Interview

Interview of Presidential Spokesperson Harry Roque by Tuesday Niu – DZBB



NIU: Sir, simulan ko na dito sa pagtanong na – nakita ko iyong isa sa news item namin – nakauwi na pala si Presidente sa Davao after two months?

SEC. ROQUE: Opo, after 67 days po, not just two months. Ito po iyong pinakamatagal na panahon na ginugol niya sa Metro Manila mula po noong siya ay nag-aral bilang isang estudyante ‘no. At pinayagan naman po siyang umuwi ni Mayor Sara matapos pong magkaroon ng GCQ sa Davao City.

NIU: Iyon sana ang tatanungin ko, pinayagan na pala siya ni Mayor Sara na makalapag doon. [laughs]

SEC. ROQUE: Nagdadasal po ako [laughs]—anyway, anyway, sige po.

NIU: Sir, iyong punta niya sa Davao, I’m sure na-miss niya iyong family niya, magtatagal ba siya doon o babalik din kaagad?

SEC. ROQUE: Hindi po, sandali lang po, sandali lang po. Alam ko po ay mayroong meeting na naka-schedule sa Malacañang ng Tuesday.

NIU: So kailangan nandoon pa rin siya meeting. Sino po ba ang mga kasama niyang umuwi? Kasama rin po ba niya … palagi kasi niyang kasama si Senator Christopher Bong Go lagi. Si Senator ba kasama din niyang umuwi?

SEC. ROQUE: Opo, magkasabay po silang umuwi ni Senator Bong Go.

NIU: Iyong ganoong bang pag-uwi nila, sir, dumaan din ba sila doon sa mga safety protocol paglapag nila doon sa airport ng Davao? Kailangan pa ba iyon sa kanila?

SEC. ROQUE: Well, si President po kasi continuous quarantine eh, maski nagmi-meeting po kami sa kaniya ay naka-isolate po siya, malayo siya sa amin. So talagang binabantayan po siya at iniingatan po ng PSG.

NIU: So ibig sabihin pagdating doon ay iyong social distancing ay kailangan pa ring obserbahan kahit na nakauwi na rin siya doon sa Davao?

SEC. ROQUE: Well, opo. Dito nga po sa Malacañang maski hindi siya umalis ng Malacañang ay talagang strictly enforced po ang social distancing ‘no. At naniniwala po ako na kahit saan pumunta ang Presidente, ang PSG po ay hindi papayag na hindi magkaroon ng social distancing.

NIU: Sir, I understand, mayroong mga bago na inilabas na guidelines an IATF kagabi. Mayroon po bang mga nadagdag doon sa previous na nailabas natin at naianunsiyo ninyo? Parang may ilang mga bago akong nakita?

SEC. ROQUE: Well, ang mga bago po ay iyong mga probinsiya nga po na nag-apila ‘no at saka iyong Cebu City at saka ang Mandaue City ay naging ECQ po muli ‘no. At dito naman po sa Central Luzon, iyong Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, iyong mga lugar po sa Central Luzon maliban ang Aurora at Tarlac ay naging MECQ na rin po.

Tapos siyempre po iyong dalawang industriya, iyong gun trading at saka iyong sa employment agencies ay pinayagan na rin po sa lugar na MECQ.

NIU: Opo. Iyong ilang activities, sir, mayroon bang bagong na pinayagan under MECQ?

SEC. ROQUE: Iyon po iyong dalawang bago ‘no, pero naibasa ko na naman po iyong iba na napayagan na ng MECQ.

NIU: Mayroong nagtatanong lang, sir, ang junkshop ba ay puwede na raw under MECQ?

SEC. ROQUE: Ang junkshop ay wala pong specific mention pero naniniwala po ako na basta po ma-observe ang social distancing, baka pupuwede naman po ‘no. Ang problema po diyan ay kung wala pong magpapatupad po ng social distancing na iyan. Pero dahil ang pangungolekta naman po ng basura ay patuloy even under ECQ, siguro po iyong paghihiwalay, ng segregation ay pupuwede naman pong matuloy iyan kasi iyan naman po ang nangyayari sa mga junkshops natin ‘no.

NIU: Iyong isa sa gustong linawin din ng ating mga kababayan, sir, ang daming nagtatanong, parang gusto nilang maghabol. Doon sa private construction, ‘di ba pinayagan na po natin. Ang tanong nila eh sariling bahay under construction or condominium, puwede ba iyon?

SEC. ROQUE: Hind pa po eh. Ang pinapayagan po ay iyong mga malawakang mga konstruksyon pa lang dahil mayroon tayong guidelines doon na dapat masunod, na kinakailangan mayroong mga bunk houses, kinakailangan mayroong COVID testing, mayroong safety officers at mayroong pagsusuot ng PPE. Kaya po siguro hindi na papayagan iyong mga pribadong construction sa bahay eh kasi nga naman sino ang magbibigay ng mga ganyan ‘no sa mga private construction.

NIU: Oo nga po. Eh isa pang concern nila, sir, iyung nakalagay daw po kasi doon sa pinapayagan na ay iyong housing. Ano pong klaseng housing ito, iyong housing project ng gobyerno, tama po ba?

SEC. ROQUE: Hindi po. Iyong housing na tinatawag po, siyempre po nandiyan nga po iyong government housing din at saka iyong mga—ang nakasulat po kasi doon ay housing and housing industry ‘no, housing services. Siyempre iyan po iyong mga utilities, iyong tubig, iyong kuryente at saka iyong mga repair sa bahay, iyong mga aircon repair, lahat po iyan ay pinapayagan na po.

NIU: Isa na lang tungkol diyan, sir. Puwede na raw po bang umuwi sa probinsiya iyong mga gustong umuwi na nasa Metro Manila ngayong MECQ na gamit iyong private cars nila? Halimbawa, galing dito sa Metro Manila, uuwi ng Zambales o Bataan, puwede ba iyon?

SEC. ROQUE: Anong dahilan po ng pag-uwi nila?

NIU: Gusto lang umuwi.

SEC. ROQUE: Eh kung leisure po, hindi po pupuwede pa rin, unless tayo po ay may katungkulan. Kasi alam ninyo, alam ko magiging isyu ito pero huwag nating kalimutan na iyong ginawa naman ng ating Presidente na pag-uwi sa Davao, hindi lang pagbisita after 67 days kung hindi Presidente rin siya. Kinakailangan niya namang malaman kung ano ang nangyayari sa Mindanao ‘no dahil ang buong Mindanao ngayon po ay bumabalik na sa normal. So hindi po naman maaalis sa katungkulan ng Presidente iyan ‘no.

Pero iyong mga leisure po, iyong mga tipong bibisita sa ating mga kamag-anak, kung pupuwede po ay maiwasan po muna iyan kasi talagang wala pa pong ganiyang pahintulot ang IATF; nililimita pa rin po natin sa essential travel.

NIU: Ayun, unless na essential workers sila, na iyong kailangan talagang pumunta doon sa isang lugar para magserbisyo dahil essential workers sila.

SEC. ROQUE: Opo, opo. Ang term nga po doon ay APOR, iyong Authorized Persons—

NIU: Authorize Person Outside Residence.

SEC. ROQUE: Yes, APOR.

NIU: Sir, nagpapasaklolo na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso para sa dagdag budget para sa Social Amelioration Program. Mayroon na po bang nailatag na supplemental budget kung magkano ang hihingin?

SEC. ROQUE: Wala pa naman po ‘no. Kasi nagsimula po ito dahil nga doon sa naaprubahan ng IATF na ang pangalawang tranche ay mapupunta lang doon sa mga ECQ area. Sa katotohanan po ay dahil limitado nga po iyong pondo na binigay ng gobyerno P205 billion at dahil binigyan nga po ng ayuda for the first tranche ang 23 million at hindi lang 18 million, siyempre po magkukulang na iyong second tranche kung bibigyan ang lahat.

So sa ngayon po talaga ang tanong, unang-una, kung mayroon ba tayong sapat na pondo na pupuwedeng mare-align sang-ayon sa We Heal as One Act, kung mayroon po walang problema. Pero kung wala pong sapat ng pondo at ninanais din ng liderato ng Senado, lalung-lalo si Senate President Tito Sotto na bigyan ang lahat, talagang kailangan pong magpasa ng supplemental budget.

Pero ang babala nga po ni acting Secretary Karl Chua ng NEDA, hindi po pupuwedeng magkaroon ng supplemental budget ng walang identified na kung saan manggagaling iyong pondo.

Kaya nga po ang mensahe ng Presidente, ang nasa puso niya, gusto niyang bigyan ang lahat, titingnan po natin kung kakayanin, kung makakahanap po tayo ng mga resources of revenue.

NIU: So ibig sabihin, sir, iyong sinabi po niya na lahat mabigyan kahit iyong under GCQ pa rin. Depende po kung may makikita tayong available na budget, sir?

SEC. ROQUE: Opo. Sa ngayon po ang mabibigyan pa lang na sigurado iyong mga ECQ at MECQ.

NIU: Kailan po ba inaasahang mailalabas iyong memorandum, sir, para dito sa second tranche ng SAP?

SEC. ROQUE: Well, ang tingin ko po, anytime now. Kasi kailangan namang magsimula na doon sa mga nakatira sa ECQ ‘no. Kung makakahanap naman po tayo ng pondo para sa lahat, ihahabol na lang po siguro iyan.

NIU: May listahan na po bang naiprisinta itong si Budget Secretary Wendel Avisado kung magkano iyong magagamit na budget mula doon sa sinasabi ni Presidente na hanapin ninyo doon sa ibang government agencies iyong puwedeng mare-align na budget?

SEC. ROQUE: Well, wala pa po akong natatanggap pero itong parating na linggo, inaasahan po na iimbitahan ko si Secretary Wendel para maging panauhin sa ating press briefing.

NIU: Alright, yes, sir. Kumusta po iyong proposal nitong si Finance Secretary Carlos Dominguez III sa isang IATF meeting? I remember na sinabi niya na kailangan nating mag-hire nang malawakan ng mga contact tracers?

SEC. ROQUE: Well, tuloy po iyan. Siguro aantayin na lang natin kung ano talaga iyong package na maibibigay sa kanila at ito ay isang pamamaraan rin para mabigyan ng trabaho iyong mga nawalan ng trabaho. Pero kung talagang hindi po natin magagawa ang testing, tracing at treating ay talagang hindi po natin mako-control itong paglaganap ng sakit na COVID-19.

NIU: Opo. Mayroon na po ba tayong figures, sir, kung ilan iyong kukunin natin na contact tracers?

SEC. ROQUE: Wala pa po. Ang mayroon lang tayo iyong 1,500 para doon sa mga mega swabbing natin. Pero iyong proposal po ni Secretary Dominguez, ipa-follow up ko po.

NIU: Alright, sir. Ano po iyong – ang malinaw sa atin, sir—ibalik ko lang sa GCQ, sir. ‘Di ba GCQ to GCQ areas allowed na ang inter-island travel, tama po ano po?

SEC. ROQUE: Opo, allowed na po. Bagama’t wala pa pong flight apparently. Kahapon po tinanong natin iyong Director General ng CAAP at sinasabi niya na wala pa pong commercial flights na authorized. But theoretically puwede na po at pinag-aaralan na rin nila kung magkakaroon ng—kung feasible po iyong tinatawag nilang regional hubs dahil ang Manila, Cebu at Clark ay sarado pa rin.

NIU: Oo nga po, pero iyong port, sir. Halimbawa, iyong GCQ to GCQ sa port ang dadaan ay barko o kaya iyong mga fast craft. Mayroon bang ganoon?

SEC. ROQUE: Well, dapat po ‘no dahil dapat magsimula na, pero hindi ko lang po alam kung talagang bibigyan na ng pahintulot ng Coast Guard itong ating mga inter-island vessels.

NIU: So, nasa Coast Guard pa rin at saka sa CAAP pala kung papayagan na iyong mga flights at saka iyong mga barko.

SEC. ROQUE: Opo.

NIU: Maraming nagtatanong, marami kasing na-stranded, sir, doon sa mga isla diyan sa Visayas, hindi pa makauwi. Iyon nga, ang problema puwede na po kaya lang wala pa po kayong masasakyan. Aantayin pa po natin iyong go signal ng Philippine Coast Guard at saka ng CAAP pa rin?

SEC. ROQUE: Opo, opo.

NIU: Direktiba po ni Pangulong Duterte, sir, hinggil dito sa bagyong Ambo?

SEC. ROQUE: Well, pinaghandaan naman po natin ang bagyo. Mayroon tayong Oplan Listo. Dapat sapat naman po ang ating relief goods at dapat sapat din ang ating mga evacuation centers, nakatutok po diyan ang NDRMMC at saka ang DILG.

At titingnan po natin dahil nakaugalian na ni Presidente na talagang bumibisita sa mga areas na may kalamidad, pero titingnan po natin kung magagawa ni Presidente ngayon iyon. Pero I’m sure ang PSG po, ang ninanais lang ng PSG is manatili sa isang lugar ang ating Presidente ngayon dahil nga po sa banta ng COVID-19.

NIU: Opo, opo. Sir, kumusta po ba iyong status noong utos kamakailan lang, last year ito sinabi na ni Presidente na dapat simulan na iyong pagtatayo ng permanent evacuation sites sa iba’t ibang region para sa tuwing may kalamidad, mayroon na talagang mapupuntahan iyong ating mga kababayan na nire-relocate tuwing may kalamidad. Ano po ba ang status nito ngayon?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po mayroong mga nag-donate na mga pribadong sektor ng mga permanent evacuation centers. Pero alam mo lahat ng ating mga plano siyempre naisantabi dahil nga po COVID-19 tayo lahat ngayon.

NIU: Iyon ang problema doon, dapat yata ngayong taon na iyong construction ninyo, iyong pagsisimula kaso naudlot.

SEC. ROQUE: Oo nga, oo.

NIU: Anyway, iyon lang po muna sa ngayon, sir.

SEC. ROQUE: Okay, binibining araw-araw ng Linggo; sabi ni Weng Salvacion sa susunod na Sabado siya naman daw. [laughs]

NIU: Ah ganoon ba, so hindi kita kukunin ng hapon. Linggo na ikaw.

SEC. ROQUE: Sabado, sabi ni Weng Salvacion, Sabado daw siya. [laughs]

NIU: Sabado nga siya, umaga siya; eh mag-Linggo tayo sa iyo. Huwag ka munang mag-rest day sa Linggo ha, naka-antabay ang Malacañang Press Corps, pang-istorya. Ikaw talaga.

SEC. ROQUE: Hindi natutulog na pati si Joseph Morong, natutulog ng Linggo iyon. Sabi niya sa akin, huwag kang magbabalita ng kahit ano sa Linggo dahil natutulog ako, sabi ni Joseph Morong. [laughs]

NIU: [laughs] Puwes Joseph Morong sa Linggo, si Secretary Harry Roque. Sir, i-schedule na kita. Salamat, sir, ha.

SEC. ROQUE: Salamat po.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)