ENRIQUEZ: Secretary Panelo, magandang umaga po; si Mike Enriquez po ito.
SEC. PANELO: Hello Mike, good morning.
ENRIQUEZ: Pakipaliwanag doon sa mga nakikinig at nanunuod. Ano ba ang isang tinatawag na state of public health emergency, Secretary ano ba iyon?
SEC. PANELO: Ibig sabihin, mayroon tayong emergency sa punto ng kalusugan at dineklara ng Presidente iyon, ibig sabihin magkakaroon tayo ng kapangyarihan na galawin mo halimbawa ang presyo ng mga bilihin; Number two, pati iyong mga pagbibili ng mga items, hindi na tayo dadaan sa mga bidding. Halimbawa, kailangan natin ng mga medical equipment para ma-contain natin ang… gaya sa mga testing centers, kailangan mga ibang klaseng makina ang binibili diyan, that’s another, iyon.
ENRIQUEZ: Opo, hindi na dadaan sa bidding. Alam namin na sigurado nakarating na sa inyo ito, iyong obserbasyon o iyong mga puna ang reaksiyon ‘ay ano?’ Alam n’yo naman sa gobyerno, Secretary, ke may emergency, ke wala pag narinig ng mga tao na walang bidding, eh kung anu-ano ang laro ng isip. Ano po ang masasabi ninyo tungkol diyan, Secretary?
SEC. PANELO: Sa panahon ng mga nakaraang administrasyon siguro, not in this administration. Alam naman natin si Presidente, ibang klaseng Presidente ito, hindi uubra sa kanya iyong mga ganyan.
ENRIQUEZ: Opo. So kumpirmado pipirmahan na ni Presidente iyang kautusan na iyan ngayong araw na ito, Secretary?
SEC. PANELO: Napirmahan niya; napirmahan na, ine-release na namin iyong executive order.
ENRIQUEZ: Ah, pirmado na.
SEC. PANELO: Yes.
ENRIQUEZ: Kailan niya pinirmahan, Secretary?
SEC. PANELO: Ngayon!
ENRIQUEZ: Sorry, hindi malinaw iyon eh. Pipirmahan pa lang o pirmado na at ngayon ninyo—
SEC. PANELO: Pirmado na, ire-release na, ire-release na ngayon.
ENRIQUEZ: Ah okay. So puwede ninyo nang sabihin sa amin kung ano ang nilalaman nung executive order ba iyan o ano, iyong pinirmahan na iyan ni Presidente, Secretary?
SEC. PANELO: Hindi ko pa nakita iyong eksaktong executive order. But I have been informed na it would be released today.
ENRIQUEZ: Ah ganoon, hintayin na lang namin.
SEC. PANELO: But I will give you a copy, just in case. Malalaman mo naman dahil ire-release ko mamaya sa press briefing, malalaman n’yo.
ENRIQUEZ: Anong oras iyong briefing ninyo?
SEC. PANELO: 12:30.
ENRIQUEZ: Iyon ‘yung regular na briefing ninyo ano diyan sa Malacañang?
SEC. PANELO: Yes.
ENRIQUEZ: Oh sige po, hintayin na lang namin—salamat ha at tinanggap ninyo ang tawag namin at sinasagot ninyo iyong mga tanong namin, Secretary.
SEC. PANELO: Thank you also.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)