ROBERT MANO: Good Evening, Sec.!
SEC. PANELO: Good morning, Tina and Robert!
TINA MARASIGAN: Ay… morning person si Sec.! Good evening na po tayo, Sec.
SEC. PANELO: Oo nga. Good evening… good evening…
TINA MARASIGAN: Hindi… I’m sure sobrang busy ninyo po ngayon. Kahit po kami nawawala na kami sa orientation ng oras. Pero sir, linawin lamang po natin iyong sa quarantine curfew na isasagawa. Ito po ba ay sa buong Metro Manila or again, may prerogative pa rin ng mga local government units?
SEC. PANELO: Hindi… Ganito iyan ano… Iyong mga local government units, they can pass an ordinance imposing curfew, kailangan iyon. Ngayon, iyon namang wala pa – kasi actually ang nagrekomenda niyan ay MMDA – pero kung walang approval ng Presidente, hindi pupuwede; but they can pass an ordinance, puwede rin iyon. But kung ayaw naman ni Presidente iyon, he can override all that kaya iyan ang sa punto ng curfew.
TINA MARASIGAN: So, kunwari—
SEC. PANELO: Now—
TINA MARASIGAN: Sec., si… ang Maynila, pinirmahan na po na magkakaroon ng curfew hours. I’ll be more specific po, from 8:00 P.M. to 5:00 A.M. simula po bukas. Hinihintay na lamang po iyong black and white, iyong printout pero ito po ay pirmado na. So, ito po ba ay puwede pang… kumbaga may say pa po ang Pangulo dito if it will happen or not?
SEC. PANELO: Definitely! Puwedeng i-override ng Pangulo iyan sapagka’t nasa national emergency tayo eh.
ROBERT MANO: Pero so far Sec., ano ba—dahil for sure na—
SEC. PANELO: Hindi, ganito… ganito, Robert.
ROBERT MANO: Opo.
SEC. PANELO: Kausap ko si Presidente at sinabi ko sa kaniya iyong sitwasyon na iyon and ang sabi niya, pag-aaralan niya kagabi at saka ngayon, kasi bukas mayroong kaming meeting sa Malacañang lahat ng mga member ng IATF, iyong mga principals at saka most likely iyong mga service commanders para pag-usapan iyong mga bagong development.
TINA MARASIGAN: Ano po ang mga kinokonsidera ng Pangulo para po hindi agad pumayag na ang local government unit—?
ROBERT MANO: Magkaroon ng curfew?
TINA MARASIGAN: Oo, ang magtatalaga ng curfew?
SEC. PANELO: Hindi… Alam mo, ang pag-uusapan bukas, tinitingnan natin kung ano pa ang pupuwede nating gawin. Alam mo kasi, Tina and Robert, tandaan po natin na ang nakasalalay ngayon ay buhay nating lahat.
ROBERT MANO: Opo.
SEC. PANELO: Iyong mga—naiintindihan natin iyong mga nag-aalala sa kanilang mga makakain sa araw-araw, mawawalan ng trabaho muna pansamantala, subalit ang lahat pong iyan ay hindi natin pag-uusapan kung tayong lahat ay infected na at nasa bingit nang kamatayan. So, it’s a matter of national survival, it’s a matter of life and death.
Kaya nga paulit-ulit natin pong sinasabi na the only way by which we can arrest, the only way talaga, ang pinaka-epektibong paraan upang sirain natin, tanggalin natin ang virus ay sa atin din manggagaling sapagka’t tayong lahat ay potential carrier, tayo ang nagdadala ng virus. Kaya nga precisely noong ibinigay ni Presidente iyong order ng quarantine eh ang purpose po noon ay para hindi nga tayo magkahawaan.
Kaya nga palaging sinasabi natin kung wala rin lang tayong gagawin, dito tayo sa bahay. Eh, ako nga dalawang araw na akong nasa bahay. Kumbaga—at kung mapupuwersa kang lumabas, talagang mag-practice tayo ng social distancing.
Alam ninyo, ang aking personal experience dahil ini-interview ako sa isang mall, ang daming lumapit! Siyempre, nagpapa—
TINA MARASIGAN: Nagpa-picture!
SEC. PANELO: …Picture. Hindi ako pumayag! Ang ginawa ko, selfie, doon ako sa likod ninyo, one meter away. Kailangan talagang gawin natin, we have to do it ourselves. Ito self-help talaga ito – community-help, otherwise talagang magkakahawaan po tayo.
Kaya iyon ang pinakapangunahing layunin ni Presidente: Kailangan mapangalagaan natin ang kalusugan nating lahat. Kung kinakailangan tayong mag complete lockdown na, maglo-lockdown na tayo, sapagka’t exponentially, kapag nagkahawaan tayo ay talagang mauubos tayo. Ang sinasabi nga ng World Health Organization, kapag hindi natin ginawa ang lockdown, 75%—seventy five thousand within… within I think weeks, eh tatamaan tayo.
Sa ngayon ilan na ba, ano ba ang bilang ninyo ngayon?
TINA MARASIGAN: One hundred—
ROBERT MANO: Nasa 140 po iyong—
TINA MARASIGAN: 140. Positive!
SEC. PANELO: O, can you imagine one hundred forty-four na kaagad samantalang kahapon parang ilan lang iyon, sixty four lang yata iyon tapos heto na, ang bilis ng takbo eh kaya kung—
ROBERT MANO: Sec.!
SEC. PANELO: Yes?
ROBERT MANO: Nabanggit mo lang, sorry, balikan ko lang. Sabi mo concrete lockdown? So, tinitingnan nating iyong possibility ng—nanggaling na sa inyo iyong term iyong concrete lockdown kung magpapatuloy na… iyong mga kababayan natin hindi magko-coordinate doon sa gustong mangyari na community quarantine ng Pangulo?
SEC. PANELO: Hindi… hindi sa hindi magko-coordinate. Ang tinitingnan ngayon iyong—kasi sa ngayon hindi ba puwede pa tayong lumakad, umalis sa ating bahay. Kumbaga, kaya nga tinitingnan natin—that’s precisely why sinasabi during the meeting na tingnan the first week, the first few days kung magkaroon ng plateau, kung bumagsak iyong rate. Eh, mukhang hindi nga bumabagsak, umaakyat eh! Kaya kasama iyon sa pag-uusapan bukas kung ito ba ay sufficient na iyong ginagawa natin o kailangan pa nating mas istrikto iyong ating gagawin dahil—again, we will repeat, this is a matter of national survival, it’s a matter of life and death. We really have to do something about ourselves otherwise, damay-damay tayong lahat dito.
TINA MARASIGAN: So, Sec., basically napapag-usapan po ninyo, ng Pangulo, nanggagaling po mismo sa Pangulo na dahil hindi bumababa ang datos ng positive cases ng COVID, maaari po tayo o may posibilidad, at bukas po natin malalaman—
ROBERT MANO: Depende sa evaluation nila sa pulong bukas.
TINA MARASIGAN: Depende sa evaluation na mula community quarantine ng Metro Manila ay maaari anytime soon maging lockdown na po ito?
SEC. PANELO: Hindi natin sinasabi iyan. What I’m saying is pinag-uusapan at ini-evaluate araw-araw iyong mga kaganapan. Kung ano ang makakabuti sa ating lahat iyon ang gagawin natin.
TINA MARASIGAN: Sec., ilang oras pa lamang po ang implementasyon ng community quarantine and I’m sure mayroon po kayong mekanismo para po makita if it’s effective or not. From your point of view sir, sa nakikita ninyo po sa mga reports na nakukuha ninyo, is it effective for the first few hours of implementation?
SEC. PANELO: Kausap ko lang si Secretary Año bago kayo tumawag at tinanong ko nga precisely kung ano ang feedback na nanggagaling sa kaniya. Sinasabi niyang mukhang ang mga tao ay ready ng—ready-ing nagko-cooperate at alam na nila ang kaselanan ng pagkakataon.
Ang katunayan, sabi niya, napakahirap i-implement iyong ginagawa nating checking, iyong coming in at saka going out because there are four million people! Eh, ngayong Sunday medyo madali pa. Eh bukas Lunes, magdadagsa ang buong tao. Sabi niya, it’s not a joke na ginagawa namin—namatayan na pala sila ng isang pulis, ang isang lieutenant coronel ay infected na. That is precisely why sabi niya na kailangan ng—may nagmungkahi kasi kailangan maglagay ng surgical mask at saka surgical gloves iyong mga pulis natin na nagche-checkpoint kasi for their own protection. Mahahawa din sila! Eh, talagang mauubos tayo.
ROBERT MANO: Eh, sila iyong unang tumatanggap.
SEC. PANELO: Sila nagbaban—sila ang nasa frontline eh. Iyon ang—kaya kailangan talaga mag-cooperate tayong lahat.
TINA MARASIGAN: Okay. Sir, ano po iyong mga considerations, specific po, we want to be specific about it para po masabi ng Pangulo na that we are ready for a lockdown?
SEC. PANELO: Well, depende iyon sa takbo ng… takbo ng rate ng infection. Kapag iyan ay nag-multiply many times over, may problema talaga tayo. Iko-consider ng grupo iyan na gawin kung ano man, whether you call it lockdown or whatever, ang importante hindi tayo magkahawaan. Iyan ang pinakaimportante rin, hindi na mahalaga kung anong itatawag mo diyan. What is important is the measures should prevent us from infecting one another and creating an entire contagion in this country.
ROBERT MANO: So, kung doon sa premise ni Sec. ay iyong rate noong pagkakahawa, mukhang iyon talaga… iyon ang talagang consideration. So, day by day, through your evaluation, Sec, sa team ninyo, malalaman natin kung ano iyong next move ng government, ng Pangulo?
SEC. PANELO: Yes. Iyon talaga ang magiging konsiderasyon – how fast people are being infected, how fast people are being exposed from infected people – iyon ang magiging konsiderasyon.
Now, bigyan ko rin naman kayo ng good news naman.
TINA MARASIGAN: Sige po.
SEC. PANELO: Ito naman medyo good news, no. Iyong testing kit na naimbento ni Dr. Raul Destura ay mayroon ng mga ginagawa upang makapag-manufacture tayo nang marami kasi dapat talaga ma-testing natin kung sinong mayroon eh kung kulang tayo noon lalong mahihirapan tayo.
ROBERT MANO: Totoo po.
SEC. PANELO: Now, according to Secretary Fortunato Dela Peña-Boy Dela Peña, mayroon na silang ready-ing—ini-import na nila iyong mga materials na kailangan for the testing kit, mga twenty thousand and dadagdagan pa. At kinakailangan natin ng isang malaking lugar o isang, siguro isang pharmaceutical company na tutulong sa atin para mag-manufacture kasi hindi—mahihirapan mag-manufacture iyong gumagawa nito dahil maliit lang siya eh, umpisa
lang eh. So, we are doing everything para mapadami natin iyong mga testing kit na naimbento ni Dr. Raul.
Meanwhile, medyo… we’re also bothered by… may mga legitimate organizations or hindi hindi illegitimate na humihingi ng donasyon sa taongbayan para daw mag-distribute o mag-produce nitong testing kit ni Dr. Raul. Pero alam mo, kapag lumalabas kasi sa social media iyan ang dating sa tao hindi tayo preparado kasi humihingi ng pondo eh sinabi na nga natin marami tayong pondo.
So, if you do that, I’m not saying na these are not legitimate organizations na humihingi sila ng pondo para sa kanila, but you’re creating apprehension and panic dahil ang dating, “Akala ba natin may pera ang gobyerno, bakit humihingi ito ng donasyon?”
Mayroon po tayong sufficient funds! In fact, the Budget Secretary has already assured us, humingi lang kayo mayroon tayo kaya nga si Boy Dela Peña-Secretary Boy Dela Peña sinabi sa akin kanina na ready na iyong 20,000 na i-import na materials for the testing kit.
Kaya sana iyon pong mga kasama natin, mga organisasyon na humihingi ng pondo, huwag ninyo na ho—huwag ninyo na munang dagdagan ang…
TINA MARASIGAN: Sakit ng ulo.
SEC. PANELO: Pagka—hindi lang sakit ng ulo, kung hindi iyong takot ng mga tao kasi iba ang dating.
ROBERT MANO: Sec., maganda iyang binabanggit mo na iyan sa test kits—
TINA MARASIGAN: Yes.
ROBERT MANO: Kasi kanina hindi ba, partner, nabanggit ni Usec. Vergeire na field test na sila tomorrow eh.
TINA MARASIGAN: Yes, ang U.P.
ROBERT MANO: So, kung pumasa iyon sa field test, ito na iyong binabanggit ni Sec., na mass manufacture na.
TINA MARASIGAN: Yes, for production na po nito.
ROBERT MANO: Production.
TINA MARASIGAN: Pero ito po ay mag-uundergo pa po ng bidding, of course?
SEC. PANELO: Yes, yes.
TINA MARASIGAN: How fast can we produce a significant number of test kits kapag po successful na ang field testing bukas? Kasi kung padadaanin pa po ito sa proseso pero kailangan na natin noong test kits, are we considering na i- fast-track ito para mas marami na iyong ma-produce?
SEC. PANELO: Iyan ang ginagawa natin. I mentioned to you kanina mayroong isang pharmaceutical company na nag-alok na niyan, gagamitin ang kanilang lugar upang makapag-manufacture ng marami. Kaya okay, iyon nga ang sinasabi kong good news.
TINA MARASIGAN: Sir, sorry. Can we mention the—are we allowed to mention kung ano po itong manufacturing company na ito?
SEC. PANELO: Hindi ko alam kung gusto nilang sabihin kasi alam mo, mayroong mga tao, mga company na nagdo-donate na ayaw nilang sabihin. Kumbaga, iyon ang mga totoong nagdo-donate nang hindi kailangang i-propaganda iyong mga sabihin.
ROBERT MANO: So Sec., not mention kung anong kompanya ito, pero ang offer nila sa government for free na gamitin iyong kanilang ano…
TINA MARASIGAN: Facilities.
ROBERT MANO: Resources.
SEC. PANELO: Lugar. Yes, iyong kanilang space.
ROBERT MANO: Very good.
TINA MARASIGAN: Okay.
SEC. PANELO: And for that matter, let me just say this, under the Constitution, the State can takeover or use any establishment, any company, any industry kung kinakailangan upang isalba lang natin ang bansang ito.
Kaya natutuwa kami na even without using that emergency power of the President, mayroong isang pharmaceutical company na pumayag at nag-alok ng sarili niya.
TINA MARASIGAN: Okay. Aabangan po natin—
ROBERT MANO: Sana madagdagan na lang.
TINA MARASIGAN: Oo. At aabangan natin if they are willing to be announced kung ano itong pharma company na ito and of course, kukuhanin natin iyong detalye kung gaano karami iyong puwede nilang ma-produce in a specific time.
Pero Sec., ako babalik lamang po ako doon nang kaunti sa lockdown ano ho—
SEC. PANELO: Yes.
TINA MARASIGAN: O doon sa community quarantine. Sir, iyong thoughts po ng Presidente or kayo rin po, your thoughts, hindi po ba medyo lenient or medyo maluwag when you say community quarantine? Kasi basically may exceptions pa rin na mga taong papasok at lalabas ng Metro Manila – hindi po ba medyo maluwang po ito, hindi po ba kailangan lagyan ng kaunting ngipin – your thoughts, sir?
SEC. PANELO: Exactly, kaya nga nagkaroon nga ng everyday evaluation eh, tinitingnan nga natin. Kasi tandaan natin na iyong—gaya ng sinabi ko kanina, all of us are carriers, potential carriers. Kailangan tayo mismo ang kumulong sa mga sarili natin. Huwag tayong lalabas kung hindi naman kailangan na kailangan. Kung lalabas tayo, kailangan ipatupad natin iyong one meter away doon sa mga katabi natin sapagka’t kapag hindi natin ginawa iyon eh pare-pareho tayong magkakahawaan. Iyan ang napakamahalaga doon—
ROBERT MANO: Tama iyon.
SEC. PANELO: —kaya nga tomorrow pag-uusapan natin iyon. ‘Pag medyo iyong quarantine baka lalong madagdagan dahil masyado tayong… kumbaga, we’re so lenient among ourselves eh baka kailangan, gaya ng sinabi mo, Tina, eh baka kailangan mas ano… mas forceful ang dating.
At alam mo, sabi ni Secretary Año, umikot daw siya—
ROBERT MANO: Opo.
SEC. PANELO: —marami siyang nakausap na tao at sinasabi nilang, “Ang iba nga eh iyon lang ang sinasabi eh bakit po gumagalaw pa tayo? Dapat hindi na nga ho—ipasarado nating lahat!”
Alam mo kasi sa Macau iyon ang ginawa nila. Sa Macau for the last, I think forty plus days, zero casualty sila kasi total lockdown talaga sila. Sarado lahat ng establishments, lahat ng mga puwede mong puntahan, lahat sila ay nasa bahay pagkatapos mayroon silang monitoring.
At mayroon pa nga kaming iminumungkahi: We need—narinig ko sa iyo kanina iyon eh, iyong kailangan may isang lugar—
TINA MARASIGAN: Yes.
SEC. PANELO: —isang ospital na doon natin ilalagay lahat, hindi iyong nagkalat at mayroon tayong tinitingnan ngayon na mayroong mga bagong construction na hospital din, hopefully iyong mga owners iaalok nila at kung hindi nila iaalok, baka as I’ve said earlier, we have to use Constitutional power of the President.
TINA MARASIGAN: So, sir, hindi po kayo sumasang-ayon doon sa bagong panuntunan o sa bagong desisyon ng DoH na kapag positibo ang isang pasyente sa COVID, positive na siya, sir, pero mild lang ang symptoms o kaya okay siya, mukha siyang okay, asymptomatic, wala siyang nararamdaman pero positibo, pinapauwi po kasi ngayon ng DoH sa kanilang mga bahay to do a self-quarantine. So—
SEC. PANELO: Tama iyon! I agree with that. Dapat—I agree with that. My wife is a doctor, my son is a doctor – tama iyong sinasabi ni Dr. [unclear]. What I’m saying is, sa ngayon kasi wala tayong—unlike in other countries, mayroon silang isang lugar lang talaga na doon mo dadalhin iyong mga infected. Kumbaga, isang lugar lang. We need to, for instance, use kung anong malaking-malaking building or establishment. Doon natin ilagay, parang gawin nating ospital iyon para—
ROBERT MANO: Opo—
SEC. PANELO: —isolated sila, hindi nagkalat.
ROBERT MANO: Kaya ang nababanggit po ng DoH, Sec., eh sana iyong bawat LGU may identified na sila na area na puwedeng doon dalhin lahat noong nag-positive pero mild lang na puwede for home quarantine para iisang lugar na lang sila for easy monitoring din po.
SEC. PANELO: Magandang… magandang mungkahi iyon pero ang sinasabi ko, apart from that mayroon tayong isang malaki talaga, kumbaga pang-national, doon natin ilalagay lahat para isolated lang iyong infected.
ROBERT MANO: Oo… oo… Sentro… sentro!
TINA MARASIGAN: I was about to ask po if we are considering a specific place para po maisagawa ito na hindi siya ospital pero once na may asymptomatic o mild symptoms na patient, doon ilalagay, doon ika-quarantine.
ROBERT MANO: Dire-diretso.
TINA MARASIGAN: Are we eyeing a specific area po for this?
SEC. PANELO: Magandang mungkahi iyan, precisely, iyon nga ang dapat nating gawin. Dalawa ang gawin natin: Iyong mga mino-monitor natin na sa tingin natin eh baka mayroon at saka iyong infected na para isolated na lahat sila. Hindi—sa ngayon, lahat, maraming ospital so, naka-exposed din lahat iyong mga doktor natin, iyong mga nurses natin, kapag nagkataon pati sila mayroon na rin. At least kung dalawa lang na malaking establishment o ‘di iyon nandoon lang.
TINA MARASIGAN: Sir, would you recommend, kasi po ang nabanggit po din doon sa rekomendasyon ng Palasyo, base na rin po sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang local government, ang city or municipality ay may prerogative na magkaroon ng sarili nilang community quarantine provided na mayroon ng dalawang positibong kaso, two and above.
Ngayon sir, mayroon na pong mga kapamilya natin na nanggaling sa Metro Manila papunta sa iba’t-ibang mga probinsiya although marami pa rin pong probinsiya na wala pang positive cases, would you recommend na—or will the Presidente recommend, is he thinking about it na puwede na rin na mag-voluntary community quarantine even though wala pang positive doon sa mga probinsiya? Kasi na-disperse na iyong mga taga-Metro Manila eh.
ROBERT MANO: Bago pa mag-community quarantine lumabas na iyong iba, na possible carrier.
SEC. PANELO: In fact ginawa iyan.
ROBERT MANO: Opo… opo.
TINA MARASIGAN: Yes…
SEC. PANELO: Ginawa na iyan ni Mayor Sara sa Davao at ginagawa sa ibang siyudad na ngayon.
TINA MARASIGAN: Iloilo mayroon na rin po, Oriental Mindoro mayroon na rin po pero what we’re asking po is ito po ba ay strong recommendation ng Palasyo?
SEC. PANELO: Hindi… magandang practice iyan… magandang practice iyan. Eh, kung ginawa nga sa iba bakit hindi naman—ito, mayroon ka pang sinasabi na may infection na. Kung nagawa doon sa walang infection with more reason doon sa mayroon.
TINA MARASIGAN: Magandang ehemplo iyong ikaw nauna.
ROBERT MANO: Pero Sec., isa pa ulit. Dahil binabanggit ninyo na tinitingnan natin dito kasi iyong hindi magkakahawaan eh. Kapag tumataas, mas tumataas din iyong tsansa kung totally bawal iyong movement. Pero Sec., dahil nabanggit na nga natin na may mga—bago iyong community quarantine, may mga lumabas na ng Metro Manila at iyong mga lumalabas na iyan, Sec., hindi naman pagkalayo-layo. Iyong iba, nearby provinces – Bulacan, Pampanga; sa south, mayroon kang Laguna…
TINA MARASIGAN: Batangas.
ROBERT MANO: ‘Di ba mayroon kang Batangas. May possibility din po ba na i-extend naman ng Pangulo iyong quarantine? Instead of NCR eh mas lalawak nang kaunti na sasakop—
SEC. PANELO: Definitely! Definitely kasi ang ano nga natin, from the very beginning that is precisely why there was travel restriction. The purpose of which was to contain people not to leave kasi potential carrier ka nga eh. Kapag ikaw ay lumabas sa NCR napunta ka sa ibang lugar at carrier ka, o ‘di kumalat na. Eh kung exponential—‘di ba sinasabi nila na iyong nakahawang isa nakahawa ng apat, doblehin mo iyon, triplehin. Matindi!
Kaya paulit-ulit naming sinasabi, alam po ninyo mga kababayan madali rin namang sirain ang virus! All we have to do really is gawin natin ang dapat nating gawin: Iyong paghuhugas ng kamay napaka-epektibo. I was listening to the… I was monitoring iyong mga iba-ibang bansa sa CNN at sa ibang ano pa, sinasabi nila, sabi nga, iyong paghuhugas ng kamay eh akala mo madali at iyong paghawak sa mukha akala mo—pero napakahirap kasi if you notice, tayo unknowingly iyong kamay natin humahawak talaga sa mukha natin eh!
ROBERT MANO: Totoo. Sensitive kasi ‘di ba iyong mukha natin eh, kaunting ano lang punas.
SEC. PANELO: Tinitingnan ko kayo kaninang dalawa eh without you knowing it naghahawak din kayo pati ako ganoon din.
ROBERT MANO: Opo, totoo iyon… totoo iyon.
SEC. PANELO: In other words—
ROBERT MANO: Kailangan talaga—
TINA MARASIGAN: Nakatutok si Sec. sa DZMM!
ROBERT MANO: Tinitingnan ni Sec. sumusunod ba itong mga ito na bawal iyong M.E.N. – Mouth, ang Eyes at ang Nose.
SEC. PANELO: In other words, Robert and Tina, let’s constantly wash our hands.
TINA MARASIGAN: Yes.
ROBERT MANO: Yes.
SEC. PANELO: Constantly as in constantly for twenty seconds with regular soap tapos may alcohol. At saka na—I think, pinakinggan ko lahat iyong—nag-monitor ako, iyong pagbahing kailangan pala, kasi kapag binahing mo daw ‘pag lumabas iyon sa mga surfaces, sa lamesa, kung whatever, aba ay talagang tatamaan din iyon eh!
TINA MARASIGAN: Yes.
SEC. PANELO: Mahahawa talaga.
TINA MARASIGAN: ilang oras din—
SEC. PANELO: Iyong mga simpleng ganoon eh ‘pag ginawa natin at hindi tayo lalabas kasi makakahawa talaga tayo ng ibang tao. Eh iyong social distancing napaka-importante, kung magagawa po natin iyan, magpa-plateau ito eh… magpa-plateau.
TINA MARASIGAN: Sec., ako po pupunta lang po ako doon sa economic details na sinasabi dahil nga isa-isa na rin na nag-a-adjust iyong mga kompanya mapa-public or private sectors, nagwo-work from home na. Pero may mga kababayan po tayo na walang ganitong structured na polisiya. For example, iyong ordinaryong nagtitinda ng gulay o kaya iyong ordinaryong—
ROBERT MANO: Magtataho!
TINA MARASIGAN: Ordinaryong jeep—magtataho, nagtitinda ng tinapay, ganiyan. Kung sila po ay wala pong kikitain, no work no pay sila, ano po kaya ang puwedeng magiging tulong ng gobyerno para po sa mga kababayan natin na ganito po ang trabaho?
SEC. PANELO: Ang sabi ni Secretary Bello, mayroon tayong mga nakalaan doon sa kanila. In fact, marami rin nga tayong mga nakalaan na food package na just in case magkaroon ng mga reported na incidents na wala nang makain ang tao. Naka-ready tayo doon. Talagang buong puwersa ng gobyerno inilaa natin para diyan.
At kanina nga medyo inilabas daw sa social media, ‘tuloy may bumabanat sa akin dahil ang sabi ko daw eh wala namang mamamatay sa gutom in thirty days. Kasi ang sabi ng nag-i-interview sa akin: Marami nang nagrereklamo na doon sa checkpoint, kasi daw nai-inconvenient sila, nagpapakita pa ng ID, naaabala.
Ang sabi ko, mas mabuti na iyon kasi kailangan—unang-una, kailangan malaman kung doon ka nga nagtatrabaho. Pangalawa, titingnan ang temperatura mo dahil kung mataas ang temperature mo talagang hindi ka papapasukin. And sabi sa akin ng nag-iinterview, “Eh, sabi niya paano kung hindi na sila makapasok eh mamamatay sila sa gutom?” Ang sabi ko naman, hindi naman siguro mamamatay sa gutom for thirty days. Sabi naman ng mga doctor, wala namang mamamatay.
Unang-una, tayo naman ay tumanggap na ng suweldo – last, ‘di ba? Kumbaga mayroon tayong pambili pa in the next fifteen days at kung wala naman, tayo naman ay may mga extended families na tutulong sa atin, mayroon namang mga mababait na kapitbahay, at ang gobyerno naka-ready rin.
Kumabaga, huwag tayong mag-alala doon, ang importante ang buhay natin kasi iyong mga sinasabing papaano na ekonomiya? Papaano na mga business losses? Alam mo, Tina and Robert, if we are all dead, there is nothing to speak about financial losses and economy, wala iyon. Ang importante talaga ang buhay natin ngayon!
TINA MARASIGAN: Ang nag-aalala po kasi Sec., iyong mga umaasa sa arawang kita na iyong kikitain ko nang umaga, iyon ang ipambibili ko ng bigas sa hapon. Iyong kikitain ko sa pagtitinda sa umaga o kaya sa paglilinis o kaya say iyong mga streetsweeper, iyong kikitain ko sa umaga iyon ang pambili ko ng ulam sa gabi – paano ho kapag ganoon on a daily basis ang routine ng isang ordinaryong manggagawa, ano po ang maitutulong ng gobyerno?
SEC. PANELO: That is why I said naka-ready tayo doon kaya iyong mga community like iyong towns, dapat there should be a system wherein alam nila kung sino iyong mga taong iyon para alam natin kung sino ang tutulungan natin dahil hindi naman-in a community-hindi naman isang libo iyon, ilan lang iyon. So, sa madaling sabi, kapag alam natin, alam natin kung sino ang tutulungan natin.
TINA MARASIGAN: Okay. So, sila ay pupunta pa rin sa city, sa LGU po?
ROBERT MANO: Or pinakamaganda, barangay.
TINA MARASIGAN: Barangay muna.
SEC. PANELO: Yes, barangay level para—
ROBERT MANO: Para kapag hiningan ng impormasyon, anong community ito, ano iyong mga common na trabaho na naapektuhan, madali iyong feedback sa national government.
TINA MARASIGAN: Tama po ba, Sec.?
SEC. PANELO: Correct!
TINA MARASIGAN: So, sa barangay—
SEC. PANELO: Kailangan may sequence tayo para alam natin how we will respond to whatever situation we are in.
ROBERT MANO: Although doon naman sa empleyado naman talaga, Tina, na na-interview natin kaninang umaga, si Secretary Bello, maganda iyong sinasabi niya. Kapag ubos na iyong sick leave mo pero kailangan ka pa ring mag-quarantine, gobyerno na ang magbabayad sa iyo, mag-quarantine ka lang.
TINA MARASIGAN: At iyon ay assured ng DOLE?
ROBERT MANO: Yes.
TINA MARASIGAN: Yes… Para sa mga regular na empleyado.
ROBERT MANO: Regular employee iyon, 00.
TINA MARASIGAN: Pero iyon nga, ang ikinokonsidera natin, paano kapag hindi regular?
ROBERT MANO: Iyon depende sa benta, depende sa maibebenta iyong kita nila at iyong ipambibili nga nila. So—
SEC. PANELO: Mayroon pa nga pala akong good news, ‘no. Ang ADB ay magbibigay ng grant na four hundred million dollars para dito sa paglaban sa COVID-19.
TINA MARASIGAN: ADB – Four hundred million dollars po?
SEC. PANELO: Ang dinig ko four hundred million or forty million, whatever, basta malaki ang ibibigay.
TINA MARASIGAN: Ng ADB po?
SEC. PANELO: Ng ADB, may grant na ibibigay – iyan ay sang-ayon kay Secretary Sonny Dominguez.
ROBERT MANO: Asian Development Bank po ito, ano Sec. to be exact?
TINA MARASIGAN: Yes.
SEC. PANELO: Apart from ano huh… apart from the two billion na ibibigay ng Pagcor at four hundred million pesos na ibibigay ng PCOO.
ROBERT MANO: Nabanggit mo na iyong budget sa, Sec.—
SEC. PANELO: Also—Mayroon pa, teka muna mayroon pa nga pala. Nakausap ko si Tessie Coson ng SM.
ROBERT MANO: Opo.
SEC. PANELO: Na sila daw na mga magkakasamang negosyante ay willing sila, naghahanap in fact, gusto nilang mag-import ng mga testing kit at naghihintay lang sila kung papaano nila gagawin. They are willing to import dahil siyempre medyo may mga kailangang requirements eh kaya sinasabi niya papaano ba ang gagawin namin? Kami, ready, willing, nandito lang kami naghihintay.
TINA MARASIGAN: Sir, with the help—monetary help that we are about to get, saan po magfo-focus ang paggastos nito? Sa facemasks ba? Sa testing kits ba? Sa research ba to find for a vaccine or for a cure? Saan po magfo-focus ang—
SEC. PANELO: Tina, Robert, sa lahat ng pangangailangan, doon magre-respond iyan – kung ano ang pangangailangan doon natin ilalagay.
ROBERT MANO: So, grant ito Sec.?
SEC. PANELO: Yes. Grant, hindi ito loan.
ROBERT MANO: So, ibig sabihin hindi iyan loan ha, so it’s for free. Grant iyan, bigay.
TINA MARASIGAN: Tulong!
SEC. PANELO: Ang China rin ay nag-aalok rin sa atin. Magsabi lang daw tayo kung ano ang kailangan natin, magbibigay daw sila.
TINA MARASIGAN: Pero Sec., ano po ang thoughts po ninyo, kasi may mga umaalma po na kukuha pa tayo ng tulong sa China, sa kanila nga galing iyong virus, may mga ganoon po na feedback?
SEC. PANELO: Alam po ninyo, sabi nga ni Presidente, hindi natin kailangan ang tulong sa ngayon. Pero kung darating tayo, huwag naman. Sabi niya, sana God forbid na makarating tayo doon sa panahon na tayong lahat ay nasa bingit ng kamatayan kailangan—ay gagawin ko iyon kung kinakailangan upang isalba ang bayan, regardless kung sino ang hihingan natin ng tulong na umaalok naman ng tulong sa atin. Alam po ninyo, iyang virus, saan man nanggaling iyan ay huwag nating sabihin na galing sa China iyan. May narinig pa nga ako na hindi galing sa China, kundi galing sa ibang lugar na napunta lang sa China. Ang mahalaga, nandiyan na po iyan at gawan na natin ng paraan na sugpuin po natin. At tayo lang po ang makakasugpo niyan sapagkat tayo mismo ang nagdadala ng virus na iyan.
ROBERT MANO: Sec., nababanggit ninyo iyang mga grant na ibinibigay na iyan at iyong mga tulong na ibinibigay ng mga negosyante sa atin at talking about budget pa rin – palagay ninyo po ba, in your opinion or kung napag-usapan ninyo with the President, iyong special session para punuan iyong budget pa rin para sa Covid-19 dahil may mga kongresista, may mga senador na nagre-request for special session para dagdagan iyong ating budget ng national government for that?
SEC. PANELO: Ang alam ko, hindi ba naipasa na sa second reading iyong mga 1.6 billion?
ROBERT MANO: Uhm, sa Lower House po.
SEC. PANELO: Yeah, sa Lower House. But kahit nga hindi pa napapasa iyan, eh sufficient ang ating pondo, sabi ni Secretary ng Budget natin, si Wendell.
TINA MARASIGAN: Sir, so since sufficient po ang budget natin and we are also open for monetary assistance from different groups and even from China, are we also looking at helping the health workers po, dahil may mga umaalma na ang suweldo nila ay kakarampot pero sila po ang front liners para po humarap sa mga pasyente, kumbaga, nasa hukay ang kanang paa po nila?
SEC. PANELO: Ah, oo naman. Hindi ba, sabi nga ni Presidente, iyong pinagkukunan sa PAGCor ng ilang bilyon, iyon ay puwedeng gamitin sa pagbibigay sa mga health workers, sa mga nurses, sa mga nangangailangan – iyon ang mahalaga. At saka, let me just say na hindi lang China ang umaalok sa atin niyon. Maraming umaalok na tulong sa atin, sapagkat halos lahat naman eh, ilan na bang countries ang na-infect, one hundred plus countries na eh! So kailangan talaga magtulungan na tayo.
ROBERT MANO: So, bukod sa China Sec., anong bansa pa o mga bansa pa iyong may alok pa na tulong sa atin?
SEC. PANELO: Si Secretary Dominguez ang nakakaalam. Me, I have no personal knowledge.
ROBERT MANO: Okay po. Sec., doon naman sa mga Cabinet Secretaries natin na nag self-quarantine, nag home quarantine, opo.
SEC. PANELO: Oh, mabuti binanggit mo iyan Robert. Mabuti binanggit mo iyon! Magandang pong ibalita sa inyo na si Secretary Art Tugade, Secretary Sonny Dominguez, si Executive Secretary Medialdea ay all tested negative. But they will still continue with their 14-day quarantine sapagkat iyan ang protocol. Si Jess Durante naman, iyong security group head – presidential ay negative din ho, pareho din ni Presidente at si Senator Bong Go. But unlike the three Cabinet members, itong tatlo mukhang hindi na itutuloy ang quarantine dahil nandoon lang naman daw sila sa mga lugar nila and they are all performing their jobs.
TINA MARASIGAN: Okay. At least our leaders are all healthy.
SEC. PANELO: Ganoon din naman. Alam mo, kahit na naka-quarantine iyong tatlong Cabinet members, nagta-trabaho din sila kasi they gave their telephones, they give directives, they do that and do this.
ROBERT MANO: Perfect example sila ng work from home.
SEC. PANELO: Yeah, kagaya ko ngayon, nagta-trabaho.
TINA MARASIGAN: Opo.
SEC. PANELO: Pareho ninyo, nagta-trabaho kayo.
TINA MARASIGAN: Correct! Sec., babalikan ko lang po, since ang community quarantine ay one month ang ibinigay na specific time range. Nasa 140 na po tayo for the first implementation of the community quarantine, mayroon po ba tayong time frame, na kunwari in a span of one month kapag pumalo na sa ganitong bilang tayo ay magla-lockdown na – mayroon po bang ganoong pamantayan sir, na kapag umabot na doon sa digit na ito, sa numerong ito, tayo ay magla-lockdown?
SEC. PANELO: Tina, let me put it this way: Whatever it takes, we will do it! Titingnan natin! Kaya nga precisely bukas, mag a-assess na tayo eh, kung ano ang dapat na gawin. Sa mga susunod na succeeding days, ganoon din ang gagawin natin. Basta ang ultimate goal is to save ourselves from being infected by this virus and to stop this virus.
TINA MARASIGAN: Alright. Partner okay na ako kay Sec.
ROBERT MANO: Sec., baka mayroon pa tayong natitirang good news, ituloy pa po natin kung mayroon pa?
TINA MARASIGAN: Yes. Puwede naman po na ikuwento ninyo po sa amin.
SEC. PANELO: Eh, ang good news, kayong dalawa hindi infected, ako rin hindi rin infected – that’s the good news.
TINA MARASIGAN: Sec., maraming-maraming salamat po.
ROBERT MANO: Bago natin bitawan si Sec., baka may gustong siyang banggitin o sabihin sa ating mga kababayan…
TINA MARASIGAN: Yes, na ia-announce or mensahe po para sa ating kababayan, sir?
SEC. PANELO: Gusto pong ipaabot ni Presidente Duterte sa inyong lahat na siya po nag-aalala sa kalusugan nating lahat, at ginagawa niya ang lahat, he will use the full resources and powers of the presidency to stop the spread of this virus, because it’s a matter of national survival, it’s matter of life and death and he urges and appeals to all of us to help each other to have self-discipline, to have social responsibilities. Mag bayanihan po tayong lahat, magtulungan tayo, sapagkat iyon ang kaligtasan nating lahat!
TINA MARASIGAN: Alright, maraming salamat po, Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Kami po ay mag-aabang sa magiging meeting po ninyo bukas, sana po makakuwentuhan namin kayo kung ano po magiging resulta po nito.
SEC. PANELO: Anytime po
TINA MARASIGAN: Okay. Salamat po sir, ingat po kayo!
SEC. PANELO: Thank you for having me.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)