga panawagan na ipagpatuloy na sundin ang ating mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, pag-obserba ng social or physical distancing, paghuhugas ng kamay at paglabas lamang upang bumili lang ng mga essentials.
Be a homeliner, in other words, hindi po lahat ng mga bayani ay naka-kapa; ang iba ay nakapambahay lamang po. Patuloy naman nating—tumaas na ang mga recoveries natin. Ngayon po mayroon na tayong recoveries na 3,506, habang mayroon naman po tayong 904 na deaths. Makikita po natin sa graph na ito na sumipa po talaga sa mga nakalipas na araw at patuloy po ang pagsipa ng dami ng mga kaso, bagong kaso ng COVID-19. At iyong mga namamatay, bahagya pong tumaas din sa nakalipas na dalawang araw, iyong numero ng mga namamatay. At ang mabuting balita naman po, tumaas din po sa dalawang araw na nakalipas ang mga numero nang gumaling sa sakit na COVID-19.
Update naman po tayo doon sa ating mga OFW repatriates. Ang mga impormasyong nakapaloob ay galing sa OWWA, National Task Force Against COVID-19 at BCDA. Naku, halos 16,000 na po—mahigit 16,000 na mga OFW ang nakauwi sa kani-kanilang mga tahanan mula nang pinag-utos po ni Presidente Duterte ang pagpapauwi ng lahat ng mga kababayan na nag-aantay ng kanilang resulta ng PCR test. Uulitin ko po, lahat po itong mahigit na 16,000 bago pinauwi, negatibo po sila sa COVID-19 PCR test.
Mayroon po tayong tatlong flights naka-schedule kaninang umaga papuntang Davao, Dumaguete at Puerto Princesa. May mga flights pa po mamayang hapon para sa iba’t ibang destinasyon. May dalawa pong barko na aalis ngayong araw, tag-isang libo po ang sakay niyan. Una ang MV St. Michael, The Archangel na papuntang Cebu, Dumaguete, Ozamis, Iligan, Zamboanga na may capacity na higit 800 na pasahero na may social distancing. Pangalawa ang MV St. Augustine of Hippo na bound for Cebu na kayang magsakay nang higit na 400 na pasahero na may social distancing. May tinatayang isandaang bus ang bumiyahe sa iba’t ibang destinasyon sa Luzon para ihatid ang ating mga kababayan na OFWs.
Para po sa mga hindi pa nakakakuha ng kani-kanilang certificates, may hinahanda po kaming infographics na pupuwedeng sundin ng ating mga kababayan. Step 1, mag-login po sa httpsquarantinecertificate.com/ para mag-request ng kopya ng inyong quarantine certificate. Step 2, mag-fill ng form na may tamang impormasyon at i-upload ang mga kinakailangan na mga requirements. Step 3, matatanggap ninyo at i-download ninyo po ang inyong digital certificate at notification sa inyong email. At Step 4, mag-login po sa httpsquarantinecertificate.com para i-verify kung valid ang inyong certificate. Step 5, mangyaring tumawag po sa aming support team. Ang kanilang numero at email address ay naka-flash sa screen.
Magkano pa bang pera ang natitira para sa COVID-19? Magkano ba ang ni-realign nating pondo sang-ayon sa special power na binigay sa ating Presidente ng Kongreso? Paano natin ginastos itong mga na-realign na pondo? Well ngayon po, lahat ng itong mga katanungan ay bibigyan ng kasagutan nang wala pong iba kundi ang ating Kalihim ng Department of Budget and Management, so walang iba po kundi si Secretary Wendel Avisado. Sec., welcome and good morning.
SEC. AVISADO: Good morning po sa ating lahat. Good morning, Sec. Harry at sa lahat ng bumubuo ng Malacañang Press Corps. Isang malaking pagkakataon itong naibigay sa akin upang mailahad natin ang estado ng pondo ng bayan lalo’t higit sa patuloy nating pagsagot sa mga kakailanganing pera para matustusan ang ating gastusin sa COVID-19.
Kung inyo pong mamarapatin, dalawa lang naman po iyong slides na inihanda ko para po diretso lang tayo doon sa punto ng pag-uusapan natin.
How has the government funded and continue to fund and will continue to address the COVID-19 pandemic requirements in the coming days? As of today po, May 28, 2020, funds amounting to 353.8 billion has already been released to various departments and agencies of the government to support their COVID-related interventions and this was made possible through the Bayanihan to Heal as One Act which authorized the President to realign, reallocate and reprogram both the 2019 and the 2020 budgets respectively.
Of this amount, 246 billion more or less came from the pooled savings, 96.7 billion from the un-programmed appropriation and 10.6 billion from reprogramming of beneficiaries and purpose of existing PAPs (Program, Activities and Projects).
For the particulars on the fund releases, let’s go to slide 2 please. We have there the releases that we have made with the various departments.
For DSWD, for the first tranche we released 100 billion; for the DOLE which is for COVID adjustment measures program for Overseas Filipino Workers and initial amount of 1.5 billion. We also provided Bayanihan grants to cities and municipalities for them to be able to also respond to the local needs for COVID at 30.8 billion which is equivalent to an additional one month internal revenue allotments; and for the provinces – 6.1 billion, equivalent to one-half of their total monthly IRA.
And for the DOH, an initial amount of 1.9 for the various RT-PCR SARS COVID2 detection kits. And for DA, for the ALPAS program, 8.5 billion to make sure that we’re able to approximate the food requirements of the country and get to prepare for any eventuality because we’re not only talking of COVID here but also natural calamities that may come anytime. And then we gave the balance of 96 billion to DSWD for the SAP or the Social Amelioration Program.
We also provided funding support to DILG, PNP for the operational requirements, of 93 million; DND, Armed Forces of 150 million. Then we gave another 1 billion to DOLE (Department of Labor and Employment) for our OFWs of 1 billion. And just recently to the UP-PGH to augment their operational requirements of 400 million – all totaling 246.6 billion.
For the un-programmed appropriation, we released 51 billion to the Department of Finance to cover the requirements for small business wage subsidy program and the other one is for the DOH which is the bulk of the requirements for COVID at 45.7 billion. All totaling 96.7 billion added to the previous releases of 246, so there you have a total of 353.8 billion expenses for COVID-19 of the national government as of today, Sec. Harry and members of the Malacañang Press Corps.
SEC. ROQUE: Okay. So iyong mga tanong po para kay Sec. Avisado, siguro po itawag ninyo na ngayon or maski tumawag po kayo para maitanong din iyong mga tanong kay Secretary Avisado.
Pero tawagan muna po natin si Maricel Halili ng TV5. Again, Malacañang Press Corps, please queue up for Skype or send your questions or call ‘no. Iku-queue po namin ang tawag ninyo for your questions kay Secretary Avisado. Maricel?
MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir. Magandang hapon po. Sir, as you mentioned earlier, nasa 15,000 na po iyong ating COVID-19 cases. And kung susumahin from Sunday until yesterday, ibig sabihin nasa 1,000 plus cases po iyong nadagdag sa atin. If this is the case, sir, are we ready to relax the quarantine here in Metro Manila, should IATF approve the recommendation of Metro Manila Council na from MECQ ay ilagay na sa GCQ come June 1 iyong buong NCR?
SEC. ROQUE: Well, Maricel, let me put it this way: Habang walang bakuna, habang wala pong gamot talagang tataas ang numero ng COVID-19.
Ang tanong: Mayroon ba tayong sapat na kakayahan para bigyan ng medical assistance iyong ating mga kababayan na posibleng magkasakit? At ang tinatanong din natin is gaano kabilis iyong pagdoble ng sakit.
Now, ang nakikita po nating datos ay bumagal po ang doubling rate. Sa huling datos po na sang-ayon sa … na pinagbasehan ng rekumendasyon ng mga Metro Manila mayors ‘no, halos isang buwan na raw po ang doubling rate ng sakit na iyan. At nakapaghanda naman po tayo nang mas maraming lugar kung saan natin iku-confine iyong mga asymptomatic na mga positive for COVID-19 para iyong mga ospital natin ay matanggap iyong mga seryoso at kritikal na mga kaso.
At siyempre po importante rin, balansehin natin iyan, iyong ating ekonomiya ‘no dahil kung buhay naman tayo sa COVID pero wala naman tayong hanapbuhay ‘no, eh ganoon din po ang suma-total.
Kaya nga po ang pakiusap natin: mga kababayan, eh makipagtulungan po tayo ‘no – social distancing, good hygiene, manatiling malusog po ‘no nang sa ganoon ay mapabagal pa natin iyong doubling rate ng COVID-19.
But I don’t think it’s an issue na talagang sa ngayon po, habang walang gamot ay talagang dadami pa rin po ang kaso ng COVID-19. Balansehin lang po natin and we need everyone’s cooperation. Iyong mga kabataan at mga matatanda, kahit ano pang community quarantine iyan, manatili po tayo sa ating mga bahay. Iyong lalabas ng bahay ay iyong mayroon pong mga trabaho; at kung wala naman pong trabaho, manatili sa bahay. At iyong mga nagtatrabaho, kung pupuwede magtrabaho po sa bahay, manatili po sa bahay and work from home.
MARICEL HALILI: So, sir, NCR is ready for GCQ?
SEC. ROQUE: Well, NCR is ready from the data that we have seen, but that really depends on the cooperation of everyone. Lilinawin ko lang po: Kahit anong anunsiyo ng Presidente mamayang gabi, pupuwede po tayong bumalik sa ECQ muli kung ang datos ay magpapakita na napakabilis na naman ng doubling rate – kooperasyon po.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, isa po doon sa mga concerns particularly doon sa Baybay, Leyte, sinabi po kasi ng Mayor doon na iyong first case of COVID daw po nila is part of the Balik Probinsiya Program. So of course, this is a cause of concern kasi from COVID-free, nagkaroon sila ngayon ng first case. So ano po ba iyong directive ng government tungkol po doon sa mga pinababalik natin sa provinces? Are they also required to undergo tests? How can we ensure na hindi magiging cause ng spread ng virus iyong Balik Probinsiya?
SEC. ROQUE: Well, dito po sa pilot ng Balik Probinsiya ‘no, ang alam ko po ay lahat po ng mga bumabalik sa probinsiya ay bibigyan ng test. Pero local governments, of course, are encouraged also to have their own test facilities at to quarantine iyong mga Balik Probinsiya participants.
I’m making a distinction between Balik Probinsiya and iyong mga OFWs po. Kasi iyong OFWs, lahat po iyan, hundred percent PCR tested na. Gayun pa man, mayroon pa rin kayong diskresyon kung gusto ninyong i-quarantine. Ibig sabihin, talaga pong may mga pagkakataon na makakapasok talaga iyong sakit sa lugar natin. Ang importante po is to, number one, test; and then number two is to trace; and number three is to treat – triple T or T3.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, last na lang, on other issue lang, sir. Why is there a need to change the leadership in PDEA given na—well, as we all know, the President’s primary advocacy is anti-illegal drugs. So what does it say, bakit po kinailangan na i-transfer si General Aaron Aquino from PDEA to Clark International Airport?
SEC. ROQUE: Actually, the issue of appointment is a presidential prerogative. The President does not have to explain why. But General Aaron Aquino was simply given a new and more challenging position and, of course, we welcome the new Director General Wilkins Villanueva who also comes to the job with impeccable credentials.
MARICEL HALILI/TV5: Thank you, sir.
SEC. ROQUE: Yes, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. From Girlie Linao ng DPA: Reaction daw po ninyo sa Human Rights Watch report that children suffered lasting physical, emotional and economic harm from the drug war of the Duterte administration.
SEC. ROQUE: Well, hindi ko po alam kung anong basehan ng report na iyan. Hindi ako makakakomento kasi hindi ko po nakita pa iyang report na iyan. But alam ninyo naman, kilala naman natin ang mga human rights organizations, their goal is always to call attention of the government. Sa ating punto naman po, hindi na kinakailangang tawagan ng pansin dahil binibigyan po natin ng number one importansiya ang ating kabataan.
USEC. IGNACIO: Tanong ni Bella Cariaso of Bandera: Tutol daw po si Pasig Mayor Vico Sotto sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi matutuloy ang pagbubukas ng klase sa August 24 since pinaghahandaan na raw po nila ang scenario kung saan hindi pa puwede ang face-to-face learning. Magiging option po ba na ibigay sa mga LGUs ang desisyon kung itutuloy ang scheduled opening ng klase sa August?
SEC. ROQUE: Iyan po ay desisyon ng DepEd ‘no. Pero lilinawin ko po: Ang blended learning, hindi naman all together mawawalan ng face-to-face. Siguro mga maliliit at saka paminsan-minsan ‘no to supplement iyong instruction by computer, by radio and by TV.
So ang lilinawin ko lang po, ang mensahe ng Presidente ay hinding-hindi niya ilalagay sa alanganin ang kalusugan ng ating kabataan. Pero meanwhile po, mayroon namang mga hakbang na ginagawa ang DepEd para tuluy-tuloy din po ang pag-aaral ng ating mga kabataan.
USEC. IGNACIO: Tanong po ni Kris Jose ng Remate: Sinabi po ng Alliance of Concerned Teachers (ACT-Philippines) na ang pagsisimula daw po ng school year without conducting mass testing is a sure recipe for disaster. Maaari raw pong malagay sa panganib ang buhay ng mga guro at mga mag-aaral. Ano po ang masasabi ng Palasyo dito?
SEC. ROQUE: Ang mayroon po tayo ay expanded targeted testing ‘no. So mayroon po tayong representative sample, and on the basis of which, makakakuha tayo ng tamang statistical figure kung ilan talaga ang porsiyento ang nahawaan na ng COVID-19.
Pero tingin ko iyong tanong niya is no longer relevant kasi nga po we are exploring blended learning rather than face-to-face learning.
Trish Terada?
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi, Secretary. Good afternoon po. Secretary, like what you mentioned earlier na iyong risk is still there even if we ease up the quarantine protocols in Metro Manila and even if systems are in place, sir.
I am interested to know: How confident is the IATF or the government in terms of iyong level of compliance, sir, and discipline ng mga tao in Metro Manila when they recommended to ease up restrictions or protocols here in NCR? And at the same time, sir, ano po iyong concrete steps or measures na tinitingnan ng government para ma-make sure na susunod po talaga iyong mga tao and magku-comply sila? Because it’s one thing to say that we should practice social distancing, wash your hands but, sir, in actual situations, makikita po natin, for example, in areas of convergence, sa mga public transportation, minsan nawawaglit po iyong mga ganitong reminders.
SEC. ROQUE: Well, Trish, the level of confidence is very high. Unang-una, napatunayan ng mga Pilipino na kaya nilang sumunod dahil naman by and large ‘no, itong more than 70 days na tayo ay nagkaroon ng ECQ at MECQ ay pinatunayan natin na disiplinado po ang mga Pilipino. At tingin ko alam din ng mga Pilipino na mas malaki iyong magiging banta sa kanilang buhay at kabuhayan kung sa puntong ito, matapos na nawalan ng 70 days tayo at nakakulong lang tayo sa ating mga pamamahay ay babalik sila dati ‘no.
Now, let me emphasize though na bagama’t tayo po ay baka magbago at bahala po si Presidente mamayang gabi, eh kahit anong MECQ iyan o GCQ iyan, we remain under community quarantine. Ibig sabihin, mayroon pa rin tayong mga checkpoints, mayroon pa rin po tayong mga curfews. So hindi naman po completely mawawala iyong ating existing responses to make sure na hindi naman po balik sa normal tayo ‘no. So patuloy pa rin po iyan habang tayo po ay mayroong community quarantine.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Secretary, during the IATF meeting yesterday. Na-discuss po ba kung paano iyong magiging hitsura ng transportation system natin once protocols have been eased in Metro Manila? Ia-adopt po ba iyong recommendation ng Metro Manila Mayors in terms of transportation scheme or iyong original GCQ transportation scheme po iyong ipatutupad?
SEC. ROQUE: Matagal na po iyang GCQ scheme na in-approve ng IATF upon recommendation of DOTr, iyan po ang ipapatupad. Iyan nga po ang lilinawin ko, may mga naririnig akong ibang mga opisyales na nagsasabi ng mga ibang bagay. Babalik at babalik po tayo sa IATF guidelines: From 10 to 50% ang pagbabalik po ng public transportation.
USEC. IGNACIO: Secretary, from Francis ng Daily Tribune: During your guesting daw po sa Wowowin ni Willie Revillame, he mentioned of his desire to meet President Rodrigo Duterte ay mayroon daw po siyang gustong sabihin sa kaniya. May kinalaman po ba daw iyon sa pagbibigay ng donasyon kasama ang iba pang mga business partners niya in relation sa COVID-19?
Ang pangalawa niyang tanong: What made you daw po decide to guest on Revillame’s program? Do we expect to see you more often sa show niya? Did he offer you na maging co-host?
SEC. ROQUE: Naku, bawal yata iyong maging co-host, but I would have loved to get the pay ano. But anyway, unang-una po pinarating niya po sa akin na mayroon siyang substantial na donasyon. At ang aking rekomendasyon ay instead of cash gawin na lang niya in kind, either in the form of PCR testing kits kasi iyan po iyong importanteng-importante o iyong pagpapagawa ng We Heal as One Center. Kasi bagama’t may lupa ang gobyerno, ang kulang talaga ay iyong imprastraktura. And he was very receptive to my suggestion and I emphasized to him po na talagang itong pagharap natin sa COVID, bayanihan naman talaga sa parte ng gobyerno at ng pribadong sektor.
What made me decide to appear? Well, the opportunity to disseminate further, alam naman po natin na talagang malaki ang viewership niyan. And kung napanood po naman ninyo, about 70% of the time, we were talking about the community quarantine; we were talking about government programs. So it’s a different way of sending the message of hope that the Duterte administration is offering to our countrymen in times of crisis.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, who’s going to select iyong mga areas that are going to be in a targeted lockdown as discussed by Secretary Año?
SEC. ROQUE: It’s going to be the LGUs in coordination with the local IATF ‘no, and this has long been planned. So ang magiging covered by ECQ will be individual barangays or zones comprising barangays and their adjacent areas. Kasi hindi naman pupuwede na pati iyong adjacent area, kung mataas iyong concentration sa isang barangay ay hindi masasama iyong adjacent area.
As you can see, this is really a compromise – the need to resume, the reopening of the economy and the need to contain further the spread of COVID-19. So, ang desisyon pinapaubaya sa local na opisyales, but in coordination pa rin with IATF.
JOSEPH MORONG/GMA7: May parameters ba, sir, iyong number of cases or prevalence or rate – mga ganoon?
SEC. ROQUE: It’s the same, it’s the same criteria. It’s the doubling rate, siyempre when you check the doubling rate, dapat alam mo muna kung ano iyong current rate mo, the doubling rate and of course the critical care of the area.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyong mga nasa GCQ ngayon, do they have a better chance of being transferred to an MGCQ. And what is the difference between an MGCQ and a GCQ area?
SEC. ROQUE: Well, the MGCQ is a transition between GCQ and the new normal. Of course there will be further industries that would be opened. But at the same time what will be consistent, is the youth and the elderly who are not working, should stay home.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, one last on you and then I’ll go to Secretary Avisado. Sir, sabi ni Secretary Año, 50% ng mga bus ay papayagan niya, tama ba?
SEC. ROQUE: Nasa guidelines naman po iyan from 10 to 50, kapag GCQ na.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sa presentation po ninyo, 353 billion already iyong nalabas natin na pera and then we are going to still have the community quarantine up to June 15 and some areas will still be under ECQ, meaning kailangan kailangan pa din silang suportahan. Do we have enough budget or are we looking at proposing already a supplemental budget and how much will that be, sir?
SEC. AVISADO: Thank you to that question. Alam ninyo totoo iyan, this is a continuing saga kumbaga, and we need to really be prepared particularly on the matter of providing the necessary funding support to all of our activities in response to COVID.
Sa ngayon, ang inilahad ko sa inyo ay iyon lamang galing sa pooled savings. As a matter of fact, mas malaki po iyong figures na iyan, lamang hindi pa namin nakukuha iyong report ng mga ibang departments and agencies who on their own, through their respective agency regular budgets ay nag-realign din ng pondo nila para din makasagot sila at makatulong sa pagbibigay ng akmang programa in response to COVID.
So, ito lang pong nilahad ko ay galing lang mismo dito sa Department of Budget and Management. But we are sending out corresponding communication to all the departments and agencies who on their own initiative also responded utilizing their regular budget. Dahil authorized naman sila, basta within their regular budget lamang.
Now, in relation to the preparations kung magtatagal ito. Remember that Bayanihan to Heal as One Act has only a lifespan of three months, that is all the way up to June 23 lamang. And we are glad that both houses, the House of Representatives and the Senate, have come up with a unified decision to extend the validity up to another three months or at least up to September.
So by then patuloy lang din po iyong ginagawa na mandato sa ating Pangulo na tunghayan kung ano pa iyong mga pangangailangan at gamitin ang available na pera natin. Napag-usapan po namin sa economic development cluster at kahit sa DBCC, iyong posibilidad na kung puwedeng maglaan tayo ng supplemental budget. Sa ngayon po hindi po natin puwedeng gawin iyan dahil ang requirement po ng supplemental budget ay mayroon tayong new source of revenues or taxes at pangalawa kung mayroong excess sa collection natin – in both cases wala po. So wala pong pagbabasehan ang ating pinag-iisipang supplemental budget.
It’s really a combination of kung ano pa iyong mga monetary and fiscal policies na puwedeng gawin ng gobyerno and of course the other one is really iyong, which necessary because we need to sacrifice some of these projects para magamit muna natin para dito sa COVID.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, I understand that the IATF has already presented to the President the recommendation yesterday and what was the President’s response?
SEC. ROQUE: Anong recommendation, sa …?
JOSEPH MORONG/GMA7: Sa GCQ.
SEC. ROQUE: Well, ang Presidente mismo ang mag-aanunsiyo. Kung napapansin naman po, recommendatory ang IATF, at may mga pagkakataon na po na nababago ng Presidente. Kaya nga po hindi ako nagsasalita hanggang hindi pa nagsasalita ang Presidente; dahil until he has actually approved it, it is tentative. At past experience, mayroon pong binabago kahit papaano ang Presidente.
JOSEPH MORONG/GMA7: But the recommendation is GCQ?
SEC. ROQUE: Usec. Rocky?
I don’t want to steal the thunder from the President. The President will announce po.
USEC. IGNACIO: Secretary, may tatlong tanong si Joel Pelenio ng DWIZ. Una, sabi ninyo daw po kahapon sa interview ninyo na kasama sa mga TV station na posibleng gamitin para sa blended learning ay mga private companies na gaya ng ABS-CBN. Ibig sabihin po ba nito, Secretary, maaaprubahan na before August 24 ang franchise ng ABS-CBN?
SEC. ROQUE: Ang sinasabi ko lang po is lahat po ng private companies na media ay pupuwedeng i-tap po and if ABS-CBN can come back on the air, I’m sure as a way of showing the commitment to the Filipino people, that they will allow their broadcast to be used for educational purposes and it goes naman for all the broadcast companies in operation lalung-lalo na po iyong mga community. Kasi sa dami po ng mga grades natin I’m sure we would need more than one, more than two, more than three companies at a time to partner with DepEd for distance learning.
USEC. IGNACIO: Second question niya: May mga lugar na po ba na masasabi na natin na lahat ng beneficiaries doon ay nakatanggap na ng second tranche ng Social Amelioration Program?
SEC. ROQUE: Wala pa po sa second tranche. Apparently na-verify po namin hindi pa sila nagsisimula. Iyong five million po, bine-verify pa nila iyong mga pangalan pero inaasahan po natin mas mabilis iyan kasi nga they’re using technology to distribute the second tranche.
USEC. IGNACIO: In case lang po daw na naipatupad na itong second tranche, may mananagot ba daw po kung hindi na-meet iyong deadline?
SEC. ROQUE: Siyempre po. Bagama’t nasabi na po ni Secretary Bautista na electronic tapos makikipag-ugnayan pa rin sa local government but they will also use the Armed Forces of the Philippines.
Pia Gutierrez, ABS-CBN?
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, sir! Good afternoon. Sir, follow-up lang iyong kay Joseph. Kasi may kumakalat sa social media na IATF Resolution No. 40 placing Metro Manila under GCQ. Can you confirm this document, sir?
SEC. ROQUE: I refuse to authenticate because that was not released by my office.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right, sir. Sir, nabanggit po ni Sec. Año iyong buses nga po 50% operation under GCQ; pero nasabi ng MMDA Metro Manila Council na they don’t want the operations of buses and jeepneys to resume under the GCQ. Did the IATF take that into consideration in making the recommendation to the President?
SEC. ROQUE: In fact, I noticed that, Pia and I called Secretary Año to discuss what the MMDA General Manager [signal lost] the IATF will take precedence.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right, sir.
SEC. ROQUE: Kailangan sundin po iyong guidelines ng IATF.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right, sir. Sir, last question before I go to Sec. Avisado. Sir, iyong doon sa testing kasi you announced that the Philippines already achieved iyong 30,000 na testing capacity—
SEC. ROQUE: Thirty-two.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Pero malayo po ito—32, yes. Pero ang target natin is only 30,000. Pero ito, sir, malayo ito sa number ng mga actual test being conducted daily like noong May 25, bumagsak iyong actual test to 5,233. Is the Palace bothered by the fact na hindi natin na ma-maximize iyong actual testing capacity natin considering na iyong data ng DOH na ginagamit ng IATF as basis for their decisions on the community quarantine, sir?
SEC. ROQUE: Let’s just say po na mas marami pang Pilipinong uuwi at lahat po sila bibigyan ng PCR testing. I’m hoping that the DOH can actually increase the number of tests that are being done.
Now, take note po, ito naman partnership between government and private sector, ang pinakamalaking lab po ay ang Red Cross lab pero pinalalawak na rin natin ang capability ng mga pampublikong ospital. Last week po, nagkaroon tayo ng 10,000 additional testing capacity dahil binigyan na natin ng makina at testing kits ang mga probinsiya para ang mga OFWs na uuwi na ay doon na rin sila magka-quarantine while waiting for PCR results.
Well, I’m sure there’s a learning curve but I’m hoping that the DOH also will take steps para mapataas po iyong actual testing being conducted.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right, sir. Sir, question lang po kay Secretary Avisado?
SEC. ROQUE: Go ahead, please.
SEC. AVISADO: Opo.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Yes, sir. Sir, how soon can we know iyong how much doon sa mga line budgets ng mga agencies will be realigned for the government’s COVID-19 response and also sir, doon sa realignment process, ano po iyong mga standards na sinet natin to decide which projects can be sacrificed and kasama din po ba diyan, sir, iyong pondo for the Build Build Build Program?
SEC. AVISADO: Sige po. Ganito po iyon, following the instruction of the President precisely to make sure na we also comply with the mandate given by Congress, eh nauna po na aking tiningnan iyong kabuuan ng mga projects na are still with DBM. Ibig sabihin, ito iyong mga unreleased appropriations.
Kaya po ang instruction sa amin ay kung ano ang nandiyan, gamitin na muna natin para sa COVID pero hindi rin kami nag-cancel ng projects dahil nasa GAA iyan eh. So, ibig sabihin, parang hiniram muna iyong pera habang tinatanya pa natin kung magkano ang matitira at kung mayroon naming matitira pag-uusapan ng mga departments iyan kung alin iyong mas prioritized projects or most needed projects na iyon ang paggagamitan noong natitirang pera for the year.
At iyong shortfall niyan [signal fades] sa ensuing year or 2021 Budget nang sa ganoon ay maipagpatuloy pa rin at plus kung mayroon pang makitang paggagamitan ng pera or source of fund, madadagdag din natin para sa 2021.
Pero sa ngayon po, kung ano po iyong available, iyon na po muna ang ginagamit natin dahil iyon po naman talaga ang kinakailangan at lahat naman po ay aming inire-report at ina-upload namin sa aming website, nire-report namin sa Kongreso para po malaman lang ng taumbayan na nagsisikap talaga ang gobyerno na matugunan ang pangangailangan dito sa COVID-19.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, may in-impose ba tayong deadline for the departments for their [signal fades] reports?
SEC. AVISADO: Iyong report po nila ay periodic naman iyon. They submit to us statements of appropriation, allotment, obligation, disbursements and balances. So, regular din po naming inire-report iyan sa Pangulo. At dito po nga sa national budget circular namin on the adoption on the economy measures in government due to the current emergency health situation, nagbigay po kami ng panukala na kailangan po ang head of agency duly certified by their authorized budget and finance officers shall include specific source of PPAs [programs, projects, and activities] covering the released amount para po malaman natin kung alin po talaga doon sa nagamit nating pera, ang naaapektuhang mga proyekto at they’re supposed to submit that as of end of April. And kino-collate po namin para nang sa ganoon malaman po namin kung ilan ho talaga sa mga nakalinyang projects for this year ang naapektuhan, at alin po sa mga naapektuhan ang puwedeng ma-revive because that is also allowed under the Bayanihan Act at kung magkano pa iyong natitira at pupuwedeng magamit this year up to at least the extent of the amount that can be used this year para po ang mangyayari po most of these projects will be classified under ng multi-year ng contractual authority na ibibigay ng DBM para lang po hindi naman matigil at hindi ma-cancel at maipagpapatuloy pa rin po.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Thank you very much, sir.
SEC. ROQUE: USec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Secretary, from Rosalie Coz ng UNTV: Ano daw po ang mechanism na gagawin ng pamahalaan para maiwasan ang overwhelming na paglabas ng tao once po na luwagan na ang quarantine restrictions lalo na sa National Capital Region at iba pang lugar sa bansa sa Lunes? Ano po ang panawagan ng Malacañang sa publiko kaugnay nito?
SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan bagama’t baka magbago, depende po sa anunsyo ng Presidente mamayang gabi, community quarantine pa rin po iyan. Mayroon pa rin tayong checkpoints, mayroon pa rin tayong mga quarantine passes na kinakailangan at kinakailangan maging homeliners pa rin ang hindi nagtatrabaho.
USEC. IGNACIO: Tanong po ni Bella Cariaso ng Bandera na halos pareho din naman po noong kay Catherine Valante ng Manila Times: Hindi po pabor ang UP experts sa lifting ng lockdown sa Metro Manila. Sabi po nila tumataas ang kaso sa NCR at walang pagbaba lalo nang ideklara ang MECQ at nananatili sa high risk ang Metro Manila. Ano daw po ang babala ng Malacañang dahil iyong mga kaso po sa Metro Manila under GCQ? Ano po ang comment ninyo?
Samantala, ang tanong naman po ni Catherine Valente: Will the President consider this recommendation for the government to continue MECQ in Metro Manila and consider the same in other high risk areas?
SEC. ROQUE: Well, kaya nga po sinasabi ko iyong mga “leak-leak” na information, huwag ninyo munang pansinin po iyan kasi that is still subject to the approval of the Presidente. Ako po mismo, hindi ko alam kung anong magiging desisyon ng Presidente kasi I’m sure alam din po ng Presidente iyong babala ng UP experts.
So hintayin po natin ang desisyon ni Presidente. Ang masasabi ko lang, ano iyong basehan: Doubling rate, critical care capacity at siyempre iyong pagbabalanse sa ekonomiya. Ang Presidente, nagsabi naman sa atin na pati siya po nagpakulong dito sa Bahay Pangarap nang 67 days ‘no at naintindihan niya na talagang—baka naman kinakailangan pagbigyan na ang mga kababayan natin na kahit papaano makatikim kung ano iyong dating normal, pero wala na nga pong balikan sa dating normal. Mayroon na tayong new normal.
Panawagan: Wala pa pong bakuna, wala pang gamot. Homeliners muna po tayo kung hindi kinakailangan magtrabaho and keep safe.
MELO ACUÑA: Good afternoon, Secretary – greetings from the Bicol Region. Kausap ko lang, Secretary, kanina si Mayor Noel Rosal ng Legazpi. Sabi niya, baka mas makabubuti na iyong mga pauwi na OFWs eh malaman din ng LGU, for record purposes para kung mayroong problema, madali iyong contact tracing, if that is at all possible.
SEC. ROQUE: Ang alam ko naman po, kasi iyong nagreklamo si Mayor Richard Gomez, eh pinadalhan naman po sila ng text ‘no. And of course, iyan namang mga OFW nakasakay po iyan sa eroplano, nakasakay sa barko, nakasakay sa bus ‘no, siyempre puwede namang mag-designate ng special unloading zone siguro kung bus iyan at puwede namang salubungin na iyan ng mga lokal na pamahalaan para magbigay ng sariling forms nila for contact tracing ‘no kung kinakailangan.
MELO ACUÑA: Opo. Isang bagay pa, Secretary, bago ako dumako kay Secretary Wendel Avisado. Nagkaroon po ng pag-uusap si Pangulong Duterte at ang kaniyang Vietnamese counterpart kahapon. Ang Pilipinas ay nasa magandang posisyon sapagkat siya iyong coordinator ng ASEAN at China, at iyong Vietnam ang siyang Chair ng ASEAN ngayon. Mayroon kaya tayong magandang balita? Mayroon bang detalye kung papaano mapapanatili ang maayos na sitwasyon sa South China Sea?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po talaga ang pag-uusap na related sa diplomasya, hindi po talaga iyan isinasapubliko ‘no. Pero hayaan ninyo po tatanungin ko kung anong pupuwede kong ibalita sa ating mga kababayan. Pero I know there was a telephone conversation yesterday, the details of which, because it involves diplomacies not normally shared ‘no. I will ask for whatever information I can share.
MELO ACUÑA: Yeah, thank you. For Secretary Avisado. Secretary, good afternoon.
SEC. AVISADO: Good afternoon po.
MELO ACUÑA: Opo. Maaari po kayang mabigyan ang mga taga-media at ang taumbayan ng talaan kung anu-anong mga rehiyon ang nakinabang doon sa releases na ibinigay ninyo sa iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan? At baka mayroon na tayong update, paano na-utilize ang mga pondong ito sapagkat alam naman natin noong mga nakalipas na panahon, isang problema – may pondo pero hindi na u-utilize kaya nagkakaproblema tayo. Ano po kaya ang update?
SEC. AVISADO: Sige po. Iyon pong sa Bayanihan to Heal as One Act, may kumpleto po tayong talaan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nakatanggap ng releases ‘no from DBM. Pero iyon pong sa agency regular budgets eh iyong mga agencies din po at departments lamang ang may hawak ng talaan diyan. Ang amin lang po ay kapag po kami nag-release ng pondo, may kaakibat pong guidelines iyan on the release and utilization. So kumbaga, mandato na ng mga nakatanggap noong releases ng gobyerno through the DBM kung papaano nila gagamitin. May positive at negative list po ng kung saan gagamitin iyong pera partikular dito sa COVID-19.
So maganda naman po iyang suggestion ninyo. Dapat po i-upload ng [garbled]. I believe they’re doing it, sa websites po nila. At bagkus para din po sa kaalaman ng mga iba-ibang regions ay dapat i-upload din sa website ng mga regional offices kung paano nila ginamit iyong mga perang sinub-allot sa kanila ng kanilang central offices in regard to the implementation of the various programs and projects lalo’t higit dito sa mga realigned programs na pinarating ng national sa mga regions through their regional offices.
Para po [gabled] kaalaman ng taumbayan na for this region, ito pong na-announce doon sa national, ito po nakarating dito sa region, dito naman po ginamit at marami po sa mga regional task force on COVID ay ginagawa nila iyan at nakikita ko po ang ibang regions, in fact, they even flash on a daily basis kung ilan na po iyong nakatanggap ng Special [Social] Amelioration Program at iyong iba pang serbisyo na pinapatupad ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan patungkol nga dito sa COVID. Maganda pong suggestion iyan at dapat that should be really encouraged.
MELO ACUÑA: Maraming salamat po, Secretary. Maraming salamat.
SEC. ROQUE: Maraming salamat. Usec. Rocky, siguro last few questions.
USEC. IGNACIO: Okay, Secretary, medyo marami-rami ito. Mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror: May new policy na po ba kayo, ang IATF, when it comes to religious gatherings?
SEC. ROQUE: Wala pa po. Bagama’t natuloy po iyong konsultasyon natin sa mga iba’t ibang mga simbahan at natutuwa naman po ang mga um-attend na IATF dahil detalyado po ang kanilang mga proposals at mukha naman pong pupuwedeng ipatupad po iyan. Pero sa ngayon po, wala pa pong desisyon. Hindi pa rin po natin pinapayagan ang pagpupulong for religious purposes. So hanggang lima, hanggang sampu lang po ang pupuwede ‘no. Pero I think in the coming weeks, ia-agenda na po iyong proposal ng mga religious sa IATF. Kung hindi po iyan ia-agenda sa Biyernes, baka ma-agenda next week, so hintayin lang po natin ang desisyon ng IATF.
USEC. IGNACIO: Ang second niyang tanong: Ilan na po daw sa 24,000 quarantined OFWs ang napauwi na ng gobyerno?
SEC. ROQUE: Nasagot na po, more than 16,000.
USEC. IGNACIO: From Rosalie Coz ng UNTV: Ano pong ayudang maaari pang maipagkaloob ng pamahalaan sa mga buntis na hindi pa rin pinahihintulutang makapagtrabaho kahit sa less strict quarantine areas?
SEC. ROQUE: Well, bukod po sa SAP ‘no, iyong ilang mga lokal na pamahalaan gaya ng Pasig, Makati, Parañaque, Caloocan at iba pa ay nagbibigay po ng additional ayuda para sa mga buntis.
USEC. IGNACIO: May tanong po para kay Secretary Avisado mula po kay Rosalie Coz ng UNTV: Kailan po mag-uumpisa ang hiring ng contact tracers? Ilan po ang iha-hire? Magkano po ang suweldo nito? Magkano ang budget ng pamahalaan? At anu-ano po ang requirement ng gustong mag-apply? Saang ahensiya makikipag-ugnayan po ang mga aplikante?
SEC. AVISADO: Opo, salamat po sa katanungan. How I wish I could answer the question, pero iyan po ay masasagot ng Department of Health. Kasi kami po hanggang sa pagri-release lang kami ng pondo at ang pag-implement naman po niyan base sa kanilang request for release of funds ay nasa kanila po iyan. At hintayin po natin kung ano ang magiging kalalabasan noong kanilang mga anunsyo that they will need about about [garbled] contact tracers at kung magkano iyong suweldo. Iyon naman pong [garbled] ay kailangan pong sumabay iyan sa requirement. Dahil hindi naman po pupuwedeng kung magkano iyong gusto mo iyon ang ibigay. Kung hindi sang-ayon po sa Civil Service Rules and Regulations pertaining to the hiring of job orders and all contract of service workers po.
USEC. IGNACIO: Kay Secretary Roque po, ang tanong mula kay Angel Ronquillo ng DZXL. Ang una niyang tanong nasagot na po ninyo, iyong tungkol sa Balik Probinsya na ang ilan po ay nag-positive sa COVID.
Ang ikalawa niyang tanong, naaksyunan na po ba ang umano’y modus ng ilang pulis na sex for pass. Base rin po sa datos ng Coalition Against Trafficking in Women – Asia Pacific kung saan pito daw pong kaso ang kanilang nailatala ng pang-aabuso umano mula sa hanay ng pulis?
SEC. ROQUE: Tinanong po namin sa PNP, wala naman daw pong complainant. So, kinakailangan iyong pito na sinasabing naging biktima ng sex for pass, kinakailangan lumantad po kayo, magreklamo, kung kayo po ay natatakot, pumunta kayo dito sa aking tanggapan o di naman po kaya doon sa Women’s and Children’s Desk na mayroon po tayo sa lahat po ng istasyon ng mga pulis.
Mickael Florence Agence France Presse, please.
MICKAEL FLORENCE/AGENCE FRANCE: Sir, there are existing guidelines for areas under GCQ that the IATF came up with. But once we transition Metro Manila to GCQ, will there be any specific policies that will be implemented to Metro Manila considering the nature of the city being an economic center and the level of congestion that it is in?
SEC. ROQUE: Wala naman po. I think the guidelines are applied to all other areas governed by the same quarantine rules?
MICKAEL FLORENCE/AGENCE FRANCE: For Secretary Avisado. Sir, for the releases, you mentioned the government has already released 353.9 billion. But what were the actual disbursements?
SEC. AVISADO: Iyong disbursement po nasa Department of [garbled] who received the money, at iyan naman pong [garbled] periodically dahil nga po niri-require natin silang mag-submit ng budget utilization report at iyong statement of appropriation, allotment, obligation, disbursement at balances. In that sense, kapag natanggap po namin iyan, nire-report din namin iyan sa Office of the President and to Congress dahil po requirement talaga iyan na i-liquidate lahat noong mga perang nagagamit galing sa General Appropriations Act. Kailangan pong i-liquidate po iyan ng executive department.
Iyong mga balanse po noong papaanong ginamit ng mga iba’t ibang ahensiya, nasa kanila po iyan at for purposes of COVID ongoing pa po iyong disbursement nila. Kita naman natin kahit na iyong sa Special [Social] Amelioration Program ay hindi pa po nag-uumpisa iyong second tranche. Kaya nga po para bang ano, work in progress po lahat ito. But at any rate, ang amin naman pong nilalahad din lahat ang mga dapat malaman ng taumbayan sa paggamit natin ng pera ng mamamayan.
MICKAEL FLORENCE/AGENCE FRANCE: Sir, what is the estimate of the actually disbursement that have been withdrawn already by the agencies and how does that compared to the releases and what are the bottlenecks that you are seeing in the utilization of the releases that DBM has authorized?
SEC. AVISADO: Wala po kaming ballpark figure kung ano ang extent ng paggamit nila eh. Makikita na lang natin at malalaman natin na in the case for example of DSWD out of the total funds that we have released for them for the Special [Social] Amelioration Program ay hindi pa po nila nare-release iyong second tranche. But kung magkakano talaga, up to the time perhaps that they are able to report to us officially iyong liquidation noong pera, hindi po natin malalaman iyan.
The same is true with other departments dahil ongoing pa po tayo eh. But certainly, sabi ko nga, on a periodic basis we are able to trace that based on the report at iyon naman pinapasa din natin sa mga kinauukulan po.
MICKAEL FLORENCE/AGENCE FRANCE: Sir, when can we expect a disbursement report from the agencies that can be released to the public? Because cash releases as we know is only the authority that DBM has given to the agencies that’s the ceiling that they can spend, but this doesn’t say the amount of cash that has actually been utilized and withdrawn by the agencies.
SEC. ROQUE: Naku, I’m sorry but I have to exercise my role as moderator here to give chance to other reporters to ask. If you can, please communicate directly with Secretary Avisado. But, Usec. Rocky, for the last two questions please?
USEC. IGNACIO: From Henry Uri ng DZRH. May panukala po sa Senado na i-extend ang national state of emergency na nasa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act or RA11469 na hanggang September. Ano daw po ang sagot ng Palasyo dito?
SEC. ROQUE: Well, we welcome that po. As I said we welcome a 90-day extension of the special powers granted by the Bayanihan Act.
USEC. IGNACIO: From Prince Golez ng Abante. Inakusahan po ni Senator Leila De Lima si National Task Force Against COVID-19 Deputy Implementer Vince Dizon na protector umano ng sinalakay na underground clinic para sa mga Chinese sa Fontana sa Clark. Ano po ang masasabi ninyo tungkol dito? Ang follow up po niya, sinabi rin po na palpak daw si Mr. Vince Dizon sa trabaho nito bilang mass testing czar laban sa COVID pandemic. Ano po ang masasabi ninyo dito?
SEC. ROQUE: Well, she is entitled to her opinion especially since she is under detention. Last message kay Secretary Avisado please.
SEC. AVISADO: Salamat po, Secretary Harry, sa pagkakataon na ito. And I’d like to assure the Malacañang Press Corps na kami naman po nakahanda po kaming sumagot sa inyong mga katanungan at lalo at higit kung magkakaroon tayo ng iba pang pagkakataon. Nakahanda lang po kami, always ready po. Maraming, maraming salamat po.
SEC. ROQUE: Well, maraming salamat, Secretary Avisado. Maraming salamat sa Malacañang Press Corps. Maraming salamat, Usec. Rocky. And sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, huwag po ninyong kakalimutan mamayang gabi magmemensahe na naman ang ating Presidente. Kahit anong oras po iyan, sigurado po ako aantayin ninyo iyan. Maraming salamat and stay safe. Magandang hapon po.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)