DEO MACALMA: Senator Harry Roque Sir, magandang umaga po sa inyo, senator!
SEC. ROQUE: Magandang umaga Lakay at magandang umaga Pilipinas.
DEO MACALMA: Ayan, kumusta ba kayo Secretary, Sir?
SEC. ROQUE: Ito naman po, mabuti naman po at patuloy pa rin ang pananalita, patuloy pa rin po ang pang-eengganyo sa ating mga kababayan na magpabakuna na lalung-lalo na dahil nandiyan na po iyong nakakahawa at nakakamatay na Delta variant.
DEO MACALMA: Ayan. Three days na lamang po Secretary Sir, at gagawin na ang SONA ng Pangulong Digong Duterte, ano Secretary, Sir? Ano po ba ang mga nilalaman ng SONA ng Pangulong Digong? Alam ko, alam mo ito dahil nag-practice na daw po siya kahapon, nag-rehearsal na siya.
SEC. ROQUE: Well, siyempre po ito ang kahuli-hulihang pagkakataon na magso-SONA ang Presidente. Siya po ay magpi-prisinta ng summary ng lahat ng kaniyang nagawa, ng kaniyang administrasyon nang nakalipas na limang taon at sasabihin na rin niya ano ang kaniyang magiging prayoridad sa natitirang isang taon.
Nandiyan po ang ekonomiya, nandiyan po ang ating panglabas na relasyon, nandiyan iyong ating pandemic response at siyempre po inaasahan natin, dahil nandiyan pa rin ang pandemya ay kasama pa rin kung ano po iyong mangyayari sa ating pandemic response lalung-lalo na iyong ating pagbabakuna at iyong mga hakbang na gagawin natin dahil nga sa Delta variant.
DEO MACALMA: Ayan. Alam mo Secretary Harry Roque, Sir, medyo mabagal yata ang dating ng ating bakuna kaya iyon pong mga LGUs natin nadi-delay iyong vaccine rollout dahil wala pong dumadating na vaccine. Bakit po nadi-delay, Secretary Sir, ang dating ng vaccines mula sa abroad?
SEC. ROQUE: Well unang-una, talaga naman pong napaka-tight ng ating supply dahil ang demand ay napakalaki. Pero actually, kung hindi po ako nagkakamali, ano? Mayroon na po tayong dumating na imbentaryo, mayroon na tayong imbetaryo na 10 milyon. Ibig sabihin eh biglaang ipinapakalat na po iyan at sunod-sunod na iyong ating pagbabakuna muli.
Ang talagang sabi lang po ni Secretary Galvez, ay talagang mahirap makakuha ng bakuna sa unang linggo ng kada buwan. Kaya nga, ninais na niya mag-stockpile na tayo para hindi na tayo natitigil.
Pupuwedeng babagal nang kaunti. Pero nangyari po nitong mga nakalipas na panahon ay may ilang mga lugar na tumigil dahil wala na silang bakuna. Pero, iyan po ay iniiwasan na nating mangyari ngayon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng inventory at mayroon na nga po tayong 10 milyong inventory. So, tuluy-tuloy na po muli diyan.
DEO MACALMA: Mga ilang milyong vaccines pa ba ang kailangan natin Sir, para magkaroon tayo ng herd immunity, ‘ka nga?
SEC. ROQUE: Ang tawag po natin ay population protection or containment. At least ang ating 50% dito sa Metro Manila na naging kuta naman talaga ng COVID-19 at ganoon pa rin po ang ating ibig sabihin, pero importante po kung mga 50 milyon na ang ating maturukan na.
Ngayon po ay nasa 15 milyon na po tayo at ngayon mayroon na tayong buffer na inventory na 10 milyon eh makakamit na po siguro natin iyong 500,000 a day dahil ngayon po ay halos 400,000 a day na po ang ating nakakamit na daily jabs.
Ang problema lang po talaga kinakailangan magkaroon ng steady source of supply at ngayon po ay dumarating na iyong bultong order natin at kaninang umaga po may dumating na naman na Sinovac.
So, napakadami na po ng supply natin na Sinovac. Iyon po ang naubos kasi, for the first time parang naubusan tayo ng Sinovac o iyong ating kumbaga may delay po, pero darating pa rin po iyong bulto ng ating mga binili na kasama na po diyan ang Pfizer at iyong iba pang mga western brand na AstraZeneca at saka Moderna
DEO MACALMA: Hindi ba natutuwa ang Malacañang, Secretary Harry Roque Sir, kasi noong una, di ba takot ang mga tao na magpabakuna pero ngayon kahit bumabaha, bumabagyo nakapila para magpabakuna?
SEC. ROQUE: Nagagalak po kami dahil talaga naman pong laban sa banta nitong Delta variant talagang pagpapabakuna ang ating proteksiyon bagama’t pinaalalahanan natin ang lahat na habang wala pang bakuna at maski mayroon na pong bakuna kinakailangan ‘Mask, Hugas, Iwas’ pa rin po dahil ganiyan talaga iyong anyo ng ating kalaban na hindi natin nakikita. ‘Mask, Hugas, Iwas’ pa rin po ang ating sandata.
DEO MACALMA: Ayan. Secretary Sir, kumusta po si presidential son Vice Mayor Baste? Aba’y sabi ni Mayor Inday, tinamaan din daw po ng COVID-19 at nag-usap nga raw po sila ng Pangulo. Ano po ang sitwasyon ni Vice Mayor baste?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo naman po talaga na itong COVID na ito ay walang pinipili, pati iyong mga presidential son ay nahahawaan. Well, okay naman po siya at malusog naman po si Vice Mayor Baste, it helps na bata po siya at saka physically fit. So, ang alam ko po ay wala naman pong problema, bagama’t nag-test positive nga po siya?
DEO MACALMA: Delta variant ba Sir, iyong tumama kay Baste?
SEC. ROQUE: Ay, hindi po natin alam iyan. Pero, wala pa naman pong napapaulat na Delta variant na nakakarating po ng Davao.
DEO MACALMA: Ayan. Naku, Secretary, Sir, [unclear] sa tweet ni Spokesman Barry Gutierez, ang spokesman ni Vice President na nagsisinungaling daw po kayo na pinili ni VP Leni na maging leader ng oposisyon at nagpakita pa ng text message ng isang CabSec Jun na hindi na raw pinagri-report si VP Leni sa lahat ng mga Cabinet meetings.
SEC. ROQUE: Ang tanong po kasi [unclear] bakit ba hindi siya pinareport? Nakalimutan niya na ba na habang siya ay itinalagang gabinete, miyembro ng gabinete sa housing ay kung anu-ano ang pinagsasabi niya laban sa administrasyon ni Presidente Duterte.
Kung hindi ako nagkakamali doon pa nga yata sa New York. Anyway, mamaya po ipi-play natin muli kung ano iyong mga pinagsasabi niya na dahilan kung bakit hindi na siya inimbitahang umupo nga po doon sa mga pagpupulong ng Gabinete.
So, siyempre po, may dahilan at kaya nang sinabi ko na ninais niya na maging lider ng oposisyon at mamulitika, ito nga po iyon habang siya ay itinalagang Housing Secretary ay [unclear] ng husto iyong kaniyang Presidente.
Hindi naman po pupuwede na alter ego ng Presidente, siya pa mismo ang naninira at akala siguro ni Barry ay makakalimutan na ng taong bayan kung ano ang nangyari na iyon. Mamaya po uulitin natin nang maalaala ng lahat kung ano iyong nangyari.
DEO MACALMA: Ayan. Secretary Sir, ayan imbitado nga ba ng Pangulong Digong si Vice President Leni, sa kaniyang last SONA.
SEC. ROQUE: Hindi po Presidente ang nag-iimbita. Iyan po ay Kamara De Representantes, kasi sila po ang host. So, ang pagkakaalam ko naimbita naman po si Vice President Leni.
DEO MACALMA: Ayan. At ang latest report Secretary Sir, inayos na daw po ng Pangulong Digong ang kaniyang senatorial line-up ng administrasyon. Kasama nga ba si Willie Revillame sa mga senatorial candidate ng administration, Secretary Roque, Sir?
SEC. ROQUE: Iyan po ako ay nasisigurado ko na, dahil parang inimbita na talaga siya ni Presidente.
DEO MACALMA: Eh si Robin Padilla, at saka si Raffy Tulfo?
SEC. ROQUE: Hindi ko pa po alam, ang masisigurado ko lang po ay si Willie Revillame.
DEO MACALMA: At ilan kayong Cabinet member Secretary Sir, nang tatakbong Senador?
SEC. ROQUE: Hindi ko pa po alam, kasi wala pa naman pong mga desisyon yata iyong ating mga kasama sa Gabinete at kasama na po ako doon. Sinabi ko nga kahapon, nakatutok po tayo dito sa vaccine at inaasahan natin na siguro kung mayroon na tayong containment, kahit papaano puwede nang pag-isipan iyan. Pero, ngayon po abalang-abala tayo na hikayatin ang ating mamamayan na magpabakuna na.
DEO MACALMA: Ayan. Pero, kayo Sir, sure ng tatakbong Senador?
SEC. ROQUE: Ay hindi pa po. Tayo po ay nag-iisip pa at kagaya ng aking sinabi, bumalik naman po ako dito sa katungkulan bilang spokesperson sa panahon ng pandemya dahil alam ko malaking papel ng spokesperson sa mga panahong ito. Kaya nga po napakahirap pong isipin ang isang bagay habang kasagsagan pa ng pandemya at nandiyan pa ang Delta variant. Kung wala po sigurong Delta variant napakadaling magdesisyon.
DEO MACALMA: Secretary, last na lang po. Anong stand po, anong sabi ng Pangulo at ng IATF sa rekomendasyon ng mga mayors sa Metro Manila na bawalan munang lumabas ang mga bata, 5 years old pataas, Secretary Sir?
SEC. ROQUE: Wala pa po. Iyan po ay ipiprisinta sa pagpupulong ng IATF sa Thursday, which is today, mamaya po ano. So, asahan po natin na baka mamaya ay magkaroon po ng desisyon.
DEO MACALMA: Secretary Harry Roque, Sir. Maraming salamat, good morning. Thank you.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po Lakay, magandang umaga po.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center