Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Daniel Razon (UNTV – Get it Straight with Daniel Razon)



RAZON: Magandang umaga po, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Kuya. At magandang umaga sa lahat ng mga nanunood sa atin ngayon.

RAZON: Salamat po sa pagkakataon na ipinagkaloob ninyo sa amin. Unahin ko na ang inyo pong gustong ianunsiyo, manggagaling sa inyong tanggapan ‘no para makatulong kami sa dissemination sa amin pong mga manunood. Anu-ano po ba ang mga bagong ibig ninyong maiparating ng mga information with regard sa mga kampaniyang ginagawa po ngayon ng ating pamahalaan, Secretary?

SEC. ROQUE: Hello? Naku, ang pangit po ng koneksiyon natin, noong kailan lang ay pinag-usapan namin sa mga telcos kung paano mapapabuti ang serbisyo ‘no; pero bagama’t nakita natin naging bahagyang pagbubuti ay ganito pa rin po ang ating serbisyo ‘no. Nakikita po natin ngayon na talagang papasok lang po ako ng Malacañang ay hindi na po tayo magkarinigan on Zoom. So talagang marami pa po tayong talagang dapat gawin para maging world class iyong ating telecoms industry ‘no. Ito po ang dahilan kung bakit number 34 po tayo ngayon sa Asya ‘no, talagang mahina pa rin ang ating internet.

Anyway, sa pag-anunsiyo naman po, mamaya po ay magkakaroon po ng Cabinet meeting, alas singko po iyan at dadaluhan po iyan na face-to-face ng ating mga miyembro ng Gabinete. At dahil po mamaya po iyong Cabinet meeting, ang mangyayari po, iyong Talk to the People ni Presidente na normally ay every Mondays, malilipat po siya ng Wednesday. So ang Talk to the People po niya lipat sa Wednesday, galing pa rin po sa MALAGO diyan sa Malacañang.

RAZON: All right. Secretary, iyon ho bang ating ngayong ginagawa para dito po sa pagbubukas ng ating ekonomiya, magbibigay na po ba ang IATF ngayon ng independence sa mga local government units with regard sa mga paglalagay ng mga restrictions, kasi kagaya nung sinasabi nilang parang mga granular lockdown kung saka-sakali. Is that what we are looking at, Secretary?

SEC. ROQUE: Opo, ganiyan na po ang ating patakaran. Alam po natin na napakatindi po ng epekto sa ekonomiya nitong naging lockdown natin at bagama’t pinangangalagaan pa rin natin ang buhay ng ating mga kababayan, ang panawagan ng Presidente po ay ingatan ang buhay para tayo po ay makapaghanapbuhay.

So unang-una po, pagdating doon sa curfew, binigay na po natin sa local government units kung ano iyong gusto nilang maging curfew. At sa Metro Manila po, ang curfew ay binago na nga po, naging 12 to 3 A.M. na para po makapagsimbang gabi ang ating mga kababayan dahil ang Simbang Gabi po ay alas tres. So isa po iyan doon sa mga kumbaga ay dinelegate [delegated] na natin sa mga local government units, at kasama rin po iyan iyong desisyon kung maglo-localize or granular lockdown po sila. Kung ang isang highly urbanized city po iyan, tanging mayor na po ang magdidesisyon upon recommendation po of the regional IATF.

Kung ang mga lokal pamahalaan naman po sa mga barangay, alam naman po nila kung ano talaga iyong mga areas na kinakailangang i-lockdown so sila na po ang binibigyan ng ganiyang desisyon ‘no.

Pero lilinawin ko lang po, kapag sinabi nating lockdown, hindi naman po ibig sabihin ay buong barangay automatically ‘no; pupuwedeng isang bahay; pupuwedeng isang building; pupuwedeng isang kalye; pupuwede pong isang barangay. Pero ang iniiwasan po natin iyong malawakang lockdown dahil alam po natin na hindi na po kakayanin ng ating mga kababayan, kinakailangan na talaga nilang maghanapbuhay ‘no. Matindi na po ang na-experience natin pagdating sa gutom, pinakamatindi na po iyong contraction ng ating ekonomiya. Parang sa buong Asya po, tayo na po ang pinakamatinding pagbaba ng ating ekonomiya.

Kaya ang ating palaging paalala sa lahat: Ingat-buhay ho para makapaghanapbuhay.

RAZON: Secretary, are we expecting po ba na by January, ang lahat po ng ating mga lugar sa bansa ay mailalagay na sa Modified GCQ o pipiliin pa lang din po kung sino po iyong mga ilalagay natin sa Modified GCQ, Secretary?

SEC. ROQUE: Iyan po iyong tinatawag nating goal ‘no. Pero whether or not makakamit po natin iyan, titingnan po natin iyong tinatawag na attack rate at iyon po iyong magdi-determine pa rin, iyong datos ang magdi-determine.

Pero ang mabuting balita naman po, itong buwan ng Nobyembre, ang Metro Manila na siya talaga naman pong epicenter ng epidemya ay bumaba po iyong kaniyang tinatawag na R0, iyong reproductive rate, to under one which is the WHO prescribed ‘no.

So we are doing something right po dahil sa Metro Manila, bagama’t isa tayo sa nga densely populated na area, ay napababa  po natin ang R0 na tinatawag to less than one. Bagama’t inaasahan nga natin dahil Pasko, may mga pagtitipon, ay talagang hindi maiiwasan ‘no. Pero ang kahandaan naman po natin ay lahat po ng ating ICU beds, ang ating ICU wards ay sapat-sapat naman po iyan para sa mga pangangailangan ng ating taumbayan. Pero siyempre hindi iyan dahilan para magpabaya, kinakailangan pa rin po mag-ingat.

RAZON: Secretary, mayroon ho ba tayong mga bagong instructions ngayon with regard naman po sa mga papauwi nating mga OFWs na gustong makapiling ang kanilang pamilya sa holiday season? Mayroon po bang mga adjustments with regard sa atin pong mga quarantines at iyon pong ating pagsusuri sa kanila pagdating nila ng ating bansa?

SEC. ROQUE: Hindi naman po nagbabago iyan, ganoon pa rin po. Pagdating po ng airport, sila po ay isa-swab at sila po ay magkakaroon ng quarantine period habang inaantay lang din ang resulta ng swab. At kung sila po ay documented na OFW, iyan naman po ay libre ‘no, sagot po iyan ng OWWA. At ngayon po ay mabilis na po iyong proseso ng paghihintay ng swab results, one or two days lang po labas na ang ating mga kababayan.

RAZON: Okay. Secretary, ang isa hong inaabangan natin ay ang bakuna. Ang banggit po ninyo ay by first quarter of next year maaari po na ang unang dumating sa atin ay ang Sinovac na galing ng China. Anong sektor po ang uunahin; at papaano pong percentage ng mga bakuna ang ia-apply sa atin kasi ilang percentage po ba na kukuhanin sa China and other countries? Mayroon po bang detalye iyon, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po ‘no, dalawa po iyong ating magiging prayoridad – in terms of geographics ‘no – iyong lugar; siyempre uunahin natin iyong mga epicenters.

Alam mo ngayon, Kuya, napakadaming lugar na sa ating bayan na wala naman pong transmission for in excess of 30 days. Kaya nga po matagal ko nang sinusulong sa IATF iyong deklarasyon ng new normal ‘no dahil iyan po ay pagkilala rin doon sa kagalingan ng mga kababayan natin at sa kanilang namumuno na natigil nila iyong pagkalat ng COVID ‘no – I think that should count for something. So mamaya po, alas diyes, magpupulong na naman po ang IATF at uulitin ko po iyong aking panawagan na magdeklara na ng mga new normal areas.

Now ang ating number one priority po siyempre ay iyong mga epicenters: Sino po iyan; saan po iyan? Metro Manila, CALABARZON, Cebu at saka Davao dahil diyan lang naman po talaga matindi ang pagkalat ng sakit.

Pangalawa po, doon sa mga lugar na binibigyan na nga ng prayoridad kasama ang Metro Manila, mayroon po tayong mga sektor naman na bibigyan ng prayoridad. Kasama po diyan iyong sinabi ni Pangulo na mga pinakamahihirap, iyong mga 4Ps beneficiaries natin. Pero bukod pa po sa mga 4Ps beneficiaries, nandiyan din po lahat ng ating mga frontliners ‘no, medical at iba pang mga frontliners. At nandiyan din po iyong pangako ng Presidente, lahat po ng sundalo at ng pulis.

Ang suma total po na uunahin natin ay mahigit-kumulang po 60 million na mga Pilipino po iyan. At iyan naman po ay magiging sapat para magkaroon na tayo ng tinatawag na herd immunity. Pero hindi naman po ibig sabihin na kinakalimutan na natin iyong iba pa nating mga kababayan. Kaya ang alam ko, itong 60 million ito iyong libre na sagot ng gobyerno. Hindi naman po natin siyempre pipigilan na kapag nandiyan na iyong bakuna at makukuha na natin dito sa ating mga botika at puwede nang i-prescribe ng doktor na iyong kayang bumili ay makakabili po sila.

Ang pangako ng Presidente po, iyong 60 million ay para po sa mahihirap pero gagawa rin po tayo ng hakbang para doon sa mga kaya namang bumili ay mayroon silang mabibili.

RAZON:  Secretary, papaano po ang implementation doon sa 60 million na iyon na libre? Will this be compulsory po ba o mandatory o papaano po ba iyon? Puwede ba silang tumanggi? Dahil alam naman natin may mga pangamba rin po, dahil doon sa nangyaring mga kontrobersiya in the past, regarding sa bakuna, iyang Dengvaxia controversy po na iyan. Ano ho ba ang panuntunan sa pagtanggap ng bakuna, Secretary?

SEC. ROQUE:  Hindi po ito sapilitan. Iyong gusto lamang, kasi iyong 60 million, hindi naman iyan para sa lahat sa atin, 110 million Filipinos po tayo. So, kung ayaw wala pong pipilitin, pero sa tingin ko naman po, sang-ayon naman sa SWS survey 66% ay gusto ng bakuna. At itong pigurang ito, itong 66% ay sapat-sapat na po iyan para tayo po ay magkaroon ng ‘Herd Immunity’. Ibig sabihin, kung ayaw ninyo, huwag po kayong magpabakuna. Pero iyong mga gusto, pabakunahan pa rin po natin. Mayroon naman po kasing tinatawag na ‘Herd Immunity’, na kapag ang karamihan ay nagkaroon na ng immunity ay nagkakaroon ng parang immunity ang iba, kasi in the first place natitigil na iyong transmission o iyong pagkalat ng sakit doon sa mga nabakunahan.

RAZON:  So, iyon pong 60 million, Secretary, will all be administered by Sinovac po from China, iyon po ba ang bubuo?

SEC. ROQUE:  Hindi po. Wala pong isang kumpanya na kakayanin hanggang 60 million. Ang sinasabi lang namin mauna po iyong 20 million, kung hindi ako nagkakamali, pero actually huwag na nating pag-usapan iyong quantity, kasi covered po iyan ng non-disclosure agreement. Bagama’t ako (garbled) …ma-in trouble naman si Secretary Galvez. Pero ang alam ko po malaki-laki naman po iyong makukuha natin sa iba’t ibang mga kumpanya, kasama na po diyan ang Sinovac, ang AstraZeneca, ang Pfizer at saka iyong Gamaleya, iyong sa Russia.  At ang suma total nga po nang na-order na dapat ma-deliver ay 60 million.

RAZON:  Secretary, magkano po ang isang dose ng bakuna, kung bibilhin po ng mga pribadong mga individuals and as compared sa bili po ng gobyerno?

SEC. ROQUE:  Hindi po natin masasabi iyan, kasi sa ngayon po lahat ng kumpanya ay nagbibenta lamang sa gobyerno. Ibig sabihin kung mayroong mabibili ang ating mga kababayan na kayang makabili bukod pa doon sa 60 million, gobyerno pa rin po ang aangkat diyan, so kontrolado pa rin po ang presyo. Ang maganda naman pong nangyari ay dahil nga po ito ay pandemya, ay parang nagkaroon ng kasunduan ang mga pharmaceuticals na saka na sila tutubuan – iyong vaccine ‘no. So halos lahat po sila ay nagko-commit na at cost nila ibibenta sa ating mga kababayan. Siyempre po (garbled). Gobyerno ang nag-angkat hindi puwedeng ibenta iyan ng napakataas na presyo.

RAZON:  With regards sa funding po natin, ang funding po natin will cover how many Filipinos po sa atin pong  pagbabakuna, kaya na po bang i-cover iyong lahat ng doses na kailangan natin with the existing fund that we have?

SEC. ROQUE:  Kaya naman po (garbled) 2021 budget, 72.5 billion. Dati-rati [unclear] Presidente, ang sinasabi ni Presidente, kahit kailan lumabas ang bakuna, kinakailangan bilhin. So kung hindi manggagaling po sa budget natin, manggagaling po iyan sa pera na uutangin natin galing po sa ADB, sa World Bank o di naman kaya doon sa magpapautang doon sa mga bansa na gumagawa nitong bakunang ito. Pero ngayon po, iyong nasa budget na rin po iyan (garbled)

RAZON:  Secretary, with regard po sa naaprubahan na budget ng bicam, nakita na po ba ito ng Presidente at mayroon po ba siyang contention dito or kung lalagdaan po ito. When do we expect that to be signed, Secretary?    

SEC. ROQUE:  Oo, Kuya, well ako ay papunta pa lang ng Malacañang. Pero as of last Friday hindi pa po namin natatanggap iyong budget. Pero hindi ko lang po alam, baka naman sabay na pagdating ko sa Malacañang ngayon ay ma-receive na rin natin iyong 2021 budget galing po sa kongreso, kasi ang nangyari po diyan nagkaroon po sila ng ratipikasyon last week. Pero siyempre po ratipikasyon po iyon ng dalawang chamber of Congress and hindi ko po alam in what form they will submit it to Malacañang. Pupuwede naman pong electronic form para mapabilis, pero at some point kinakailangan din nilang i-print iyan dahil iyan po ay magiging batas.

RAZON:  Opo. Ano po ang mga ini-expect natin come January, Secretary, pagdating po sa atin pong education. Mayroon na po bang nabanggit ang Presidente, dahil sabi nga po ninyo, first quarter maaaring may bakuna na po tayo and ang opening ng karamihan ng klase will be June, ano ho? Are we already contemplating din po na mag-allow na ng face-to-face in case makapag-start na po ang pagbabakuna, Secretary?

SEC. ROQUE:  Ang DepEd po patuloy ang paghahanda, kasi ang talagang plano naman ng DepEd kapag mayroon nang new normal ay susubukan na mag face-to-face sa new normal. Pero ito po ay subject to approval ng ating Presidente. So habang hindi pa po ito ina-aprubahan ng Presidente, hindi po ito ipapatupad, pero patuloy po ang paghahanda ng DepEd.  At tama po kayo, kung lalabas naman po ang bakuna ng first quarter talaga at karamihan noong mga nasa epicenter ay mababakunahan, siguro naman po iyong mga areas na matagal nang walang COVID ay pupuwede pong mag face-to-face. Pero uulitin ko po ang mandato pa rin ng Presidente ngayon, walang bakuna, walang face-to-face. So hintayin po natin ang magiging desisyon ng ating Presidente tungkol sa face-to-face.

RAZON:  Okay. Ang isa po diyan kasi Secretary, kahit na magkaroon po tayo ng bakuna na, hindi naman po right away ay mababakunahan po ang lahat, ano ho? Ano ho bang timeline ang tinitingnan po dito for us to be able to implement iyon pong lahat ng mga libreng bakuna kung sakali, Secretary? Pasensiya na po kayo at talagang we are having a hard time din doon sa ating mga signal kung minsan ano.

SEC. ROQUE:  Sana po bumalik na ang internet. Kagaya ng aking sinasabi, depende po iyan doon sa actual delivery po ng bakuna sa atin. Pero as soon as makarating naman po sa bansa natin, eh sanay na sanay na po ang ating DOH at ang lahat ng ating mga health workers na magbigay ng bakuna, dahil napakadami naman pong bakuna na ginagamit natin, hindi lang po COVID.

RAZON:  Secretary, ito hong sinasabi ng President na ‘no ceasefire with the rebels’. Ano ho ngayon ang ating ini-expect dito na magiging development dito po sa ating kampanya against dito po sa mga crime na ito na nangyayari ngayon regarding po  sa insurgency?

SEC. ROQUE: Well, alam po kasi ninyo, itong teroristang NPA napakatagal na pong panahon at saka napakadami nang effort ang ginugol natin para nga po magkaroon tayo ng negotiated peace agreement, dahil hindi naman tama na Pilipino pumapatay ng kapuwa Pilipino. Pero talagang mahirap po talaga ang CPP-NPA. Bagama’t sinasabi nga ni Presidente na nakarating na sila ng Kongreso, epektibo naman sila sa kongreso. Ang hindi maintindihan ng Presidente, bakit ayaw pang ibaba ang kanilang mga armas at daanin na lang sa parliamentary struggle. Nakikita naman natin sila ang pinakamaingay talaga pagdating sa Kongreso.

So, wala ng dahilan para gumamit pa ng dahas, wala ng dahilan para pumatay ng kapuwa Filipino.

At kung iisipin mo, ang pinapatay ng mga NPA ay iyong mga mahihirap ding mga Filipino kasi wala namang halos mayaman na mag-i-enlist sa military. So ang pinapatay nila eh iyong mga mahihirap na Filipino na sinasabi nila na kanilang pinaglilingkuran.

So, ngayon po ang sabi po ng Presidente wala na pong ceasefire kasi ang ating karanasan ginagamit lang po nila ang ceasefire para po sila ay mag-regroup at sa katunayan maski mga panahon na mayroon tayong ceasefire na enforced eh hindi rin po sila sumusunod—(garbled), tina-target din nila (garbled) nagiging casualty kasi akalain ng mga sundalo ceasefire, naniniwala sila na walang putukan tapos ang NPA hindi po susunod sa ganiyang ceasefire.

So, huwag naman po kayong mag-alala dahil patuloy rin po ang efforts ng gobyerno na hikayatin ang iyong mga miyembro ng CPP-NPA at sumuko na. Binibigyan po sila ng bahay, binibigyan po sila ng hanapbuhay patunay po na talagang sinsero ang atin Presidente Rodrigo Duterte na tapusin na ang patayan sa ating lipunan dahil ang Filipino dapat nagkakaisa, hindi po dapat nagpapatayan.

RAZON:   All right. Secretary, ito hong ating kampanya against illegal drugs, since day one ng atin pong administration ng Presidente Duterte ito na po iyong isa sa mga binibigyan talaga ng emphasis iyong laban natin dito and ang sabi nga noon ng Presidente, talagang gusto niyang maputol ito at mabigyan ng tuldok. Papaano po natin nakikita na by 2022, Secretary, ay—

SEC. ROQUE:   Well, unang-una po ano—

RAZON:   Yes, go ahead po.

SEC. ROQUE:   Well, unang-una po, hindi totoo na nag-give-up na tayo na maging drug-free ang Pilipinas by 2022. Iyan naman po talaga ang goal ng ating Pangulo at hindi po tayo titigil hanggang hindi natin makamit iyan.

Ang sinabi lang ni Undersecretary Cuy ng Dangerous Drugs Board ay kinakailangan para maging matagumpay tayo dito sa ating hangarin na lahat ng ating 42,000 barangay ay maging drug-free, kinakailangan gumalaw ang lahat ng mga barangay para masupil nga iyong droga sa kanilang mga lugar.

So, patuloy pa rin po na goal natin iyan at hindi naman po ibig sabihin na palibhasa hindi naging drug-free ang buong Pilipinas sa ngayon ay wala tayong naging achievement. Ngayon po, mahigit-kumulang kalahati na po ng mga 42,000 barangay ay naideklara ng drug-free. Iyan po ay napakalaking achievement considering na talagang ang Presidente lang ang tumutok sa issue ng ipinagbabawal na droga. At kampante po tayo na sa tulong ng lahat pagdating po ng 2022 iyong kalahati ng ating mga barangay ay maidideklara na rin na drug-free.

RAZON:   Secretary, iyon hong mga tinitingnan na mga narco politicians, ano ho ba ngayon ang atin pong maaasahan dito para maubos iyang mga iyan? Ano po ang nakikitang paraang gagawin dito dahil until now may mga nasa narco list pa din po na sinasabi po tayo, ano ho?

SEC. ROQUE:   Well, alam ninyo po, nilinaw ng Presidente noong kailan iyan sa kaniyang Talk to the People, na bagama’t iba’t-ibang mga ahensiya ang nagsumite ng mga pangalan dito sa drug list, ang ibig sabihin lang nito is to put them on notice na sila po ay binabantayan na ng gobyerno at binibigyan naman sila ng pagkakataon na itigil na itong kanilang mga masamang gawain na ito.

Siyempre po, ang Presidente bilang isang abogado, bilang dating piskal, eh umaasa po na kapag hindi tumigil ang mga taong ito, ang ating kapulisan, ang ating Dangerous Drugs Board ay magka-case build up para po masampahan sila ng kaso at maparusahan bilang mga drug lords.

Napakadami naman po nating na napakulong na, in fact, ang sabi nga nila halos lahat ng big time drug lords nakakulong na sa Muntinlupa kaya nga po binabantayan natin iyong Muntinlupa dahil noong mga panahon ni Leila de Lima lumalabas na talagang iyong trade ng ipinagbabawal na gamot ay diyan po mismo ginagawa sa Muntinlupa.

At kampante naman po ang gobyerno na tama po iyong mga hakbang na ginagawa ng DOJ para matigil iyong paggamit sa Muntinlupa bilang kumbaga command center ng mga nakakulong ng mga drug lords.

So, patuloy naman po na prayoridad iyo ng ating Pangulo. Iyong nagkaroon po ng bagong mga PNP Chief, ang kaniyang mandato paigtingin pa lalo ang paglaban sa ipinagbabawal na droga dahil ito nga po iyong dahilan kung bakit hinalal naman siya ng taumbayan – iyong pangako niya na walang tigil ang kaniyang gagawing laban dito po sa mga ipinagbabawal na gamot at ito naman po ay suportado ng napakarami. In fact, karamihan po ng ating mga Filipino, seven out of ten, ay suportado po siya dito sa agenda na dapat masupil na itong kalakalan sa ipinagbabawal na droga.

RAZON:   Secretary, mayroon ho bang mga pormal na pakikipag-komunikasyon o ugnayan ang United Nations at iba pang mga international organizations hinggil po sa usapin natin po sa illegal drugs lately?

SEC. ROQUE:   Nakikipagtulungan po tayo sa United Nations sa pagsusupil nitong illegal drugs. Nasa agenda po iyan ng UN, in fact, mayroong separate body po ang UN na binuo para nga po tulungan ang lahat ng bansa sa daigdig na supilin itong problemang ito. Ito po ay nakabase sa United Nations Headquarters sa Austria, sa Vienna, Austria.

At aktibo po tayong sumasapi sa lahat ng pagpupulong at tayo naman po ay welcome, iyong tulong na ibinibigay ng UN para lalo pang mapaigting nga itong ating ginagawa laban sa ipinagbabawal na droga. At patuloy din po ang ating pagtutulungan at (choppy audio) donation sa UN at iba pang ahensiya para mas mapabuti rin iyong record ng ating (signal cut) provide us with technical assistance and we are availing of that assistance that the UN and other (signal cut)—

RAZON:   All right. Secretary, since ito ay napaka-evident na sa inyo na nakikita ninyo kanina umpisa pa lang tayo talagang may problema pa rin tayong matindi sa atin pong mga telcos at ang atin pong mga internet lines. Ano ho ba ang latest dito sa mga ginagawa po nila although sabi nga ninyo and we have seen that naman, may improvement kahit na papaano but not as to what we really are expecting? Ano ho ba ang ultimatum dito, Secretary, if there is?

SEC. ROQUE:   (signal cut)

RAZON:   Parang lalo kang pini-freeze.

SEC. ROQUE:   Matapos (garbled) eh iyon daw po ang unang nabuwisit ang ating Presidente at ang resulta po, pinayagan niyang magkaroon ng third telcom carrier, ito na nga po iyong DITO. Tapos iyong pangalawang galit po niya iyong huling SONA, talagang binantaan na niya iyong mga telcos, ‘shape up or ship out’ at binigyan nga niya ng deadline na hanggang Disyembre ng taon na ito to shape up or ship put.

So, nakikita naman po natin na talaga naman pong marami naman pong nakaka-Zoom na ngayon, marami pong umaasa sa mga telcos para sa ating remote learning pero hindi pa rin po tayo world class. Nauuna pa rin po sa atin ang Myanmar, nauuna pa rin sa atin ang Laos, dati ng nauuna sa atin ang Vietnam at ang Thailand.

Pero sa akin po para maging world class dapat at least kapareho ho tayo ng Vietnam o kaya ng Thailand dahil pareho naman po ang ating populasyon, pareho ang ating ekonomiya, so dapat nasa number 15/number 16 tayo sa buong Asya at hindi po number 34. Dahil kagaya nga ng aking sinabi noong diniscuss natin itong issue ng telecoms na laos pa tayo sa Laos at tingin ko naman, alam ninyo naman kung gaano kalayo talaga iyong ating pag-unlad kung ikukumpara sa Laos.

RAZON:   So, ano ang barometer para mag-ship out na sila, Secretary, by the end of December?

SEC. ROQUE:   Well, alam ninyo po kasi noong nagalit si Presidente, dumating nga po iyong presidente ng Globe sa Malacañang, Ernest Cu, at ang sabi niya ang problema, hindi kasi kami makatayo ng mga telcos. So, ang sabi naman ng Presidente, ‘sige kung iyan ang problema mo, sisiguraduhin ko, hindi magiging hadlang ang gobyerno’, at ito na nga iyong banta niya sa lahat nga ng lokal na pamahalaan, itigil na iyang tongpats sa pag-a-award ng mga Mayor’s Permit at saka mga permit na galing sa (choppy audio) dahil importante nga na mapaunlad natin itong telecommunications.

Sa ngayon, ang tatanungin ng Presidente, ngayong pinagbigyan ko na kayo at mayroon na raw mahigit-kumulang na limang libo na permits na na-grant na ano, ang tanong naman eh, wala na iyong problema ninyo, nasaan ngayon iyong pagbuti ng serbisyo? Mayroon nga pong bahagyang pagbuti pero ang hindi po sa atin nasabi ng NTC noong pina-report po natin sila sa ating press briefing eh saan ba tayo nanggaling noong nagalit si Presidente? Ngayon number 34 tayo, pero bago maghimutok ang Presidente, ano bang numero natin? eh, baka naman number 35 tayo noong naghimutok ang Presidente at bagamat mayroong improvement dahil number 34 na, eh hindi naman natin mararamdaman na tunay.

Pero tingnan po natin dahil ang NTC naman po nangako na dahil sila iyong mayroong mandato na maging supervisory body dito sa mga telcos ay hihintayin nila hanggang ma-install na iyong 5,000 na telecoms tower na napabilis na po iyong award noong kanilang mga permits at titingnan talaga kung magkakaroon ng mas malaking pag-improve.

Isa pa sa sinasabi ng telco, although I’m having second thoughts about it, ay iyong paggastos ng gobyerno para sa infrastructure kagaya ng National Broadband Network. Pero Kuya, kung maaalala mo iyong mga panahon ng NBN-ZTE scandal eh sinasabi nga natin na hindi naman dapat gobyerno ang pumasok diyan dahil ever-changing iyong teknolohiya, technology ng broadband network at sinasabi natin, iiwan natin iyan sa pribadong sektor.

At nagkaroon nga tayo ng batas na ang polisiya eh iniiwan natin sa pribadong sektor itong telecoms. Pero ang sinasabi ng NTC, para daw bumuti nang mas mabilis ang ating telecoms ay kinakailangan bumalik ang gobyerno. Eh, iyan naman po ay desisyon ng kongreso dahil kongreso talaga ang policy-making body, so tingnan po natin kung anong magiging desisyon ng ating mga representante at mga senador pagdating sa issue na ito.

RAZON:   So, that does mean po na iyong deadline sa kanila ng Presidente na hanggang Disyembre to have a significant improvement will be extended and if in case, up to when will that be, Secretary?

SEC. ROQUE:   Kailangan kasi natin hintayin iyong evaluation mismo ng NTC eh at saka kailangan tingnan natin kung mayroong epekto iyong pagpapabilis ng pag-issue ng ating mga permits na inutos din po ng ating Presidente.

RAZON:   All right. Secretary, I will now give you the chance po, bakit ba sinabi mo na pinag-iinitan ka at parang ang mga mainstream media eh parang sini-single out ka? Ano ba ang nagiging problema mo ulit with them?

SEC. ROQUE:   Hindi naman po problema iyan. Dati na po nilang gawain iyan at hindi ko naman inaalis na puwede naman talagang gawin iyon. Kaya nga lang iyong mga may prangkisa (choppy audio) dahilan kung bakit marami pong mambabatas ang nagagalit sa kanila dahilan kung bakit na-revoke ang kanilang prangkisa. Ewan ko ba, parang ang iniisip nila ang pamamaraan para maibalik ang prangkisa eh huwag magbago at ganoon pa rin ang kanilang tugtugin.

Anyway, iyan naman po ay lumang issue na, ako po ay guest. Sa Criminal Law, at ako naman po ay abogado na at nagtuturo pa full time sa UP, kapag mayroon kang pananagutan it is either as principal or accessory or accomplice, pero kung ikaw po ay bisita eh ang magagawa mo lang eh mag-remind, paalalahanan ang tao at na-report naman po maski doon sa peryodiko na talagang ayaw ni Presidente na ako naman po ay nagbigay paalala sa mga tao na kinakailangan mayroon social distancing.

So, sa tingin ko po hindi po ako nagkulang diyan, sa aking sarili dahil ako ay diabetic, ako po ay may heart condition, hinding-hindi po ako makikihalubilo kahit kanino, kahit sino pa sila, at ako po talaga ay humihiwalay. Ang hindi ko lang mako-control iyong ginagawa ng ating mga kababayan lalo na pagdating sa social distancing. Pero in fairness, nakita naman po natin na bagamat maraming tao po noon, alam ninyo po liblib na lugar ito sa Cebu. Bantayan is the northern most part of Cebu at iyong bayan po na nakita sa larawan, iyon po iyong northern most tip ng Cebu. In fact, tabing-dagat po iyon tapo makikita mo na ang Iloilo, makikita mo na ang – ano bang tawag ditto, iyong dating bayan ni Commissioner Guanzon? – doon sa Negros.

So, wala na po, that’s the end of Cebu. Liblib po iyan, zero cases po iyan ng COVID noong kami ay nagpunta, zero cases pa rin po sila hanggang ngayon. At sabi ko nga, I can only remind them, pero wala po akong police power. So, iyon lang po pero ang issue ko nga po is, eh bakit kapag oposisyon na kinakampihan nitong mga establisyementong ito ng media eh wala namang issue. Eh, ako nga eh formally invited ako doon eh, iyong isa naman obviously on campaign mode, bakit nga po walang ganiyang batikos. But in fairness tumahimik naman po sila noong aking sinabi bakit one-sided kayo? Kasi dapat talagang sagutan nila! Bigyan nila ng kasagutan, bakit si Harry Roque lang ang palagi ninyong pinupuruhan? Kahit anong gawin ko, mayroon mayroon na silang obserbasyon.

Pero alam mo, siguro malakas rin ang pananampalataya natin sa Panginoon. Ang aking responsibility is to ensure na bilang isang abogado, I do not break the law and I have never broken the law insofar as quarantine restrictions is concerned, I am conscious of that. Ang nais lang siguro ng ating mga mainstream media na mga kasama is to dictate how we live at hindi ko po papayagan sila.

At kaya nga po nag-anunsiyo na rin ako na babalilk na po ako sa buhay tahimik pagkatapos po ng termino ni Presidente Duterte (technical difficulties) at ang mensahe ko po, kung gusto ninyong magwakwakan, magwakwakan na tayo dahil wala na po akong mga plano sa pulitika, ako po ay magseserbisyo na lang, pero hindi na po ako pupuwedeng kumbaga, puruhan dahil ako po ay magsasalita.

RAZON:   Pero iyong pagtahimik, sabi mo babalik ka na sa tahimik. Ano ba ang tahimik para sa iyo, Secretary Roque? Kasi kahit naman nasa private ka hindi ka naman matahimik dahil you’re a human rights lawyer?

SEC. ROQUE:   Well, sabihin na lang po natin na mas matindi akong kalaban ng gobyerno, so itong mga kumakalaban sa akin dahil sa pulitika pag-isip-isipan ninyo kung anong ginagawa ninyo, sanay akong makipaglaban sa mga nakaupong presidente at hindi ako tumatalikod diyan, so bakit ko kayo tatalikuran.

So, iyon lang po, hindi ko po kailangan itong pulitika, ako po ay naniniwala na puwedeng mag-serbisyo sa loob at sa labas ng gobyerno, nagawa ko na po iyong kinakailangan kong gawin bilang mambabatas. Nandiyan na po iyong Universal Health Care, nandiyan na po ang libreng college tuition, nandiyan ang libreng Wi-Fi, (choppy audio), at iniisip ko siguro (choppy audio) dahil nagawa ko na lahat iyan eh nagawa ako na rin iyong aking bahagi bilang mambabatas sa gobyerno sa napakatagal kong panahon na nag-aaral po diyan sa UP.

So, iyon lang po, dahil alam ko naman iyang pagpupuro sa akin eh pulitika po iyan. alam ninyo sa (choppy audio) eh ngayon mabuti pa (technical difficulties) matri-trace na natin kung saan nanggagaling iyan, na-trace ko na (choppy audio), so anyway at least alam nila dahil may mga technology (choppy audio)

Pero kagaya ng nangyari po sa Bantayan, paulit-ulit po akong nagbibigay paalala. Ultimately, ang ating kalusugan nakasalalay po iyan sa ating mga kamay at ang napatunayan na po natin, ang tanging pamamaraan habang wala pang bakuna para mapabagal ang pagkalat ng COVID ay sa pagsusuot ng mask, paghuhugas ng kamay at pag-iiwas.

RAZON:   Well, Secretary, hindi lang naman sa mga pagkakataong ganiyan nagkakaroon din ng problema and until now nakikita naman po natin even in the past na tayo po ay we’re dealing calamities nitong nakaraan. Iyong ating mga evacuation alam natin talagang mayroong mga health protocols po na maba-violate kahit na papaano. Not intentionally but it actually is parang talaga pong dala noong sitwasyon. Now, in regard po doon sa mga binabantayan din po ng IATF lalo na po ngayon na nagbubukas ang ating ekonomiya sa mga palengke, sa mga iba’t-ibang mga public places po talaga na kung saan ay mayroong ginagawa na mga primary necessities ng ating mga kababayan, will there be any adjustments po sa implementation, Secretary, based on the ruling of the IATF para po makaiwas doon sa mga ganitong situation?

SEC. ROQUE: Lahat naman po ng mga protocols are in place. Siguro po ang hindi lang na-appreciate ng mainstream media, iba po talaga ang GCQ sa MGCQ.

Sa GCQ po at iyan po ay ipinapatupad sa Metro Manila, hanggang sampu lang po talaga ang mass gathering. So iyan po ay applicable maski sa mga pribadong mga tahanan ‘no dahil iyan po ay nakalagay doon sa ating IATF resolution at iyan naman po ay polisiya na ipinatutupad para nga po sa kalusugan ng lahat.

Sa MGCQ po, mas maluwag. Puwede pong mag-public gathering pero hanggang 50% ng capacity; at kapag outdoors po, basta dapat mayroong social distancing ‘no. At pati nga po dito sa Metro Manila ay nagra-rally-rally naman sila ‘no. Bawal nga iyong pagra-rally dahil in excess of ten persons iyan, pero dahil kaibigan ng Inquirer at ng ABS-CBN ay hindi na iyan pinupuna ‘no.

At sa mga restaurants natin, dahil nga po kinakailangan talagang magkaroon ng hanapbuhay iyong mga manggagawa at mga negosyante na nagri-restaurant at iyong mga magsasaka na nagbibigay po ng mga pagkain na ginagamit ng restaurant, hanggang 70% capacity po tayo pero social distancing nga po.

Sa ating mga pampublikong sasakyan, whether be it GCQ or MGCQ, kinakailangan every other seat at dapat sumunod po doon sa pitong utos na naka-mask, naka-face shield, mayroong nagsa-sanitize, mayroong sapat na ventilation, walang usapan, walang kainan at dapat po ay walang sasakay na mayroong sintomas.

At napapatunayan naman po natin ‘no dahil matagal na itong polisiyang ito at bumaba naman sa one ang R0 sa Metro Manila na kaya naman po na talagang padamihin iyong ating sektor ng transportasyon para mas marami ang makapagtrabaho na hindi po nagriresulta sa banta ng ating kalusugan.

So pagdating po dito sa panahon ng Kapaskuhan, alam ko po kinakailangang bumili ng mura diyan sa Divisoria – hindi lang po sa Divisoria, diyan sa Quiapo po ‘no.

Alam ninyo po taun-taon, ako po ay bumibili ng hamon doon sa isang tindahang diyan sa Quiapo at bumibili ng prutas diyan mismo sa Quiapo area, malapit doon sa SM. Pero ngayong taon po siguro hindi na ako pupunta dahil iyong aking mga kritiko I’m sure susundan na naman ako at pipiktyuran na naman ako doon sa mataong lugar. So iyong aking mga suki diyan, pasensiya na po kayo, siguro pagkatapos ng pandemya; huwag na lang natin bigyan ng bala iyang mga walang hiyang mga kalaban ng gobyerno na iyan ‘no.

So but anyway, ultimately po kagaya ng aking sinabi, nasa kamay po natin ang ating mga kinabukasan. [Garbled] wala pa pong bakuna [garbled] at ang obligasyon naman po … dahil iyan ho ang solusyon sa pandemyang ito. Pero panandalian, tayo na po ang magdidikta kung tayo ay magkakasakit o hindi.

Eh Kuya, mantakin mo naman, Marso pa tayo nag-lockdown, ilang buwan na tayong naka-lockdown. So nine months na tayo ‘no. Nag-antay na rin naman tayo ng siyam na buwan eh ano ba naman iyong mag-antay na tayo ng apat pang buwan ‘no. Kaya na po natin iyan. Kung natiis natin iyong siyam na buwan, kakayanin pa po natin itong mga darating na apat na buwan.

At ang Pangako naman ng Presidente, kasi sinabi na sa kaniya ni Secretary Duque at ni Secretary Galvez, April pa po. Ang sabi talaga ng Presidente, ‘Hindi na ako makakaantay diyan. Gumawa kayo ng paraan para mas maging maaga.’ Kaya nga po ngayon, nagkaroon na ng mga emergency use authorization at pati po ang ating FDA ay nagsasabi, as early as January or February ay pupuwede nang magamit siguro iyong bakuna dahil nga po ang sabi ni Presidente, siya mismo and I agree, ako rin po ‘no ay hindi na makakaantay ng Abril at iyon din po ang sentimiyento ng karamihan ng ating mga kababayan.

RAZON: Okay. Secretary, before I let you go, bigyan kita din ng chance naman sagutin si Barry Gutierrez dahil ang sabi sa’yo eh bakit naman dinadamay mo si VP Leni eh ikaw ang pinupuna. Bakit sinasaklit mo raw si VP Leni eh hindi naman siya ang pinupuna, ikaw. Your thoughts on this?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po, pinupuna nila ako kasi ang sinasabi ng mga ka-kampo ni Barry at ni VP, bilang isang public official, ako daw dapat ay magsilbing ehemplo. Ibig sabihin, ang pinag-uusapan lahat ng public officials dapat maging ehemplo, hindi lang si Harry Roque. Pero kung babasahin mo nga iyong mga maka-oposisyon na mga media establishments, para bagang si Harry Roque lang ang opisyal at hindi opisyal si VP Leni. So lahat po kami. Tanggap ko po iyan, mga pagpupulang iyan. Matagal na akong nanindigan sa malayang pamamahayag ’no. So tanggapin po natin iyan, pero dapat patas. Kung lahat ng public officials, dapat maging ehemplo – lahat! That includes the Vice President.

RAZON:  So, guilty or not guilty ka?  Nag-freeze bigla, Secretary. Sec., nawala ka.

SEC. ROQUE: …paano kayo makakaiwas, oh sigaw sila, mask, hugas, iwas. Sabi ko ‘hindi kayo umiiwas ngayon’ – iyan. Pero ako po ay hindi po ako nag-organize noong event na iyon. Wala po akong kinalaman kung sino iyong dadalo, ano iyong programa. So absolutely, not guilty po.

Pero ngayon po lesson learned, alam mo kasi hindi talaga pumasok sa isip ko na ang mga tao gusto akong makita eh. Iyong aking saloobin, kung ano ako noon, ganito pa rin ako, kaya kumakain ako sa publiko. Ang dami-dami nga iyong mga protocols na sinasabi sa akin ngayon, ang sabi ko, kaya nga sabi ko babalik na ako sa pribadong buhay na walang nagsasabi kung paano ako mamumuhay nang pang-araw-araw.

So iyon nga po siguro ngayon eh, iiwasan na natin iyong mga may programa, kasi iyan po iyong delikado na magkukumpul-kumpol ang mga tao. Pero patuloy pa rin po tayo sa ating adbokasiya na habang nagbubukas ang ekonomiya, tutulong tayo lalung-lalo na sa sektor ng turismo. Kung mayroong mga bagong lugar na iimbitahan na naman tayo at dahil gusto nilang dumating ang mga turismo, nandoon pa rin tayo, gagamitin pa rin natin ang ating presidential press briefing.

Pero ngayon po siguro tinitingnan ko na kung may audience o walang audience at hindi na ako pupunta sa mga  events na mayroong audience po, dahil iyon na nga po kahit papaano pala, maski ang pangit-pangit ko, ang itim-itim ko, ang  laki-laki ng tiyan ay maraming  gustong makakita sa akin. So, iwas na po tayo diyan.          

RAZON:  Sige, Secretary, magkape na lang tayo kapag hindi ka na Spokesperson.

SEC. ROQUE:  Opo at mangwawakwak na naman tayo ng gobyerno. Parang mas madali iyon, parang mas epektibo ako doon ‘no? So, I look forward to that. Huwag sana silang manalo, ang oposisyon sa susunod na halalan dahil malaking sakit ng ulo at tinik si Harry Roque bilang oposisyon.

RAZON:  At least naranasan mo ngayon kung papaanong wakwakin kasi ikaw na lang nang ikaw ang nangwawakwak dati, ikaw naman ngayon. Weather, weather lang.

SEC. ROQUE:  Iba naman po. Kapag malinis ang konsensiya, balewala. Ako I’m accountable to God, I’m accountable to this country. Pero I will not be accountable to those na wala lang sa posisyon at gustong mabalik sa posisyon maski sila ay palpak noong sila ay nanunungkulan.  

RAZON:  Secretary, maraming salamat. Baka mayroon kang huling mga ibig na sabihin sa ating mga kababayan. Nasa iyo po ang pagkakataon.

SEC. ROQUE:  Well, unang-una, Kuya, nagpapasalamat ako sa UNTV, sa walang tigil sa pagsuporta sa aking mga paninindigan. Binabati ko po sila mommy Tiamzon at iyong mga naging biktima na bagama’t sa ngayon ay hindi pa rin po nakakamit ang kanilang kompensasyon na nakasaad po sa batas at sa karapatang pantao. Binabati ko pa rin po ng maligayang Pasko ang lahat po ng sumusubaybay sa atin at ang miyembro po ng Dating Daan. At ang aking mensahe lang po, well, ang Pasko naman po ay tungkol sa pag-ibig, ang Pasko ay tungkol sa pag-asa. Kaya nga po kahit ano po ang mga suliranin ngayon ay nandiyan po ang Pasko para papaalalahanin na bubuti rin po ang ating mga buhay, dahil mahal po tayo ng Panginoon.  Iyon lang po, magandang araw po sa inyong lahat!

RAZON:  Secretary, thank you so much for your time at hanggang sa susunod po na ating pong pagkikita ulit, loobin ng Panginoon. Stay safe at salamat po sa inyong panahon.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)