Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Deo Macalma and Karen Ow-Yong (DZRH – Breaktime)



URI:   Attorney, magandang hapon po sa inyo. Secretary, ano po ang inyong obserbasyon at ano po ang inyong masasabi ngayon sa nangyayari pong sitwasyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso?

SEC. ROQUE:   Well, unang-una, lilinawin ko, Henry, hindi pa po kami nakakapag-usap ni Presidente. Siguro po, kagaya ko ay shock ang Presidente sa mga pangyayari. Pero nakasaad naman po sa Saligang Batas na mga miyembro ng Kamara ang boboto sa kanilang liderato at ito po ngayon ay nangyayari. Pero uulitin ko po, hindi ko pa po nakakapanayam ang ating Presidente at inaasahan ko po na anytime now ay makakapag-usap kami dahil ang aking request nga po ay kinakailangan kong malaman kung anong dapat sabihin ko on his behalf tungkol dito sa isyu na ito.

MACALMA:   Secretary Roque, sir, magandang hapon po. Si Deo Macalma at Karen Ow-yong.

Secretary, sir, so ano ang mangyayari ngayon dito? Kasi ang procedure yata, tama ho ba Secretary, na Kongreso pa rin ang magde-decide kung sino ang uupong Speaker.

SEC. ROQUE:   Well, iyan naman po ay nabanggit ni Presidente, narinig ko po iyan sa sariling bibig ni Presidente na kung wala pong numero si Congressman Lord Allan eh wala siyang magagawa ‘no. So, iyon po narinig ko talaga sa sariling bibig ng ating Presidente, so, ang tanong ko na lang po talaga ngayon is, to what extent po na mababago iyong posisyon ng ating President ngayong lumabas na nga itong ganitong botohan. Bagaman at hindi pa natin nalalaman kung ano talaga ang botohan.

Mukhang, ang sense ko,  hindi naman sila magmo-move kung walang numero si Speaker Alan Peter Cayetano. Hindi ko lang po alam ngayon kung anong magiging reaksiyon ni Presidente sa mga pangyayaring ito kaya nga po ang aking urgent message sa kaniya is kailangang-kailangan ko siyang makausap dahil ayaw kong magsalita ng walang guidance galing sa kaniya.

OW-YONG:   Pero Secretary Harry Roque, paano na iyong pag-uusap kagabi, nag-meeting po ano sina House Speaker Cayateno o outgoing Speaker Alan Peter Cayetano at si Congressman Velasco, pumunta po sila at kinausap si Pangulong Rodrigo Duterte, mababalewala na po ba iyong pag-uusap na iyon at iyong pakiusap ng Pangulo na i-honor iyong term sharing agreement ng dalawang gentlemen na ito?

SEC. ROQUE:   Alam mo kasi depende kung sinong kausapin mo, iba ang version nila—

OW-YONG:   Opo.

SEC. ROQUE:   Hindi ba sinabi kanina ni Speaker Alan Peter Cayetano, ang version niya magre-resign ako pero kinakailangan may numero si Congressman Lord Allan. Samantalang iyong kampo naman ni Lord Allan bagaman at ang usapan ay si Speaker Cayetano ang mag-aanunsyo eh inanunsiyo na magbibitiw na siya nang October 15.

So, kaya ako papagitna po ako dahil nagkaroon na ng kaniya-kaniyang interpretasyon iyong mga partido at ako naman hanggang hindi sinasabi ni Presidente magsalita at kung anong sasabihin ko pagdating sa isyung ito, maselan po dahil ito naman ay isang desisyon ni Presidente bilang Pangulo ng kaniyang partido at ng koalisyon na bumubuo ng kaniyang Administrasyon.

So, kumbaga parang wala akong “K” na magsalita as a spokesperson dahil hindi po iyan presidential function, that is really a political function of the President as the party leader of the country.

MACALMA: Isa pa, Secretary sir, wala bang direktiba o sinabi ng Pangulo sa dalawang congressmen, Cayetano and Velasco, na ito ay susundin ninyo? Wala bang ganoon o sinabi ba na kailangan may numero ka Congressman Velasco para ikaw ang maging susunod na Speaker? Wala bang ganoong colatilla, Secretary Roque, sir?

OW-YONG:   Parang may mga conditions

SEC. ROQUE:   Well, ang narinig ko lang po sa bibig ng Presidente, tinanong kasi siya, paanong mangyayari kung wala pong numero si Congressman Lord Allan Velasco at ang sabi ni Presidente eh kung wala siyang numero wala na akong magagawa, iyon ang sagot niya. Pero doon sa nangyari kahapon, ang sabi naman po ni Congressman Alan ngayon ay sinabi lang naman niya kay Presidente na bagamat ako ay magre-resign kinakailangan may numero pa rin si Congressman Lord Allan at hindi naman po daw umimik ang ating Presidente. So, parang… hindi ko po alam kung anong basa doon.

So, iyon po. Pero napakahirap naman po kasi na kumuntra kapag mayroong boto iyong Kapulungan na ‘no pero tingin ko naman malalaman din natin kung anong nasa puso ng ating Presidente in a matter of time dahil inaasahan ko po na makikipag-contact sa akin anytime now ang President.

MACALMA:   Ayan… oo. Okay hindi ba? Pero hindi ba parang sabi ng iba rito baka… parang pambabastos sa Presidente? Hiningan ng desisyon ang Presidente pagkatapos hindi masusunod?

OW-YONG:  Babalewalain lang.

SEC. ROQUE:   Well, hindi ko po alam talaga kung anong posisyon ngayon. Hayaan po natin muna na, siguro po ngayon lang din nalalaman ni Presidente. Ang totoo po niyan mayroon siyang mga pagpupulong, tatlong pagpupulong ngayon tig-iisang oras, isang six, isang seven, at isang eight at iniisip ko nga po kung ako ay pupunta na ng Palasyo dahil nga nais kong malaman talaga kung anong iniisip niya bagaman at ang assurance naman po sa akin ay tatawag na lang daw po sa akin.

MACALMA:   Pero eventually susundin din kaya ang Pangulong Duterte ang separation of powers dahil siyempre, ito desisyon ng Kongreso, dapat outside diyan ang Executive Department, so ano ang sitwasyon diyan?

SEC. ROQUE:   Well, bilang tagapagsalita ng Pangulo, iyong separation of powers po talaga ay nakasaad sa ating Saligang Batas. Ang hindi lang po ako makapagsalita as party leader si Presidente, hindi ko naman po papel iyon at hindi po papel ng Presidente iyon.

MACALMA:   Anyway, Secretary Roque, sir, maraming salamat po at hintayin namin ang magiging reaksiyon ng Pangulong Duterte sa isyung ito.

Thank you very much po!

OW-YONG:   Thank you, sir!

SEC. ROQUE:   Maraming salamat po.

MACALMA:   Henry?

URI:   Thank you, Secretary!

###

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)