URI: When you say daw mainland Luzon, kasama ba iyong MIMAROPA?
SEC. PANELO: Kung part sila ng Luzon ‘di kasama sila. Luzon eh, kasama lahat ng buong Luzon.
URI: Iyon daw ho, Secretary, na sinasabi na kung ikaw ay may scheduled flight palabas ng Pilipinas, ibig sabihin pupunta ka sa ibang bansa—
SEC. PANELO: 72 hours.
URI: Within 72 hours, after that hindi ka na papayagan?
SEC. PANELO: Hindi na.
URI: So kung ang flight mo ay March 20, hindi ka na papayagan?
SEC. PANELO: Hindi na, kasi nakalagay sa guidelines 72 hours.
URI: Ayon, okay alright. Ngayong umaga naglilibot iyong aming mga reporters, Secretary. Iyong dine sa Maynila may pumapasada pa ring jeep siksikan ang mga ang mga pasahero, doon naman sa Cavite naglalakad iyong mga commuters from PITX papunta po ng Coastal Road Toll Ways. Bakit daw po kaya ganoon, mukhang hindi nasusunod iyong plano, Secretary?
SEC. PANELO: First, mukhang marami pa ang hindi nakaalam sa panibagong community quarantine, that’s number one. Kasi marami ang nasa kalye kanina at papasok daw sila, eh wala naman pasok except for those enumerated na exempted; Number two, iyong mga hindi pa nag-o-observe ng self-distancing eh medyo expected pa iyon. Pero habang tumatagal tayo maipapatupad na natin iyon, magiging very strict na tayo doon.
URI: Oho. I think ito naman ay magkakaroon pa ng valuation meeting muli mamaya ano ho?
SEC. PANELO: Everyday naman ay may meeting eh, mamayang alas-dos mayroong meeting ang IATF. Now with respect doon sa mga… kasi nag-raise sila ng concern doon sa mga exempted, ang problema wala din silang mga sasakyan. So hindi rin iyon makakarating sa kanilang mga work places; paano makakauwi sila kapag nakarating? Kaya minansahe ko na si Secretary of National Defense Delfin Lorenzana, kung maari ilabas natin iyong mga army trucks natin para maging means of transportation going to their work places and back to their homes.
URI: Secretary, iyon ang parang hindi maintindihan, di ba kanyang sinuspend na iyong public transportation, ito nagpadala na rin ng guidelines ang DoTR, iyong MRT, LRT ay suspended na rin iyong operations. Pero bakit ba mayroon pang nangangahas na mamasada. Ano ang parusa diyan sa mga ganyan, doon sa mga ayaw tumigil ng pamamasada?
SEC. PANELO: Eh unang-una, baka hindi pa nila alam; kasi iyong mga inaano hindi raw nila alam eh.
URI: Naman.
SEC. PANELO: Kaya nga kayo precisely, kayo—yes. Alam mo Henry magugulat ka na marami ang daming hindi nakakaalam, that is why I’m precisely appealing to the media na paulit-ulit na sabihin for the information of the public na may bagong quarantine sa buong Luzon at ito ang mga nasa guidelines. Para maintindihan nila. Kaya medyo—kaya medyo ano pa iyan eh, hindi pa kataka-taka na marami ang hindi nakakaalam.
URI: Iyong inilabas na advisory po ngayon ng DoTR in line with the imposition of Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon, ang nakalagay dito sa kanilang Advisory Number 2: ‘Operations of land transport mode such as public utility buses, jeepneys, taxis, transport network vehicle service o TNVS, FX, UV Express, point to point buses and motorcycles taxis shall be suspended 17 March to 13 April.’ Malinaw ito, Secretary, ito iyong binabanggit ninyo eh.
SEC. PANELO: Malinaw nga, ang problema kung hindi pa nakakarating. Kasi we can expect that some people will not be informed on that, wala silang radio, wala silang TV, di ba. Wala silang cellphone na mag-monitor sa internet, may mga ganoon eh.
Pero as we go along, Henry, I’m sure, siguro by tomorrow much… wala na, baka kakaunting-kakaunti na lang, pangatlong araw wala na. Ang makikita mo na lang siguro diyan iyong mga army trucks kung maipalabas na ni Secretary Delfin para maging means of transport ng mga walang sasakyan na-exempt sila.
URI: Kasi nga iyong mga company rin naman di ba may apila na rin kayo naman na kung maari mag-provide na lang sila ng quarters muna doon sa mga opisina nila kung pupuwedeng huwag na munang pauwiin iyong mga empleyado—
SEC. PANELO: Kung puwedeng mag-stay in di ba. Saka kung mayroon silang mga company vehicles di sila na mismo ang mag-ferry ng kanilang mga empleyado.
URI: Kasi napipilitan talaga iyong ibang maghanap ng—eh alam n’yo naman iyong mga driver pag nakitang nilang maraming nag-aabang sa kalsada, sasamantalahin pa rin niyang makalabas at makapamasada, kasi sayang.
SEC. PANELO: Oo nga, tama ka.
URI: Kaya dapat wala nang lumabas sa kalsada gamit iyong mga private vehicles noong mga private companies.
SEC. PANELO: Correct.
URI: Pero kagabi binanggit din ni Pangulong Duterte, this is not a martial law. But of course—
SEC. PANELO: Definitely, malayung-malayo. Unang-una ground, it doesn’t ano… obtain, ang puwede mo lang sabihin na invasion, invasion of virus.
URI: Kung halimbawa ba—mayroon pa rin po kasing nagsasabing na hindi ano yan, tine-testing lang nila kung maari bang pairalin ang martial law, may mga ganyan pa rin, Secretary.
SEC. PANELO: Alam mo ditto sa atin mayroong mga angal-angalyst, iyong mga kontra ng kontra – mga kontratista. Ganoon talaga iyon, you cannot please everyone. But what is important is, kaya natin ito ginagawa ay sapagkat gusto nating patayin ang virus at ang kalaban natin ay ang ating mga sarili.
URI: Anyway, kayo ay kaya pa rin naming marating sa pamamagitan ng ating mga modes of communication at marami naman—
SEC. PANELO: Definitely, wala ngang tigil nga kanina, naka-quarantine tayo rito. Alam mo naman kapag may asawa quarantine ka talaga sa bahay. Paminsan-minsan ka lang makatakas eh.
URI: Buti naman at kahapon ay naklaro ninyo na kayo ay naka-mask, nagpapakita lang kayo ng halimbawa. Tama ba iyon?
SEC. PANELO: We have to set an example. Para halimbawa kung mapabahin man ako eh sarili ko lang ang tatamaan at hindi iyong iba; at kung bumahin naman sila rin, hindi ako tatamaan.
URI: At ulitin natin: wala kayong sintomas, wala kayong nararamdaman.
SEC. PANELO: Ah, wala. Definitely naka-push up pa tayo ng 150 in two minutes.
URI: Aba kita mo nga naman iyon.
SEC. PANELO: Kailangan kasi kumain ka ng tamang pagkain sa oras, maganda ang tulog mo, gulay, iyong mga… kailangan palakasin natin ang immune system eh. Iyon ang importante.
URI: Alright. Ang MPC po ay magpapadala na lamang sa inyo ng mga questions, siguro individually baka tatawag na lang sila sa inyo at sasagutin n’yo naman lahat. Salamat, Secretary.
SEC. PANELO: My pleasure, anytime. Thank you, Henry.
###
Source: News and Information Bureau-Data Processing Center