Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Deo Macalma– Damdaming Bayan/DZRH



MACALMA: Secretary, sir, ano po ang magiging batayan ng IATF o ng Presidente kung isasailalim na ba tayo sa Modified GCQ sa Metro Manila o babalik doon sa Modified ECQ, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, pareho naman po ang ating guidelines na sinusunod ‘no, iyong tinatawag nating case doubling rate – iyong pagdami o pagkalat at pagdoble ng numero na mayroong COVID-19; at saka iyong tinatawag nating kahandaan para magbigay ng critical care; siyempre, titingnan din natin iyong ekonomiya ‘no.

So hindi lang po importante na malaman natin na tumataas ang kaso, dapat malaman din natin kung gaano kabilis iyong pagdoble ng kaso – at iyon nga po iyong titingnan natin. Ngayon po kasi, iyong pagdami ng kaso sa Metro Manila ay anim na araw. Pero kung titingnan ninyo sa buong Pilipinas ay umabot na po sa sampung araw, so malaki po ang pagkakaiba ‘no. So kaya nga po mukhang magiging masusi ang pagproseso ng datos mamayang hapon po sa susunod na meeting ng IATF.

MACALMA: Bakit daw, sir, patuloy pa ring dumadami ang new cases ng COVID? Kahapon 518 ang nadagdag.

SEC. ROQUE: Well, ako naman po ay hindi na nagugulat pa diyan dahil habang walang bakuna, habang walang gamot, talaga pong dadami’t dami iyan. Ang mabuti na nga lang po ay hindi po marami masyado sa atin ang namamatay at hindi rin masyadong marami ang kaso ng kritikal.

Pero importante po na magkaroon din tayo ng kahandaan na kung mayroon nang maging kritikal na magkakasakit ay mayroon tayong pasilidad para sila ay bigyan ng medical attention.

So binabalanse lang po natin iyan dahil talagang habang walang bakuna po, dadami ang numero. Pero ang tinitingnan natin, handa tayong magbigay ng tulong dahil importante rin na mabuksan ang ating ekonomiya.

MACALMA: Kailan ulit, Secretary, magbibigay ng ulat sa bayan ang Pangulong Duterte?

SEC. ROQUE: Sa Lunes po.

MACALMA: Sa Lunes pa, okay. Secretary, isa pang isyu ano po, itong isyu ng Anti-Terror Bill. Aba’y nasa tanggapan na po ng Pangulo. Ano po ang opinyon dito ng Presidente? Kasi may mga nagsabi baka daw i-veto, baka pabayaan lang. Ano ba ang sentimiyento ng Presidente tungkol sa nasabing panukalang batas na sinertipay [certified] pa ng Malacañang, sir, na urgent bill iyan, hindi po ba?

SEC. ROQUE: Opo. Well, dahil nga po sinertipay [certified] as urgent iyan ay nakikiisa po ang Pangulo sa pangunahing awtor nito, si Senator Ping Lacson, doon sa kanilang paninindigan na hindi sapat iyong ating batas para po masupil ang terorismo ngayon ‘no. At nakikita naman po natin maski panahon ng COVID, doon po sa Maguindanao noong 27 May ay anim na libong mga kababayan natin ang lumikas sa kanilang mga tahanan dahil nga dito sa mga gawain ng mga terorista; at wala pa rin pong tigil iyong mga karumaldumal na pag-atake sa ating mga sundalo ng mga Abu Sayyaf diyan sa Patikul, Sulu – at nitong Hunyo ay nangyari na naman po iyan.

So, iyan po ang dahilan kung bakit na-certify dahil sa ngayon naman po, ang Human Security Act ay wala naman talaga tayong naku-convict diyan sa Human Security Act na iyan ‘no so may dahilan kung bakit hindi nagagamit iyan ng mga alagad ng batas.

So, in that [garbled] ay nakikiisa ang Presidente na kinakailangan ang mas malakas na Anti-Terror Bill sa panahon ng COVID-19. Pero siyempre po, wala naman po kasing dumadaan na batas sa Presidente na hindi dumadaan sa masusing pag-aaral ‘no. At kung mapapansin ninyo po, lahat ng budget bill ay mayroon pong mga specific provision na nabi-veto pa rin ng ating Presidente.

MACALMA: Secretary, alam po ng marami na kayo po ay isang human rights lawyer din. Mayroon nga bang nilalaman na violation sa ating Bill of Rights/Constitution dito sa nasabing Anti-Terror Bill ni Senator Lacson, sir?

SEC. ROQUE: Ang lahat naman kasi ng probisyon niyan, maski iyong mas matagal na pre-trial detention ‘no, ay kinakailangang pinagbibigay-alam doon sa pinakamalapit na huwes. So lahat po iyan ay mayroong safeguards. Iyong access sa ating Hudikatura at sisiguraduhin naman na iyong constitutional rights, karapatang pantao ng mga akusado ay hindi po malalabag.

So, iyon lang po ang masasabi ko ‘no. Iyong sa pre-trial detention, kinakailangan mabigyan ng notisiya ang pinakamalapit na huwes. Iyong designation as terrorist activity, dadaan naman po iyan sa hukuman, hindi lang sa RTC kung hindi sa Court Appeals na, at kinakailangang magpresinta pa ng ebidensiya.

MACALMA: Sabagay na-explain din ni Senator Ping Lacson noong na-interview namin kahapon, Secretary, at sinasabi niya na sapat daw po ang mga ang safeguards dito para hindi po malalabag ang human rights.

SEC. ROQUE: Opo, opo. At kilala naman natin si Senator Ping. Siguro naman ay sa kaniyang tatlong termino ng panunungkulan ay napatunayan na niya na hindi naman po siya magsusulong ng batas na lalabag po sa ating Saligang Batas.

MACALMA: At sabi niya, nakonsulta na rin daw iyong … pinagbigyan na rin po iyong mga kahilingang amendments ng mga tumutol sa kaniyang bill galing kay Hontiveros, galing kay Senator Pangilinan at Senator Drilon.

SEC. ROQUE: Lahat nga daw po iyan. Nakita ko rin siya sa interview dito sa inyong radio na pinagbigyan niya lahat ng mga proposed amendments para lang maengganyo ang mga kasamahan niya na bumoto pabor sa bill pero siya po ay nabigo pa rin.

MACALMA: Secretary, sir, sa Independence Day, dadalo ba ang Pangulong Duterte sa Independence Day sa Luneta?

SEC. ROQUE: Sampu lang po kasi ang puwedeng dumalo doon. [laughs]

MACALMA: . [laughs] Anong klaseng celebration ito, Secretary, sampu?

SEC. ROQUE: Pasensiya na kayo natawa ako. Kasi nga sa kauna-unahang pagkakataon dahil sa COVID, sampu lang iyong nandoon sa Luneta ‘no. Pero ewan ko po kung isa doon sa sampu ay si Presidente. Pero ang alam ko po ay may possibility rin po na baka naman may gawin po sa Davao ang ating Presidente kasi limitado rin sa sampu.

MACALMA: Eh sabi ko nga kung sampu lang, Secretary, ilan lang ang opisyal na pupunta doon. Iyong dalawang Marines na nagbabantay sa monumento ni Rizal – dalawa na. Eh pagkatapos iyong magtataas ng bandila, ipagpalagay nating dalawa rin. Eh di anim na lamang po iyong mga manggagaling na opisyal sa Malacañang o kaya sa ating gobyerno.

SEC. ROQUE: Palabunutan siguro po dahil talagang namang hindi po nagbigay ng special permit ang IATF; hanggang sampu lang po.

MACALMA: Anyway, Secretary, sir, maraming salamat sa paliwanag. Magandang umaga po, Secretary.

SEC. ROQUE: At wala nang puwedeng mag-cover kasi hihigit na sa sampu iyan.

MACALMA: Oo nga pala, paano ang mga media men din ‘no.  [laughs]

SEC. ROQUE:  [laughs] Sige po.

MACALMA: Secretary, sir, maraming salamat. Thank you.

 

##

 

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)