Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Connie Sison (GMA 7 – Unang Hirit)



SISON:  Good morning, Secretary. Si Connie Sison po ito.

SEC. ROQUE:  Good morning, Connie. At good morning, Pilipinas. 

SISON:  Secretary, unahin po muna natin iyong mungkahi po ni Vice Presidente Leni Robredo na mauna ng magpabakuna ang Presidente para mahikayat na po ang publiko dahil nga siya daw ay popular naman ‘no. Ano po ang tugon ninyo dito?

SEC. ROQUE:  Well, sinabi na po minsan iyan ni Presidente na talagang gusto nga niyang mauna ‘no. Pero noong huling Talk to the People niya, ang binigyan niya ng importansiya na – iyong sa kanyang administrasyon – ang uunahin ay iyong mga mahihirap at mga dukha. So, iyon iyong kontekstong sa sinabi ni Presidente na kapag mayroon pang natira matapos ibigay iyan sa mga mahihirap at dukha, siguro pupuwede ng magkaroon ng bakuna si Presidente at ang mga miyembro ng Gabinete.

Pero huwag po kayong mag-alala, kung importante po iyan talaga para magkaroon ng kumpiyansa ang taumbayan, iniisip ko naman po hindi imposible iyan dahil minsan na ngang sinabi po iyan ng ating Presidente.      

SISON:  So, puwede pa rin na mauna ho ang Pangulo depende na lang po sa sitwasyon?

SEC. ROQUE:  Opo. Kung sa tingin niya ay talagang natatakot ang mga tao sa bakuna, eh hindi naman po siya mag-a-atubili na mauna. Basta ang sa kaniya, interes ng taumbayan bago interes ng mga namumuno.

SISON:  All right. Pag-usapan po natin, Secretary, iyong umano’y pagkakaiba po ng presyo ng bakuna ng Sinovac sa Pilipinas kumpara po sa ibang bansa, tulad na lang sa Thailand, India at saka Indonesia ‘no. Mas mahal daw sa atin, katunayan noon pong budget hearing ang DOH po mismo ang nagsabi na nasa mahigit P3,000 ang dalawang dose ng bakuna ng Sinovac. Ano po ba ang paliwanag ho diyan, bakit po ba nagkaganyan?

SEC. ROQUE:  Well, unang-una ang sabi po ni Vaccine Czar Secretary Galvez, ang presyo po na makukuha natin sa Sinovac ay hindi po magkakalayo sa presyo na nakuha ng Indonesia – ang Indonesia po, more or less 650, 675 ang kanilang presyo. Bagama’t as soon as magkaroon po tayo ng supply agreement, saka lang po masasapubliko kung magkano talaga natin nakuha. Pero ang indicative price po ay iyong presyo na nakuha ng Indonesia.

Nabasa ko rin po iyong nasa Bangkok Post na $5 daw ang kuha ng Thailand para doon sa kanilang Sinovac ‘no. Hindi ko po alam kung ano ang source noon.

Ang dahilan po ay itong Sinovac po ang tawag po diyan “inactivated vaccine” kino-culture po talaga iyong COVID para siyang magbigay ng antibodies doon sa mga tuturukan. So iba iyong proseso po paggawa ng Sinovac, kaya I could imagine na kaya siya mas mahal kaysa doon sa mga iba at saka hindi po ganoon karaming supply kasi hindi nga po siya synthetic. Eh ang China nga po isang bilyon ang kanilang requirement, mahigit pa nga isang bilyon, so talagang mahirap din pong makakuha ng Sinovac.      

SISON:  So, definitely, hindi po malalayo iyong presyo natin sa Indonesia, which is $17? Kasi ang sinabi po $36.

SEC. ROQUE:  Hindi naman po totoo iyan. In the first place dahil sa confidentiality, hindi nga nila malalaman kung magkano iyong presyo as of now. Pero iyan confidentiality na tinatawag na iyan, sa aming mga abogado, standard po iyan sa halos lahat ng mga kontrata habang hindi pa po talaga napipirmahan iyong supply agreement, ang napirmahan natin ngayon ay iyong term sheet na tinatawag kung saan nangako na mag-supply, nangako naman tayo na bumili, pero siyempre po hanggang wala pa iyong signed na actual na deed of sale dahil inaantay pa rin natin ang mga regulatory approvals, eh hindi  pa po puwedeng i-scoop.

SISON:  Hindi ho ba puwedeng matanggal iyong confidentiality kaya, Secretary, dahil sa ang dami ho kasing mga iba’t ibang haka-haka ano ukol po dito sa presyo, nandiyan na nga at nagpahayag na po si Senator Panfilo Lacson di ba na smack of corruption daw, nangangamoy ng bahid ng korapsiyon ang pagkakaiba daw ng presyo ng bakuna sa Pilipinas, kumpara sa ibang bansa. Reaksiyon po ninyo diyan?

SEC. ROQUE:  Hindi po, talagang standard po iyang confidentiality agreement na iyan ano. At kaya lang naman po nasapubliko iyong ilang presyo ng mga bakuna, ito po iyong mga bakuna na kasapi po doon sa COVAX facility na tinatawag, headed po iyan ng World Health Organization. Pero sa totoo lang po standard po iyan sa lahat ng mga commercial agreement at ako naman po ay halos 30 years of experience po ako as a commercial lawyer.

SISON:  Pero ito po, may nagmumungkahi – dahil may duda ‘no – na kanselahin na lang iyong order po para sa corona vac ng Sinovac. Bukod po kasi raw sa isyu kasi ng presyo nito ay mababa rin naman kasi ang bisa o iyong efficacy rate kumpara po sa ibang mga bakuna. Is it still possible na kapag ganito pong may parang kontrobersiya pupuwede pa ba nating kasenlahin, kasi na-announce na rin na parang February ‘di ba magro-rollout na kayo?

SEC. ROQUE:  Anything is possible. Pero ang gusto po ng Presidente, makasalba ng pinakamaraming buhay ng ating mga kababayan. Ngayon po mayroon pang new variant ng COVID-19 na sabi ng mga dalubhasa ay mas nakakahawa. Ang importante po mabigyan ng proteksiyon ang pinakamaraming mamamayan natin kaysa wala silang proteksiyon na habang nag-aantay ng mga brand ng gawa ng mga western company. Hindi naman po conclusive na 50% efficacy rate lang po ang Sinopharm.  Kasi sa Turkey po at sa—

SISON:  Sinovac you mean.

SEC. ROQUE:  Opo. Ang kanilang efficacy rate hanggang 91.25. Pero iyong 50% efficacy ini-explain po iyan ni Dr. Salvaña at saka ni Dr. Bravo, mga dalubhasang vaccinologist, na ibig sabihin niyan ang isang taong tinurukan 50% chance na hindi na siya magkaka-COVID. At  doon sa mga 50% na pupuwede pang mag-COVID, 78% of them magkakasakit nga pero hindi na kinakailangan pumunta pa sa doktor dahil mild or asymptomatic at 100% hindi na po sila mao-ospital. Ito nga po iyong iniiwasan natin na mamatay ang ating mga kababayan dahil po sa COVID.

SISON:  So, tuloy po iyong February ng Sinovac dito po sa Pilipinas?

SEC. ROQUE:  The more indications tuloy po iyan, ang dahilan po para hindi siya matuloy ay kung hindi siya bibigyan ng approval ng FDA. Kasi nga po, sabi natin, kapag binigyan ng approval ng FDA, ang Presidente na ang nagsabi, tabla-tabla po iyan, pare-pareho iyan in terms if iyong safety at saka iyong pagiging epektibo.

SISON:  All right. Sa pagbisita po ni Chinese Foreign Affairs Minister Wang Yi noon pong weekend, nag-donate daw ang China ng 500,000 doses po ng COVID-19 vaccines. Saang kumpanya po kaya ito galing – Sinovac o Sinopharm po ba ito? At kailan at kanino po ito ituturok?

SEC. ROQUE: Well, ang pagkakaintindi ko po diyan ‘no, generic ‘no. So it can be any brand, wala pa pong detalye, pero alam ko nga po, iyong pinirmahan nating term sheet is for 23 million Sinovac so far. So sa tingin ko naman, iyong donasyon nila na 500,000 pupuwede namang ipasok na doon sa mga na-order na natin, ibig sabihin 500,000 hindi na natin  babayaran. Pero ang detalye po ay ilalabas naman po iyan, pero ang pagkakaintindi ko po kais, dalawa iyong vaccine na na-approve na sa China, iyong Sinovac at Sinopharm. So, either, basta ma-approve din dito sa atin po.

SISON:  Okay. Iyong vaccine passport papaano po ang magiging proseso niyan?

SEC. ROQUE:  DOH po ang magi-isyu niyan. At importante po iyong passport na iyan kasi iyan ang magiging susi doon sa ating tinatawag na mobility, para tayo makaikot, makabiyahe, makapag-resume ng ating normal na buhay bago tumama ang pandemic.

SISON:  Opo, may magiging effect po ba sa vaccination program ng pamahalaan, kasi may mga nabalita po na namatay na mga senior citizens sa Norway matapos mabakunahan po ng  bakunang Pfizer, makakaapekto po ba ito sa ating deal, iyong UEA natin sa Pfizer?

SEC. ROQUE:  Well, sana hindi naman po, dahil importante po talaga, kahit anong proteksiyon at mabigyan ang ating taumbayan. Alam po ninyo, i-explain ko na lahat naman ng bakuna, they cannot claimed to be 100% safe at 100% na effective. Kaya lang po, ayon sa dalubhasa, iyong advantage ng paggamit ng bakuna outweighs the disadvantage. So iyon po iyong dahilan para mas malaki iyong urgency na mabakunahan laban sa COVID-19 ng maiwan ang pagkamatay sa COVID-19 kaysa sa kanyang mga possible side effects.

So, wala pong 100% na sure. Pero ganoon pa man, sa lahat po ng bakuna na na-develop natin, mas mabuting gamitin dahil alam nating nakakasalba iyan ng buhay.

SISON:  Okay. Ito pong bagong variant na naririto na po sa ating bansa. Sinasabi baka daw bumalik pa tayo sa quarantine status na mas mahigpit, ano po ba ang katotohanan diyan?

SEC. ROQUE:  Depende po kasi iyan sa datos, iyong tinatawag natin na two week average daily attack at saka iyong critical capacity. Kung marami pong mahahawa, pero hindi naman sila pupunta ospital ay pupuwede naman pong hindi magbago ang ating critical care capacity.

Ang iniiwasan po natin iyong magkasakit ng malubha ang ating mga kababayan at wala tayong pamamaraan para sila ay bigyan ng tulong.

So kapag kaya naman pong gamutin, eh hangga’t maari bubuksan po natin ang ekonomiya, dahil ang sinasabi nga natin, kinakailangan nang maghanapbuhay ang ating mga kababayan at kaya naman po, kapag tayo po ay inalagaan ang ating mga sarili ay pupuwede po tayong maghanapbuhay po.

SISON:  Secretary, maraming salamat po sa inyo pong ibinigay sa aming oras dito po sa Unang Balita.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga po at maraming salamat po.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)