Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Salvador S. Panelo, DZRH – COVID-19 Alert Special Coverage by Henry Uri



URI: Si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, sa kaniya natin kunin mismo ang katotohanan dito sa mga ganitong kumakalat na balita, to dispute this fake news. Secretary Panelo, Presidential Legal Counsel and Spokesperson of the President, magandang umaga po sa inyo.

SEC. PANELO: Good morning, Henry.

URI: Yes, sir. Ito, iyong binasa kong ito, kumakalat na naman ito sa internet/social media. Maraming nagtatanong din sa akin, I’m sure sa inyo rin ha. Ito iyong sinasabing magdi-declare si Presidente Duterte ng total lockdown sa buong bansa ha, 14 days, this coming week. Ito iyong kumakalat na naman. How true is this, Secretary?

SEC. PANELO: That’s absolutely false. Actually ano na ‘yan eh, ni-repost lang iyan, noong two weeks ago pa iyan eh. Binabago-bago lang nila iyong number of days, number of months… pero pareho rin, they are same. Nanggagaling iyan sa isang source na ang focus lang ay to create panic, to create apprehension, anxiety and confusion. Wala hong katotohanan iyan, hindi iyon mangyayari. Moreover, naka-lockdown na nga tayo eh, ano pa bang tawag mo rito? Lockdown na nga tayo eh.

URI: So ang Presidente ho, ano ang pinakahuling plano niya? Para lang maintindihan ng ating mga kababayan, ano ba ang plano niya?

SEC. PANELO: Alam po ninyo, kaya nga nagkaroon tayo ng tinatawag na isang batas na nagbibigay ng kapangyarihan kay Presidente Duterte na ipatupad ang lahat ng mga mehoras, mga measures na kinakailangan upang maging matagumpay tayo. Kailangan natin ng pera, nagbigay siya ng pera. Kailangan natin ng kapangyarihan upang i-direct niya iyong operasyon ng ospital o ng mga transport at mga hotels kung kinakailangan kung saan iilagay na iyong mga may sakit ng virus, ginawa na rin natin. Binigyan siya ng kapangyarihan na gawin ang lahat na maaaring gawin sa pangkasalukuyang krisis. Kaya ho ipinapatupad na lang natin ito lahat hangga’t hindi tayo nagtatagumpay.

Ang magandang balita, Henry, mga kababayan, mula noong nagkaroon ng lockdown ay nakikita natin na bumababa iyong bilang ng nagkakaroon ng infection. Kaya iyong pagpapatupad po ng lockdown ay nagiging matagumpay lamang sapagkat tayong mga tao ang gumagawa nito. Kung hindi tayo lumalabas nang lumalabas, lumiliit at lumiliit naman ang pagkakataon ng virus na kumapit sa mga kababayan natin. Kung palagi po tayong mananatili sa bahay, eh lalong mawawala ang pagpapalaganap ng virus.

Kaya nasa atin po ang solusyon – ang disiplina natin sa ating sarili: ang pagpapatupad ng mga tinatawag na kalusugan na hygienic; exercises i-observe natin po iyan; ginagawa nating paghuhugas ng ating mga kamay sa tuwi-tuwina; iyong ating pag-iingat sa paglabas natin, nagtatakip po tayo ng ating mga mukha lalo na iyong ating ilong at iyong ating bibig upang hindi natin makuha iyong virus na maaaring mayroon sa ating makakasalubong o makakatabi; iyon pong ating pagkakalayo sa bawat isa nang dati isang metro lang, ngayon ginawa na nilang huwag lalampas sa dalawang metro o bababa. Iyon ho ang gagawin natin at siguradong masusugpo po natin itong virus na ito.

URI: Pero kung itong mga patakarang ito lalabagin natin at hindi natin susundin—

SEC. PANELO: Ay talagang lalaganap nga ang virus. Hindi ho tayo magtatagumpay.

URI: Oho. At kung hindi tayo magtatagumpay—

SEC. PANELO: [Choppy] Henry, ang pagkabigo nito ay galing din sa ating lahat.

URI: Oho. At kung hindi tayo susunod, hahaba pa itong lockdown na ito.

SEC. PANELO: Hindi lang po hahaba, eh mamamatay tayo.

URI: Uhum. So malinaw iyon na mapapadali lang at mapapagaan ang ating buhay, makakalabas muli tayo sa lansangan kung tayo’y susunod. Kung hindi tayo susunod sa patakaran ay lalo tayong…

SEC. PANELO: Eh napakadali lang naman ho talagang sumunod kung gusto natin. Ano ba iyong maghuhugas tayo ng kamay sa tuwi-tuwina, hindi po ba? Ano ba naman iyong tayo’y aagwat sa ating mga nakakausap o nasasalubong ng dalawang metro? O, hindi ba napakadaling gawin naman iyon?

URI: At hindi lalabas ng bahay kung hindi naman kailangan.

SEC. PANELO: —mananatili tayo ng bahay. Iyong mga lalabas, gawin natin iyong protocols.

URI: Oo, iyan. Speaking of which, protocol, Secretary… kukunin lang namin sa inyo, lilinawin lang namin sa inyo… eksakto na sa inyo ano ho manggaling. Kasi lumabas sa isang pahayagan na ang anggulo, tila ipinagtatanggol pa ninyo; ang sabi nga roon ay pinagtatanggol pa ng Malacañang iyong ginawa ni Senator Koko Pimentel na pagpunta sa Makati Med kahit na nagpa-COVID test na siya at alam niya, na may duda na siya na baka nahawa siya ng ibang tao, dapat nag-quarantine na siya.

Pero kayo rin ay agad na nag-issue naman, na sabi ninyo lahat ng tao ay hindi exempted sa batas; anuman ang socio-political status mo, hindi ka sasantuhin ng batas, Secretary. Which is which?

SEC. PANELO: Totoo po iyon, talagang hindi dapat na labagin ng sinuman, ikaw man ay ordinaryong tao, mayaman na tao, opisyal ka… na lalabagin mo iyong quarantine. Sapagkat kaya iyan po ipinatutupad, hindi upang pahirapan ka, hindi upang bigyan ka ng discomfort – kung hindi upang bigyan ka ng proteksiyon sa sarili mo at proteksiyon ng iyong kapwa. Iyon pong ginawa ni Senador Pimentel, ang sinabi ko lang sa interview na inuunawa ko lang siya bilang isang ama na may inaalalang asawa.

Ang sabi ko po ay ganito: Kung alam ni [Sen.] Pimentel na siya ay may virus – dahil sabi niya hindi niya alam. Kung alam niya iyon, eh palagay ko ni hindi siya lalapit sa kaniyang asawa at sa kaniyang magiging anak sapagkat mahahawa at mabibingit sa kamatayan, hindi ba? Walang asawang gustong gawin iyon. Iyon ang sinabi ko lang. Pero iyong [choppy] ay dapat naging mas maingat siya sapagkat sang-ayon sa kaniya nag-quarantine siya. Wala naman daw nagsabi sa kaniya na mag-quarantine siya.

So alam mo kasi ‘pag nag-quarantine ka, ibig sabihin iniisip mo rin na baka mayroon ka na o makakahawa ka. O kung iyon ang kalagayan o kaganapan sa sarili mo, dapat magiging maingat ka lalong-lalo pa mayroon kang asawa at mayroon kang anak na inaabangan.

URI: Oho. Ngayon ano ba talaga ang protocol? ‘Pag halimbawang may nakasalamuha ka kagaya noong mga senador, may nakasalamuha na silang nagpositibo, doon sa Senado marami na silang nakadaupang-palad na mga person under investigation. Kapag ganoon ba, ang protocol ba, ‘pag may nakasalamuha kana, mag-quarantine ka na?

SEC. PANELO: Correct, iyon ho ang protocol diyan. Pero alam mo Henry, suriin natin iyong mga kaganapan. Noon pa ay sinasabi ko na sa kanila [choppy]…

URI: Teka Sec., garbled po kayo. Pakiulit.

SEC. PANELO: Ang sabi ko noon pa, minumungkahi ko na kasi na huwag nang magmi-meeting nang aktuwal o personal at mayroon namang puwedeng teleconferencing na tinatawag eh, puwede naman gawan ng paraan iyan. Gaya noong sa Kongreso, they should have instead of meeting personally, going there actually, inayos muna nila iyong rules na puwedeng sa telepono lamang, puwedeng magdebate sila sa telepono. Eh pero hindi nasunod iyon kaya nagkaroon nang malawak nag pagpapalaganap ng virus.

URI: In other words, iyong pagpunta pa ni Senator Pimentel doon—with all due respect, doon sa Makati Med na dapat nga’y naka-quarantine na siya sapagkat sabi ninyo kung may nakasalamuha ka na, ang protocol, quarantine ka na. In other words, talagang nilabag niya iyong protocol.

SEC. PANELO: Eh ganoon na nga ang lumalabas doon, hindi siya naging maingat. Hindi siya naging maingat sa sarili niya, hindi rin siya naging maingat sa mga masasalubong niya, at lalong hindi siya naging maingat sa asawa’t magiging anak niya.

URI: Okay. Motu propio, anong gagawin ng Palasyo sa kaniya?

SEC. PANELO: Eh gaya po ng sinabi ko na doon sa aking pahayag, lahat ng mga lumalabag ay will have to be dealt with in accordance with law. Ang balita ko ay mayroon nang naghain ng demanda sa kaniyang grupo ng mga abogado. So magkakaroon iyon ng preliminary investigation ‘pag iyon ay naisampa at hahayaan natin ang Department of Justice, na mga prosecutors ang mag-iimbestiga sa preliminary investigation kung ano ang kanilang mga findings with respect to whether there is an existence of a probable cause. In which event kung mayroon eh magpa-file na ng kaso—

URI: Ang tanong ng ordinaryong tao: Eh senador ‘yan eh, baka immune iyan, baka hindi puwedeng kasuhan iyan, baka hindi naman umusad iyong kaso laban sa kaniya.

SEC. PANELO: Ah hindi po. Iyong immunity papasok lamang iyon kung ikaw ay nasa loob ng Kongreso at nagbibigay ka ng pahayag during the special session. Iba ho iyong ginawa niya, hindi siya immune doon. Walang immune doon.

URI: Oho. Immune lamang ang isang mambabatas kung during the session mo siya huhulihin?

SEC. PANELO: Correct. In connection with his speeches o mga sinasabi niya roon, hindi ho siya puwedeng idemanda.

URI: ‘Ayun. All right. Ang pinaka—tila ho yata at maski na ang Presidential Security Group ay nagulantang kayo doon sa ginawa ni Congressman Eric Yap, na ayon kay PSG Commander Jesus Durante, hindi niya dineklarang lahat ang sinasaad—‘di ba ‘pag papasok tayo sa Malacañang Secretary, pinipirmahan natin iyong mga bagay-bagay tungkol sa ating kalusugan ano ho?

SEC. PANELO: Oo, kasi nakalagay doon na nagkaroon ka ba ng virus o nagkaroon ka—ikaw ba’y under PUI o PUM, o kaya mayroon ka bang nararamdamang sinat, inuubo ka ba, may sipon ka ba… Kasi ‘pag nilagay mong ‘oo’ iyon, eh hindi ka na papapasukin ng Malacañang.

URI: Ang problema, hindi iyon daw ho dinisclose ni Cong. Yap sabi ng PSG.

SEC. PANELO: O iyon nga ang problema kaya lumabag din siya, kaya maari siyang hainan ng kaso. At palagay ko, ganoon ang gagawin ng PSG.

URI: Oho. Naku eh sabi nga ni Col. Durante, he endangered the—iyong halos buong Malacañang na iniingatan nilang hindi makontamina, Secretary.

SEC. PANELO: Yes, correct. Tama siya doon.

URI: So, ngayon ano ang latest na? Ano na ang magiging paraan ng pagpupulong ng IATF? Kung mayroong pagpupulong ang mga Gabinete kay Pangulong Duterte, ano na ang magiging pamamaraan ninyo ngayon within your ranks?

SEC. PANELO: Ngayon ang IATF ay—kasalukuyan nagkakaroon ng teleconferencing. At ganoon din si Presidente, kung gusto mo siyang makausap, eh sa telepono na lamang.

URI: All right. Kumusta ang Pangulo, alam ko nagkakausap kayo. Kumusta na ho siya ngayon at nitong mga nakaraang araw?

SEC. PANELO: Ang pagkakaalam ko naman ay nasa mabuting kalagayan at kalusugan si Pangulong Duterte.

URI: Oho. At hindi naman siya kuwan ‘di ho ba, hindi raw ho siya nagkaroon ng close—kumbaga face-to-face contact kay Congressman Yap eh, ano ho?

SEC. PANELO: Hindi, wala siya. Noong nagpunta doon si Cong. Yap, wala siya doon sa meeting, wala siya sa meeting.

URI: Oho. Si Senator Bong Go ay nag-self-quarantine. Ang Pangulo ba ay kailangan ding mag-self-quarantine? May advice ba sa kaniya ang mga doktor na mag-self-quarantine din siya?

SEC. PANELO: Eh si Presidente naman halos nagsi-self-quarantine naman doon sa Bahay Pagbabago, hindi naman siya lumalabas eh.

URI: Oo, sabagay nga.

SEC. PANELO: Lumalabas lang siya kung nagmi-meeting, at bihira naman iyong meeting namin. Saka maingat ang mga PSG doon, ni hindi ka makalapit sa kaniya at lahat kami naka-protective gear – mayroong mask, malayo ang agwat, kaya nasa mabuting kalagayan si Pangulo.

URI: ‘Ayun. At ngayon ay nakikipag-usap na lamang siya, teleconference na lang?

SEC. PANELO: Oo, telecon—gaya noong ginawa namin noong isang araw. ‘Di ba nag-teleconference kami sa—

URI: Oo. Anyway ulitin lang natin, iyon uling unang tanong ko sa inyo kanina: total lockdown sa buong Luzon, buong Pilipinas o ano pa man, saan man… 14 days, isasara daw lahat establisyimento. Pakiulit uli ninyo kung ano po ang katotohanan dito bago ko kayo bitawan sa himpapawid.

SEC. PANELO: Iyon hong total lockdown, dati na tayong naka-total lockdown – except iyong mga establishment na binanggit ni Henry like iyong supermarket, grocery, botika… iyon ay talagang bukas sapagkat iyon ang ating bloodline, kailangan tayong makapasok doon upang tayo’y makakain… ng ating mga pangangailangan sa araw-araw. Kahit na lockdown tayo, eh kailangan iyong supply na iyon, iyong chain na tinatawag na iyon na hindi pupuwedeng maputol.

Kaya iyon hong mga deliveries ng food supply from one province to another, to Manila and Manila to others eh hindi dapat napuputol iyon. That is precisely why iyon pong PNP ay nag-takeover na ng mga checkpoints kasi mayroong mga natatanggap kaming balita na iyong mga iba-ibang LGUs eh mayroon kaniya-kaniyang estilo ng pag-checkpoint; at iyong hindi nakakaalam eh nahihinto iyong delivery ng mga food supply. Kaya para maiwasan lahat iyon, eh iyong buong PNP na ang magpapalaganap noon at magbabantay sa mga checkpoints.

Iyon din pong mga pagpapatupad noong mga measures gaya halimbawa ng mga distribution ng mga donasyon, ng mga PPEs—oh by the way Henry, may maganda akong balita. Si Jack Ma nagpadala ng 400—kung hind ako nagkakamali, more than 400,000 na surgical mask.

URI: Wow! Surgical mask iyon ha…

SEC. PANELO: And earlier on, I think 6 to 7 days ago, nagpadala ang Chinese government ng isandaang libong personal protective equipment o—

URI: PPE.

SEC. PANELO: O iyon na nga, maskara, gloves, goggles… mayroong cover sa mukha, mayroong cover sa ulo, mayroong cover sa sapatos.

URI: Iyon na nga iyong PPE eh.

SEC. PANELO: Oo. Isandaang libo iyon ha, isandaang libo! At mayroon po tayong testing centers na sampunglibo, kaya may mga itinayo na hong mga testing centers. Kaya mas madali na ho nating malalaman at maa-isolate iyong mga under investigation—

URI: Is the President—Secretary, is the President supportive doon sa mass testing?

SEC. PANELO: Ang lahat ng iyan Henry ay susuportahan ni Presidente kung nandiyan na iyong lahat ng kasangkapan. Kasi kung wala naman eh papaano natin maipapatupad iyon. That is precisely why we’re establishing test centers dito sa Maynila at sa Visayas at sa Mindanao [choppy] natin iyong pag-test. Kasi kailangan malaman talaga natin iyong walang sakit at hindi exposed at hindi infected para ma-isolate na natin sila.

Kaya hindi ba naghanap na nga tayo ng mga ospital na puwedeng paglagyan lamang ng lahat para isa lamang na lugar na mayroong infected. At mayroon ding isang lugar na under monitoring ka at mayroon ding isang dapat na lugar na under investigation ka. Sa ganoon, eh mailalayo ka sa buong populasyon na hindi naman… mayroong ganoong mga sintomas.

URI: ‘Ayun… At alam ninyo Secretary, nabanggit ninyo na rin iyan si Jack Ma o Alibaba ‘no. Dito sa ating bansa maraming mga private company na kagaya ho nito raw na Lion Air at Safe Air nagpahiram na ho pala sila ng eroplano sa Department of Health para sa pagdadala ng mga iba’t ibang kailangan sa mga probinsiya naman.

SEC. PANELO: Ngayon na nabanggit mo iyan, buti naman binanggit mo iyon. Sapagkat mayroong mga pribadong—like iyong Filipino-Chinese businessmen, marami nang dinonasyon iyon na mga PPEs at mga pagkain. At itong grupo naman ni Charlie Chen ng Love, Charity Plus Foundation, eh kahapon nagbigay dito sa aking lugar ng maraming PPEs at pinadala namin the other day sa UERM. At iyong dinala ngayon ay papadala naman natin bukas. Ganoon din, lumikha sila rin ng grupo na magbibigay ng mga pagkain doon sa mga pulis at mga gloves at mga mask para sa kanila.

Alam mo nakakatuwa, may kinuwento sa akin si Charlie Chen. Kahapon daw doon sa kaniyang restaurant sa BGC, habang sila raw ay nagpiprepara nitong mga ibibigay nila sa mga ospital, mayroon daw biglang pumaradang isang kotse. May bumabang isang tao tapos nag-iwan ng tatlong daang libo doon sa pinto niya, tapos tumakbo na, umalis na. Ibig sabihin iyong tatlong daang libong ngayon na gagamitin para sa paglaban sa COVID.

Mayroon pa akong ibibida sa iyo. Itong si Edgar Cabangon Chua, binigay iyong kaniyang mga hotel para ilagay natin diyan iyong mga infected at saka iyong mga may sakit. Si Mayor Joy Belmonte rin, kawawa nga itong si Mayor Joy Belmonte sinisiraan, pero isa siya sa mga mayor kagaya ni Mayor Francis Zamora at saka ni Mayor Abalos ng Mandaluyong, ganoon din iyong iba pang mayor sa Metro Manila na ginagawa ang lahat upang mabigyan nang karapat-dapat na katugunan ang mga problema ng kanilang constituent. Alam mo nga si Mayor Joy Belmonte nagtayo ng—hindi nagtayo kundi isang hotel, kinonvert (convert) niya na sa isang ospital.

URI: All right. Iyon palang Lion Air daw ho Secretary, dalawang eroplano na ang lumipad ng Iloilo, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao… at today ay sa Cagayan De Oro. Iyong Pure Force at saka iyong Rosita Soliman Foundation ni Ginoong Jojo Soliman namimigay ng bigas, pagkain at sila iyong nasa likod ng disinfection sa halos buong Maynila at iba’t ibang panig ng Metro Manila. Iyan, iyan ‘yung mga nasa private sector.

SEC. PANELO: Ganoon din Henry iyong ano pala ha… ang Philippine Airlines at ang Cebu Pacific ay ready silang gamitin ang kanilang eroplano sa mga emergency. Apart from that, sang-ayon kay Michael Tan at pinakita sa akin iyong pictures, pinadala sa akin, nag-donate sila ng alcohol, ang dami, galon-galon ng alcohol para sa—para magamit natin laban sa COVID.

URI: Sec., isa na lang. Iyong mga kababayan natin, may mga nagrereklamo na narinig daw nila sa Presidente ay walang sisinuhin sa pamimigay ng food packs, relief goods kahit na hindi botante, kahit na anong estado sa buhay. Teka muna, ano nga ba talaga ang instruction ng Pangulo sa mga chairman sa pamimigay ng food packs? Mayroon bang priority dapat? Mayroon bang uunahin? Sino ba?

SEC. PANELO: Wala hong priority diyan. Ang DSWD ay mayroon na hong plano kung papaano ibibigay iyong mga amelioration assistance sa lahat ng mga household lalong-lalo na po doon sa 18 million na isang kahig, isang tuka.

URI: Iyon ang priority. When you say ‘lalung-lalo na’, they are the priorities.

SEC. PANELO: Correct. Kasi tayo naman na may mga salaries eh medyo mas nakakaangat tayo doon sa mga isang kahig, isang tuka kaya iyon ang bibigyan natin ng priority. That is why, Henry, 200 billion ang binigay ng Kongreso para doon, nakalaan para sa kanila.

URI: Uhum. Bilyon iyon ha, bilyon… 200 billion.

SEC. PANELO: Billion ito, B as in Boy – billion. Kaya hindi ho dapat na mangamba iyong ating mga kababayan na nandoon sa klasipikasyon ng isang kahig, isang tuka. Sinu-sino ba ito, kailangan malaman nila. Iyong nagtitinda ng balot, nagtitinda ng diyaryo, nagtitinda ng tinapay, nagtitinda diyan sa palengke, iyong maliliit na karinderya diyan na hindi na mabuksan, iyong mga drivers ng tricycle, ng jeepney. Iyon hong—basta isa—iyong pang-araw-araw na kung hindi ka magtrabaho, wala kang kakainin. Iyon ho ang priority ng gobyerno.

And bago ako magtapos Henry, nangako ako kay Mayor Joy Belmonte na kung magkaroon ako ng pagkakataon linawin. Dahil may kumalat pala na nagdi-distribute siya ng food packs. Eh mayroong sumisira sa kaniya na pinalabas na ang worth daw ng kaniyang food pack ay P2,500. Eh noong tinanggap daw ng mga tao, bakit P500 lang. Eh nagkausap kami ni Mayor Joy sabi niya, “Eh talaga namang P500 hindi P2,500. Sinisiraan lang ako.” Kawawa naman, eh gumagawa nang tama, sinisiraan pa.

URI: Secretary, maraming salamat po sa inyo for explaining and discussing things with us. Salamat.

SEC. PANELO: Maraming salamat, Henry.

URI: Thank you. Si Secretary Salvador Panelo, Tagapagsalita ng Pangulo. Chief Presidential Legal Counsel.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource