Interview

Interview with Acting Presidential Spokesperson and Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles by Tuesday Niu & Benjie Liwanag (DZBB – Executive Summary)



TUESDAY NIU: Nasa linya na natin si CabSec. Good morning, CabSec. Nograles, sir!

BENJIE LIWANAG: Magandang umaga po.

CABSEC. NOGRALES: Magandang umaga, narinig ninyo na ako? Magandang umaga! Happy Sunday sa inyo Tuesday at Benjie. Good morning sa lahat ng mga nakikinig at nanunood.

TUESDAY NIU: Opo. CabSec., malaman lang po natin – kahapon kasi nag-ikot si Presidente diyan sa ilang area diyan sa hinagupit ng bagyo sa Visayas at Mindanao. Ano po ba ang naging directives niya after niyang makita nang personal iyong mga lugar na matinding hinagupit ng Bagyong Odette?

CABSEC. NOGRALES: Opo. So nakipag-usap po si Pangulong Duterte kay Governor [garbled] at si Vice Governor Nilo Demerey ng Dinagat Islands, si Mayor Matugas ng Surigao City. At iyong mga naging utos niya doon sa pagbisita niya is number one, ipa-address agad sa Department of Energy ang problema ng kuryente ‘no, doon sa mga areas na walang kuryente at may problema sa supply ng power ‘no.

Iyong sa communications naman po, utos niya sa Department of ICT natin ay magpadala agad ng mga VSAT equipment to Siargao, mga satellite phones at inaaksiyunan na po ito ng DICT at may close coordination na po sila sa OCD para magpadala ng mga emergency communication lines para sa Dinagat Islands, sa Siargao at sa Surigao City.

In fact iyong DICT, mayroon kasi tayong Government Emergency Communications System-Mobile Operations Vehicle for Emergency (GECS-MOVE). Ito po ay pina-deploy na, idi-deploy na sa Surigao… we just need to some clearing operations diyan sa [garbled] na deploy na natin doon. Iyong dito naman sa [garbled] natin sa Southern Leyte, mula sa Ormoc ay dadalhin sa Southern Leyte. Tapos iyong sa Davao na GECS-MOVE natin, dalhin natin sa Surigao City ‘no.

Dito naman sa agriculture, iyong Department of Agriculture ay pinapaaksiyon ni Pangulo iyong nasirang mga agricultural products pati machineries at fishing boats sa Siargao at sa Dinagat Islands. And then iyong sa Siargao at Dinagat Islands na may mga na-compromise na evacuation centers, humingi po sila ng mga community tents. So iyong mga community tents para sa mga nasira na mga evacuation sites natin, magpapadala po ang gobyerno doon.

Then sa Siargao at sa Surigao at Dinagat Islands, ang itinalaga ni Pangulong Duterte na maging crisis manager diyan si Secretary Rolly Bautista ng DSWD with the assistance of Usec. Jalad para mas mapadali natin iyong pag-deploy ng food and non-food items, iyong water, food supply, tents. At kung puwede nang mag-deploy ng food-for-work at cash-for-work sa ating mga naapektuhan na mga kababayan lalung-lalo na diyan sa Surigao, Siargao at Dinagat Islands ‘no.

Tapos iyong Navy and Coast Guard natin, inutusan agad ni Pangulo na mag-augment para sa immediate delivery ng food supplies and equipment, ang utos nga ni Pangulo is use all government resources to ensure that all goods are delivered as soon as possible especially sa province ng Surigao del Norte at sa Dinagat Islands.

Iyong EASTMINCOM naman po natin, magdi-deploy sila ng mga medical teams to Siargao and Dinagat Islands. Inutos na rin ni Pangulo na iyong BRP Ang Pangulo natin can be utilized as a floating hospital para sa mga naapektuhan sa Dinagat Islands at sa Siargao. And the Department of Health has committed to provide medical supplies and health personnel sa [garbled].

Sa MARINA, ang utos din ni Pangulo sa MARINA is to immediately verify ‘no iyong seaworthiness ng mga vessels natin para makapagbukas na po tayo agad ng ruta going to Siargao and Dinagat Islands.

DPWH naman po, ang utos sa DPWH is to immediately clear the roads and augment iyong equipment needs ng ating mga local government units.

Then from there pumunta siya sa Maasin sa Southern Leyte. Ang direktiba niya doon is iyong mga fishing boats—sa Department of Agriculture ay agad na tumugon sa pangangailangan ng mga fishing boats and agricultural seedlings para sa mga affected fisherfolk pati farmers natin sa Southern Leyte.

And then iyong housing assistance din po na… marami kasing mga nasa coastal areas natin iyong totally damaged. So ang utos niya sa ating NHA, HUDCC at ang Department of—DHSUD natin, Human Settlements and Urban Development i-assess agad anong mga housing assistance ang kinakailangan ng ating mga kababayan hindi lamang sa Southern Leyte but all of the provinces affected ng Typhoon Odette.

And then iyong power and energy restoration sa mga areas na dinaanan ng Typhoon Odette at iyong mobile cell sites, relief goods, assistance to the LGUs kung puwede mag-direct assistance na tayo sa mga LGUs para makapagbili na sila ng tubig, pagkain, medisina at iba pa.

So right now, ang assessment po ng ating OCD, mayroon po tayong – para sa kaalaman ng ating mga kababayan na gustong tumulong ‘no – ang totally affected families talaga dahil dito sa Typhoon Odette ay sum total nito is about 202,650 families ang affected in 2,322 barangays. So, mga 780,000 plus persons ang talagang affected dito sa Typhoon Odette.

Sa evacuation centers natin na more than 2,000 evacuation centers, mayroon po tayong mga evacuees na mga 74,680 families. So, ito iyong mga kailangan nating tulungan na mga kababayan natin, mga pamilya ito ‘no, 74,680 families inside the evacuation centers as of yesterday ang update ko na ito. We will continue to provide updates throughout the day.

TUESDAY NIU: Right. CabSec., isa nga iyon sa ating inaalala dahil next week po, Friday, bisperas na ng Pasko, ang mahalagang maibigay sa ating mga kababayan diyan ay iyong tirahan dahil nawala eh, nawasak talaga eh.

BENJIE LIWANAG: Oo, iyong tutuluyan nila, CabSec, eh.

CABSEC. NOGRALES: Yes. Actually, kaya nga ang utos nga ni Pangulo sa entire housing agencies natin, DHSUD (Department of Human Settlement and Urban Development), NHA and HUDCC

TUESDAY NIU: HUDCC.

CABSEC. NOGRALES: HUDCC, oo. And then of course iyong OCD, sila kasi iyon on the ground. Sila talaga ang makakapag-provide kung ano iyong extent ng damage sa housing, especially sa coastal areas. Iyong sa coastal area talaga iyong nag-aalala tayo.

So, lahat naman po iyan bago pa man dumating iyong Typhoon Odette ay inilikas naman po natin. So, ang immediate needs talaga po natin ngayon, iyong makapagbigay ng tulong sa mga evacuees natin sa mga evacuation centers natin.

At least right now ang Typhoon Odette wala na sa ating Philippine Area of Responsibility.

TUESDAY NIU: Area of Responsibility.

CABSEC. NOGRALES: Although umaali-aligid pa siya doon sa West Philippine Sea eh. But just to provide a glimpse ‘no, itong Typhoon Odette, times two ng Sendong ito. 155 kilometers per hour ito ‘no, ang Typhoon Sendong 75 kilometers per hour, so, times two. Ganoon po kalala ito.

At we have 31 deaths, for final confirmation pa ito, but just in, nagbalita po si Gov. Art Yap ng Bohol na may reported daw siyang 45 deaths sa Bohol. So, we’re still trying to assess iyong total damage nito.

Mayroon namang mga QRF ang ating mga agencies ‘no, ang Department of Agriculture, DOH, DepEd, OCD, may ano naman iyan eh, may QRF na puwede namang agad ma-tap. But we still need the OCD to do that estimate of the damages talaga para ito iyong iri-report natin kay Pangulo.

So, right now, nakikipag-ugnayan tayo sa mga LGUs to find out anong extent talaga ng damage. So, all the LGUs now are coordinating with the OCD para malaman natin ang extent ng damage.

BENJIE LIWANAG: Okay. CabSec., ang tanong ko naman, patapos na iyong taon eh, eh may sapat na pondo pa rin po ba ang gobyerno lalo na sa mga kailangan nitong mga nasalanta ng Bagyong Odette?

CABSEC. NOGRALES: Opo. Hahanapan po talaga natin ng paraan ang lahat ng mga pangangailangan, especially sa pagdating sa pondo ‘no. But si Pangulong Duterte has already committed P2 billion. Iyong funding na ibibigay niya na P2 billion, ang ia-allocate niya to help. At ito ay sinabi niya rin sa mga governors na nakausap niya kahapon to help iyong needs natin para sa mga naging biktima ng Typhoon Odette.

Although please remember ‘no na DSWD, mayroon na tayong prepositioned na goods.

BENJIE LIWANAG: Opo.

CABSEC. NOGRALES: In fact, ang preposition nating family food packs pati non-food items ay nasa mga P1 billion worth po iyan na naka-preposition na. So, right now, what we’re trying to do is:

DPWH, i-clear ang lahat ng mga kalsada para maipadala natin agad ang mga pagkain.

Sa mga islands naman po natin, tutulong na iyong Navy, ang Coast Guard, ang military assets natin gagamitin natin para ma-deploy agad ang mga pagkain sa mga areas na nangangailangan.

Sabi ni Pangulo nga, use all government assets that we can in order to provide kasi prepositioned iyong mga goods but we have to get the goods down to the evacuation centers, down to the barangays, down to the people na ngangailangan talaga.

So, iyong clearing ops ginagawa na po ng DPWH sa pakikipag-ugnayan ng LGUs paras iyong land travel mapadali. At gusto ni Pangulo buksan na agad ang ruta. So, iyong MARINA is supposed to verify the seaworthiness ng mga vessels para makapag-normalize na rin po iyong sea travel natin kasi maganda naman ang panahon ngayon. We just need to assess iyong sea worthiness ng lahat ng vessels na magpa-ply ngayon sa mga islands na tinamaan.

TUESDAY NIU: CabSec, siguro huli mo na muna dito sa aking parte. Ngayong araw ay naka-schedule pa rin si Presidente na maglibot dito naman sa kabilang side, sa may Bohol area? Tuloy po ba siya today?

CABSEC. NOGRALES: Sa pagkakaalam ko, I’m still verifying ano iyong details niyan with his close-ins. Pero ano naman si Pangulo eh, desidido naman siyang bumisita kagaya ng pagbisita niya sa Caraga at sa Leyte kahapon. Eh today, gusto niyang bisitahin naman sa west.

Sabi niya, tapos na ako sa east, nakipag-usap na ako sa mga governors ng sa east, dito na po siya, pa-west na daw siya.

TUESDAY NIU: All right.

CABSEC. NOGRALES: So, ito na po, Bohol at iyong mga ibang areas – Negros, na pupuntahan niya.

TUESDAY NIU: And we hope siguro or we expect tomorrow night iyong Talk to the People, CabSec,at baka tungkol dito sa bagyo iyong kaniyang idi-discuss?

BENJIE LIWANAG: Opo.

CABSEC. NOGRALES: I-ano na lang namin kung tuloy ba tomorrow or baka sa Tuesday kasi the President wants to get all of the details muna. Balitaan ko na lang kayo kung kailan iyong next Talk to the People niya.

TUESDAY NIU: All right.

BENJIE LIWANAG: Okay! With that—

TUESDAY NIU: Iyon lang muna so far.

BENJIE LIWANAG: Iyon lang po muna.

TUESDAY NIU: Mahalaga po kasi iyong bagyo, CabSec., gusto ko pa sana siyang tanungin, ang daming items.

BENJIE LIWANAG: Ako rin eh. Ang dami pang mga issues pero, CabSec, alam namin na busy rin kayo. Maraming, maraming salamat po sa oras na ibinigay ninyo sa amin.

CABSEC. NOGRALES: Salamat din po at ingat po lahat!

Ang mensahe ko na lang sa lahat ng mga naapektuhan ng Typhoon Odette: Ginagawa po ng inyong pamahalaan ang lahat ng ating makakaya. Utos nga ni Pangulo, bilisan ang aksiyon at mayroon na po siyang mga in-appoint na gagawa ng lahat ng mga relief operations sa ground. We’re using all government resources and assets para mapabilis din po ang pagtugon natin sa mga pangangailangan ninyo.

Maraming salamat, Benjie! Maraming salamat, Tuesday! Ingat po lahat.

TUESDAY NIU: Salamat po.

BENJIE LIWANAG: God bless, Sir.

CABSEC. NOGRALES: Thank you po.

TUESDAY NIU: Thank you, CabSec. Si acting Presidential Spokesperson Cabinet Secretary Karlo Alexie Nograles.

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)