Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Ely Saludar – Meet The Boss/RMN



SALUDAR: Secretary, magandang umaga po sa inyo.

SEC. ROQUE: Magandang umaga po sa inyo. At magandang umaga, Pilipinas.

SALUDAR: Opo, kumusta po kayo, Secretary?

SEC. ROQUE: Okay naman po.

SALUDAR: Unang-una po sa lahat, bilang kayo po ay naging abogado ‘no nito hong biktima na si … iyong pamilya ‘no, ni Jennifer “Jeffrey” Laude, ano po ang inyong masasabi dito po sa naging kautusan ng Olongapo RTC at iyong kaniyang isa po sa naging batayan, iyong good conduct time allowance kaya napaikli iyong  sentensiya po ng akusado?

SEC. ROQUE: Siyempre po masama ang loob ng pamilyang Laude, at tingin ko ay mayroon ding dahilan para sumama ang loob ng lahat ng Pilipino. Mantakin mo naman, Ka Ely, pinatay iyong ating kababayan na napakakarumaldumal na pamamaraan – nilublob ang ulo sa inidoro, binali ang leeg ‘no – eh samantalang siya naman iyong nabighani kay Jennifer. Hindi naman pinilit siya ni Jennifer ‘no, siya nga iyong nag-offer pa na magbayad kay Jennifer. So siyempre po, parang … para bang ang parusang pinataw lang kay Pemberton ay kapag ikaw ay pumatay ng aso. Kasi kung titingnan mo iyong parusa doon sa cruelty to animals ay pareho lang ang sentensiyang sinerve [served] nitong si Pemberton.

Hindi naman tayo papayag na kapag Pilipino ang pinatay, ang parusang ipapataw ay parang pumatay ka lang ng aso. Hindi po tayo animal. Tayo po ay mga Pilipino; tayo po ay isang bansa. At kaya nga po itong kasong ito ay nagpapakita kung bakit hindi po makatarungan iyang VFA na iyan, dahil lahat naman nitong mga pangyayaring ito ay dahil po sa VFA. Nagagalak naman ako na tinerminate [terminated] na po iyan ng Presidente.

SALUDAR: Pero dito po, Secretary, pero hindi na po kayo ang abogado ano dahil sa kayo po ay nasa Gabinete na.

SEC. ROQUE: Hindi na po dahil tayo po ay nasa Gabinete. Iyon aking kasama pong abogado ay naghain din po iyan ng motion for reconsideration kasi nga po bakit ka bibigyan ng allowance for good conduct eh eh nag-iisa naman siya ginintuang hawla niya.

Pangalawa, iyon punto, iyong panahon na siya po ay nililitis, siya po ay nasa kamay ng mga Amerikano eh bakit ang hukumang Pilipino ang magbibigay ng allowance for good conduct doon sa panahon na hawak siya ng mga Amerikano. Hindi nga natin alam kung paano … kung talagang dito sa Pilipinas nanatili iyan ‘no, dahil hindi naman nila sasabihin sa atin iyan. Pero ako, nakakuha ako ng mga balita na noong mga panahon na nililitis siya ay siya daw ay lumabas ng Pilipinas, at ito naman po ay sinabi ko sa Korte Suprema na ‘no. Kaya iyan po talaga iyong hindi makatarungan na habang [unclear] Pilipino, hindi natin nahahawakan, hindi natin alam kung nasaan talaga at ginagawa ng mga Amerikano.

SALUDAR: Okay. So sa inyo pong paningin, Secretary, ay kulang pa ang sentensiya. Dapat ilan taon pang makulong itong si Pemberton?

SEC. ROQUE: Eh sana man lang kinulong man iyan ng sampung taon. Eh ngayon, wala pang anim na taon. Siya po ay nakulong Oktubre 2014, at wala pa ngang Oktubre ngayon, ‘di man lang nakumpleto ang anim na taon ‘no tapos lalaya na. Kaparehung-kapareho talaga ng parusa para sa pagpatay lang ng hayop.

SALUDAR: So Secretary, bagama’t hindi na kayo ang abogado pero siyempre kayo po ay patuloy na nakikisimpatiya dito po sa biktima. Mayroon po ba kayo, Secretary, na plano na ipabusisi po itong GCTA?

SEC. ROQUE: Opo, hindi po talaga dapat iyan. At saka importante talaga tuluyang mawala iyang VFA na iyan sa buhay natin nang sa ganoon ay hindi na matatrato na mala-animal ang iyong ating mga kababayan.

SALUDAR: Pero ‘di ba sa inamyendahang na—‘di ba inamyendahan po itong GCTA kapag automatic … ‘di ba automatic kapag heinous crime, murder, Secretary, ay hindi na siya kasama sa GCTA. Pero dito parang homicide lang po yata ‘no iyong kay Pemberton?

SEC. ROQUE: Oo, well, alam ninyo, ang nangyari naman kasi dito, ang kaniyang conviction ay homicide kaya hindi classified as heinous. Although, talagang hindi rin kami sang-ayon diyan sa ganiyang desisyon dahil ang sabi ay kaya daw hindi naging murder daw iyon ay nagsinungaling daw sa kasarian itong si Jennifer Laude. Anong magsisinungalin eh siya naman iyong nabighani – ayaw niya lang aminin na nabighani siya sa isang transgender. So hindi iyon dahilan para mapababa ang kaniyang sentensiya.

SALUDAR: Opo. Secretary, paki-confirm ninyo rin po iyong 4.6 million na civil damages na talagang totoo ho bang naibigay na sa pamilyang Laude?

SEC. ROQUE: Eh ang problema, diniretso raw nila doon sa kapatid na si Malou. Eh samantala ang order naman ay para doon sa nanay; hindi ko po alam, hindi ko mabibigyan ng kumpirmasyon iyan. Unang-una, hindi dapat diniretso iyan; dapat dinaan iyan sa mga abogado. Pangalawa, bakit ibinigay doon sa kapatid, hindi ibinigay doon sa nanay.

SALUDAR: Opo. Okay, so mag-abang ho tayo. Secretary, sa iba pa nating isyu, Secretary. May panukalang emergency powers po sa Pangulo, at mukhang panukala po ito para po sa PhilHealth para maging mabilis po iyong pagreporma sa PhilHealth. Ano po ang reaksiyon dito ng Palasyo?

SEC. ROQUE: Well, nagpapasalamat po kami sa Kongreso. Pero pag-aralan po natin kung kinakailangan talaga iyang emergency powers na iyan. Sa ngayon po, tayo naman po ay may sapat na kapangyarihan bilang isang commander-in-chief ang ating Presidente. Pero pag-aralan po natin dahil ito naman po ay isang polisiya na nagmumula po sa ating Kongreso.

SALUDAR: Opo. Ngayon po ay may binabanggit po si Secretary Lorenzana ng NTF na ngayong buwang Setyembre ay mukhang mapa-flatten na po iyong curve. Ano po iyong usapan ninyo po sa IATF, Secretary?

SEC. ROQUE: Tingnan po natin ang datos. Mahirap pong magsalita kung hindi natin ibabase iyan sa datos. Sana po, dahil naniniwala naman ako na ang mga Pilipino ay sumusunod po sa minimum health standard – naghuhugas ng kamay, nagma-mask, nagso-social distancing at nagpi-face shield.

SALUDAR: Opo. Okay, Secretary, salamat po sa inyong oras sa DZXL-RMN. Good morning po. Ingat  po kayo, Secretary.

SEC. ROQUE: Salamat po.

##

 

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)