SEC. ROQUE: Magandang tanghali Pilipinas. Masungit na po ang panahon sa Metro Manila at iba pang mga lugar sa Pilipinas dahil sa super typhoon Rolly.
Alinsunod po sa kautusan ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte narito po tayo ngayon sa opisina at tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Camp Aguinaldo para sa isang live press briefing tungkol sa super bagyong Rolly.
Alinsunod din po sa kautusan ng ating Presidente, naririto rin po ang mga miyembro ng Gabinete na nangunguna po sa pagbibigay tulong sa lahat po ng ating mga kababayan na nasalanta ng super typhoon Rolly.
Ayon sa severe weather bulletin ng Pag-asa, nag-second landfall si Rolly sa Tiwi, Albay kaninang pasado alas-siyete ng umaga, signal number 5 na ngayon po sa Albay at Camarines Sur. Dito sa Metro Manila ay nasa signal number 4 po tayo.
Makakasama po natin ngayon, Defense Secretary Delfin Lorenzana, DILG Secretary Eduardo Año, DSWD USec. Felicisimo Budiongan, DOH Secretary Francisco Duque, Office of Civil Defense Administrator Ricardo Jalad.
Dahil unang tumama sa lupa si Rolly sa Bicol region, makakausap rin natin via internet si Albay Governor Al Francis Bichara, Camarines Sur Governor Miguel Luis Villafuerte, Catañduanes Governor Joseph Cua.
Para maprotektahan ang siguridad ng mga pasahero at airport personnel, isasara po ang lahat ng flight operations ng Ninoy Aquino International Airport ngayong araw, a-uno ng Nobyembre, alas-diyes ng umaga hanggang a-dos ng Nobyembre alas-diyes ng umaga. Lahat ng NAIA terminals ay mananatiling sarado sa loob ng 24 oras. Kaya umaapila kami sa mga pasahero huwag na pong pumunta sa mga airport.
Samantala, inabisuhan naman po ang mga pasahero ng Clark International Airport na makipag-ugnayan sa kanilang mga airlines para sa posibleng delay o kanselasyon ng kanilang mga flight.
Inabisuhan naman ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang mga ship owners at operators na i-monitor at sumunod sa weather announcements ng PAGASA at notices to mariners na ini-isyu ng mga National Maritime Resource Information Authority (NMRIA) at Philippine Coast Guard tungkol sa sea state at gale warnings.
Para maiwasan ang untoward maritime incidents, inatasan ng MARINA ang lahat ng ship owners na sumunod sa mga advisories na inisyu na may kinalaman sa no sail policy.
Matapos ideklara ang signal number 4 sa Metro Manila, suspendido na rin po ang operasyon ng MRT 3, LRT 1, LRT 2 at PNR. Tinapos na lamang nila ang paghahatid ng kani-kanilang mga empleyado at mga pasaherong tren at istasyon sa kanilang mga destinasyon.
Ayon naman po sa DTI, generally priced ang supply of basic necessities, ang prime commodities remain stable.
Ang pakiusap po ng Presidente sa panahon po ngayon ng aberya, sana po bayanihan, iyong ating mga nagbebenta ng mga kailangan ng ating mga kababayan sana naman po huwag pagsamantalahan. Mino-monitor ang mga ito ng DTI para siguraduhin na masusunod po ang suggested retail price.
As of October 31, ang DSWD po ay mayroong stockpiles at standby funds ng mahigit 884 million pesos, kasama na po ang 260,164 na family food packs.
Para pag-usapan ito ng mas detalyado, makakasama po natin ngayon si DSWD USec. Budongan.
Umpisahan po natin with Secretary Lorenzana. Sec., inatasan po ng ating Presidente ang Hukbong Sandataan at saka ang NDRRMC na gumawa ng mga hakbang para po sa mga lugar na dadaanan ni bagyong super typhoon Rolly. Kumusta na po ang ating mga responses on the ground, Secretary Delfin Lorenzana?
SEC. LORENZANA: Good morning everyone. As Secretary Roque has said a while ago, super typhoon Rolly has made landfall this morning in Bato, Catanduanes at around 5 o’clock and two hours later sa Tiwi, Albay naman siya tumama. Ngayon ay nandoon na siya sa Southern Luzon traversing Camarines Sur heading towards Southern Luzon at may effect siguro Calabarzon.
Itong mga nakaraang araw, ang NDRRMC ay nag-umpisa ng maghanda para sa super typhoon na ito, pagko-coordinate sa mga agencies ng national government as well as local government units situated in the typhoon track to insure that our people will be taken cared off, taken out of harm’s way.
Kagabi po nagpunta ako dito sa NDRRMC at kinausap ko lahat iyong mga regional directors ng OCD at tinanong sa kanila kung ano iyong kanilang preparasyon at ako naman ay nagagalak at sila ay handa. Before that, I visited iyong Armed Forces of the Philippines headquarters and to find out what’s happening there, kung ano ang kanilang preparasyon. Ang sabi nila sa akin eh ay two days ago ay naka-red alert na lahat ng mga AFP units sa mga areas na dadaanan ng bagyo. Handa na iyong mga tropa, iyong mga equipment nila na tumulong kung kinakailangan.
At this juncture ay may I request Undersecretary Jalad, the Executive Director of the NDRRMC to brief us on the current situation and ongoing preparations of the NDRRMC.
USEC. JALAD: Thank you, sir good morning ladies and gentlemen. I will give a short update on the super typhoon Rolly. This presentation will be based on this pattern/outline. I will give a situation overview, monitored effects and preparedness measure.
Now for the situation overview, which is based on the PAGASA’s latest severe weather bulletin – As of 5 o’clock this morning, the center of the eye of super typhoon made a second landfall over Tiwi, Albay following its first landfall in Bato, Catanduanes.
And as of 7 o’clock this morning, the center of the eye of super typhoon Rolly was located in the vicinity of Tiwi, Albay. Its strength is maximum sustained winds of 225 kilometers per hour near the center and gustiness of up to 310 kilometers per hour. And it is moving west, southwest direction at 25 kilometers per hour. It is forecast to exit the mainland Luzon landmass and emerge over the Philippine Sea tomorrow early morning.
Now, the associated hazards brought by super typhoon Rolly. Rolly will bring heavy to intense with at times to torrential rains over Bicol Region, Calabarzon, Metro Manila, Marinduque, Romblon, Mindoro provinces, Bataan, Bulacan, Aurora, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran and the eastern portions of mainland Cagayan and Isabela.
Flooding including flashfloods, rain induced landslides and sediment-laden stream flows or lahar may occur during the heavy or prolonged rainfall especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazards.
Tropical cyclone signals number 1, 2, 3, 4, and 5 have been issued. There is a high risk of storm surge of more than three meters over the coastal areas of Catanduanes and Camarines Norte and the northern coastal areas of Quezon including Polilio Islands and Camarines Sur.
Shown in this slide are the breakdown of tropical cyclone wind signals issued form number 1 to 5. The regions covered and the localities affected these are available in PAGASA severe weather bulletin.
At present typhoon signal number 5 is raised over Region V, specifically Albay and Camarines Sur, while typhoon signal number 4 was raised over CALABARZON, MIMAROPA and other parts of Region V and the National Capital Region.
While typhoon signal number 3 was raised over Region III or central Luzon, the remaining parts of CALABARZON and MIMAROPA not covered in the typhoon signal number 4 and parts of Region VIII. And the rest that are still with typhoon signals are number 2 for Region I, parts of Region III, IV-B, V, VIII and CAR and lastly, number 1 Regions I,II,VI,VII,VIII and CAR. And the detailed areas included in this typhoon signals are shown below.
And these are the monitored effects as of now, due to super Typhoon Rolly. Base on the current projected track of super Typhoon Rolly an estimated population of 19.8 million are exposed to the typhoon within the 60-kilometer diameter and 31.9 million within the 120-kilometer diameter. These re composed of 4.2 million households, within the 60-kilometer diameter and 7.1 million households within the 120-kilometer diameter.
Of these exposed population, 1.3 million within the 60-kilometer diameter belong to the poor population, while 2.4 million within the wider diameter of 120-kilometers belong to the poor population. The number of households made of light materials within this two diameters are 105 within the 60-kilometer diameter and 105,221 households within the 120-kilometer diameter.
These exposed population are from the Regions V, CALABARZON, MIMAROPA, the NCR, Region III, region I, II, VI, VIII, VIII ad IX. As of now, the total number of families and individuals preemptively evacuated numbered 96, 543 families, composed of 346,993 individuals. As of now, there is no monitored casualties yet and cost of damage.
These are the breakdown of the preemptive evacuations conducted [unclear] Region III, CALABARZON, Region V and VIII.
And our preparedness measures: We made use of the free mobile alert act or Republic Act number 10639 and we were able to send out 26 emergency warning alert messages through our Telcos, Globe and Smart, and these are the breakdown of those emergency alerts and warning messages. As I earlier mentioned, preemptive evacuation were carried out. This is based on the issuance of the ‘Operations Listo’ protocol by the department of Interior and Local Government, most especially in those areas within the critical typhoon path and within the inner diameter colored red. These are the areas which are the priority for the implementation of preemptive evacuation.
The National Disaster Risk Reduction and Management Council Response Cluster were also activated at the national level and at the regional level in the regions directly affected by super Typhoon Rolly. The Department of Social Welfare and Development, being the Vice chair for disaster response, heads the operations of the response clusters of the NDRRMC.
Here are the specific response clusters activated and their respective preparations. For the search, rescue and retrieval cluster being led by the Armed Forces of the Philippines has prepared disaster response units as standby force in case assistant will be needed. A total of 4,181 personnel has been identified as ready forces.
On the other hand, the health cluster being led by DOH has already prepositioned drugs, medicines, supply kits and other commodities through the DOH centers for health development in the central office.
For the food and non-food items cluster being led by DSWD, family food packs have been readied in several strategic locations all over the country. The cluster has also prepared the total available NFA and its quick response fund as standby fund. The figures indicated are the combined stocks and funds of OCD and DSWD. But we have no worry on this, because request for augmentations have already been sent to DBM as early as the other week.
On the logistics clusters being led by OCD: With collaboration and active participation of the logistics cluster member agencies, the cluster was able to develop an operation plan for Typhoon Rolly. And through the plan, the following assets have been committed for use in support of the response cluster operations. We have available 8 air assets, 66 sea crafts and 40 land transportations; committed from the different agencies as shown, the Philippine Air Force, the Philippine Army Aviation Regiment, The Philippine Coastguard, Bureau of Fire Protection, MMDA and DSWD.
Still on the logistic cluster preparedness. Shown is the identified main logistics hubs for the national response operations. The National Disaster Risk Reduction and Management Council humanitarian resource depot at Clark, Pampanga has been identified as the alternate logistics hub of the national council. The cluster also identified the regional warehouses that can serve as satellite logistics hub for northern and southern Luzon.
The said facilities will be used as storage facilities for forwarding food and non-food items in critical areas. These are in Region II, warehouse in the Regional Government Center in Tuguegarao City; in Clark, in Pasay, in Tacloban, in Legazpi City, as well as in Cebu city and Tacloban City.
And these are the committed assets in case of the transportation of logistics and supplies from the warehouse identified. We have transportation assets committed by the PDRF or Philippine Disaster Resilience Foundation from the Northern Luzon Command of the Armed Forces of the Philippines the DSWD; Southern Luzon Command of the AFP also. Also from the World Food Program as shown depending on the origin of the logistics or supplies.
And in the case of power interruption and, of course, we really have to immediately act on restoring those services and utilities, we have identified the agencies who have committed to act on their task as lead agencies.
For the power restoration, it is the DOE as well as on the oil or petroleum oil and lubricants. For roads and bridges, it’s the Department of Public Works and Highways including the debris clearing and for the water restoration, it will be led by LWUA. For the network connection by DICT and for port damages and extending toll fee exemptions for disaster response movements it is the DOTr.
We also have identified agencies that will contribute repacking teams as shown, these are from the Armed Forces of the Philippines, The Bureau of fire Protection, the Philippine Coast Guard and the PNP, in the event we have to repack food supplies at the warehouse of DSWD in Pasay City.
Other preparedness measures of the National Disaster Risk Reduction and Management Council and the lower councils in the region and local level, we conducted a series of pre-disaster risk assessment meetings starting as last week. We conducted pre-emptive evacuation instructs or carried out issued pre-emptive evacuation instructions and follow ups with our regional offices and local government units, issued typhoon warnings, advisories and directives and held physical and actual emergency operations center.
I would like to also mention that hooked up in this press briefing are our regional offices in OCD from Region V all the way to Region I including our regional offices in the Visayas.
And at the national level, the response cluster of the National Disaster Risk Reduction and Management Council is on standby, ready to act in the event of the need for augmentation of resources to the local government units affected by super typhoon Rolly. This is the end of my presentation and thank you and good morning.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Usec. Jalad. Joining us also is PNP Chief Cascolan, welcome, sir. Ang kapulisan po, ang bumbero at ang lokal na pamahalaan ay nasa ilalim po ng DILG. Kasama po natin ngayon si Secretary Año. Sec., ano po ang mandato ng natin sa mga institusyon na ito.
SEC. AÑO: Maraming salamat, Sec. Harry. Unang-una pa lang as early as August 28 ay nagpalabas na tayo through our regional offices ng mga [signal cut] LGUs para makapaghandang mabuti sa darating na super typhoon. Ang ating lahat ng provincial government, municipal at barangay ay nakapag-activate ng kanilang emergency operation center at nakapag-isyu ng ating mga probinsiya ng memo na walang sailing at magkaroon na ng mga forced evacuation sa mga lugar na malalapit sa baybay at karagatan. Ang ating mga barangay na apektado ay ay umikot sa kani-kanilang mg constituents upang mag-bandilyo. At ang mga pamilya naman ay katulad ng report ni Usec. Jalad ay nagkaroon na tayo ng massive evacuation.
At ang ating pulis at bumbero at nakapaghanda ngayon at mayroon silang mga search and rescue teams na nakahanda na upang tumulong sa ating mga kababayan na nalalagay sa alanganin. Ang ating mga local chief executives ay nasa kanilang mga kani-kanilang lugar at nagmo-monitor, nagsu-supervise ng mga kaukulang aksyon at nagpapasalamat tayo at kasama natin dito ang ating gobernador ng Bicol, upang magbigay din sa kanilang update ng nangyayari sa kanilang mga lugar. So, nakakapaghanda tayong mabuti sa pagdating nitong typhoon na ito at sana ay kakaunti lang ang casualty o sana ay zero casualty tayo. Maraming salamat.
SEC. ROQUE: Secretary Año. Kasama rin po natin siyempre and Kalihim ng Department of Health, Secretary Francisco Duque. Sir, mas kumplikado ngayon ang sitwasyon sa mga evacuation centers dahil may COVID. Ano po ang ating instruction sa lahat ng health personnel natin?
SEC. DUQUE: Magandang umaga po, maraming salamat, Spox Harry Roque at mga kasama ko po na miyembro ng NDRRMC.
Ang akin lang pong bibigyang diin ay nakahanda po iyong ating logistical support sa halagang 26.5 million halaga ng mga gamot, medical supplies, ang mga health kits, kasama po ang personal protective equipment at atin pong mga COVID-19 supplies ay naka-preposition po ito by the different centers for health development. At sa kasalukuyan mayroon din po tayong nakahandang 21.7 million worth of additional supplies and commodities dito po ito sa ating DOH central office warehouse.
At ang mga aksyon po na ating isinasagawa at paghahandang nilalatag ay DOH sa central office nakataas po ng ating code blue alert, ang ibig pong sabihin nito ay mga kalahati ng ating mga empleyado ay atin pong pinag-report sa central office at mga iba pa pong mga health facilities. Nagpadala po tayo ng mga weather alert memorandum to all centers for health development, kasama po ang Ministry of Health at mga DOH retained hospitals patungkol po sa weather disturbance at activation of code alert and 24/7 operations center.
Nag-isyu din po tayo ng advisories to all CHDs to be affected by the typhoon for their proper guidance and assessment of temporary treatment ad monitoring facilities for possible transfer of patients, ito po iyong tinatanong si Spox Secretary Roque kung ano po ang gagawin at akin pong iu-ulat iyan maya-maya.
Inalertuhan po natin ang mga ospital na siguraduhin na ang kanilang mga functional generator sets at ang kanilang adequate critical lifesaving equipment ay nakahanda at patuloy po ang pagmo-monitor natin sa napakalakas na bagyo sa pamamagitan din ng ating DOST-PAGASA at we have been attending emergency meetings for typhoon Rolly via video conference. In fact, ang latest po na pakikipag-usap ay 3 am this morning with our Region V center for health development, but after that hindi na po ako makakonekta.
At sa atin namang regional offices ay sa region V, naka-code red alert, ibig pong sabihin nito ay lahat po ng ating mga empleyado hanggang sa kakayanin ay pinagre-report po natin sa DOH, CHD at mga health facilities lalo na po ang mga ospital at mga emergency room para po tumugon sa mga anumang emergency cases na pupunta sa atin pong mga health facilities.
Naka-preposition ang ating mga gamot, ang mga PPEs at naka-alerto po ang provincial DOH offices at activated emergency operation center for typhoon Rolly sa CHD 1 , 2-CAR, IV-A, IV-B and Region V at inalertuhan din natin ang Provincial DOH offices na aktibong i-monitor at iulat ang mga insidente, ang mga disgrasya o ang mga napapahamak dahil dito sa bagyong ito at kanila pong tugunan ito ng sapat at maayos at ang ating health emergency response teams naka-standby ready for deployment at continuous coordination with concerned Provincial DOH Offices or PDOHO, Provincial Health Offices or PHOs, ang Office of the Civil Defense, ang regional and local disaster risk reduction management council.
Ngayon, para po sa ating mga temporary treatment and monitoring facilities, ang mga isolation at mga quarantine facilities, sa Region V ang mga pasyente at atin pong staff ay inilikas po sa Albay Province at ito po ay inilipat po sa mga Day Care Centers public schools and evacuation centers.
Sa NCR naman ang mga pasyente at ang ating mga empleyado ng Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Coliseum and Filinvest temporary treatment and monitoring facilities ay inilikas din po sa mga iba’t ibang [signal cut] NCR. Ganoon din po sa Region III, ang Philippine Arena’s patients and human resource staff ay inilikas na rin sa mga hotel isolation quarantine facilities in the NCR.
So, iyon lang po, as of this time and ulat po mula sa Department of Health, mag-iingat po tayong lahat. Siguraduhin po natin na malayo po tayo sa peligro at hanggang sa maari ay maghanda po tayo sa lahat ng panahon. Maraming salamat po sa ngalan ng DOH.
SEC. ROQUE: Maraming salamatm DOH Secretary Duque. Kasama rin po natin ang DSWD Undersecretary Felicisimo Budionangan. Sir, mayroon tayong 800 million na available para sa ating disaster response, paano na po natin ito napamahagi doon sa mga iba’t ibang na nasalanta ng bagyo?
USEC. BUDIONGAN: Maraming salamat po, Sec. Harry and isang maulan na umaga sa ating lahat.
Ang inyo pong DSWD ay mayroong standby funds at stockpiles na worth 884 million na nasabi na kanina ni Sec. Harry. Ito po ay composed of 263 million as standby funds, ito po ay naipamahagi natin, na frontload na natin doon sa ating mga field offices.
At 579 million worth of stockpiles, ito po ay composed ng 115 million worth of family food packs, ito po iyong naka-karton na ready for distribution. And 18o million pesos worth na other food items, ito iyong hindi pa natin na-pack, pero nandoon na naka-preposition na. We have 279 million worth of non-food items it is composed of tents, mga laminated sacks, mga hygiene kits, family kits, sleeping kits and kitchen kits. So, all in all we have 884 million ready for distribution.
Ang atin pong quick response teams that we call ‘angels in red dress’ in the field offices and the central offices are now in standby on call, ready to be fielded kung kailangang-kailangan.
Ang Kalihim po ng DSWD, Secretary Bautista ay nagpupunta sa sa mga field offices upang tingnan ang kanilang paghahanda. As of now, we are ready to provide augmentations to the local government units. Maraming salamat po.
SEC. ROQUE: Sa ating mga kasama sa media, sa Malacañang Press Corps at sa Defense Press Corps, huwag po kayong mag-alala, dalawang oras po tayo, mapagbibigyan po kayo ng pagkakataon para magtanong.
Kasama rin po natin ang tatlong local officials ng nasalanta ng bagyo, si Albay Governor Al Francis Bichara; si Quezon Governor Danilo Suarez, ang aking manong at Sta. Rosa Mayor Arlene Arcillas, ang liwanag sa nagaganap na bagyo. Pero bago po natin tawagin sila, siguro po, ang mensahe ni PNP Chief Cascolan sa lahat ng ating kapulisan. Sir, the floor is yours.
PGEN CASCOLAN: Isang maulan na umaga po para sa lahat. Nagkaroon po tayo ng meeting kahapon at atin pong pinag-usapan ang mga importante pong mga bagay na dapat po nating gawin para po sa ating preparasyon.
Unang-una po, naka-deploy na po ang ating mga resources, mga tao po natin malapit sa areas of concern po natin tulad ng Northern Luzon at saka ang Southern Luzon. Ang NCRPO naman po ay umiikot ang regional director para tingnan po ang ating mga tauhan kung nasa puwesto na po sila.
Atin pong hinihingi rin po ang mga impormasyon sa mga tao, kung mayroon po silang maitutulong para mapuntahan po kaagad ng ating kapulisan. Ang PNP rin po natin ay nakapreparar para sa search and rescue. There will be forced evacuation po para sa lahat kung nakikita po ng kapulisan na delikado na po ang inyong lugar. Atin din pong tinitingnan ang ating network ng communication para kung maputol man ay magamit natin po ang ating mga equipment kung saan-saan lalu’t-lalo na sa Southern Luzon at lalung-lalo na po sa may Bicol area.
The south contingent po ay naka-standby na po; Northern Luzon, NCRPO, and Southern Luzon, sila po ay tutulong sa mga nangangailangan na ating mga kababayan. Ang command in control po natin ay ang mga DIPOs or ating mga directors for integrated police offices ng Southern Luzon, si General Ferdinand Daway; sa Northern Luzon, General Manny Abu at saka sa NCRPO, Major General Debold Sinas.
At ang PCC or ang PNP Command Center po ang atin pong sentro or focal po ng lahat ng komunikasyon ng Philippine National Police in coordination po sa NDRRMC. Atin na rin pong ni-relay po sa lahat, mayroon po tayong ipinalabas po sa social media kung paano po tayo mag-prepare sa typhoon, ano pong dapat ang gawin natin po sa mga paligid natin.
Iyan lang po. Magandang umaga po.
SEC. DUQUE: Salamat, PNP Chief Cascolan. Bago po tayo magpatuloy, mayroon po tayong update sa PAGASA. So, PAGASA, please for the update.
PAGASA FORECASTER CHRIS PEREZ: Magandang umaga po sa kanilang lahat at narito po iyong update natin regarding nga dito sa Bagyong Rolly. Allow me to share my screen po.
So, ito pong nakikita natin ngayon sa ating screen, iyong satellite animation, mayroong makikita na dalawang sama nga ng panahon iyong minomonitor natin pero ang pinaka-focus po natin ay iyong Bagyong Rolly na kanina ay tinatayang nasa around 45 km silangan ng Pili, Camarines Sur.
At kagaya nga po ng nabanggit kanina, nag-landfall po ito at nagkaroon po tayo ng mga lugar na may warning signal. So, ito po iyong forecast po natin as of 8 A.M., makikita po natin sa ating screen na generally move and traverse the Southern Luzon area within 24 hours at posible nga na tawarin nito ang Camarines Provinces bago tutumbok sa general direction ng Marinduque, Southern Quezon ngayong hapon.
At si Rolly po ay inaasahan na lalampas sa kalupaan ng ating bansa sa pagitan po ng mamayang gabi at bukas ng umaga, bahagyang hihina subalit nasa possibly typhoon category pa rin po habang tumatawid ng kalupaan ang Bagyong Rolly, kaya po iyong mga warning signals na in effect inaasahan pa rin po natin.
Warning signal number 5 sa Albay at Camarines Sur, habang we have warning signal number 4 sa Catanduanes, Camarines Norte, sa northern portion ng Sorsogon at ganoon din po sa Burias Island, sa central and southern portion ng Quezon at dito sa central southern portion ng Rizal, dito sa Batangas, Cavite, Metro Manila, Laguna, Marinduque, sa northern portion ng Romblon, sa northern portion ng Occidental Mindoro at sa northern portion ng Oriental Mindoro.
Samantala, mayroon po tayong nakataas na warning signal number 3 sa natitirang bahagi ng Sorsogon, sa northern portion ng Masbate, Ticao Island, sa natitirang bahagi ng Quezon kasama ang Polillo Island, sa natitirang bahagi ng Rizal, sa buong Bulacan, Pampanga, Bataan, Laguna, sa southern portion ng Zambales at ganoon din po sa Visayas sa Northern Samar. At warning signal number 3 pa rin nakataas sa central portion ng Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island at sa central portion ng Oriental Mindoro habang warning signal number 2 naman po nakataas sa mga lalawigan ng Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino, Benguet, La Union, Pangasinan, sa natitirang bahagi ng Zambales, sa buong Tarlac, Nueva Ecija, sa natitirang bahagi ng Oriental Mindoro at natitirang bahagi ng Occidental Mindoro, sa natitirang bahagi ng Romblon, sa natitirang bahagi ng Masbate, at ganoon din dito sa northern portion ng Samar, sa northern portion ng Eastern Samar, sa extreme northern portion ng Antique at sa north western portion ng Aklan.
Samantala, warning signal number one naman ang nakataas sa mainland Cagayan, sa buong Isabela, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Abra, Ilocos Norte, Ilocos Sur, sa Calamian Island, sa natitirang bahagi ng northern portion ng Antique, sa natitirang bahagi po ng Aklan, sa Capiz, sa northern portion ng Iloilo, sa northern portion ng Cebu kasama ang Bantayan Island, sa Biliran at sa natitirang bahagi ng Samar ganoon din sa natitirang bahagi ng Eastern Samar, northern portion ng Leyte.
So, iyong mga nabanggit po nating lugar mula warning signal 5 hanggang 2 ay makakaranas ng masungit na panahon. Kapag sinabi po nating masungit na panahon, katamtaman hanggang sa malakas hanggang intense rainfall na posibleng magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa; pagbaha sa mga low lying areas; pagguho ng lupa dahil sa mga pag-ulan sa matatas na bahagi ng bundok. So, iyong mga mountainous region po, iyong mga residenteng naninirahan sa mga gilid ng bundok, hopefully by this time ay nailikas na po natin kagaya nga po ng nabanggit ng ating mga kasama sa disaster preparedness and mitigation.
Iyong malalakas na hangin naman, makakapagpatumba po ng malalaking poste ng kuryente, mga puno, puwedeng makasira ng mga bahay na gawa sa weak or light materials, at talagang delikado po na lumabas ng mga bahay sa mga lugar na may warning signals number 5 hanggang 1 actually. So, patuloy po nating pinapayuhan ang lahat ng ating mga kababayan na stay indoors, makinig sa latest update ng PAGASA at patuloy na makipag-ugnayan sa kanilang lokal na pamahalaan at disaster risk reduction management officials para sa mga disaster preparedness and mitigation habang nandito pa po ang bagyo at habang inaasahan pa rin nating tumawid nga ng kalupaan ng ating bansa within 24 hours.
Ngayon, iyong mga lugar po na malapit sa mata ng bagyo, asahan natin na talagang makakaranas iyong nasa tatamaan ng eyewall, iyong mga direct hit ng eyewall ay talagang makakaranas ng matinding malalakas na hangin hanggang sa napakalakas na pag-ulan. Ito po iyong mga ilang areas na inaasahan natin na posibleng makaranas po o mahagip talaga ng eyewall – iyong Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, iyong hilagang bahagi ng Sorsogon, Burias Island, Marinduque, iyong southern portion ng Quezon, Laguna, iyong eastern portion ng Batangas. Ito pong mga nabanggit natin ay particularly inaasahan na makakaranas ng napakadelikadong sitwasyon dahil inaasahang direct hit ng eyewall nitong Bagyong si Rolly.
Sa mga pag-ulan naman, asahan pa rin natin iyong malalakas na pag-ulan sa Kabikulan, CALABARZON, Metro Manila, Marinduque, Romblon, Mindoro, Bataan, Bulacan, Aurora, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, sa Biliran, at sa eastern portion ng mainland Cagayan at Isabela. Katamtaman naman hanggang sa malakas na pag-ulan ang inaasahan sa Cordillera Administrative Region, ganoon din po sa Leyte, sa natitirang bahagi ng mainland Cagayan at sa Gitnang Luzon. Habang mahina naman hanggang sa katamtaman, paminsan-minsan may kalakasang pag-ulan, asahan sa Caraga, Northern Mindanao. Zamboanga Peninsula, at sa natitirang bahagi ng Luzon at Visayas.
Now, ulitin po natin, kagaya ng binanggit natin kanina, iyong mga malalakas na pag-ulan iyon ang mga lugar na may warning signal, posibleng makaranas po ng mga pagbaha sa mga low lying areas, mga pagguho ng lupa lalo na iyong mga lugar na malapit sa gilid ng bundok kaya maging alerto po iyong mga kababayan natin sa mga updates ng PAGASA. Iyon nga, sa mga ating day-to-day, our three hourly weather update na ipapalabas ng PAGASA dahil nga po mayroon tayong existing warning signal at inaasahan nga na tatawid nga ng kalupaan ng ating bansa itong Bagyong Rolly.
Iyong malalakas na hangin kagaya nga ng nabanggit natin kanina partikular na po sa mga lugar na may warning signal number 5, 4, 3 at 2 ay puwede ngang makapagpatumba ng mga poste ng kuryente, ng mga puno, makasira ng mga bahay na gawa sa mga lumang materyales kaya nga po pinapayuhan lahat to stay indoors. Habang dito naman sa lugar na may warning signal number 1 ay inaasahan natin na katamtaman hanggang sa kung minsan ay malalakas na hangin talaga iyong puwede nating maranasan.
Storm surge naman po, iyong mga coastal areas natin inaasahan na posibleng umabot around three meters iyong storm surge height dito sa coastal areas ng Catanduanes at Camarines Norte at sa northern coastal areas po ng Quezon kasama ang Polillo Island at Camarines Sur. Now, puwede ring makaranas ng pagtaas ng pag-alon iyong ilang areas kagaya ng Metro Manila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Bataan, at iyong southeastern coastal area of Batangas, iyong nakaharap po sa Tayabas Bay. Kaya as early as three days before ay pinapayuhan nga natin na iyong coordination with the local government. Hopefully iyong mga coastal areas po sa nabanggit nating lalawigan ay nai-move na to higher ground or at least they have already implemented some safety measures para maiwasan po iyong peligro na dala ng matataas na pag-alon ng paparating nga ng bagyo.
Inaasahan din na posibleng magkaroon although moderate to high risk storm surge sa ilang coastal area surrounding the Laguna de Bay and Taal Lake. So, iyong mga large bodies of water na nakapaloob po sa kalupaan ay posibleng makaranas ng mga matataas na pag-alon dala nga ng mababa na atmospheric pressures ng bagyo at iyong malalakas na hangin na dala po ng bagyo. Inaasahan din na iyong mga pag-alon at saka breaking waves posibleng makadulot ng life threatening and damaging coastal inundation. So, iyong pag-alon po natin puwedeng talagang may advance into some of the coastal communities.
At asahan po nila na every three hours magbibigay po tayo ng update sa ating mga kababayan. Ang susunod po nating update ay ipapalabas naman po natin mamayang alas onse ng umaga. At iyan po muna ang latest mula dito sa PAGASA. Magandang araw po sa kanilang lahat at stay safe po tayo.
SEC. ROQUE: Thank you, Chris Perez ng PAGASA. Bago po tayo magpatuloy, I will turn over the floor kay Usec. Rocky para po sa ilang mga update sa ating mga reporters on the ground.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Roque at sa ating mga bisita po, magandang umaga po.
So, ito lamang po ang aming ihahatid muna dahil inaayos po natin iyong ating linya ng komunikasyon dito sa telebisy0n diyan sa bahagi po ng NDRRMC. So, ang atin pong babasahin ay ilang report po at sana po makita ninyo iyong mga reports ng ating mga reporters mula po iyan sa Quezon, sa Bicol.
So, maya-maya po ay ihahatid namin sa inyo, aayusin lamang po natin ang linya ng komunikasyon kasi nawalan po kayo ng audio, Secretary. Babalik po kami.
SEC. ROQUE: Salamat, Usec. Rocky.
By order na sinalanta ng bagyo, Governor Bichara, kumusta na po diyan sa inyo? Ano po ang kinakailangan ninyo dahil nandito po ngayon sa NDRRMC ang lahat ng Kalihim na handang magbigay ng tulong sa inyo? Gov. Bichara, the floor is yours.
GOV. BICHARA: Magandang umaga sa mga nanonood. Magandang umaga po sa inyong lahat. Wala na iyong bagyo sa amin at umiikot na lahat. Mayroon na kaming early reports na dalawang casualty, isa sa Polangui tapos isa sa Daraga. Iyong sa Daraga, iyong nabuwal, uprooted punongkahoy eh nabagsakan iyon.
At saka iyong mga dikes, bumigay kaya nagkaroon ng baha, kasi nandoon iyong Tiwi eh, iyong sa kabukiran bumaba iyong tubig, malakas iyong current, nasira iyong mga dikes at umapaw sa ibang mga barangay. Sa Guinobatan naman, iyong lahar eh bumaba rin iyong lahar at ngayon may rescue na doon. At mag-iikot ako ngayon para makuha natin iyong tamang assessment. At the moment eh walang kuryente, walang communications kaya kailangang puntahan.
SEC. ROQUE: Gov., anong mga immnediate na mga pangangailangan ninyo?
GOV. BICHARA: Magpadala na kayo ng ano—okay naman iyong airport, puwede kayong magpadala ng mga [unclear] at iyong iba bumagsak iyong bubungan kaya nagkaroon ng kaunting gulo during the height of the typhoon.
SEC. ROQUE: Kasama po natin ngayon si Secretary of National Defense Lorenzana at si Usec. Jalad at ipinaalala ko rin iyong request ng Albay para doon sa tulong galing po sa NDRRMC na nagsimula pa noong pumutok iyong Bulkang Mayon at ngayon po lalong lumala yata dahil iyong lahar nga ay gumuho ano.
Okay. Puntahan naman natin ngayon, nasalanta rin ng bagyo ang probinsiya ng Quezon, Governor Danilo Suarez. Manong, kumusta na kayo diyan sa Quezon at ano pong immediate na pangangailangan ninyo dahil nandito po lahat ng Kalihim na pupuwedeng magbigay ng tulong. Manong, the floor is yours.
GOV. SUAREZ: Hello. Can you hear me, Harry?
SEC. ROQUE: Manong, wala pa ring audio. Wala pa ring audio, paki ayos na lang po iyong audio.
GOV. SUAREZ: Wala pa rin?
SEC. ROQUE: Ayan, may kaunting audio na. May kaunting audio na.
GOV. SUAREZ: Can you hear me now?
SEC. ROQUE: Okay. Naririnig na, manong. Go ahead, please.
GOV. SUAREZ: Harry, three minutes ago kausap ko lang iyong mayor ng San Francisco at sabi niya iyong kapitbahay niya hindi na niya makita sa lakas ng hangin at ulan. And I expect that this situation will be happening to the rest of the towns na dadaanan nitong ‘Rolly’.
But as of now, ang kalagayan ng ating lalawigan, nakaposisyon na ang aming Armed Forces, PNP, Philippine Air Force, PNP Maritime, engineering personnel, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire, DSWD. Ito ay naka-deploy sa mga critical area namin specially Mauban, [unclear]area , Infanta, Nakar [unclear] .
On our part, nag-issue na ako ng red alert sa buong lalawigan ng Quezon. Nag-forced evacuation na kami at as of now, ang aming nasa evacuation center ay 7,206 families or 25, individuals, ito iyong inside the evacuation. Iyong outside evacuation center ay 673 families o 2,750. Medyo maingat kami sa evacuation center, Harry, kasi mayroon din kaming quarantine area noong COVID symptomatic.
At right now, all roads, national and provincial in the province are all passable. Pinahinto lang namin lahat ang mga seafarers, tigil muna ang mga fishing. And as of now, Harry, wala pa kaming – sana ma-maintain natin – wala kaming casualty. Although the damage to the agricultural product will be – iyong damage namin sa Quinta ay 280 million – itong damage namin sa ‘Rolly’ will definitely reach a billion peso kaya with your effort baka puwedeng kausapin ang mga kasamahan sa Gabinete na magpadala ng kaunting tulong din. Ang kailangan namin iyong additional food packs, emergency shelter assistance at pagkatapos ng bagyo, iyong aming mga rehab sa agricultural program baka puwedeng makatulong ang DA na ipadala na kaagad sa amin so that we can preposition for planting. Bagamat hindi muna kami magtatanim kasi may darating pa tayong isang bagyo at kung maaari lamang mga prepositioned na iyong aming mga municipal agricultural office.
Right now, we have ten (10) towns na wala nang kuryente at marami nang natumba kaming mga electrical posts. Diri-diretso ito, kasama ko ang aking provincial director sa PNP, kasama ko ang Social Welfare dito sa Office of the Provincial Administrator.
Mandatory na itong aming force evacuation at si Congressman [unclear] iyong mga mabababang lugar dito sa Lucena na tinamaan ng baha ng Pepito ay naka-alert kami [garbled].
Okay. O, Harry, baka may itatanong ka.
SEC. ROQUE: Okay. Ano pong request ninyo dito sa mga ahensiya na naririto ngayon sa NDRRMC? Ano iyong mga talagang kinakailangan ninyo pong ngayon diyan sa Quezon?
GOV. SUAREZ: Harry, kasi ganito ang nangyari ano, nakapagpadala kami ng massive food packs sa Northern Quezon. Bagamat doon may tama rin pero hindi namin inaasahan iyong pagbaling nitong Rolly biglang pasok dito sa ibaba, we need additional food packs right now, at iyong sinasabi ninyo na mga emergency assistance fund, puwedeng matulungan kami.
Kasi iyong mga maraming kaming mga bahay na light material by this time, I would expect there’ll be by the thousands magiging walang bubong iyan paglampas nitong si ‘Rolly’ lalawigan.
SEC. ROQUE: Okay. Narinig po kayo ni Undersecretary Felicisimo Budiongan, I’m sure he will be in coordination with your staff para po sa requested food pack.
Kasama rin po natin ang liwanag sa gitna ng kadiliman ng Bagyong Rolly, ang mayor po ng Sta. Rosa, walang iba kung hindi si Mayor Arlene Arcillas.
Ma’am, ano na po ang sitwasyon diyan sa CALABARZON dahil alam po namin na sa ngayon ay mukhang kayo po ang sinasalanta ng bagyong Rolly?
MAYOR ARCILLAS: Secretary, as of this moment po, hindi pa ganoon kalakas ang hangin at ang ulan pero ang update po ay mga 7 P.M. pa dadaan dito. And we hope na hindi sana tumuloy.
So, so far, ngayon po ang instruction is to do pre-emptive evacuation in case po na lumakas mamaya, mamayang gabi. Ganoon din po, all other preparations po ay nagawa na natin. Hindi naman po natin ina-activate na ang ating barangay rescue response team natin ano [unclear] and may isang barangay lamang po tayo, bayside barangay na una pong pina-evacuate namin, pinalikas natin in any case po na tumaas ang tubig doon.
Pero so far, all other preparations po ay ginagawa na especially now na wala pa siya kasi mas mahirap na po na later on natin gagawin. So, food packs have been prepared already, mayroon po tayong DSWD at mayroon ding inihanda ang city; always the vehicles po, equipment ay ready na rin, on standby. Ang mga generators po specially sa mga ospital natin kasi ayaw nating macu-cut ang power doon, ay naka-ready na rin po. And similarly, iyong mga barangays po ay continuous ang reporting sa atin and mayroon naman silang digital radio on top of the satellite na mayroon kami sa central command natin para po continuous ang communication.
So, all barangays po ay naka-prepare na and the city ay nakaantabay na rin po. But so far po, ngayon, as of this moment, wala pang gaanong flooding, wala pang flooding at wala pa pong gaanong pinsala dahil sabi nga po ay mga 7 P.M. pa rin po darating dito.
SEC. ROQUE: Anyway, nais ko pong sabihin sa inyo na inimbitahan rin po natin si CamSur Governor Migs Villafuerte at Catanduanes Governor Joseph Cua, pero hindi po tayo makakuha ng signal. Sana po they are safe in their respective provinces of CamSur and Catanduanes.
Meanwhile, we’d like to welcome AFP chief-of-staff General Gilbert Gapay. Sir, ano po ang instruction sa ating kasundaluhan sa buong Pilipinas?
LT. GEN. GAPAY: Well, good morning everyone. Actually, the AFP Disaster Response Task Force, per SOP of the Armed Forces, was activated last 30 October and iyong corresponding joint task forces natin on AJDR in a different areas in the path, in affected areas of typhoon ‘Rolly’ were also activated.
So, iyong JTF-SOLCOM natin, Southern Luzon, was also activated; JTF-Northern Luzon; JTF-Visayas and of course, JTF-NCR were also activated and continuous ang coordination ng ating JTFs sa local disaster response, iyong DRRMCs natin, and management committees ng LGUs as well as with other government agencies.
And as point of coordination natin, ang Armed Forces mayroon tayong civil–military coordination center which we have activated as well as the corresponding CMCCs at the different areas, doon iyong point of coordination na in case of a needed assistance and updates regarding our disaster response operations.
So, our activities since October 30 were of course, centered on pre-disaster response assessments in coordination with the local DRRMCs. Katulong din kami sa enhancement ng ating early warning and preemptive evacuation particularly iyong mga areas hit ano, iyong where the Typhoon Rolly nag-landfall, in Catanduanes and in Tiwi, Albay this morning. So, involved din iyong mga units natin in preemptive evacuation.
And then of course, two days before, we started prepositioning disaster response task units as well as resources in coordination with the local DRRMCs and tuloy-tuloy po iyong monitoring natin in tracking itong tyhpoon ‘Rolly’ and of course, the needed assistance coming from the Armed Forces of the Philippines.
So, all in all po ang dedicated assets and manpower natin, so far, directly involved are 4,860 regular forces natin, augmented by some 2,000 CAFGU active auxiliaries and some 1,000 reservists po. Ito po ay ay ang distribution nito in Northern Luzon Command – 2,000; Southern Luzon Command – 1,800; in Central Command sa Visayas – 860; and dito po sa JTF-NCR mayroon tayong around 600 regular forces ready to respond when needed. Total po niyan is 4,860 military personnel directly involved in activated composing the different disaster response task units.
Mayroon din po tayong air assets involved dito na naka-standby. Mayroon tayong anim, initially na air assets; dalawa pong heavily transport aircraft and apat na helicopters on standby to perform disaster response operations. And we also have four big ships of the navy. Mayroon po tayong dalawang landing docks ang dalawang logistic support vehicles also on standby to perform and assist in our disaster response operations.
So, naka-ready po ang inyong Armed Forces to extend assistance, perform disaster response operations and we have, iyong Civil–Military Coordination Centers, ito po iyong nerve centers ng ating mga Joint Task Force on AJDR in different areas. Doon po ang ating point of contact and of course, kung in case talagang kailangang-kailangan, the nearest military unit sa area ninyo puwede po kayong lumapit doon at makipag-coordinate for any assistance needed from the Armed Forces of the Philippines.
So, iyon po ang update and preparations update from your Armed Forces of the Philippines.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, AFP chief-of-staff General Gilbert Gapay. Nagpupugay po kami sa lahat ng kasundaluhan, ng kapulisan, mga bumbero, mga doktor, mga medical frontliners, na patuloy po na naninilbihan sa ating mga kababayan habang sinasalanta po tayo ng Bagyong Rolly.
May karagdagang anunsiyo po si DOH Secretary Duque. Sir, ano po iyong additional announcement?
SEC. DUQUE: Maraming salamat, Secretary Roque. Ang ibig ko lang po bigyang-diin ay pinapaalalahanan po natin ang mga local chief executives natin na magtalaga po tayo ng mga safety officers sa atin pong mga evacuation centers. Kung kaya po natin ay limitahan ang mga tao sa mga evacuation centers at kung talaga namang hindi maiiwasan dahil walang ibang facility na pagdadalhan ay mag-doble ingat po tayo at makinig sa ating mga safety officers.
Ang ating safety officers po ang magpapaalala sa komunidad na nasa mga evacuation centers na patuloy mag-obserba ng ating minimum health standards at ito po ay ang mga tamang pamamaraan upang maibsan ang pagkalat ng COVID-19 infection. Sa bahay man o sa mga evacuation centers ay sikapin natin magpanatili ng hindi kukulangin ng isang metrong distansiya sa pagitan ng sarili at iba at iwasan ang matataong lugar hanggang maaari.
Ugaliin din natin na hugasan ang mga kamay gamit ang sabon at tubig o linisin ang kamay gamit ang alcohol-based hand spray. Takpan ang ilong at bibig sa tuwing uubo o babahing gamit ang likod ng siko o tissue at ang paggamit po ng inyong cloth mask ay dapat ipinagpapatuloy po ito. At huwag pong hinahawakan ang mga mata, ilong at bibig hanggang sa maaari at agad kumunsulta naman sa mga doktor kung magpakita ng malalang sintomas kagaya ng hirap na paghinga at pagkahilo at huwag din pong lumalabas.
Hanggang sa maaari iwasang maglakad sa baha lalo na po ang mga may sugat sa paa. Kung hindi po maiiwasan ay magsuot ng mga protective wear or bota. Sa mga na-expose sa tubig baha, magtungo po kayo kaagad, makipag-ugnayan sa mga healthcare workers upang mabigyan ng post exposure prophylaxis kung kinakailangan para makaiwas sa nakamamatay na sakit na leptospirosis, ano po.
At siguraduhin rin na malinis ang tubig pang-inom at ang mga nakahandang pagkain. Pakuluan po natin ang tubig nang tatlong minuto at hugasan nang mabuti ang ating mga sahog at lutuing mabuti ang mga pagkain.
Maraming salamat, Sec. Harry.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Duque.
Nilalamig na raw po ang ating mga reporters on the field, so, Usec. Rocky, the floor is yours para sa ating mga field reports.
USEC. IGNACIO: Salamat po. Secretary Roque. Sa pagpapatuloy po ng ating Laging Handa special coverage, may panawagan po si Senator Bong Go sa lahat ng mga lokal na pamahalaan na maaapektuhan ng Bagyong Rolly. Narito po ang report.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyo, Mark Fetalco. Mag-ingat kayo diyan. Ang Laging Handa special coverage, tutok lang po sa PTV. Balik po tayo kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa NDRRMC.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Usec. Rocky at sa mga reporters natin sa PTV-4. Patuloy pa rin po ang special press briefing natin, nandito po tayo sa NDRRMC headquarters sa Camp Aguinaldo kung saan kasama natin si Secretary Lorenzana, Secretary Año, Secretary Duque, si Usec. Jalad, si Usec. Felicisimo Budiongan; kasama rin po natin si PNP Chief Cascolan at si AFP chief-of-staff General Gilbert Gapay.
So, I think kaparehong Malacañang Press Corps and Defense Press Corps will be given the opportunity to ask questions. Kasama rin po natin pa si Governor Danilo Suarez at saka si Mayor Arlene Arcillas, although parang hindi na po natin kasama ngayon si Governor Bichara which is understandable, dahil nga po nandoon po ngayon ang bagyo sa kanila.
So, sige po Usec. Rocky, ano po iyong mga katanungan?
USEC. IGNACIO: Secretary Roque, ang unang tanong ay mula kay Henry Uri ng DZRH: Hindi na daw po nakakabangon ang maraming nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya at tiyak na problema na naman ang araw-arw na gastusin lalo na ng mga mahihirap. Ayon po sa DSWD, mayroon pang bang dalawang bilyong piso ang hindi nagamit under Special Amelioration Program. Maaari po bang ipamigay na lamang ito bilang cash assistance sa mga binagyo at may direktiba na ba ang Pangulo hinggil dito?
SEC. ROQUE: Usec. Bodiongan?
USEC. BODIONGAN: Thank you very much, Sec. Harry. Thank you for the question.
Mayroon na pong plano doon sa natirang pondo galing sa Bayanihan 1 at ito po ay gagamitin sa sustainable livelihood program. Mamimigay po tayo para sa livelihood ng ating mga nabiktimang mga kababayan.
But ang DSWD po ay nagbibigay din naman po ng—nag-a-augment po tayo sa local government units, sa pagbibigay ng mga family food packs doon sa mga nangangailangan. Kailangan lang po na sabihin ng local government unit na medyo kulang na sila sa pondo and nandiyan lang po ang DSWD, ang ating mga field offices upang magbigay ng augmentation sa ating mga local government units.
Maraming salamt po.
SEC. ROQUE: Nandiyan din po ang pondo sa Bayanihan 2 na puwedeng ipamigay po ng ating DOLE para doon sa patuloy na mga nawawalan ng trabaho dahil nga po dito sa bagyong ito. Nandiyan po iyong ating TUPAD at I’m sure po matapos itong bagyong ito eh marami pong TUPAD na maibibigay para sa paglinis ng mga kalsada at para sa pagbangon ng mga lugar na nasalanta ng bagyong Rolly.
Next question, please.
USEC. IGNACIO: Question, Secretary Roque, from Athena Imperial ng GMA News Desk: Nasaan na po ngayon si President Duterte; bibisita po ba siya sa mga nasalanta ng bagyo?
SEC. ROQUE: Sa ngayon po, nasa Davao po ang ating Presidente. Ang schedule ng pagbalik po niya ay sa Tuesday pero siya po ay nakatutok at siya nga po ay nag-utos sa atin na mag-conduct ng ganitong press briefing kung saan sasamahan tayo ng lahat ng Kalihim na nangunguna sa mga ahensya na magbibigay ng tulong sa ating mga kababayan.
Nagmo-monitor po ang ating Presidente at alam ninyo naman na bagamat mahirap po ang magbiyahe ngayon dahil sa panahon ng COVID eh mino-monitor po iyan ng Presidente at siyempre po ang desisyon kung siya ay makakaikot eh Presidente po ang gagawa niyan bagamat siyempre po mahirap talaga ang pag-ikot sa panahon ng COVID.
USEC. IGNACIO: Opo. My follow-up question po si Tuesday Niu: Kumusta na po si Pangulong Duterte at ang lugar nila sa Davao? May specific directives po ba siya para sa mga concerned government agencies at sa mga members of the Cabinet sa harap ng magkasunod na malakas na bagyo? May mensahe po ba siya para sa ating mga kababayang matinding binabayo ngayon ng bagyo?
SEC. ROQUE: Ang Presidente po ang nag-utos na magkaroon ng ganitong pagpupulong dito sa NDRRMC para masigurado na lahat ng pangangailangan ng ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo ay maibigay sa lalong mabilis na panahon. So, on call po lahat ng Kalihim ng iba’t-bang department lalo na po iyong mga departamento na talagang magbibigay ng tulong sa panahon ng bagyong ito.
Kaya nga po regular po itong ginagawa nating pagpupulong dito sa NDRRMC nang sa ganoon lahat ng pangangailangan maibigay kaagad.
So, on standby po ang lahat ng ahensya at departamento ng gobyerno, ang mandato po ng Presidente, gawin ang lahat nang maisalba na naman ang ating mga kababayan dito sa trahedya ng Super Typhoon Rolly.
USEC. IGNACIO: Opo. Question pa rin mula kay Athena Imperial ng GMA News: Paano po sinisiguro ng LGUs na safe ngayon sa mga evacuation center lalo na sa COVID?
SEC. ROQUE: Si Secretary Año po at saka si USec Jalad ang sasagot niyan.
SEC. AÑO: Unang-una, kasama sa advisories natin ay iyong paghahanda nga ating LGUs sa evacuation at the same time siguruhin din na iyong mga isolation centers natin ay safe at nasusunod pa rin iyong ating mga minimum health standards and protocols, ‘no.
Sa panahon ng bagyo ay kailangan ay nakatugon pa rin tayo sa pandemic. So, sisiguraduhin lang natin na iyong paghahanda ng LGU ay kasama pa rin, katulad noong sinabi kanina ni Secretary Duque na huwag pa rin pababayaan iyong ating pagtugon sa COVID-19 situation.
SEC. ROQUE: Use. Jalad?
USEC. JALAD: Noon pang hindi pa nagsisimula ang rainy season, buwan ng Mayo, ay nagsagawa na tayo ng memorandum circular at iyan ay ibinigay sa lahat ng ahensya at saka mga local government units para sa kanilang—at kasama diyan iyong protocol in the management of evacuation centers dahil nga mayroon tayong pandemic. So, kinakailanghan may proper physical distancing doon sa mga evacuation centers at ang ating mga evacuees ay sumusunod doon sa mga protocol, health protocols na ipinatutupad natin ngayon dahil sa nga sa pandemic.
At iyan naman ay tinututukan ng ating mga Regional Directors at katulong diyan ang iba pang mga regional offices para masiguro na sinusunod ng ating mga local government units. And kasama diyan ang DSWD, ang DOH, ang DILG, sa pamumuno ng Regional Directors ng OCD dahil sila ang chairperson ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council.
SEC. ROQUE: Sa panig po ng DOH, ano po ang mensahe natin sa mga nagpapatakbo ng mga evacuation centers?
SEC. DUQUE: Iyon nga po ang binigyang-diin ko kanina at binanggit din po ni Kalihim Ed Año na huwag po nating babalewalain ang pag-obserba o pagsunod sa minimum health standards – paggamit ng mask, iyon pong physical distancing huwag kukulangin sa isang metro, iyon pong ating mga paghuhugas ng kamay, ang tamang pag-ubo o respiratory etiquette – lahat po ito ay makatutulong maibsan ang pagkalat ng COVID-19 infection at ang mga… atin pong mga temporary treatment and monitoring facilities ay patuloy ang kanila pong pagsusuri o evaluation o sinisigurado na ligtas po itong mga lugar na it0, ligtas po itong mga facilities na ito at kasama po ang mga ilan na ahensya sa pagsasagawa ng continuing evaluation at kinakailangan ay nakahanda rin ang kanilang contingency and public service plans.
So, iyon pong… sa panahon ng evacuation, may prioritization po ng mga pasyente. Ang tawag po sa sistema, triaging, triaging of patients. Ibig sabihin:
– Number one, iyong mga walang sintomas ng COVID-19 cases ay puwedeng ilipat na ito sa mga hotel, isolation facility or another identified safe temporary isolation facility;
– para naman doon sa mga medyo may sintomas or mild symptomatic COVID-19 cases ngunit hindi kinakailangan ang monitoring, hindi kinakailangan ang IV medication o intravenous medication, hindi kinakailangan o walang mga reklamong hirap na paghinga ay puwede na rin pong ilipat ang mga ito sa mga mas ligtas na isolation facilities, ihalo na doon sa mga asymptomatic patients;
– at doon naman sa mga malubha, iyong mga kinakailangan i-monitor. Ito iyong mga malubhang kaso, kinakailangan ng intravenous medications at mayroon pong sintomas tulad ng hirap sa paghinga ay kinakailangan idiretso na po ito sa mga level 1 or level 2 DOH facilities or provincial health facilities, mga ospital, dahil ito kailangan pong bantayan natin;
– at panghuli po, iyon pong mga matatanda nating mga mamamayan, ang mga local government units, bigyan ninyo po ng special attention sila dahil sila po madaling mahawaan ng COVID-19 – ang mga may edad 60 years and above at may mga comorbidities o kasamang ibang sakit – hypertension, diabetes, emphysema, asthma – iyan po ay kinakailangan ay ingatan po sila.
– Bigyan po sila ng face mask, dalhan na po ninyo ng face mask, dalhan ninyo po ng face shield at siguraduhin na ang minimum health standards ay laging sinusunod sa lahat po ng panahon.
Maraming salamat, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Duque. Next question please.
USEC. IGNACIO: Secretary Roque, tanong for DOH. Binanggit po sa NDRRMC briefing yesterday and a while ago na inilipat na po sa hospital, hotels ang mga COVID patients na nasa tent ng mega quarantine facilities dahil sa bagyo, ilan lahat po ng patients ang mga naililipat na?
SEC. DUQUE: Ang mga nailipat mula sa Pasig, nailipat po at ito iyong mga hotel – Nice Pasig, iyong Sogo-Aurora, iyong Nice Hotel-Arayat, Nice Hotel-North EDSA – inilipat po rito mula sa Ninoy Aquino Stadium, iyon pong sa Rizal, itong Filinvest at PICC ang bilang ng pasyente ay 41. Lahat-lahat almost mga 120 at mga HR staff naman ay abot ng mga 150. At pangkalahatang bilang, 287 po.
SEC. ROQUE: Yes, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Question from Athena Imperial ng GMA News for NDRRMC: Recommended ng DOH na may washing facilities available, alcohol and safety officers ang mga evacuation center para daw po makaiwas sa COVID. Ano po ang feedback ng Provincial Risk Reduction and Management Offices dito?Mayroon na bang ganito ang lahat ng evacuation centers?
USEC. JALAD: Pakiulit nga ang tanong, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo, recommended po ng DOH na may washing facilities available, alcohol and safety officers ang mga evacuation centers para daw po makaiwas sa COVID. Ano po ang feedback ng Provincial Risk Reduction and Management Offices dito? Kung mayroon na bang mga ganito ang lahat ng evacuation centers?
USEC. JALAD: Well, kasalukuyan, wala pang report tayong nakukuha. Unang-una iyong ating mga affected areas ay karamihan diyan ay walang signal, so hindi nakakapag-report iyong ating mga local government units. And, iyong mga items na binanggit ni Usec. Vergeire ay kasama iyon sa mga augmentation na puwedeng ibigay ng DOH doon sa mga evacuation centers na mina-manage naman ng local government units at iyong ating mga LGUs naman ay hindi kinakailangan na mag-rely lang doon dahil mayroon din naman silang kakayahan, kung hindi pa nakarating iyong suporta ng DOH, ng DSWD at saka ibang ahensiya. But kukunin namin iyan, iyong feedback as communication lines are restored.
SEC. LORENZANA: Dagdagan ko lang iyon, Rocky, ano. Siguro wala naman tayong problema sa washing, we have sufficient water kasi nga umuulan eh. So kailangan lang siguro ng mga LGUs ay mag-provide ng mga sabon para makapaghugas iyong mga tao. That is the responsibility of the LGUs na. Thank you.
SEC. ROQUE: Okay, maraming salamat. Mark Timbal, NDRRMC Spox.
MODERATOR: Secretary Roque, good morning po, we have some question from [garbled] press corps. First coming from [garbled]: Can we confirm kung iyong dalawang casualties na binanggit ni Governor Bichara are dead or injured?
SEC. ROQUE: Governor Bichara are you still here? Wala na po si Governor Bichara. NDRRMC, mayroon na po ba tayong confirmation doon sa casualties na minention?
USEC. JALAD: I think Director Yucot is also of the Region V OCD is in this Zoom meeting.
SEC. ROQUE: Director Yucot, you are on zoom, so can you confirmed iyong dalawang casualty na na-mention ni governor Bichara kanina? Okay, kung wala pa po, mayroon po tayong text message galing kay Henry Uri ng DZRH. Hazel Joy Panesa daw po taga-Guinobatan, Albay, iyong bahay daw po nila ay natabunan. So, kung nandiyan po iyong NDRRMC at saka iyong kasundaluhan at kapulisan sa Guinobatan, Albay humihingi po ng saklolo ngayon si Hazel Joy Panesa sa Guinobatan, nasa akin po ang phone number. We can give it you po, para matawagan ninyo sila at sinusubukan din po nating kontakin ngayon itong si Hazel Joy. Huwag kang mag-alala Hazel Joy nakarating na ng mensahe, ang kapulisan, ang NRRMC at ang kasundaluhan ay magbibigay na ng saklolo sa iyo.
MODERATOR: From Cecil Morella of French News Agency. The floods, landslide and storm surges that the government warned about, did any of those occur as yet? And are we expecting lots of casualties for super Typhoon Rolly?
USEC. JALAD: Wala pang report tungkol din diyan. Dahil nga iyong ating mga local government units disaster risk reduction and management offices dahil sila naman ay kinakailangan ding i-save din nila ang kanilang sarili, so nandiyan pa iyan sa mga opisina nila and habang nananalasa itong super Typhoon Rolly and wala nga tayong contact pa doon sa iba pang lugar. So, iyan ay ating titingnan kung mayroon bang nangyaring ganoon. But, all the areas assessed by Pag-asa as at risk to storm surge of about 3 to 5 meters where appropriately warned since last week pa.
MODERATOR: Thank you, sir. Another question po from Jaymark Dagala of DWIZ: Mayroon po ba tayong social amelioration assistance na matatanggap, iyong ating mga typhoon victims from the government?
USEC. BUDIONGAN: Sa ngayon po sa Bayanihan 2 po ay wala pong nakalagay na Social Amelioration Program. Pero ito ay ibibigay doon sa mga granular areas na iyong na-lockdown lang, pero sa pangkalahatang po ay wala tayong pondo doon. But dito sa mga biktima ng Typhoon Rolly, wala po tayo. Ang ating programa po diyan ay emergency shelter assistance, family food packs and other non-food items, iyon lang po ang ating programa. But there are some instances na kailangang-kailangan talaga, mayroon tayong pagkunan ng pondo, mayroon tayong isang proyekto, iyong assistance to individuals in crisis situation. So doon po sila puwedeng matulungan ng DSWD.
SEC. ROQUE: At sabi nga po ninyo, iyong 2 billion, puwedeng ilaan doon sa programa iyan. So ibig sabihin puwede ring gastusin iyong P2 billion kabahagi niyang programa na sinabi ninyo, dahil doon ililipat iyon. So, mayroon naman po tayong pagkukunan, ‘no.
Kapapasok lang na balita sang-ayon po kay PONP Chief Cascolan, Hazel Joy Panesa ng Guinobatan, alam na raw po ng Chief of Police, maybe Chief Cascolan, you can address si Hazel Joy Panesa ngayon.
PNP CHIEF CASCOLAN: Yes, Hazel Joy, siguro nakontak ka na ni Chief of Police ng Guinobatan, Albay. As of now po papunta na po sila sa inyo.
MODERATOR: From Francis Wakefield of Daily Tribune: Lahat po ba ng mga tao sa coastal areas or high risk areas ay nadala na sa mga evacuation centers or many people still opted to stay in their homes? Do we expect heavy casualties in these cases?
SEC. AÑO: More or less na-evacuate na natin. Ito ang binigyan natin ng focus. Before Rolly kasi may dumaan nang bagyo sa atin, iyong Quinta. Eh, ito ay parang preparations sa atin iyong Quinta. So, sabi ko nga kanina ano, hindi lang mga high-tech gadgets iyong ginamit natin, even the barangays umikot sila para magbandilyo at mapaalis iyong lahat ng mga nakatira along the bay, along the river lines, along the waterlines. So, sabi nga kanina sa report natin, about 96,000 families iyong ating na-evacuate or more or less 346,000 individuals. More or less, these people are those living doon sa mga malalapit sa dagat at mga ilog.
MODERATOR: Thank you, sir. The question pala was from Francis Wakefield of the Daily Tribune. Thank you, sir. Another question po from Romina: May update po ba on lahar and landslide incidents? And then—I think the question is based on the predictive analytics issued by the NDRRMC. From almost a million last night, bakit po bumaba ang numbers on evacuations to only 350,000?
USEC. JALAD: Iyong figures reported on preemptive evacuation a while ago ay 96,543 families or 346,993 individuals, iyon ang correct and official figures.
And ako ay humihingi ng paumanhin doon sa discrepancy ng report natin kagabi, hindi naman sinadya iyon, it’s not intentional on my part, siguro dahil sa na-miss took ko po iyong figures reported as the targets for preemptive evacuations in some provinces in Region [signal cut].
So, again, hindi iyon intentional and humihingi ako ng paumanhin sa public, kay Presidente, Presidente Duterte sa aking chairperson ng NDRRMC, si Secretary Lorenzana at sa buong NDRRMC which I represent in that particular meeting. Siguro dahil lang sa kaguluhan—naghahabol tayo ng oras kahapon ano. In fact, I have to call several officials to check on the condition in Calaguas Island and even in Balesin Island, because we know that these islands have very low elevations and right in the center of the track as reported yesterday by PAGASA.
So, I also called on some officials in the region to check on that and happily they reported that preventive measures were undertaken in that [signal cut]
SEC. ROQUE: Joy Panesa on the line. Joy, nasa linya ka ‘no. Nakarating na ba sa iyo iyong Chief of Police ng Guinobatan? Joy?
JOY PANESA: Yes po.
SEC. ROQUE: Ano ang nangyari sa inyo diyan sa Guinobatan, Joy?
JOY PANESA: Ang nangyari po dito sa amin, sir (garbled) lahat po ng (garbled) natabunan?
SEC. ROQUE: Okay, mayroon bang nasaktan?
JOY PANESA: Mayroon po, sir. Nakalibing na po iyong—
SEC. ROQUE: Okay, pero nandiyan na po ang kapulisan?
JOY PANESA: Sa ngayon po sir, hindi pa po namin alam, pupunta pa lang po, kasi po (garbled)
SEC. ROQUE: Ito si PNP Chief Cascolan, ito po si Joy mayroon daw pong taong nalibing doon sa bahay nila.
PNP CHIEF CASCOLAN: Joy, antayin lang po ninyo iyong search and rescue natin ng Philippine National Police, iyong hepe po mismo Guinobatan, Albay ay papunta na po diyan sa ito. Tinawagan ka na ba niya?
JOY PANESA: Hindi pa po, sir.
PNP CHIEF CASCOLAN: Pero papunta na diyan, don’t worry, Joy, papunta na po diyan at may mga gamit silang dala.
JOY PANESA: Opo, sir.
SEC. ROQUE: Oh, sige, Joy ha, we will let you go baka kasi kinokontak ka ngayon ng PNP Guinobatan. Ingat ka diyan Joy and our prayers are with you. Okay punta tayo kay USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Secretary Roque, tanong from Joseph Morong, bakit daw po hindi si Presidente ang nag-preside ng NDRRMC briefing?
SEC. ROQUE: Mahirap kasing magbiyahe ngayon sa Maynila ano, dahil nga sa bagyo ‘no. Pero naka-monitor po ang Presidente at we actually expect him to address the nation. Hindi ko lang po alam kung kailan. Pero bagama’t araw po ng Linggo, siya po ang nag-utos na ipulong lahat po ng mga Kalihim na nangunguna sa pagbigay tulong sa ating mga kababayan sa panahon ng bagyong ito.
USEC. IGNACIO: Opo, iyon nga po iyong second question ni Joseph Morong. Will he be addressing the nation tomorrow?
SEC. ROQUE: Well, ang alam ko po, there will be an address, hindi ko lang po alam exactly kung kailan. But the nation will find out. I will give advance notice po.
May tanong lang po ako kay Governor Suarez. Gov. Na-double whammy kayo, dahil dalawa ng bagyo ang dumaan sa inyo, kumusta po ang inyong calamity fund sa probinsya?
GOVERNOR SUAREZ: (garbled)
SEC. ROQUE: Gov., medyo hindi namin nakuha lahat ng sinabi mo, pero nakuha namin na depleted na iyong local calamity fund. So SND, Secretary of National Defense bilang chair po ng NDRRMC at nandito rin si Usec. Jalad, paano po natin matutulungan iyong mga probinsya na depleted na iyong local calamity fund, dahil pangalawang bagyo na po ito; saang ahensiya po sila pupunta for calamity funds?
SEC. LORENZANA: Salamat Sec. Harry. Governor, iyong ating calamity fund or iyong quick reaction fund natin ay kaonti na lang ang natitira. Siguro kailangan nating dumulog ulit sa DBM para madagdagan tayo nitong calamity fund, lalung-lalo na ngayong sinalanta tayo ng magkakasunod na bagyo, mayroon pang susunod. Hayaan po ninyo, titingnan namin ito, kung mayroon pa kaming natitira ditong pera at para maibaba namin sa inyong mga lalawigan, thank you.
SEC. ROQUE: Mayor Arcillas bilang liwanag sa dilim, paano po makakatulong ang mayamang siyudad ng Sta. Rosa sa mga probinsya na nasalanta ng bagyong Rolly?
MAYOR ARCILLAS: (garbled)
SEC. ROQUE: I’m sure narinig po iyan ni Governor Suarez ang iyong seatmate sa 17th Congress at aantayin niya ang tulong ninyo na ipadadala sa probinsya ng Quezon. Balik tayo kay USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary Roque, tanong mula kay Alvin Baltazar ng PBS-Radyo Pilipinas para po kay Usec. Jalad: Ano po ang update dito sa report na rumaragasang ilog sa Barangay Ilawod, Camalig, Albay na ayon kay Majar Lagmay ay hindi malayo na mahaluan ng lahar?
USEC. JALAD: Baka related iyon doon sa report kanina na inaksyunan ni Chief PNP Cascolan ‘no. Iyong kasing risk ng lahar diyan sa Albay dahil sa mga naipon na mga debris, pyroclastic debris diyan sa palibot ng Mayon Volcano ay pinaghandaan na iyan ng provincial government of Albay at saka ng ating Regional Disaster Risk Reduction Management Council. So, i-check namin iyong ano kung may nangyayaring [signal cut]
SEC. ROQUE: USec. Rocky, saang lugar ito ng Albay para matawagan ni Chief Cascolan iyong local PNP. Anong lugar uli iyan?
USEC. IGNACIO: Barangay Ilawod, Camalig, Albay.
SEC. ROQUE: Okay. Sa Camalig naman po ito, Chief Cascolan, maya-maya lang pinapa-check na ngayon ni Chief Cascolan para mabigyan tayo agad ng instant report. Next question please.
USEC. IGNACIO: From Leddy Tantoco of Metro News Bulacan: Sumasapaw po o naglalaman pa lang po ang mga palay ngayon sa Bulacan na nasalanta ng bagyong Rolly. Walang nakakarating na tulong sa mga magsasaka lalo na sa mga may-ari ng bukid sa Plaridel, Bulacan na siyang nagbabayad ng buwis sa munisipyo. Saan po ba napupunta ang P5,000 na ayuda, mga libreng pataba o binhi na sinasabi ng Department of Agriculture, ni Secretary Dar mula pa noong pandemic?
SEC. ROQUE: Secretary Lorenzana?
SEC. LORENZANA: Hindi pa naman natin nakikita iyong nasalanta diyan, kasi kasagsagan pa naman ng bagyo at saka ulan, saka pa lang tayo makakapag-assess ng mga damages pagkatapos nang bagyo. Alangan namang pupunta doon iyong mga mag-a-assess ngayon eh hindi naman sila makakalapit sa mga lugar na inyong sinasabi.
Thank you.
SEC. ROQUE: Ipagbibigay-alam din po natin iyan sa DA. Iyong sa aking tanggapan eh diretso na pong ipararating ang impormasyon ninyo kay Secretary Dar.
USEC. IGNACIO: Mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online: Reaksiyon po na may ilang residente na ayaw mailikas kahit malakas na po ang buhos ng ulan at hampas ng hangin?
SEC. ROQUE: Naku! Puwede po kayong i-forced evacuation, so, huwag na po kayong tumutol dahil iyan po ay para sa inyong safety.
Secretary Año, anong mensahe natin doon sa ayaw magpa-evacuate?
SEC. AÑO: Unang-una, magpo-forced evacuation tayo. Hindi na kasi pupuwede ngayon iyong pakiusapan, mas importante kasi ang buhay. Kaya iyong ating mga kababayan, huwag na kayong tatanggi kung kayo ay ii-evacuate, kailangan muna natin ngayon ma-ensure ang safety ng ating mga kababayan at madali lang naman kayong ibalik pagkatapos ng bagyo.
USEC. IGNACIO: For Secretary [garbled]: Will the President release additional funds for disaster rescue and relief operations? Will the government implement a price freeze on basic commodities in calamity areas?
SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po ay nagpupulong po ang mga opisyales ng Office of the President para tingnan kung ano ngang karagdagang pondo ang pupuwedeng mai-release. At pagdating po doon sa price freeze, sinagot na po natin iyan, mayroon po tayong in place na suggested retail price na ang mga lumalabag po sa SRP ay may pataw na kaparusahan.
USEC. IGNACIO: May we know which areas are currently without power, water, communications; any effort to restore such utilities?
SEC. ROQUE: Siguro tanungin natin si Governor Danilo Suarez. Anong area po sa Quezon ang walang kuryente; tapos si NDRRMC Usec. Jalad, kung ano iyong nababalita na wala ng kuryenteng mga lugar.
Okay. Go ahead, manong.
GOV. SUAREZ: Ang power interruption namin [unclear].
We are coordinating with Quezelco right now but ang mga post namin ngayon, the reason why we cannot restore power right now eh, tuloy-tuloy pa rin iyong ulan, Harry, baka magkaroon tayo ng [unclear] muna kami pero prepared prepared naman iyong ating mga power generators to restore except we’re just taking precaution bago natin ibalik ang kuryente.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Governor. Usec. Jalad?
USEC. JALAD: Well, expected talaga iyan kasi super typhoon ito, magtutumbahan iyong mga poste even iyong mga transmission lines ng NGCP. So, iyan naman ay inaasikaso din ng Department of Energy. Mayroon silang bayanihan actually, kapag pagkatapos ng bagyo nagtutulong-tulong iyong mga electric cooperatives para pagtulungang kumpunihin iyong isang apektadong electric cooperative. Iyan ang pamamaraan ng Department of Energy at ang implementing agency nila diyan ay iyong National Electrification Administration.
Ang problema lang natin ngayon kapag lumipas itong si super Typhoon Rolly ay iyong movement naman ng mga tauhan, iyong mga supporting electric cooperatives na manggagaling sa ibang probinsiya dahil siyempre, nag-o-observe pa rin tayo ng health protocols dahil dito sa COVID pandemic.
So, pagtiisan muna ngayon. Talagang kapag malakas ang bagyo mawawala ang kuryente eh at gagamit tayo iyong back-up natin, iyong mga power generators and iyan naman ay kaagad natugunan ng Department of Energy.
SEC. ROQUE: Next question, please, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Secretary, last two questions na po ito. From Genalyn Kabiling: Please give the status of the water dams in typhoon hit areas.
SEC. ROQUE: Usec. Jalad, mayroon na ba tayong status ng mga dams? Ah, si Secretary Lorenzana.
SEC. LORENZANA: As of now, wala pa tayong status dahil hindi pa naman nagre-report iyong mga dam diyan – sa Ipo Dam, Angat at saka iyong Binga – but we will monitor closely kasi ang balita nitong nakaraang 24 hours ay medyo nagpakawala sila ng tubig in anticipation iyong ulan na magdadagdag pa ng tubig. So, hopefully sila ay nakagawa ng ganoong hakbang para naman hindi magkaroon ng baha diyan sa baba ng mga dams na iyan.
Thank you.
SEC. ROQUE: Okay. Nandiyan ba ho iyong ating opisyales galing sa PAGASA para magbigay ng update kung mayroon silang report sa mga dams na sinasalanta ngayon ng bagyo? PAGASA? Okay, maya-maya ho siguro.
Last question mo, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: From Henry Uri ng DZRH: ano po ang gagawin ng gobyerno sa mga nawalan ng tirahan dahil sa kasalukuyang bagyo? Mabibigyan ba sila ng libreng pabahay?
SEC. DUQUE: Basta po ang importane mailagay sila sa evacuation centers kung saan sila po ay magiging ligtas; at sa mga evacuation centers, ang pakiusap lang kinakailangan social distancing, iyong mask, at saka iyong paghuhugas ng kamay.
At mayroon din pong instruction ang NDRRMC na lahat po ng mga sintomas ay dapat ilagay natin sa mga isolation centers. Saka na po muna natin pag-usapan kung anong mangyayari pagkatapos ng bagyo. Sa ngayon po ay patuloy pa ring nasasalanta ang ating mga kababayan ng Bagyong Rolly.
NDRRMC SPOX TIMBAL: Yes, sir. Other questions from the Defense Press Corps, we have Rambo Talabong of Rappler: Is President Duterte unreachable at the moment? Other local officials who are in the line passage of Rolly were able to connect through Zoom, how about the President?
SEC. ROQUE: Hindi naman po siya unreachable, he has been monitoring, he continues to give us instructions and as I’ve said, ina-arrange po natin iyong address ng Pangulo anytime, either today or tomorrow.
NDRRMC SPOX TIMBAL: Thank you, sir. And another question from Dempsey for the SND regarding the quick response fund. He mentioned that the QRF is also depleting or kaunti na lang: How much exactly are left on the quick response fund and how much will the government ask form DBM for additional? From Dempsey Reyes of Manila Times.
USEC. JALAD: Well, tungkol sa quick response fund, may piling national government agencies ang [unclear] para ma-repair kaagad iyong mga damaged roads and bridges, pitong ahensiya iyon ang may quick response fund in the total amount of 6.8 billion this year. Iyan ay puwedeng dagdagan kapag na-deplete na, puwedeng mag-request iyong ating mga national government agencies for augmentation from DBM. At mayroon pa naman, ang pagkakaalam natin dahil na-tap-up natin iyong ating NDRRMC fund o iyong calamity fund na tap-up ng DBM [unclear] augment din iyon ng DBM.
Another kind of quick response fund ay iyong QRF naman ng local government units, so, sinasabi natin na kailangan gamitin nating lahat iyong lahat ng resources, national government agencies at saka local government units para matulungan iyong ating mga kababayan na sinasalanta, naaapektuhan nitong bagyo.
And nabanggit naman kanina ni Secretary Lorenzana, iyong mga local government units na wala talaga, naubos na iyong kanilang quick response fund, ay titingnan kung paano mau-augment. Well, subject of course, to the provision of the law in the Government Appropriations Act. But our local chief executives, because we are now in the state of calamity, have the power, they are empowered to realign funds from their other budgets. Of course, subject to the approval of their respective Sanggunian.
SEC. ROQUE: Okay. Wala na po tayong tanong? Okay, PAGASA, mayroon ba hong latest report from PAGASA bago tayo magtapos? PAGASA?
Well, wala po ano. Well, hindi naman po ibig sabihin na magtatapos na tayo tuluyan, magtatapos lang po tayo ng ating special Presidential press briefing. Babalik po kami kasama ang mas marami pang Kalihim, pagbalik po namin kasama iyong Department of Energy, kasama ang Department of Agriculture, at saka Department of Public Works at saka Department of Science and Technology. Asahan ninyo pong babalik kami bukas dahil ngayong hapon po magiging abalang-abala po ang lahat ng inyong mga Kalihim dahil kinakailangan pong tugunan iyong mga pangangailangan ng ating mga kababayan habang sinasalanta po tayo ng Bagyong Rolly.
Samantala po, maraming salamat sa ating mga naging kasama ngayon, si Chief Cascolan, Usec, Jalad, Secretary Año, Secretary Lorenzana, Secretary Duque, Usec. Budiongan, at saka si General Gilbert Gapay at siyempre po ang spokesperson ng NDRRMC.
Hindi po kami nagpapaalam, patuloy po kaming nakatutok sa mga pangangailangan at salamat din po siyempre kay Governor Danilo Suarez, kay Mayor Arlene Arcillas at kay Governor Al Francis Bichara at patuloy po kaming nananawagan kay CamSur Governor Migs Villafuerte at saka kay Catanduanes Governor Joseph Cua, sana po bukas makasama natin kayo.
Hindi po kami magpapalaam, patuloy po kaming nakatutok dito sa NDRRMC, wala pong uwian at patuloy po tayong magbibigay ng tulong sa ating mga kababayan, iyan po ang mandato ng ating Presidente. Sa panandalian po magtatapos po ang ating special Presidential press briefing, babalik po kami bukas para iulat naman kung ano po ang ginawa ng iba’t-ibang mga departamento sa iba’t-ibang lugar ng Pilipinas.
Samantala po, sa ngalan ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong spox nagsasabi, ingat po tayo, magdasal po tayo, babangon po tayo.
Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)