Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Danny Buenafe and Tony Velasquez (DZMM Teleradyo – On the Spot)



Q: Anyway, Secretary Harry, sa ngayon po eh siyempre ang sinasabi ng Pangulo ay gusto niya na mabakunahan na ‘no at least—ilan ba, dalawampung milyong Pilipino, tama po ba?

SEC. ROQUE: Tama po. Iyong mga 4Ps beneficiaries natin na 20 million mahigit-kumulang kasama po ang mga frontliners, ang kapulisan at saka ang kasundaluhan.

Q: Okay. So nagsalita po ang Pangulo at sinabi niya na gusto sana nga niyang pabakunahan nga ang lahat ng Pilipino at kung sakali man ay baka may pera tayo pambakuna ‘no. Pero doon sa budget po na inilaan sa DOH para sa bakuna parang umaabot lang ‘ata ng 2.5 billion. Ang sinasabi po ngayon ay baka kulang pa ito para nga doon sa target na mabakunahan ang mga—iyong gustong pabakunahan ng Presidente, baka kulang pa ng 10.5 billion kung hindi ako nagkakamali?

SEC. ROQUE: Opo. Well, ang pigura po na 2.5 billion ay base po iyan doon sa 20 million na tag-two dosage ‘no. So iyan po ay 40 million times 10 ‘no, kasi iyon po iyong inaasahan natin na presyo, 10 US dollars. So pumapatak po iyan, iyong initial na kinakailangan will be, kung hindi ako nagkakamali 2 billion kaya 2.5 po iyong initial ‘no. Now—pero hindi naman po ibig sabihin na titigil na doon ‘no dahil nga po sang-ayon naman doon sa batas na isinulong natin noong 17th Congress, Universal Healthcare Law, eh dapat mabigyan din ang marami nang libreng bakuna ‘no hindi lang iyong mga pinakamahihirap.

Pero ang tingin ko naman po initial lang po iyan kasi ang katotohanan ‘pag lumabas ang bakuna, hindi naman po kaya na talagang lahat mabigyan niyan kasi siyempre matatagalan iyong pagma-manufacture tapos mayroon pang distribution. So kagabi po isa sa mga napag-usapan na namin ay kinakailangan plantsahin talaga kung paano stage by stage iyong pag-aangkat ng gamot at saka iyon pagdi-distribute.

Alam mo ba, kahapon nalaman ko na ang kinakailangang storage facility eh negative 90. Hindi ko nga alam kung—mayroon daw tayong ganiyan na negative 90 storage pero nasa RITM lamang ‘no. Eh kung tayo’y mag-aangkat nang milyun-milyon, kinakailangan gumagawa pa nang mas malalakihang mga cold storage facility at hindi ordinaryong cold storage kasi negative 90 nga ‘no.

So talagang matindi rin iyong paghamon ‘pag lumabas na ang bakuna at ngayon pa lang ang talagang mensahe ni Presidente maghanda na tayo ‘no. So iyong mga detalye hindi lang iyong perang pambili.

Alam mo iyong perang pambili, huwag po kayong mag-alala kasi mayroon naman tayong financing scheme na naka-in place na ‘no na kung wala sa national budget, pupuwede nating utangin iyan sa Landbank at saka sa DBP na ang mag-aangkat nga ay PITC [Philippine International Trading Corporation] ‘no. Pero ang challenge ngayon talaga eh iyong storage at saka iyong logistics ng pagpapadala rito ng gamot at saka iyong distribution network.

Bagama’t ang sabi kahapon sa akin ni Secretary Duque, sanay na sanay na tayo sa distribution kasi nga ang dami-daming bakuna ‘no – polio, measles… So iyan plantsado na iyan ‘no at hindi na tayo masyadong mahihirapan. Pero ang bago talaga iyong logistics na pag-handle ng negative 90 na napakadami.

Q: Oo. Pero mayroon tayo bang lugar, negative 90 cold storage facility? Napakalaki noon eh saka napakadaming ilalagay na gamot ‘no pang-vaccine diyan. Ibig sabihin may na-identify na ba tayong lugar kung saan iyan?

SEC. ROQUE: Well, ang sabi po kahapon ni Secretary Duque, mayroon tayong isa sa RITM pero importante talaga na either magpagawa ang gobyerno o umapela sa pribadong sektor na mag-invest dito sa ganitong negosyo ‘no. Kasi kapag nag-invest naman sila may merkado talaga sila ‘no. Siguro naman mahigit isang taon talaga na i-store diyan iyong vaccine para mabakunahan ang lahat ‘no kasi hindi po biro iyon na 130 Filipinos eh mabibigyan natin ng dalawang dosage ng bakuna ‘no so talagang malaking paghamon din po iyon.

Although ang sabi naman hindi naman kinakailangan 130 eh, mayroon lang ‘atang porsiyento na kinakailangang mabakunahan para magkaroon nga ng herd immunity na tinatawag ‘no at saka magkaroon lang tayo ng zero prevalence na maputol iyong chain ng pagkalat noong COVID-19 eh maaano na rin ‘no, tuluyang mawawala na rin iyang COVID-19.

Q: Eh iyon lang ang worry din ng mga tao ngayon dahil sa kung tuluyan na ngang luluwagan iyong mga restrictions dahil nga iyong sa General Community Quarantine ay luluwagan iyong ilang restrictions may risk—

Q: Baka po matulad tayo doon sa ilang mga bansa na—iyong madalas na pinapasyalan ni Danny Buenafe, sa Europe eh dahil sa niluwagan nila iyong mga restrictions sa mga public gatherings, sa mga mass gatherings—

Q: At lumalamig iyong klima ay biglang lumala iyong mga may dami ng sakit ng COVID-19.

Q: Oo. Hindi ba nakikita ninyo iyon na problema o pangamba?

SEC. ROQUE: Well—oo, ang tingin ko naman po hindi mangyayari iyan kasi iba po tayo dito sa Pilipinas. Bagama’t tayo po’y nagluluwag ng ekonomiya, patuloy ang pagbibigay alala natin sa taumbayan na huwag nating itigil iyong mask, hugas at iwas. Sa katunayan tayo lang ‘ata ang bansa sa buong mundo na iyong Presidente ang nasa commercial na nagsasabing mask, hugas at iwas ‘no.

Sa Europa, na bayan ni Danny Buenafe, eh lahat po sila’y mahilig magbeso-beso at chika-chika sa mga bars kaya dumadami ‘no, hindi na nagma-mask ‘no. Ang balita ko nga ang dami nang nahalikan ni Danny Buenafe sa Europa eh ‘no dahil sa chika-chika niya ‘no. [laughs]

Pero ang pagkakaiba nga po eh tayo po talaga ay nararamdaman po natin na ang dami na pong nagugutom dahil dito sa lockdown at alam na po natin na para tayo’y mabuhay, para tayo’y makapaghanapbuhay kinakailangan magpatuloy pa rin ang mask, hugas at iwas.

At nagpapasalamat po kami sa lahat ng members ng KBP, kasama na rin po ang ABS-CBN dahil kung hindi po ako nagkakamali eh iniere po nila iyong infomercial ng ating Presidente nang libre ‘no – iyong mask, hugas at iwas.

Q: Oo, Sec. Harry, marami kasing nagtatanong, laging paulit-ulit ito ‘no. Alam ko kasi, iyong clinical trial, may mga ilang gamot na ang sisimulan dito sa Pilipinas. Siguro six months daw ang parang timetable diyan. Tapos, most likely daw, second quarter iyong pag-aangkat nang gamot ‘di ba, iyong vaccine. Ganoon pa rin ho ba iyong sinusunod natin na timeline?

SEC. ROQUE: Well, Danny, hindi ko alam kung na-broadcast iyong sinabi ni Presidente kahapon. Pero ang sinabi ni Secretary Duque, it should be ready by April. Sabi ni Presidente, ‘Hindi na ako makakahintay ng April, kinakailangan mapabilisan iyan.’ So nirirepaso ngayon ang timeline alinsunod na rin sa sinabi ni Presidente na siya mismo ay hindi na makakahintay ng bakuna na hanggang Abril pa ‘no. So titingnan po natin kung ano ang magagawa—

Q: Ano, early next year, mga January, February?

SEC. ROQUE: Oo. Alam ninyo naman kasi, depende rin iyan kung mayroon ng vaccine na ma-approve ng FDA abroad. Kasi kapag mayroon namang vaccine na na-approve na sa FDA abroad, pupuwede namang ma-simplify na iyong proseso dito sa FDA natin.

So iyon po, asahan natin sana na mayroon na ngang ma-approve after third and final clinical trial nang sa ganoon ay abbreviated na iyong proseso rin natin dito sa Pilipinas.

Q: Okay. So maganda ho iyan. Kaya lang iyong sinasabi ninyo nga, storage facility. How long would that take naman para naman mailagay natin iyong mga sakaling maangkat natin na mga vaccine na aprubado?

SEC. ROQUE: Well, huwag po kayong mag-alala dahil iyan na nga po ang binibigyan ng prayoridad ng ating Presidente, iyong paglalatag ng distribution ng bakuna. At nakakatulong din iyong pangako ng mga taga-Russia na magtatayo sila ng manufacturing dito, kasi kapag dito na ang manufacturing, aba, doon na rin siguro ang cold storage. Pagka-manufacture, diretso na tayong deliver, at that will assure us adequate supply ‘no, hindi kagaya ng kung sa manggagaling sa abroad iyong ating aangkatin pa ‘no.

So tingnan lang po natin kung matapos nga iyong clinical trial. At mayroong tatlong bakuna po Russia ‘no, hindi lang po Sputnik 5. Iyan po iyong una, pero mayroon pa palang dalawa pang vaccine na—

Q: Ano ito, galing Russia o China?

SEC. ROQUE: Galing po sa Russia. Tatlo pala iyon, hindi lang isa.

Q: Ah, tatlo. So Sputnik 5, isa sa mga malaking kinu-consider ‘di ba?

SEC. ROQUE: Opo, opo. At ang pangako nga po nang departing Russian Ambassador, nandoon po kami noong nagpaalam si departing Russian Ambassador, mayroon lang silang inaayos sandali pero talaga ang plano nila ay magtayo ng planta rito – manufacturing plant para sa vaccine.

Q: All right. So ang mga niluwagan na mga quarantine protocols nga po, Sec. Harry, ay babasahin ko lang po nang mabilisan. Papayagan na po ngayon, sa Metro Manila, 18 to 65 years old ang puwedeng makalabas. Doon naman sa mga ibang lugar na nasa-MGCQ na ay gagawing 15 to 65, mas bababaan pa. Tapos curfew hours ay pinaikli, 12 A.M. to 4 A.M., maliban na lang sa Navotas na ang ipapatupad pa rin ay 8 P.M. to 5 A.M. Tapos sa mga simbahan naman, 30% na ang papayagang makapagsimba. Tapos non-essential—

SEC. ROQUE: Oo, lilinawin ko lang po ‘no.

Q: Sige po.

SEC. ROQUE: Kasi sa IATF resolution, iyong edad at saka iyong oras ng curfew, didesisyunan ng local government unit. Pero ito pong sa simbahan na 30%, aaprubahan pa po iyan ng IATF bagama’t tingin ko ay wala naman pong problema. Mayroon kasing grupo sa IATF na continuous ang dialogue with religious groups ‘no, but it still has to be approved formally by the IATF. Pero tingin ko, wala naman pong problema iyan.

At saka, ang paglinaw ko lang po, iyong recommendation kasi ng IATF ay 15 to 65 pero binibigyan ng kapangyarihan ang lokal na pamahalaan na itaas iyong edad para sa mga menor de edad. Kaya nga po nagdesisyon ang mga Metro Manila mayors, dito sa Metro Manila ay 18 sila – 18.

So, iyong mga ibang lugar din po, regardless of classification, bahala na po iyong mga lokal na pamahalaan kung ang gusto nila ay 15 o gusto nilang mas matanda pa, kagaya ng ginawa ng Metro Manila.

At iyong curfew po, binigay din natin iyan sa mga lokal na pamahalaan. Ang recommended ay 12 to 4. Pero ang Metro Manila mayors po ay matapos ding makipagdiyalogo sa mga simbahan, pagdating daw po ng Disyembre, inaprubahan na ang 12 to 3 nang sa ganoon ay makapag-attend ng Simbang Gabi iyong ating mga kababayan.

Q:  Sec. Harry, idagdag ko na rin dahil nandiyan na rin kayo, pasensiya na po at mainit na isyu rin ito. Alam ko po may assurance na si Presidente na bayaran ng PhilHealth ang National Red Cross, tama ba? Almost P1 billion iyong COVID testing.

SEC. ROQUE:  Opo. Hindi naman tayo iiwas sa obligasyon, babayaran at babayaran po natin iyan. Mayroon lang pong mga inaayos. So, ang mensahe lang po is, bagama’t more than 150 na po yata ang mga laboratory natin na nagti-test ng PCR at saka ng GeneXpert, eh ang katotohanan 25% pa rin ng testing ay ginagawa ng PNRC. At bagama’t tayo ay nasa 4 million test na ay ninais natin na mag-minimum tayo ng 10 million, kung pupuwede 20 million pa ano. So, importante na maging patuloy na ka-partner natin ng Red Cross at hindi naman tayo umiiwas sa obligasyon, siyempre naman babayaran naman po ng gobyerno.

Q:  Pero wala pa pong time kung kailan puwedeng mabayaran. Kasi alam po ninyo may pangamba rito, dahil iyong mga OFW, iyong mga returning OFWs ay sila ay umaasa sa Red Cross, dahil mababa iyong singil di ba sa COVID testing?

SEC. ROQUE:  Huwag naman tayong mag-aalala. Kasi nga po, hindi gaya dati na RITM lang ang mayroong PCR, ngayon po mahigit 150 na po yata kung hindi ako nagkakamali.

So, sa panahon na wala pong Red Cross, mayroon naman tayong makukuha diyan na facility, hindi po tayo mawawalan ng PCT testing sa airport at sa mga puerto ng sa ganoon makauwi po.

Pero ang sinasabi ko, importante pa rin ang PNRC maski mayroon ng pupuwedeng panandaliang pumalit dahil nga po 25% pa rin ang testing nila.

Q:  Okay, na ganoon din ang presyo halos.

SEC. ROQUE:  Well, inaanunsiyo  ko  nga po, kung gusto ninyong mura na RT PCR, pumunta po kayo sa Philippine Children’s Medical Center, sa NKTI, sa Lung Center at saka sa Perpetual Help diyan sa Las Piñas, P1,750 hanggang P2,000 po ang PCR test.

Q:  Huling tanong na lang, Sec. Harry. So, iyong naumpisahan nga po natin dito sa panayam na ito, nabanggit ko lang, na iyong pondo nga pong nakalaan sa DOH para sa COVID vaccination, P2.5 billion ay mga mambabatas po na nagsasabi na siguro kulang pa ng mga around 10.5 billion para talagang ma-cover lahat ng vaccination. Iyon po bang sa pondo kunwari eh kapag ipinasa na sa Senado iyong budget at ito ay rirepasuhin nila, sa tingin po ba ninyo, umaasa pa ang Malacañang na madagdagan pa iyong P2.5 billion na iyon, sa final version o sa bicam version ng 2021 budget?

SEC. ROQUE:  Gaya ng aking sinabi kanina ano, kasi initial amount lang naman iyan at hindi naman natin talaga siguro kakailangan na all 130 million babakunahan, kasi nga iyong tinatawag na herd immunity ‘no. So hindi natin alam talaga kung ilan ang kakailanganin natin ang sinisiguro lang natin iyong panimula para sa pinakamahihirap.

Now, dati ng nakalaan iyang pondo na iyan para sa mga mahihirap na uutangin nga natin sa Landbank at saka sa DBP. So, sinasabi lang po ng Malacañang ngayon, kung kinakailangan ng mas malaking halaga, mayroon na po tayong financing in place na hindi tayo umaasa muna sa national budget, talagang kung kinakailangang mag-angkat ng P10 billion, eh di maglalabas tayo ng P10 billion na uutangin natin sa Landbank at saka sa DBP.

Pero iyon nga po, huwag tayong umasa na one day lahat tayo mai-immunize, masasaksakan, kasi siyempre po may pag-angkat iyan,  may distribution iyan. Eh kung iyong ayuda nga po na P1oo billion, mga apat na buwan bago natin nabigay, ginamit na nga natin iyong mga electronic means of money transfer ‘no, apat o limang buwan pa rin ang umabot ‘no.

Sa pag-immunize po, ganoon din po iyan, medyo may panahon po riyan na lilipas at hindi naman po iyan overnight.

So, hindi naman po, dahil talagang sadyang kinulangan ng pondo, kung hindi alam natin na hindi naman po lahat instantly ay mababakunahan at saka siyempre iyong storage noon magiging problema pa kung sobra-sobra iyong aangkatin natin.

Pero huwag po kayong mag-alala kung kinakailangan talagang mag-angkat, in place na po iyong financing.

Q:  Pahabol lang, Pareng Dan. Kasi iyong budget pa rin nga po ang pinag-uusapan at hindi pa rin naman talaga tapos ito. Eh si Senator Panfilo Lacson, sabihin na nating pinupuna na bakit daw mayroong mga amendments o parang insertions na ginawa sa budget, eh sabi niya hindi naman dapat ginagawa ito dahil naipasa na on third reading iyong budget sa Kamara, pero biglang may ihinabol pa daw—

Q:  Individual amendments di ba, sa smaller committee.

Q:  Smaller committee daw naglagay po ng amendments?

SEC. ROQUE:  Eh iniiwan na po namin iyan sa mga senador at kongresista. Alam naman ninyo ng obligasyon ng Malacañang, mag-propose ng budget, ginawa po namin iyan sa sa NEP, pero the power of the purse eh talaga pong nakasalalay iyan sa Kongreso na kinakailangang magmula sa Kamara de Representante.

Q:  At bilang isang British citizen si Pareng Danny, gusto po namin pong batiin si Secretary Harry ng toodeloo, toodeloo, good day.

SEC. ROQUE:  Good day to all of you.

 

###

 

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)