Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Alex Santos and Vic De Leon Lima – Santos at Lima sa 882/DWIZ



SEC. ROQUE:  Maayong buntag galing dito sa Bohol, Kasamang Vic. At magandang umaga rin, Kasamang Alex.

Q:  Ikaw, Secretary, pangalawa po na iyan eh. Noong una nasa Boracay ka, hindi mo kami isinama; nagpunta ka ng Bohol, ikaw na namang mag-isa – pambihira namang buhay ito.

SEC. ROQUE:  Alam mo talaga, Vic, napakahirap ng trabaho ng Spox talaga, lalung-lalo na binubuksan natin ang ekonomiya at ang turismo. Naku, talaga, hardship post. [laughs]

Q:  Pero what’s happening? How is Bohol, kumusta?

SEC. ROQUE:  Napakaganda po ng Bohol. Kahapon po ay shinoot namin iyong ating video para sa Bohol, nanggaling kami sa Chocolate Hills, doon sa Loboc River. Alam ninyo, mayroon na silang bagong, kumbaga, iyong kakainan sa tanghalian ‘no, bagung-bago, ethnic ang itsura ‘no. At nandiyan pa rin po ang Tarsier natin. So napakaganda po ng Bohol.

Q:  Ano po iyan, Secretary, bukas na po ang turismo ng Bohol for everyone? Tama po ba?

SEC. ROQUE:  Magbubukas po sa a-kinse ng Nobyembre. Mamaya po sa press briefing, kasama po natin si Governor Arthur Yap ‘no.

So, napakaganda po ng sistema dito, Kasamang Vic at Alex. Magpa-preregister ka habang hindi ka pa dumarating sa Bohol, pagdating mo bibigyan ka nila ng card. Tapos iyong card, iyon na lang iyong babarilin nila para sa contact tracing. So pagka-landing na pagka-landing doon sa airport, babarilin ka nila, “You have entered Bohol.” Tapos kung saan ka papuntang mga tourist site eh ipapasok din nila iyon, babasahin din nila iyon. So register in ka; tapos kapag lalabas ka na, register out.

So alam mo, wala talagang delay pagpasok ng Bohol at saka wala ng sulat-sulat, everything contactless. Impressive po, impressive!

Q:  At bakit nga ba ho napag-igihan po ng ating pong pamahalaan na ang Bohol po ay buksan? Dahil nga ba COVID-free na po sila, sir?

SEC. ROQUE:  Well, alam ko po, ever since, dahil isla naman po ang Bohol, talagang napanatili iyong kalusugan ng kanilang mga kababayan dito ‘no. Pero ngayon po talaga, kaya talaga sila magbubukas dito po sa hotel kung saan kami naka-stay eh dati po 1,100 ang mga nagtatrabaho; ngayon po, 60. So, makikita po natin talaga iyong impact sa turismo noong nagsarado po ang Bohol dahil sa pandemya.

Q:  At saka they have no choice, nagbaba talaga sila ng presyo.

SEC. ROQUE:  Opo. Nagbabaan po sila ng presyo ngayon, hindi lang po 40% off, parang hanggang 60, 70% off. Pero siyempre po hindi pa rin po dumarating ang mga turista at November 15 pa naman po magbubukas, so expected naman po iyan.

Q:  Pero ang mithiin po ng ating Pangulong Duterte, Secretary, is talagang pautay-utay ang every province to open their tourism industry, sir ‘no?

SEC. ROQUE:  Well, si Presidente na nga po nagsabi sa kanyang commercial ‘no, kinakailangan pag-ingatan po ang ating mga buhay para tayo ay makapaghanapbuhay.

Unti-unti po ang pagbukas ng ekonomiya, pero panahon na po para iahon natin sa kagutuman ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng … bigyan ang pagkakataon na makapaghanapbuhay muli ang lahat.

Q:  Si Pangulo po ay nasa Davao ngayon, sir ‘no?

SEC. ROQUE:  Nasa Davao po ngayon si Pangulo, opo.

Q:  Kanina po narinig ko sa radio, mayroon daw hong proposal itong si Congressman Janet Garin, which I think is in the table of Executive Secretary Medialdea, tungkol po sa mga testing kits na lagyan ng SRP or ceiling. What is the update on that, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, inaantay na lang po natin ang desisyon ng Presidente, tapos na po lahat ng staff work ‘no. So it’s a matter of time po ‘no. I think anytime the President will sign his executive order.

Pero uulitin ko po ha, sa Metro Manila may mga lugar naman pong mura nakukuha ang PCR, diyan sa Philippine Children’s Medical Center, sa NKTI, sa Lung Center, sa Perpetual Help. At siyempre po sa buong Pilipinas, marami rin pong mga lugar na iyan na nakukuha na 1,500 hanggang 2,000 ang PCR-test. Tangkilikin po natin itong mga lugar na ito.

Q:  And dito po sa anunsiyo ng Pangulong Duterte to putting up a mega task force, kumusta po ang tugon ng mga government agencies head? Sila po ba ay tutupad at itigil na ang korapsyon, Secretary?

SEC. ROQUE:  Opo. Well, nagagalak naman po tayo na nagko-cooperate po ang iba’t ibang sangay ng gobyerno. Unang-una lang po talaga siyempre sa DOJ eh iyong ating PACC, iyong ating NBI, iyong ating AMLC, iyong ating ARTA at pati po iyong mga constitutional bodies ay tutulong din naman po bagama’t sila po ay independiyente at hindi masasakop sa mga findings ng ating mega task force.

Pero tingin ko po sa karanasan ng PhilHealth na alam naman ninyo sa PhilHealth ‘no, napakatagal nating binusisi talaga iyan, at talagang nung sinabi na kinakailangang mag-imbestiga ay nangyari naman po matapos magkaroon ng task force.

Q:  Pero sinasabi daw po, hindi ba daw puwedeng sakupin rin po itong mega task force ang mga ibang mga sangay po ng ating pamahalaan like legislative at judiciary. Dapat ano lang daw ito, executive branch lang daw ito, Secretary.

SEC. ROQUE:  Well, lilinawin ko po ‘no na ang obligasyon po ng Presidente ay ipatupad ang batas, at iyan po ay ang batas naman natin na sumasakop sa mga public officials, lahat po iyan ay sakop.

Pero mayroon po talagang mga jurisprudence diyan: Unang-una, sa Supreme Court, tanging Supreme Court lang ang pupuwedeng magdisiplina ng mga huwes ‘no. So in that sense, hindi talaga magagalaw.

Pero pagdating po sa Kongreso, ang kanilang immunity ay para doon sa mga napaparusahan lang ng six months and one year kapag libel ‘no. So kapag ang krimen po ay matindi, gaya noong nangyari kay Napoles ‘no, nakita po natin na marami talagang mambabatas ang na-prosecute; bagama’t wala pa pong nakakulong kung hindi si Napoles lamang.

So, kasama po lahat iyan sa mandato na ehekutibo na ipatupad ang ating batas ukol po sa pananagutan ng mga taong gobyerno.

Q:  All right. Enjoy. Ingat po.

SEC. ROQUE:  Oo. Napakahirap po ng trabaho rito, mamaya pong alas-dose ang ating press briefing dito po sa Bohol.

Q:  Ingat po. Stay safe, Sec. Thank you.

SEC. ROQUE:  M=agandang umaga po.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)