Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Aljo Bendijo (Radyo Pilipinas – Tutok Tulfo Reload)



BENDIJO:   Secretary Harry Roque, nasa linya ng ating komunikasyon. Atty. Roque, magandang umaga!

SEC. ROQUE:   Pareng Aljo, magandang umaga at magandang umaga rin sa Pilipinas!

BENDIJO:   By February darating na po ang mga bakuna, anu-ano pong mga bakuna ito, Sec., at kailan ba talaga mag-uumpisa ang vaccination?

SEC. ROQUE:   Ang sa akin po, sinisikap natin na masimulan iyan nang Pebrero bagamat ang bulto ng mga naunang mga bakuna ay talagang siguro maituturok na iyan nang Marso. Pero puwede naman tayong magsimula at inaasahan natin na mayroon tayong matatanggap galing doon sa tinatawag na COVAX facility – puwedeng Pfizer, puwedeng AstraZeneca, pero sigurado naman po na sa a-beinte (20) ng Pebrero darating po iyong Sinovac.

BENDIJO:   Naka-in place na rin po iyong mga storage facility para hindi masira po ang mga bakuna, tama ho ba, Secretary?

SEC. ROQUE:   Tama po iyan. Pfizer lang naman po iyong sub-zero ang kinakailangan at lahat ng mga bakuna ay ordinary refrigeration lamang. So, handa po tayo diyan lalung-lalo na iyong AstraZeneca at saka iyong Sinovac. Pero pati naman po sa Pfizer dahil kakaunti naman po ang darating mayroon naman po tayong sapat, diyan po sa RITM at hindi lang po sa RITM mayroon din po tayo sa mga pribadong sektor kagaya ng Zuellig at saka iyong tinatawag nating ORCA.

BENDIJO:   So, sa pangkalahatan handang-handa na po ang pamahalaan para sa vaccination, iyong rollout ng bakuna, Secretary?

SEC. ROQUE:   Handang-handa na po tayo at ang sambayanang Pilipino ay talagang atat na atat na po na magsimulang magbakuna dahil ang sabi nga po ng ating Presidente, ito po ang solusyon sa ating pandemya.

BENDIJO:   Ito pong bagong panuntunan sa lahat ng mga Filipino o mga taong papayagan makauwi sa Pilipinas at makapasok ay – tama ho ba – ay hindi kaagad sila iti-test after five days?

SEC. ROQUE:   Ang test nila ay five days, so pagdating po nila sila po ay pupunta sa quarantine facility, mandatory po iyan at pagkatapos po ng limang araw saka sila iti-test ng PCR at kapag sila po ay negatibo eh puwede nilang ipagpatuloy ang kanilang 14-day quarantine kung saan man sila pupunta. Pero ang ating binibigyan ng diin, ‘no, maski sila po ay makalabas ng quarantine facility pagkatapos ng limang araw, tuluy-tuloy pa rin po ang quarantine hanggang matapos iyong 14-day quarantine at sila po ay iendorso sa kanilang mga lokal na pamahalaan para ipatupad po iyong 14-day quarantine.

BENDIJO:   Puwede na ba nating gamitin ang saliva test, Secretary?

SEC. ROQUE:   Kapag PRC po ang magti-test, pupuwede pong magamit ang saliva test, ‘no. Pero sa airport po alam ko hindi lang PRC ang aktibo, nandoon din po iyong PAL, nandoon din po iyong Philippine Airport Diagnostics.

BENDIJO:   So, kailan po ang meeting nila para po sa mga bagong quarantine classifications, Secretary?

SEC. ROQUE:   Nakapagpulong na po kami noong isang araw, noong Tuesday. Nagkaroon po ng rekomendasyon, tapos kahapon po iyong apela, so mamaya po inaasahan natin iyong pinal na rekomendasyon para sa Presidente at hinahayaan po natin na ang desisyon ay ang Presidente ang magsabi sa taumbayan dahil alam naman natin hindi po lahat ng rekomendasyon ng IATF ay naipapatupad ng ating President.

BENDIJO:   Update po tayo. May ibang isyu tayo, Secretary, itong protesta ng Pilipinas laban sa China dahil po sa kanilang batas doon na puwedeng barilin na lang ang mga Filipino kung saka-sakaling pumunta po diyan. Sa atin naman po eh, parte ng Pilipinas.

SEC. ROQUE:   Oo, naging malinaw na po ang ating naunang statement tungkol diyan. Lahat po ng batas kinakailangan sumusunod din sa larangan ng international law. Ipinagbabawal po ang paggamit ng dahas except kung ito po ay by way of self defense o ito po ay authorized ng security council. So, tama naman po ang hakbang na ginawa po ng ating DFA, kinakailangan protestahan po iyan lalung-lalo na mayroon nga tayong pinag-aagawang teritoryo pa at hindi malinaw kung iyang batas na iyan ay ipatutupad doon sa mga contested areas.

BENDIJO:   So, ibig sabihin noon ipinagbabawal muna natin ang ating mga kababayang mga mangingisda pumunta po sa mga pinag-aagawang teritoryo diyan sa West Philippine Sea lalo na sa Pag-asa?

SEC. ROQUE:   Wala naman pong ganoon pang desisyon pero ang sinasabi natin, pinuprotesta natin iyong pagpapatupad ng ganiyang batas ng Tsina.

BENDIJO:   Huwag naman po sanang sumiklab po ang gulo na iyan. Eh, kung hindi maiwasan, sir, ano pong gagawin ng Pilipinas?

SEC. ROQUE:   Kampante naman ako dahil sa ating pakikipagkaibigan sa Tsina, itong paggamit ng dahas po ay maiiwasan at siyempre po, ang posisyon ng ating Presidente, kinakailangan sumunod po at igalang ang international law at iyong ipagpatuloy iyong Code of Conduct para sa lahat ng mga nag-aangkin ng West Philippine Sea.

BENDIJO:   Sa tingin ninyo ba ay iyan ay rirespetuhin ng China, sir?

SEC. ROQUE:   Well, nasa sa kanila po iyan. Pero wala naman pong bansa na ninanais na masabing sila ay lumalabag sa international law.

BENDIJO: Sa pangkalahatan, mensahe na lang, Secretary Roque, sa atin pong mga nanunood at nakikinig ngayon sa vaccination program na may tiwala po ang pamahalaan sa bakuna at iyong gusot po diyan sa West Philippine Sea. Go ahead po, Secretary Roque.

SEC. ROQUE:   Well, unang-una po sa bakuna. Mga kababayan, kagaya po ng ipinangako ng Presidente, nandiyan na po ang solusyon sa ating paghihinagpis. Hindi na po magtatagal iyan, ilang tulog na lang po nandiyan na ang bakuna pero ang pakiusap ng Pangulo habang hindi pa tayo nababakunahan huwag po nating itigil ang ‘Mask, Hugas, at Iwas’ dahil ang nais ng Presidente lahat tayo po ay umabot doon sa bakuna nang tayo ay makabalik sa ating mga ordinaryong mga buhay.

At doon naman po sa sigalot sa West Philippine Sea eh magtiwala po tayo na dahil sa ating pakikipagkaibigan sa Tsina, lahat po ay pupuwedeng mapag-usapan

BENDIJO:   Maraming salamat at magandang umaga, Secretary Harry Roque! Mag-ingat po kayo, Sec. Thank you!

SEC. ROQUE:   Magandang umaga at salamat din po.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB News and Information Bureau-Data Processing Center