Interview

Interview with Presidential Chief Legal Counsel and Presidential Spokesperson Salvador ‘Sal’ Panelo by Jessica Soho (GMA 7)



SOHO: Samantala, nasa ating linya po ang Presidential Spokesperson, si Secretary Salvador Panelo para liwanagin nga ho natin anong ibig sabihin nitong ‘Enhanced Community Quarantine.’ Magandang hapon, Secretary Panelo!

SEC. PANELO: Magandang hapon.

SOHO: Ano pong ibig sabihin nitong ‘Enhanced Community Quarantine’ at buong Luzon na ho, hindi na lang ho Metro Manila, tama po ba?

SEC. PANELO: Iyon pong ibig sabihin niyan ay ipapaliwanag ni Presidente. Lalabas na ang kaniyang televised speech shortly at pagkatapos po ng kaniyang speech, magpapalabas ng guidelines regarding the ‘Enhanced Community Quarantine’ sa Luzon.

Ang lahat ho ng mga katanungan ng mga kababayan natin gaya ng mga itinatanong mo kanina ay sasagutin lahat iyon sa guidelines na ire-release after the speech of the President.

SOHO: Okay. Pero kanina ho mayroon na tayong community quarantine at nakita na ho natin iyong maraming pulis at sundalo nagtse-check ng ID, nagte-thermal scan kung may lagnat, etc., Ito hong ‘Enhanced Community Quarantine’ mas marami pa hong mangyayaring ganoon, mas marami hong sundalo, tama po ba, Secretary?

SEC. PANELO: Hindi, baka ang ibig mong sabihin eh since na ‘enhanced’ eh siyempre, dadami nga dahil doon sa mga lugar sa Luzon magkakaroon din ng mga—sa bawat community but it doesn’t mean na halimbawa, nakakita ka ng sampu diyan sa isang lugar, magiging dalawampu o tatlumpu iyon ang (signal fade).

SOHO: Secretary, ano pong ibig sabihin noong ‘provision for food and essential health services shall be regulated?’

SEC. PANELO: Teka muna… Alam mo, iyong mga lahat ng sinasabi mo, iyon ay rekomendasyon pa lamang.

SOHO: Okay.

SEC. PANELO: Hindi pa iyon naaaprubahan ni Presidente. Iyon nga ang pinag-uusapan, magkakaroon nga ng mga guidelines para ipaliwanag lahat kung ano ang effect ng ‘Enhanced Community Quarantine’ sa Luzon.

SOHO: So, wala pa hong ganoon specifically kasi kanina pa ho iyon—

SEC. PANELO: Wala, wala pa. Lahat iyon ay rekomendasyon ng IATF at ‘pag nagsalita si Presidente maya-maya lang, maglalabas na ng guidelines consistent with (signal fade).

SOHO: Okay. So, ang puwede ko na lang ho sigurong tanungin sa inyo, bakit ho kinailangang i-elevate from ‘Community Quarantine’ ginawa na hong ‘Enhanced Community Quarantine’ at aside from Metro Manila, buong Luzon na ho? Why? Bakit po na-expand?

SEC. PANELO: Sapagka’t kung mapapansin mo, nagkaroon ng spread sa ibang probinsiya at kinakailangan itigil natin sa isang lugar lamang ang pagkalat ng virus. Kung matatandaan mo rin dati ilan lamang iyang kaso natin – apat, suddenly 140 na tayo. So, there is a drastic need to implement more stringent measures.

Ang—kasi si Presidente nag-aalala na kapag hindi natin naipahinto ito ay lahat talaga tayo tatamaan dahil sinasabi niya nga ang kalaban natin ay hindi natin nakikita at tayo ngayon ang mga sundalo. Pero maliban sa sundalo tayo, tayo rin ang kalaban natin kasi tayo ang nagdadala ng virus. So, we will be fighting ourselves.

Meaning to say, kailangan tayo ay disiplinado sa (signal fade) natin sapagka’t tayo ang mga potential carrier ng lahat, kailangan huwag nating dalhin sa iba kung mayroon man tayo. Iyon nga ang sinasabi mo, maghugas ng kamay, iyong social distancing, lahat iyon kasi ang kaligtasan ng isa ay kaligtasan ng lahat.

SOHO: Oho. Kanina ho nakita kasi natin dito sa community quarantine, Secretary Panelo, na parang hindi ho natupad iyong social distancing kasi nagkumpol-kumpol po doon sa mga checkpoint. So, is that also a reason kung bakit we have to expand?

SEC. PANELO: Exactly, kaya nga kinonsider din iyon. Lalong magkakaroon ng pagkalat kasi noong pinababa mo iyong mga pasahero, tsinetsek mo, lalong nagkumpulan. Ang dami nating nakitang pictures. Iyong bus ganoon din, iyong jeep ganoon din. Kaya nga lahat iyon kinonsider ni Presidente kaya kung ano man ang sasabihin niya sa kaniyang televised message, makinig po ang taong bayan at iyong mga guidelines (signal fade) ay ilalabas para maunawaan natin at malaman natin kung ano ang mga hindi dapat, ano ang puwede at kung ano ang dapat gawin natin.

SOHO: Okay. Maraming salamat po, Secretary Salvador Panelo, ang tagapagsalita po ng Pangulo. Magandang hapon po sa inyo.

SEC. PANELO: Salamat, salamat po sa inyo.

###

Source: News and Information Bureau-Data Processing Center

 

Resource