Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Deo Macalma (DZRH – Damdaming Bayan)



MACALMA:  Sec. Harry Roque, sir, magandang umaga po sa inyo.

SEC. ROQUE:  Yes! Magandang umaga, Deo. Magandang umaga, Pilipina.

MACALMA:  Secretary, ano po ang plano ng ating pamahalaan, kailan daw po ibabalik ang mga pampasaherong bus at jeepney? Kasi marami po ang nai-stranded, wala pong masakyan papunta sa kanilang mga trabaho, Secretary, sir.

SEC. ROQUE:  Well, unang-una po, pasensya na po dahil alam ninyo naman talagang nagbubukas tayong muli at tinitimbang pa rin natin iyong kalusugan, social distancing sa ating mga bus at iyong pangangailangan na magsimula uli magkaroon ng hanapbuhay. So, kauna-unahang araw naman bukas, sana po maintindihan ng lahat.

Ganun pa man, kahapon ay nag-deploy po ng mga bus ang parehong MMDA at ang ating Hukbong Sandatahan – nagbigay na po sila ng libreng sakay.

At mamaya po, magiging bisita ko po sa aking press briefing at twelve noon si Sec. Tugade para malaman natin kung ano pang hakbang na gagawin ng DOTr dahil napakadami nang nakakarating na impormasyon sa atin tungkol sa kakulangan ng sasakyan.

Pero, Deo, bagamat kulang po ang sasakyan, by and large naman napansin po natin hindi naman masyadong naging problema ang traffic kahapon at mukha namang maayos po rin ang pagtakbo ng ating MRT at ng ating PNR.

Pero tama po kayo, kulang pa rin po ang mga bus at titingnan po nating kung anong sasabihin ng DOTr mamaya po. Abangan po natin ang magiging pronouncement ni Sec. Tugade.

MACALMA:  Well, sa bagay, in fairness sabi naman ng PNP generally peaceful po ang unang araw po ng implementasyon ng GCQ, Sec. Roque, sir?

SEC. ROQUE:  Opo, opo. Nagpapasalamat po kami sa kooperasyon ng lahat at talaga naman pong nagpapakita na ang Pilipino eh kaya naman pong maging disiplinado at kapag may disiplina nagiging maayos naman po.

Pero alam ko po may gusot pa kaya po minabuti na nga natin na si Sec. Tugade na ang haharap mamayang alas dose.

MACALMA:  Magdadagdag kaya, Secretary, sir, ng mga sasakyan? Libreng sakay po para sa ating mga kababayan?

SEC. ROQUE:  Alam ninyo, malungkot nga, sa EDSA walang dumadaan doon sa bus lane. Sabi ko, nasaan ang mga bus? Bakit tayo nagkaroon ng bus lane nang wala namang bus. [laughs]

MACALMA:  Iyon nga po eh, oo…

SEC. ROQUE:  Siguro naman po magdadagdag po sila, kaya lang sinisiguro nila iyong social distancing kasi handa na iyong mga bus lanes eh. So a matter of talagang deploying the buses at alam ko naman first day kahapon, titignan natin kung anong mangyayari ngayon at saka bukas po.

MACALMA:  Sa bagay siguro ang rason diyan, Secretary, sir, kaya maluwag ang EDSA eh bukas na po ang MRT kasi, sir eh, LRT, kaya siguro wala masyadong gumamit ng bus sa kahabaan ng EDSA?

SEC. ROQUE:  Opo at saka ang balita nga po natin bagamat kaunti lang ang capacity ng LRT at MRT eh mayroon pa rin silang under capacity muli dahil kakaunti pa rin ang kumukuha ng MRT at LRT. So, iyong mga wala pong masakyan, kaya na pong sumakay ng MRT at LRT bagamat napakababa po ng capacity nila dahil kulang pa nga iyong pasahero na kumuha po ng MRT at LRT kahapon.

MACALMA:  Sec. Roque, sir, sa mga flights po, iyong mga domestic flights, aba’y mukhang ayaw pa rin po ng mga LGUs na papasukin ang mga pasahero galing po ng Metro Manila. Katulad ng Cebu Pacific, nagkansela po sila ng flights sa GenSan, sir, dahil ayaw po silang papasukin doon. Ano ba ang gagawin natin dito, Secretary, sir?

SEC. ROQUE:  In fact, hindi lang po Cebu Pacific, pati po ang PAL at naging dahilan na nga para iyong CAB ay ikansela muna ang mga flights dahil nga po problema talaga iyong mga LGUs na hindi tumatanggap ng mga pasahero. Eh, ano naman ang gagawin natin, makakarating sa destinasyon iyong mga pasahero, hindi naman papapasukin ng LGU.

So, nagkakaroon po ng ugnayan ngayon sa panig po ni Chief Implementer Sec. Galvez at ni DILG Sec. Año sa mga LGUs kung saan nagsisimula na tayo ng mga flights. So, ang pakiusap naman siguro ng ating gobyerno, puwede naman silang gumawa ng mga hakbang na para siguraduhin na hindi papasok sa kanilang mga probinsiya ang COVID-19 pero hindi po talaga pupuwedeng ma-paralyze ang economy. Puwede nilang i-quarantine, puwede nilang i-rapid test, puwede nilang i-PCR kung gusto nila pero lahat po iyang mga hakbang na iyan ay dapat po coordinated doon sa desisyon na buksan na natin ang ating ekonomiya.

MACALMA:  Uhm… Ayan, isa pa, siguro Secretary, sir, ayan… Wala bang gagawing paalala ang Malacañang kasi mukhang ang ilang pulis natin sa—of course, minsan hindi natin masisisi ang mga pulis dahil marami po ang matitigas ang ulo pero iyong nangyari po sa Davao, Secretary, sir, iyong ilang pulis doon, iyong lumabag sa curfew hours at saka liquor ban pinalangoy po sa kanal, Sec. Roque, sir. Baka magaya tayo sa Amerika.

SEC. ROQUE:  Well, nagsalita na po si Mayor Sara diyan hindi po iyan sang-ayon sa IATF, hindi po iyan sang-ayon sa regulasyon at batas ng PNP at nagkakaroon na rin po ng imbestigasyon ang ating PNP diyan.

MACALMA:  Secretary, isa pa po. Alam natin na maraming nagrereklamo ngayon, marami tayong tinatanggap na reklamo rito, mayroon po bang policy, sir, na—puwedeng pakialaman ng Bangko Sentral ng Pilipinas kasi iyon pong mga interest rate, sir, ng mga credit cards, mga loans?

Kasi ang sabi ng Presidente nang magkaroon po tayo ng COVID-19, iyong mga ganiyang interes, iyong mga dapat may moratorium ng interes, pagbabayad ng  mga credit cards, mga loans, pero ang ibang bangko, sir, eh ano na … nag-i-implement na po ng penalty at saka interes doon sa mga atrasado ng pagbabayad ng mga credit cards, mga loans, Secretary, sir?

SEC. ROQUE:  Mali po iyan kasi nasa batas iyan—

MACALMA:  Naku! Iyan nga—

SEC. ROQUE:  Ang grace period po ay thirty days upon lifting of MECQ. So, kung ang credit card mo ay due ng 31 May, eh mayroon ka pang 30 days para magbayad. So, malinaw po iyan, batas po iyan hindi ang iyan IATF resolution.

MACALMA:  Naku! So, anong dapat gawin, sir, ng clients ng mga ganitong credit cards companies?

SEC. ROQUE:  Well, mag-report po tayo sa DTI at saka sa BSP kung kinakailangan kasi may mga bangko po na sila rin ay nag-iisyu ng credit card.

MACALMA:  Secretary, sir, ang Pangulong Duterte ay hindi muna pupunta ng Malacañang. Kaya bo ay kasama sa pupunta sa Davao sa Huwebes?

SEC. ROQUE:  Opo, opo. Nagtatrabaho po ang Presidente kahit nasaan siya.

MACALMA:  Ayan… So, ano ang paalala natin, Secretary, sir? Panawagan natin sa ating mga kababayan ngayong ikalawang araw po ng GCQ at marami pa rin po ang kinakaharap nating mga problema?

SEC. ROQUE:  Mayroon pa rin pong “Q”, mayroon pa rin po tayong quarantine. Kinakailangan mag-ingat, social distancing, good hygiene, pagsusuot ng mask dahil kung hindi po baka lalo tayong mawalan ng hanapbuhay.

Itinataguyod po natin at binuksan natin ang ekonomiya para magkaroon ng hanapbuhay, pero huwag naman dahilan po ito para tayo po ay tuluyan nang mawalan ng buhay. Ingat po tayo.

MACALMA:  Secretary, sir, maraming salamat. Magandang umaga po sa inyo.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga po.

MACALMA:  Mga kaibigan, Secretary Harry Roque.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)