RAZON: Secretary Harry Roque, magandang umaga po.
SEC. ROQUE: Magandang umaga, Kuya; at magandang umaga po sa lahat ng ating mga kapatid at sa lahat ng nanonood sa atin!
RAZON: Welcome back! Gulat ako sa iyo… hindi ko alam kung iko-congratulate kita o magko-condolence ako sa iyo…parang biglang—
SEC. ROQUE: [LAUGHS] Kasi napakahirap ho talaga ng trabahong ito. Pero, Kuya, alam mo naman tayo Boy Scout, Laging handa at sa tingin ko naman ay hindi sapat kasi iyong ginagawa kong namimigay ng burger at ng pagkain sa frontliners na… noong dumating ang pagkakataon sabi ko, siguro ito na rin ang tawag ng Panginoon na magbigay pa ng mas maramihang pagserbisyo.
Sa tingin ko naman tama naman ang naging desisyon dahil sa aking trabaho ngayon ay talagang importante ang impormasyon na makarating sa ating mga taumbayan; at hindi lang po impormasyon, impormasyon kung ano ang ginagawa ng gobyerno nang sa ganoon po ay magkaroon ng pag-asa ang lahat na kakayanin po natin itong pagsubok na ito.
RAZON: Well, kasama ninyo kami sa pananalangin, Secretary Roque, at padadalhan kita ng maraming biskwit pa na Pasencia para medyo kailangang-kailangan ninyo po ng mahabang pasensiya ngayon at kasama na siguro din kami sa pagpapasensyahan ninyo kung kami ay mangungulit every now and then para makatulong naman po kami sa information dissemination and it’s best na direktang nanggagaling sa inyo para po hindi na nagkakaroon ng mga kalituhan.
Ang uunahin ko lang muna, Secretary, before I give you the opportunity also to at least enumerate iyong mga kailangan po ninyong maipalaam sa mga taumbayan.
Doon po sa mga areas ngayon na nakabukas na for the General Community Quarantine, Secretary, mayroon po bang laya na ibinibigay sa mga local government na magpasya sa kanilang sarili nang wala na pong galing na instruction from the IATF or from the national government?
Let’s say halimbawa, sa isang lugar nila ang feeling nila ay hindi pa puwedeng mag-General Community Quarantine at gusto pa rin nila na mag-lockdown sila. Can they do that without the blessing of the national government, Secretary?
SEC. ROQUE: Hindi po. Ang mga gobernador po pupuwede silang mag-ECQ kung sila’y GCQ na sa ilang mga component cities and municipalities pero ito po ay in coordination pa rin with the local IATF.
At iyong mga mayor naman po ng highly urbanized cities ay pupuwede silang mag-ECQ sa ilang mga barangay pero ganoon din po, in coordination with local IATF. Pero wala pong mga lokal na pamahalaan na pupuwedeng magdeklara ng ECQ sa kanilang mga teritoryo, sa kabuuan ng kanilang mga teritoryo nang wala pong pagpayag ng IATF.
RAZON: Alright. Doon po sa mga nasa ilalim pa rin ngayon ng Enhanced Community Quarantine, mayroon po kasing mga areas na nagha-hard lockdown kagaya po ng Manila – pangalawa ngayon sa Tondo iyong ginagawa ni Mayor Isko Moreno dahil sa may nakikita silang pangangailangan para magkaroon ng mga testing na din at assessment doon sa area dahil tumataas iyon pong mga insidente. Sa mga iba-ibang lugar, how do they do that or how should they do that iyong pagha-hard lockdown in a certain period of time? Papaano po ba iyan dapat na ginagawa nila?
SEC. ROQUE: Well, tingin ko tama naman iyong pagpapatupad niyan ni Mayor Isko, ni “Yorme.” Unang-una po, iyan naman po ay ipinagbigay-alam din niya sa IATF bagama’t may ganiyan na siyang kapangyarihan dahil siya’y isang highly urbanized city.
Pangalawa, sinasabayan po niya ng intensified testing, iyong rapid testing na ginagawa niya ngayon in partnership with Project ARK ng pribadong sektor dahil habang naka-lockdown ay maiisa-isa mo talaga iyong mga tao doon kung mayroon namang kakayahan ang siyudad na at least mag-rapid testing.
Pangatlo, ang siyudad ng Maynila naman po ay wala pong kaduda-duda, maski hindi pa po dumarating iyong ayuda galing sa DSWD na SAP eh sila naman po ay mayroon nang sapat na resources para magbigay ng kanilang ayuda in terms of food pack at iba pang mga ayuda sa kanilang mga mamamayan without waiting for national government to provide iyong ating mga tinatawag na assistance.
So, tama naman po ang pagpapatupad ni Yorme po diyan sa Maynila.
RAZON: Alright. So, that can be done as well din po sa ibang mga lugar ngayon, Secretary, na mayroon pang Enhanced Community Quarantine – na mayroon ng kapangyarihan po ang mayor ngayon diyan na gawin po nila iyong hard lockdown kahit sa ibang mga areas pa po, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Kaya po nilang gawin iyan pagdating po sa mga barangay pagdating sa mga highly urbanized cities, pero kung ang ipatutupad po nila ay GCQ na sila, ECQ gusto nilang ipatupad iyan, kinakailangan po niyan ng approval ng IATF.
RAZON: Alright. Secretary, ngayon ho… kanina po ay nasa—iyong isang reporter natin nandiyan sa may Bicol area, under na sila ng GCQ pero hindi pa rin nagbibiyahe ang kanilang mga bus. Mayroon daw hong mga nagpupunta na din doon sa bus stations at nag-i-inquire pero they decided na huwag munang pabiyahehin iyong kanilang mga bus doon. Naghihintay pa daw po din ng guidelines from DOTr, if I’m not mistaken, para po kung ano talaga ang kailangang gawin nila sa pagbiyahe. Ano po ba ang instructions ngayon dito Secretary?
SEC. ROQUE: Puwede na pong magbiyahe ang mga bus basta’t susundin po iyong one-meter social distancing. Ibig sabihin, siguro less than fifty percent capacity iyong mga bus na pupuwedeng magbiyahe. Puwede lang po iyan mga lokal o kaya hindi naman kaya iyong mga bus na papuntang sa ibang area na GCQ rin; pero iyong mga bus na pa-Manila po, hindi pa rin po iyan makakapasok ng Maynila.
RAZON: So, what if they decide po na huwag pang magbiyahe dahil sa, una, ang isang reklamo diyan ay hindi naman nila mama-maximize iyong kanilang pagbibiyahe dahil fifty percent lamang iyong kanilang isasakay at maaari silang malugi. Ano ho ba ang panuntunan, kailangan po ba silang i-require na magbiyahe na or they can opt not to, Secretary?
SEC. ROQUE: Naku! Alam ninyo po, prangkisa iyang ibinibigay natin sa ating mga bus companies, iyan po ay isang pribilehiyo at hindi po karapatan. Kaya naman po in-allow na rin natin magbiyahe ang transportasyon albeit limited ay dahil binuksan na natin nang bahagya rin ang ekonomiya. So, kinakailangan po mag-operate sila dahil hindi po makakapasok sa trabaho ang mamamayan kung walang public transportation; bagama’t eh ngayon po ay May 1, pista opisyal, so hindi siguro problema iyan ngayon. Pero kapag dumating na po iyong araw ng trabaho nang normal, kinakailangan na po silang tumakbo kung pupuwedeng tumakbo dahil obligado naman po sila sa kanilang prangkisa na magbigay ng ganiyang serbisyo sa publiko.
RAZON: Ayun. So, ito po ay makaklaro natin, Secretary, na come bukas, May 2 na bukas at kung sakaling sila’y under na ng GCQ, iyong mga public transport ay obligado na sila na magbiyahe – iyong mga pinapayagan – iyong mga buses specifically, taxi, tama ba iyon, Secretary?
SEC. ROQUE: Uhm.
RAZON: Taxi, bus, mga tricycle, puwede na?
SEC. ROQUE: Opo, opo. Ang jeepney po hindi, kasi imposibleng mag-social distancing.
RAZON: So, sa jeep pa lang hindi pupuwede. So, ito po ang mangyayari hindi nila puwedeng katuwiranin na hindi baka malugi kami, hindi na kami magbibiyahe. They are supposed to give services dahil sila ay nasa General Community Quarantine na. Is that accurate, Secretary?
SEC. ROQUE: Opo, iyan po ay obligasyon nila bilang isang franchise holder.
RAZON: I see. So puwede po silang mapenahan dito kung sila ay hindi po magbibiyahe?
SEC. ROQUE: Pupuwede po, nasa batas po iyan, Public Utility Law.
RAZON: All right. Secretary, bigay ko po muna sa inyo iyong pagkakataon ano para maisa-isa ninyo iyong mga mahahalagang panuntunan na dapat naming gawin doon sa mga nasa GCQ na, kasi ito ho iyong ano eh, ito ngayon iyong inaabangan palagi so that I can ask some details with regard to whatever it is that you would like to inform our public. Please go ahead, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Well unang-una po, iyong mga bukas naman po sa ECQ natural po mananatiling bukas sa GCQ. Pero ang bago nga po itong transportasyon ‘no, kinakailangan po isang metro ang social distancing ‘no. Pagkatapos po, iyong mga—sandali lang po ah, at tinitingnan ko ‘tong mga slides ‘no. Iyong mga industriya po, kung ano iyong bukas sa ECQ, bukas pa rin po sa GCQ.
Mayroon po tayong tinatawag na Category 2 industries, iyong mining and other manufacturing, export-oriented, electronic commerce companies, as well as delivery, repair and maintenance, housing and office services at anywhere between 50% up to full operational capacity.
Iyong Category 3 industries – financial services, BPOs, legal and accounting, auditing services, professional, scientific technical and other non-leisure activities and other non-leisure wholesale and retail establishments at 50% work site and 50% work-from-home.
Ang mga malls po limited po ang operation pero bukas naman po na ang mga tindahan diyan except for leisure establishments and services which continue to be closed ‘no. Iyong mga sinehan po at saka mga video game arcade sarado pa rin po iyan at saka iyong mga nagki-cater po sa mga kabataan ‘no.
Tapos po kinakailangan siyempre iyong minimum health standard sa mga malls. Kinakailangan may mandatory health check, mayroong wearing of mask at mayroon pong iyong malawakang alcohol na gagamitin ng mga pumapasok. At ang sabi nga po natin, dapat huwag masyadong malamig sa mall dahil hindi naman po pupuwedeng tambayan ang mga malls ‘no, iyan po ay para bibili lang ng kinakailangan at matapos po ay dapat umalis na rin ‘no sa lalong mabilis na panahon.
Now mayroon po tayong mga essential public and private construction project na allowed na – sewerage, water services facilities, digital work and health facilities, and priority project po ‘no na ia-allow na ng DPWH.
So iyong mga amusement, gaming and fitness establishment, hindi pa rin po iyan bukas.
Ang mga hotel mananatiling sarado po iyan, pero puwede pong mag-stay ang mga foreign guests na mayroon pong booking accommodations as of May 1 at saka iyong mayroon pong mga long term booking. Iyong mga ginagamit pong mga hotel ng mga OFWs na walang matirhan habang nagku-quarantine, eh pupuwede rin pong magbukas iyan.
Now iyong mga OFWs po natin ‘no, kung pupuwede isa-subject na sila sa test, PCR or rapid test nang sa ganoon makauwi na sa kanilang mga kaniya-kaniyang mga probinsya kung saan doon na sila mag-quarantine at hindi na dito sa mga quarantine areas dito po sa Manila ‘no.
Ang mga higher educational institution po, pupuwede lang silang magkaroon ng flexible learning para tapusin po itong taon ng 2019 at 2020, at para po magbigay ng credentials doon sa mga magga-graduate.
Bawal pa rin po ang mga mass gatherings ‘no. Ito nga po pala ang aking i-emphasize na bagama’t sa resolution naaprubahan iyang mga pagtitipon para sa mga religious activities, eh nagkaroon po talaga nang malawakang protesta dito sa probisyon na ito sa hanay po ng mga governors at saka mayors kasi hindi daw po nila mapapatupad iyan. So ito po’y pag-uusapan muli sa pagpupulong po ng IATF ngayon, magsisimula po ng alas onse ng umaga.
Iyong road, rail, maritime and aviation sectors po ay bahagyang magbubukas pero istrikto po iyan ‘no, one-meter distance kada pasahero ‘no.
Iyong pagpasok at labas po between ECQ and GCQ, pupuwede naman po iyan pero kinakailangan po ito ay… kung ang tatawid ay mga healthworkers, mga government officials and government frontline personnel, iyong mga nagbibiyahe para po sa medical or humanitarian reasons. Iyong mga transiting po, iyong papunta sa airport, iyong mga permitted establishments and persons na nagbibigay ng essential goods and services including public utility, iyong essential skeletal workforce at saka iyong repatriated OFWs at iba pang mga tao na kinakailangan magbiyahe ‘no.
Lahat po ng cargo dapat payagan ninyo po ‘no, whether be it sa GCQ or GCQ to ECQ, pinapayagan na po iyan ‘no.
Tapos iyong mga OFWs po ngayon ‘no and stranded foreign nationals may leave for abroad sa mga airport ‘no na walang impediment, provided po na iyong mga aalis ay hindi po pupunta sa lugar na mayroong restriction sa mga Pilipino. At kinakailangan, isa lang po ang pupuwedeng maghatid ‘no, hindi po buong barangay.
Now iyong mga—mayroon naman pong napauwing mga OFW na mayroon po silang certificate na sila po ay naka-complete na ng 14-day quarantine ‘no o kaya naman iyong required pa silang mag-mandatory 14-day home quarantine ay dapat papasukin na rin po.
Now ang mga LGUs po ay pupuwede pa ring magpatupad ng mga curfews sang-ayon po sa kanilang mga ordinansa.
Now iyong mga renta nga pala po ‘no, iyong renta sa residential at commercial, mayroon po tayong 30-day grace period ‘no. Now iyong mga business rental po, iyong grace period ay sakop pa rin po ang GCQ. Pero iyong residential po, dahil puwede nang magtrabaho ay hindi na po sakop iyong GCQ. Ang sakop lang noong grace period ay iyong panahon na tayo po ay nasa ECQ.
At siyempre po, ang new normal na natin talaga social distancing, wearing of mask at saka good hygiene. Pinagbabawal din po na mag-discriminate laban doon sa mga mayroong COVID-19 o hinihinalang mayroong COVID-19. At siyempre, pinagbabawal din po ang discrimination sa ating mga medical frontliners.
So Kuya, medyo madami iyon [laughs]…
RAZON: Secretary, hihingi lang po ako ng detalye ‘no kagaya po nitong may kinalaman dito sa sinasabi natin na ngayon ay hindi pinapayagan pa rin iyong mga senior citizen, paano ho ba iyon? Kasi ganito Secretary, alam ko tayong dalawa medyo malapit-lapit na diyan…
SEC. ROQUE: [Laughs] Ayaw ko ‘atang umamin doon [laughs].
RAZON: Pero may contention kasi Secretary eh, ano ba iyong senior at saka iyong below 20, kasi maaaring senior tayo pero mas malakas ang katawan natin kesa doon sa hindi senior na mayroong medical condition hindi ba? Papaano po ba ngayon iyan, kasi magrereklamo iyong mga kagaya natin na medyo mayroong ano pero malakas-lakas naman, parang power of 30, mga ganoon pero ikaw ay senior na. Eh mayroon naman na hindi naman senior, bata pa pero medyo mahina naman ang katawan; kasi napapagdiskitihan tayong mga senior eh. Papaano ba talaga diyan ang regulasyon na gagawin natin?
SEC. ROQUE: Well una Kuya, buti na lang utak bata ako forever ano. Anyway ang nakasaad po sa ating guidelines—fake news po iyan na pinagbabawalan ang lahat ng seniors, dahil hanggang ngayon po sa ECQ eh talaga namang kung walang kasama ang senior para bumili ng kaniyang mga pagkain eh binibigyan pa rin sila ng quarantine pass ‘no. So ibig sabihin, unang-una, iyong pinapatupad na ngayon na kung walang kasama ang seniors ay pupuwede silang lumabas para kunin iyong kanilang mga essential, pupuwede pa rin po iyan.
At siyempre, kinikilala po natin na ang retirement age ay 65. Ang Presidente senior, otsenta porsiyento ng Gabinete at miyembro ng IATF ay senior. Ang mga Justices and Judges, they serve until age 70. So kapag mayroon pong trabaho, ipakita lang ang kanilang work ID at wala pong problema iyon.
RAZON: Ayon, mabuti iyong maliwanag ano. Kasi natatakot na akong lumabas tuloy eh, kahit na may IATF ID ako eh.
SEC. ROQUE: Bakit, under 21, kasi Kuya ano. [LAUGHS]
RAZON: Isa pa, Secretary, ang restaurant sa mga GCQ na, hindi pa rin puwede?
SEC. ROQUE: Wala pa rin po, takeout and delivery.
RAZON: So, puro takeout and delivery.
SEC. ROQUE: Dati kasi puro fast food lang ang takeout natin, ngayon puwedeng lahat na ng restaurant ay mayroong takeout o di naman kaya ay delivery.
RAZON: I see. Doon naman sa sinasabi ninyong pinag-uusapan pa ngayon itong tungkol sa mga mass gatherings. Well, specifically, sa mga religious gatherings, since iyong una in-exempt yan, ngayon ibabalik ninyo sa table. So that means, while you are still discussing iyong tungkol po diyan ay hindi muna ia-allow pa rin until such time that you will come up with a decision, tama po ba iyon?
SEC. ROQUE: Ay naku, Kuya, tama po iyan. Kasi talagang hindi po namin expected iyan na ang reklamo ay manggaling pa sa mga lokal na pamahalaan, kasi nga hindi raw nila mapapatupad iyan. At saka si Senador Angara, Senador Zubiri parehas silang nagkaroon ng COVID-19, eh sinabi nila na iyong karanasan ng mga ibang bansa ay nagkaroon talaga ng second wave na nagsimula dito sa mga religious meeting, Korea is one example cited saka Singapore din.
So, siguro po para… they will veer on the conservative side, hindi ko naman kasi pupuwedeng desisyunan ang isang bagay na dapat pagbotohan sa IATF, pero tingin ko po dahil tinanggap naman ng IATF iyan na i-include sa agenda nila ngayon at alas-onse po iyong meeting instead of 2:00 o’clock, pinaaga nga po, kasi Ramadan ngayon at kinakailangan magbigay ng guidance sa ating mga kapatid na Muslim at iyong ilang lugar na nagpi-fiesta. Ang alam ko ang Tagbilaran ay fiesta po ngayon ay napaaga po ang meeting ng 11:00 o’clock.
Pero sa ngayon po, sana po huwag muna kayong magtipon-tipon, dahil ang iniiwasan natin iyong pagkalat ng sakit. At tingin ko naman may kagustuhan talagang buksan, kaya lang siguro dapat magkaroon ng pagkahanda o paghandaan iyan, for instance, maglalagay na tayo ng mga markers kung saan uupo iyong mga tao at iyong pasukan at labasan dapat mayroon ding markers kung saan dapat tatayo iyong mga tao to ensure social distancing. Sa tingin ko kaya naman nating gawin iyan in the next two weeks.
So, huwag po kayo mag-alala dahil ako naman po talaga dalawang beses magsimba sa isang linggo ay nais na talaga nating sumamba. Magsamba po muna tayo privacy of our own home kasama ang ating mga pamilya.
RAZON: Kasi po, although I would like also to tell you na sa amin ay talagang nakikiisa po kami diyan at ginagawa na namin ngayon iyong mga hakbang tungkol nga po sa paglilimita ng mga tao sa loob ng bahay pagkakatipon. As a matter of fact, ay mayroon na ding mga routines na ginagawa in preparation kung sakali po na magbabalik na tayo doon sa puwede nang magkatipon. But just the same ngayon kaya ko po nilliwanag dahil nga noong una, ang unang labas natin ay exempted, puwede ‘no; kaya lang babalik ngayon doon sa table, so that means huwag muna at hindi muna nadedesisyunan iyan. So, mas mabuti po iyong klaro, kasi para hindi magkaroon ng kalituhan, Secretary. So, hindi muna, wala muna, wala pang desisyon, we will wait for that.
SEC. ROQUE: Opo.
RAZON: And the soonest possible time that we can come up with the decision po diyan Secretary is when?
SEC. ROQUE: Well, alas-onse po ang meeting, uunahin ko po iyan, sasabihin ko kung puwedeng pagdesisyunan na iyan kasi nga Ramadan at maraming nagpi-fiesta ngayon. Alam naman ninyo Mayo, talagang buwan ng mga fiesta. So, para maanunsiyo ko na kaagad.
RAZON: Okay, ang isa po, Secretary, alam ko that one of the things that you will have a hard time na gawin ngayon ay iyong implementation. Mayroon po bang pangangailangan, kasi you as a lawyer as well, may pangangailangan ba sa tingin po ninyo ng pagbalangkas ng mga panukalang batas para doon sa bagong normal na dapat magawa natin. May nakikita po ba kayong necessity for this. Kasi parang ngayon ay gagawin lang natin iyan under the declaration ng IATF at iyong ibang mga bagong bagay na kailangang maipatupad sabi nga ninyo ay bagong normal, ano. May pangangailangan ba sa tingin ninyo na maggawa ng batas tungkol sa bagong normal, Secretary?
SEC. ROQUE: Well, mayroon po talagang pangangailangan na ganiyan dahil ang problema nga natin sa pagpapatupad ng ECQ, iyong anong ipapataw na parusa. Kinakailangan po talaga ng ordinansa o di naman kaya ng batas para malinaw kung ano ang pupuwede at hindi pupuwedeng gawin ng mga enforcers doon sa lalabag ng palatuntunan.
RAZON: Secretary, ito ho isang lilinawin ko lang, ano—
SEC. ROQUE: Sandali lang po ha nag-low battery po iyong aking earphone, magpapalit lang po ako ng earphone sandali.
RAZON: Sa dami ng kinakausap ninyo, kailangan mayroon ka na palang ano, Secretary—
SEC. ROQUE: Okay, okay. Apat-apat po iyong earphone natin.
RAZON: Mayroon lang kasing dalawang contradicting theory dito sa na-encounter ko sa nakaraan. Nakausap ko po iyong—
Secretary, ito pong nakaraan nakausap ko po ang ating mga kaibigan sa PAGIBIG at ang isa pong sinasabi ng PAGIBIG ngayon, mayroon silang ino-offer na ia-apply ng mga members na three-month moratorium. At hindi daw po iyong automatic, iyon daw po ay kailangang ia-apply mo, whether kung ikaw ay makapasa, then mayroon kang moratorium doon sa sisingilin sa iyo.
Pero kapag hindi ka nakapasa, kapag daw po na-lift na ang ECQ, iyong lahat ng mga due mo ay kailangang mong bayaran lahat ng bigla. Ang akin pong itinatanong sa kanila, sabi ko hindi po ba made-defeat niyan iyong purpose iyong pagbigay ng 30 days na grace period under the Bayanihan Law. Kinausap po namin ang isa sa nagbalangkas, si Bernadette Herrera na Congresswoman ng Bagong Henerasyon Partylist, and she agrees na ang intention ay huwag pagsabay-sabayin kasi nga mabibigla po eh. Kung hindi ka na-approve doon sa three-month moratorium na kailangan mong i-apply, mabibigla kang magbabayad noong lahat ng due mo dito po sa PAGIBIG and that’s what they are saying. Mayroon po bang–puwede bang mamagitan po dito ang Malacañang or ang IATF, Secretary Roque?
SEC. ROQUE: Lilinawin po natin iyan kay President Acmad ng PAGIBIG ‘no. Naiintindihan ko naman po ang sentimiyento natin na para bang binigyan ka nga ng moratorium, bigla ka namang bibiglain ‘no. So dapat siguro po iyan ay—bagama’t kailangan pa ring bayaran iyan ay magkaroon ng pamamaraan na hahati-hatiin ‘no iyong pagbabayad ng mga binabayaran under the moratorium – ang tawag naman po diyan ay grace period ‘no. So ibig sabihin, kailangan pa ring bayaran pero naiintindihan ko po na huwag naman isang buhos dahil lalong pahirap po iyan ‘no sa mga kababayan natin lalung-lalo na iyong kumuha ng socialized home loans sa ating PAGIBIG.
RAZON: Nai-raise ko lang din po sa inyo dahil marami hong nagsipag-text sa atin with regard to that.
Now, Secretary, ang isa po ngayon dito, mayroon po bang maaari agad na matawagan na isini-setup kayo dahil sa… alam ho natin iyong pagpapatupad natin ngayon dito sa pagbabalik ng GCQ will really be very, very tedious na immediate na kasi alam ninyo naman ho, nakita ninyo, naka-ECQ tayo kapag mayroong nakitang bus, talaga naman na siksikan pa rin. Kapag mayroong nakabukas na market, eh kita ninyo nga ho, itong mga nakaraan, nagbukas ang market, walang ano, sige, ayan na naman. Ang social distancing ay nagkakaroon ng problema.
Ano ho ba ang immediate na pupuwedeng gawin, saan, mayroon bang mga talagang open kaagad na, “Secretary,” kasi alangan naman kayo lagi ang bubulabugin ano. Dapat mayroong mga naka-set up na puwede kaagad na umaaksiyon. Mayroon po bang binuo tayo na aaksiyon agad sa maaaring makikitang biglaang paglabag? Kasi minsan hindi na ho kaya ng pulis eh, hindi na rin kayanin ng mga barangay at kaawa-awa din ho iyong ating mga frontliners kung minsan ay nabababag pa. Ano ho ba ang ating adjustment dito, Secretary?
SEC. ROQUE: Well, ang unang-una po talaga nating mapapatupad nito ay ang mga barangay officials kasi sila po talaga iyong nandoon sa ground ‘no. At bukod pa po diyan, lahat naman po ng mga departamento ay may kaniya-kaniyang mga hotlines. May hotline po ang DOH, may hotline po ang DILG, may hotline po ang DOLE. So tingin ko naman po dahil nga sa teknolohiya ay mapapabilis ang pagproseso ng ating mga complaints. So iyan po ang ating gagamitin, ang teknolohiya.
So huwag po kayong mag-alala, lahat naman po ng hakbang ay gagawin natin, pati po siguro iyong hotline ng Malacañan ay puwede na rin iyan gamitin kung kayo po ay mayroong mga reklamo.
RAZON: Speaking of which, Secretary, napakahalaga po ngayon ng ating mga linya ng komunikasyon lalo na po at ipinu-propose na din iyong mga online classes sa pagbubukas ng klase. Ano ho ba ang atin ngayong magiging adjustment?
Kasi nakita ninyo naman ho ay maraming mga … sa mga meeting ninyo, sa Zoom meeting ninyo minsan mayroong ayaw tumayo ang video eh, at iyong mga audio minsan ay nahihirapan pa rin dahil very poor ang signal. Mayroon ho bang mga actions ngayon with regard sa pag-i-improve ng ating mga telecom services, Secretary? Dahil napaka-importante po nito ngayon sa atin.
SEC. ROQUE: Oo, ang masasabi ko lang po ay bago pa tayo mag-ECQ ay may problema na talaga tayo sa telecoms ‘no. Kaya nga po dapat siguro mapabilis iyong pagpasok ng third telecoms. At kung dati ay may problema na tayo, lalo na ngayon dahil hindi lang sa ginagamit for education purposes, siyempre walang ginagawa ang tao sa bahay, lahat po ay nasa internet. Ang aking mga anak, parang wala silang pakialam sa mundo basta mayroon silang internet; huwag mo lang aalisin ang internet nila.
Kaya nga po nakikiusap din tayo sa ating mga kababayan ‘no, habang hindi pa tayo completely nagkakaroon ng additional infra work para po sa internet lalung-lalo na ‘no ay bawas-bawasan na po natin iyong pagpanood ng Netflix at iba pang mga malakas kumonsumo ng internet. Di naman kaya, i-download ninyo na kung ano iyong kailangan ninyo i-download saka ninyo panoorin, kasi habang pinapanood ninyo po iyan ay talagang napakalakas po ng paggamit ng internet.
So sa ngayon naman po, ang sabi naman po ng DICT, sapat naman po ang ating imprastruktura bagama’t mayroon po talagang pagsubok. At susubukan po nating palakasin pa iyan dahil nga po mayroon na tayong tinatawag na “flexible learning” ‘no na talagang nakasalalay po iyan sa internet.
Ngayon nga po ay nagkakaproblema ako sa aking Zoom ngayon, ako po’y nagpi-freeze at nawawalan ng battery sa earphones. Pero sandali lang po, ang gagawin ko po ay magpapalit po ako ng earphone, pero ang nangyayari po ay nagpi-freeze na rin iyong sa aking—sandali lang po ha. Nagpi-freeze na rin po sa akin iyong screen ko sa Zoom, parang ang Zoom ata kapag matagal mo nang gamit ay nagpi-freeze din. Pero iyan po, naremedyuhan ko na po iyong ating audio. So okay po, puwede na po tayo ulit sa audio.
RAZON: Ayan, so ito po ay napaka-importante ngayon na mabigyan ng pansin din ‘no, iyong ating mga communication.
Sa pagbubukas ng klase, Secretary, mayroon na po bang direktiba tayo na magiging… puwedeng gamiting isang pattern na susundin ng lahat po nang nasa education sector?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo, iyong mga pamantasan ngayon ay talagang nagbabago na po sila ‘no. Pinag-aaralan na po nila kung how they can have flexible learning as a new norm. Kasi nga kahit anong sabihin natin, maski babalik ang mga pasok pagdating siguro ng Agosto o Setyembre, ang katunayan po, ang kabataan po ang pinaka … kumbaga, instrumento ng pinakamabilis na pagkalat ng virus na ito na habang walang vaccine o kaya naman ay gamot ay talagang magiging problema ng buong mundo ‘no.
So iniengganyo na po natin ngayon ang mga eskuwelahan na magkaroon ng flexible learning. Ibig sabihin, hindi lang po online, puwede tayong magkaroon ng combination classroom o di naman kaya online. At we will have to explore options ‘no because we now have a new normal habang wala pa pong bakuna laban sa coronavirus.
RAZON: All right, Secretary, nasa inyo po ang pagkakataon ngayon para i-address ang ating mga kababayan, ang mga nakikita ninyong mahahalagang information pa na dapat nating maipaalam sa kanila. Please, Secretary, at bago po kayo pakawalan.
SEC. ROQUE: Unang-una, pinararating ko po ang pagbati ng ating Presidente sa lahat po ng uri ng manggagawa. Kayo po talaga ang haligi ng ating lipunan. Kung wala pong manggagawa, walang ekonomiya, at ito po talaga ay napatunayan na natin noong tayo po ay nagkaroon ng ECQ.
Pangalawa po, nagpapasalamat po ako sa lahat po ng ating mga kababayan na nagbigay ng kanilang kooperasyon dito sa napakahirap na proseso na pinagdaanan natin, ang ECQ. At sa mga lugar na magkakaroon na po ng GCQ, alalahanin ninyo po, wala pa po tayong vaccine; wala pa tayong gamot. Importante pong bahagyang buksan ang ekonomiya dahil kina-kailangan naman magkaroon tayo ng kabuhayan; hindi po tayo mabubuhay nang sa gobyerno lamang. At iyong mga ayudang napamigay na at ipapamigay pa, iyan po talaga ay pantawid gutom lamang ‘no.
So ang aking pakiusap, habang wala pang gamot, habang wala pa pong vaccine ay ipagpatuloy po natin ang social distancing, ang good hygiene, ang health promotions ‘no, manatiling malusog dahil ito po ang ating mga sandata laban sa sakit na ito.
RAZON: Secretary, maraming salamat sa inyong panahon. At umaasa ako na sa malapit na hinaharap ay magkikita tayong muli nang personal. Mag-iingat ka po palagi at stay safe and stay healthy. Dalangin po namin ang inyong kaligtasan. At congratulations ba…? [LAUGHS]
SEC. ROQUE: [LAUGHS] Or condolence.
RAZON: Good luck dahil ikaw ay nasabak na naman po sa medyo mabigat-bigat na trabaho and I feel you, Secretary. Anything that we could be of help, please let us know. Bukas po ang ating himpilan to help you out in the dissemination of information na para masigurong hindi ma-mislead ang ating mga kababayan at hindi sila ma-fake news. Salamat po, Secretary.
SEC. ROQUE: Opo, opo. Maraming salamat, Kuya ha; at magandang umaga po.
##
—
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)