TULFO: Magandang umaga, Secretary Roque, sir.
SEC. ROQUE: Magandang umaga, Pareng Erwin. Magandang umaga kay Sen. Bongbong at magandang umaga, Pilipinas
MARCOS: Good morning, Sec. Harry.
TULFO: Oo. Tuwang-tuwa ho kami doon sa pahirit mo kahapon nang in-interview ka sa dalampasigan na sinabi mo eh huwag nang mamulitika sa mga panahon na ito imbes na magtrabaho na lamang. Mukhang may tinamaan Secretary, nalaglag yata sa upuan doon sa sinabi mo.
SEC. ROQUE: Eh iyan lang naman po ang katotohanan ‘no dahil nakita ninyo naman po noong huling survey ay Disyembre pa tapos tumama na nga ang pandemya ng Abril ‘no at record-high pa ang naging trust at saka performance rating ng ating Presidente. Patunay lang po na naniniwala ang ating mga kababayan na nakatutok lang po sa pandemya at pag-ahon sa kahirapan ang ating mga kababayan ang ating Presidente at isinantabi ang pulitika.
Ako naman po, it was a well-meaning advice ‘no. Kung talagang sa tingin niya ay gusto niyang maging presidente sa takdang panahon ay siguro po sa ngayon sa pandemya, tigil muna po iyan dahil ayaw talaga ng Pilipino na umeepal pagdating po ng pandemya.
Alam ninyo sabi ko nga, kung siguro ang ating Presidente epal, eh ‘di lahat po ng inauguration ng temporary isolation facilities natin ay dapat pinupuntahan ni Presidente; lahat ng bagong COVID beds na binubuksan natin sa mga napakadaming ospital na, dapat in-inaugurate ni Presidente.
Wala pong ginagawang ganoon si Presidente, sinisigurado lang niya kung anong pangangailangan ng tao’y naririyan. Sinisigurado niya na lahat ng Pilipino po na naghihirap ay mabigyan ng kahit papaano ng kaunting ayuda.
MARCOS: Sec. Harry, good morning. Ako, very simple question lang because ako talagang matagal na akong sang-ayon doon sa—na this is not the time for politicking and for being an obstacle to the health of our people. But I have a very simple question only. Anong reaksiyon noong Presidente noong binalita ninyo sa kaniya na 91% ang kaniyang approval rating, the highest recorded in the Philippines and for that matter I think in the world?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po noong pumasok si Presidente kagabi, tumayo kami, pumalakpak ‘no. At ang sabi niya, “Ah in reality, 75% lang iyan.” [Laughs] Hindi naman siya kumbaga eh—he does his job pero hindi dahil sa approval at saka sa performance level. Tutok lang siya at tuluy-tuloy naman po.
TULFO: Okay. Secretary, so where do we go from here? Mataas ang rating ng Pangulo, tuluy-tuloy lang ang trabaho. Ano na ho ang plano ngayon, which direction are we going? Tututukan pa rin po ba itong mga quarantine natin? Marami pong nagtatanong ngayon Secretary, lalo na po iyong issue na iyong mga mag-asawa daw na mga Pinay na nakapangasawa ng foreigner, ano raw ho ang balita roon? Puwede na ba nilang dalhin ang asawa nila dito dahil nami-miss na ho nila iyong mga husbands nila or wives nila na mga foreigners, sir?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po iyong mga asawa ng mga Pilipino, hindi po natin ever pinagbawal; puwede po silang pumasok. Ang issue po ngayon iyong mga mag-fiancé, iyong ikakasal pa lamang ‘no. At iyan naman po ay tinit-takeup na ngayon po sa IATF, nasa technical working group na po ngayon iyan at kinikilala natin na importante talaga ang relasyon sa mga nagmamahalan.
So bagama’t may pandemya po at hindi pa nga po kasal, eh iyan po ay pinag-aaralan na ‘no nang sa ganoon naman po ay sa panahon ng pandemya eh siguro naman po eh kahit papaano maiibsan ang kahirapan kung kasama ang mga mahal sa buhay.
TULFO: Okay. Panghuli na lamang, Secretary. Binigyan na raw ng instruction ng Pangulo si Transportation Secretary Tugade na gawin nang libre ang BEEP cards.
SEC. ROQUE: Tama po iyan. Actually bago pa inanunsiyo ng Presidente iyan, sinabi ko na po sa press briefing. Actually nagkausap po kami sa puntong iyan at ang sabi nga niya nahabag talaga siya doon sa kuwentong narinig niya sa TV na iyong ilang mga kababayan natin eksakto lang ang dalang pera para sa pamasahe at saka sa tanghalian at hindi nga nakasakay dahil wala silang BEEP card at hindi nila kayang bayaran iyong BEEP card dahil hindi naman nila inaasahan.
So iyan po ang dahilan kaya sabi ni Presidente kung kinakailangan humanap tayo ng pondo, bayaran na lang natin iyan, ibigay nang libre. Pero naniniwala naman po ako na iyong mga nagpu-provide po ng mga BEEP cards, alam ninyo naman kasi hindi lang iyong BEEP card ang pagkakakitaan diyan. Ang pagkakakitaan nila porsiyento doon sa load. So naniniwala naman ako na pag-aaralan ng mga BEEP cards providers kung paano nga maibibigay nang libre na iyan dahil nagsalita na po ang Presidente.
MARCOS: Last question lang, Sec. Harry. Alam ko na the IATF is already… pinag-iisipan na kung paano buksan iyong ekonomiya. Nag-umpisa na iyong pagbubukas ng—different strategies para sa tourism. Ano kaya iyong mga sektor na susunod, Sec. Harry, na puwede nating umpisahan nang buksan as far as the IATF—
SEC. ROQUE: Madami na pong 100% na binuksan ‘no. Iyong mga dating 50% binuksan na po, iyong mga mining, mga quarrying, mga law offices, mga law offices, mga accounting offices. Pero in other words, halos lahat na po binubuksan na natin. Ang limitado na lang po talaga iyong maraming pagtitipon ng tao ‘no gaya ng entertainment, bagama’t pupuwede na po iyan, 50% sa mga MGCQ area ‘no.
Pero kagabi po talagang pinag-usapan na kinakailangan talagang hindi lang iyong ekonomiya buksan. Iyong sektor ng transportasyon iri-revisit po natin iyong tinatawag na one meter distancing sa public transportation o.75 at nagpatawag na nga po ng Cabinet meeting ang Presidente, full Cabinet meeting sa darating na a-dose ng Oktubre para i-discuss lahat itong mga bagay-bagay na ito.
MARCOS: Thank you, Sec. Harry.
TULFO: Salamat po, Secretary Harry Roque. Magandang umaga po. Mabuhay.
SEC. ROQUE: Magandang umaga po. Maraming salamat po.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)