Magandang maulan na Biyernes po sa inyong lahat.
Balitang IATF po tayo: Inaprubahan po ng ating Presidente ang rekomendasyon ng inyong IATF na ipasailalim ang National Capital Region at apat pang probinsya sa ilalim po ng GCQ with heightened restrictions. Ito po ay mula July 23, 2021 to July 31, 2021. Nasa ilalim din po ng GCQ with heightened restrictions ang mga probinsiya ng Ilocos Norte, Ilocos Sur na dati-rati po ay nasa MCGQ. Galing naman po sa MECQ, Davao De Oro and Davao Del Norte ay mapapasailalim po sa GCQ with heightened restrictions. Ang Davao Del Sur po na dati po ay MECQ ay mapapasailalim po sa GCQ simula po ng July 23, 2021 hanggang July 31, 2021.
Now, kinakailangan po lahat ng biyahero na papasok po sa ating bayan ay magpakita po ng katunayan at kinakailangan sumunod sa testing ang quarantine protocols na inaprubahan po ng IATF. Ang Bureau of Quarantine po ay kinakailangan ng mga close contact sa mga eroplano at vessels ng mga tao na nakumpirma po na mayroong case and kinakailangan, i-closely monitor po itong mga close contact na ito.
Iyong ating infection, prevention and controls protocols po ay kinakailangan sundin at ang lahat po ng lokal na pamahalaan ay kinakailangan maghanda po ng kanilang clear transportation arrangements and quarantine accommodations. Lahat po ng LGUs ay kinakailangan mag-closely monitor sa appearance ng kahit anong senyales po o sintomas ng mga dumarating habang kinukumpleto po ang kanilang quarantine at kinakailangan magpatupad po ng RT-PCR test after detection of symptoms. Karagdagan pa dito, kinakailangang magkaroon po ng health assessment para po sa lahat ng mga dumarating pagkatapos po ng kanilang isolation or quarantine period.
Inaprubahan din po ng IATF kahapon iyong continuous and strengthened implementation ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategy. Kasama po dito sa PDITR Strategy ang active case finding, intensified contact tracing, immediate quarantine/isolation which should preferably be in a facility or declaration of localized Enhanced Community Quarantine (ECQ) down to the zone or barangay levels, stricter implementation and observance of minimum public health standards, and fast-track deployment of COVID-19 vaccines.
Para po magkaroon tayo ng patuloy na ligtas na mga economic activities, hiningi po ng IATF ang mga establishments na ikonsidera na magkaroon nang mas marami pong outdoor spaces na gagawing temporary outdoor weekend markets and dining spaces and permanently accessible urban green spaces, outdoor recreational spaces and public sanitation facilities.
Finally, lahat po ng mga dayuhang asawa o ‘di naman kaya mga magulang or mga anak ng Filipino citizens na mayroon pong 9(A) visas ay pupuwede pong makapasok ng Pilipinas without the need of an entry exemption simula po ng August 1, 2021.
Nirebisa din po ng ating IATF iyong mga bansa na nasa category po ng green lanes. Itong mga bansang nasa green lanes po ay pupuwedeng magkaroon po, iyong mga pasahero na galing dito ay magkakaroon lang po ng pitong araw na quarantine at PCR test matapos po ang kanilang panlimang araw na quarantine.
Now, kinakailangan po lahat ng pasahero galing po sa green list countries ay magpakita ng, unang-una, na ang pinanggalingan po nila ay green list country jurisdiction or territory na sila po ay nanatili exclusively doon sa mga green list countries at mga jurisdiction sa nakalipas na 14 na araw bago po sila dumating sa Pilipinas at sila po ay fully vaccinated, whether in the Philippines or abroad. Kinakailangan ma-verify po iyong kanilang vaccination status, independently or makumpirma po ng mga awtoridad sa Pilipinas bilang valid and authentic upon arrival in the Philippines.
Para po doon sa mga bansa na qualified sa green lanes o mga pasahero na galing dito sa mga bansa na galing sa green lanes, the Bureau of Quarantine shall insure strict symptom monitoring habang sila po ay nasa facility quarantine. Even if iyong RT-PCR po nila ay negatibo, iyong mga pasahero na galing po sa green countries ay kinakailangang magkumpleto pa rin po ng seven-day facility-based quarantine.
Kung ang RT-PCR test po ay positibo, kinakailangan po sundin ang prescribed ang isolation protocols at pagkatapos po ng quarantine mag-iisyu po ang Bureau of Quarantine ng quarantine certificate na magpapakita kung ano ang status ng individual pagdating sa pagbabakuna at kinakailangan magkaroon po ng self-monitoring matapos po ng pitong araw.
Para naman po sa ibang pasahero na darating po sa Pilipinas na hindi po nanggagaling sa green lanes, well, 10-day facility quarantine pa rin po at pagkatapos po niyan 4-day home quarantine; iyong PCR test po nila ay sa pang-pitong araw. Now, kinakailangan po na sila po galing sa non-green list country, sila po ay nanirahan nga o nanggaling doon sa non-green list country 14 days before their arrival in the Philippines, hindi pa po sila bakunado; and even if they are fully vaccinated, the vaccination status cannot be independently verified or confirmed by Philippine authorities as valid or authentic pagdating po nila dito sa Pilipinas.
Meanwhile, lahat po ng mga pasahero ke Pilipino or dayuhan na nagta-transit po sa non-green list country, jurisdiction or territory, shall not be deemed as having come from having been to the said country jurisdiction or territory. Ibig sabihin, hindi naman po sila tatratuhin na parang sila ay nanggaling sa isang non-green country kung sila po ay nagta-transit doon lamang.
Now, iyong IATF po ay nag-classify ng green list countries, jurisdiction, terrorist as low-risk countries or jurisdiction upon the recommendation of the Department of Health. Ang pinagbatayan naman po ng DOH ay para sa mga populasyon na in excess na 100,000 the incidents rates, accumulative new cases of the past 28 days over 100,000 ay mas mababa pa po sa 50. Para doon naman sa mga populasyon na mahigit sa 100,000 ang COVID-19 counts, accumulative new cases over the past 28 days ay hindi po mas malaki o mas maliit sa singkuwenta as prescribed by the Technical Advisory Group.
Inaprubahan din po ng IATF ang mga dokumento na pupuwedeng ipakita para po ma-verify o ma-confirm ang vaccination status ng mga pauwing Pilipino:
- Para po sa ating mga OFWs at sa kanilang mga asawa, mga magulang at anak na kasama nilang bumibiyahe, kinakailangan kumuha po sila ng certification from the Philippine Overseas Labor Office in the country of origin.
- Para sa mga Pilipino at mga dayuhan na fully vaccinated po dito po sa Pilipinas ha, kinakailangan ipakita po iyong local government unit hospital issued vaccination cards, doon po sa original form or hard copy or LGU issued vaccine certificate provided na pupuwede po itong ma-verify or confirm ng border control authorities or iyong BOQ issued international certificate of vaccination or prophylaxis.
- Para sa mga Pilipino naman po na nabakuhan sa abroad, kinakailangan iprisenta po ang vaccine certificate issued by the health authorities of the place of verification provided pupuwede pong ma-verify itong mga dokumentong ito.
Nagdesisyon na rin po ang ating Presidente isinama na po ang Malaysia at Thailand sa mga bansa na hindi po nakasama po sa travel ban. Ulitin ko po, kasama na po sa mga bansang may travel ban ang bansang Malaysia at ang Thailand. Inaprubahan po ng ating Presidente na lahat po ng mga biyahero na galing sa Malaysia or Thailand or mayroong history of travel sa Malaysia at Thailand sa nakalipas na 14 days ay hindi po pupuwedeng papasukin ng Pilipinas. Ito po ay magsisimula ng 12:01 of July 25 hanggang 11:59 PM ng July 31, 2021. Hindi po pupuwedeng pumasok ngayon, bukod pa doon sa mga ibang bansa na may travel ban na ang manggagaling sa Malaysia at Thailand. Lahat po ng naka-transit na po or papunta na ng Pilipinas at lahat po ng darating na 14 days immediately preceding the arrival the arrival of the Philippines, pero bago po ng 12:01 of July 25, 2021, ay pupuwede pa rin pong makapasok sa bansa, pero sa subject to full 14-day facility quarantine notwithstanding po kung negatibo ang kanilang RT-PCR results.
Now, siyempre po subject itong travel ban na ito sa usual exception na iyong mga Pilipino na kabahagi ng repatriation and special commercial flights ay pupuwede pong pumasok ng Pilipinas. Lahat po itong mga bagay-bagay na ito ay inaprubahan ng Presidente upon the recommendation of your IATF dahil nga po ang Delta variant ay mas nakakahawa at mas nakakamatay so mga kababayan ha, mas maigting ang ating mask, hugas, iwas, and please kung pupuwede na pabakuna na po tayo.
Pilipinas, sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing: Let’s stay safe. Magandang araw po sa inyong lahat.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center