Interview

Interview with Presidential Chief Legal Counsel and Presidential Spokesperson Salvador ‘Sal’ Panelo by Alex Santos (Ptv 4 – Ptv News)



SANTOS: Makakausap po natin sa telepono si Chief Presidential Legal Counsel, at the same time ang Presidential Spokesperson, walang iba kung hindi si Secretary Salvador Panelo.

Secretary Sal, magandang gabi ho! Si Alex Santos po, sir, sa PTV News.

SEC. PANELO: Magandang gabi, Alex.

SANTOS: Opo. Linawin lang po natin, Secretary, dahil una hong ipinalabas po ng Pangulong Duterte ang kaniya pong kautusan ay ‘Community Quarantine.’ Ngayon po nilagyan lamang ho ng word na ‘enhanced.’ Ano bang ibig sabihin po dito at ano ba ng general rule po dito?

SEC. PANELO: Unang-una, iyong ‘Enhanced Community Quarantine’ in-apply na hindi lang sa National Capital Region kung hindi sa buong Luzon, okay?

SANTOS: Opo.

SEC. PANELO: Now, kung ano ang ibig sabihin niyan, ang aking mungkahi diyan sa inyong—lahat ng nakikinig po sa atin ngayon ay hintayin po natin ang televised speech message ni Presidente, will becoming shortly, kasi sasabihin niya roon kung ano ang dapat na gawin ngayon at pagkatapos siyang magsalita, iyong mga guidelines ay ilalabas po ng pamahalaan upang malaman ng taong bayan kung ano ang mga kaukulang mga paggalaw ng bawat isa.

SANTOS: Opo.

SEC. PANELO: Ang mahalaga po kay Presidente, siya ay nag-aalala nang malubha sa nakikita niyang pangyayari noong dalawang araw at sa halip na mai-stop natin mukhang lalong kumakalat. Nakita po natin iyong mga nagkukumpulang mga tao, hindi nasusunod iyong social distancing at sinasabi niya na kinakailangan magkaroon ng dagdag na mga palatuntunan o patakaran upang pahintuin natin ang virus.

Sapagka’t sinasabi nga niya kanina, dito sa labanang ito ay hindi nakikita ang ating kalaban at tayo ang mga sundalo rito. Maliban pa sa sundalo tayo na lalabanan natin eh tayo rin ang kalaban eh. Tayo ang kalaban sapagka’t tayo ang nagdadala ng virus kaya’t kinakailangan disiplina talaga sa sarili natin sapagka’t ang kaligtasan natin ay magiging kaligtasan ng ating miyembro ng pamilya, kapitbahay at nasasalubong natin sa kalsada.

Iyon ang pinag-aralang mabuti ni Presidente kaya mayroon na siyang mga anunsyo na gagawin shortly at after that magkakaroon na rin tayo ng mga guidelines para lahat ng mga itinatanong ng ating mga kababayan ay malilinawan sila.

SANTOS: So, sa madaling salita po, Secretary, iyong nauna pong anunsyo na binanggit ho ninyo kanina sa Malacañang, ito pong ‘Enhanced Community Quarantine’ ay as we speak ay hindi po ho naipatutupad? Depende pa lamang ho ito sa kautusan po ng Pangulong Duterte? Tama po ba ako?

SEC. PANELO: Iyong—ang inanunsiyo ay mayroon ng ‘Enhanced Community Quarantine for Luzon,’ iyon ang nabago eh, ‘yung “for Luzon” eh. Now, how will this be implemented? ‘Will be released by way of guidelines na ilalabas immediately after his televised message.

SANTOS: Okay. Ang una kasi ho ninyo sinasabi at medyo gustong malaman ng ano pero ayaw ko na hong pangunahan ang Pangulong Duterte ho dito, Secretary, iyong nagugulat ho sila iyong suspend transportation… iyon siguro. Ano ho ang ibig sabihin po noon, Secretary?

SEC. PANELO: Iyong mga sinabi ko doon sa isang interview sa istasyon, iyon ang mga rekomendasyon ng IATF.

SANTOS: Okay.

SEC. PANELO: Whether the President will approve entirely the recommendation or amend certain modifications eh mamaya natin maririnig kay Presidente sa kaniyang televised message.

SANTOS: Okay. Sige po, bibitawan na namin kayo, Secretary at I’m sure handang-handa na ho kayo sa magiging talumpati po ng Pangulong Duterte. Thank you so much po, Secretary Sal Panelo.

###

 

Source: News and Information Bureau-Data Processing Center

 

Resource