SEC. ROQUE: Magandang umaga, Pareng Erwin. Magandang umaga, Sen. Bongbong. At magandang umaga buong Pilipinas.
MARCOS: Good morning, Sec. Harry.
TULFO: Oo. Three things, sir, unahin ko na muna itong lumalabas ngayon na issue at mga nadadiyaryo na na mayroon daw isang kumpaniya diyan o ilang company, swab testing firms daw diyan sa NAIA na naniningil ng P20,000. Ang tanong po ng mga kababayan natin, bakit pinayagan ho itong makapasok diyan sa NAIA? Pagkamahal-mahal ang swab testing na ito, Secretary.
SEC. ROQUE: Well, iyan po ay nanggaling kay Senator Richard Gordon bagama’t alam ninyo naman po ang access sa NAIA ay restricted at in-assure naman po tayo ng NAIA na ang lahat po na pumapasok na mga PCR test personnel ay namu-monitor naman po nila. So minabuti pa rin po na magkaroon ng imbestigasyon diyan pero ang assurance po sa atin, dahil restricted nga po iyang airport, eh mukhang malabo naman daw po iyan mangyari. Pero kung mayroon po talagang nagbayad ng P20,000 eh magbigay sana po sila ng testimonya nang sa ganoon eh mapaalis natin sa airport iyan ‘no, dahil iyong mga nagsasamantalang ganiyan po hindi dapat nakakapasok ng airport dahil pribilehiyo naman po iyong binibigay nating negosyo sa kanila kapag sila po ay magbibigay ng PCR testing sa mga bumabalik na OFWs at mga Filipinos at iba pang mga dayuhan na pumapasok po sa airport.
TULFO: All right. Sec., pahabol ko lang na katanungan ngayon ho, sir, ay kailan po ba magsi-settle itong PhilHealth sa Red Cross para makabalik na ang Red Cross dahil ngayon po yata sir medyo inaabot po nang mahigit isang linggo, kapag na-swab test ang mga OFW natin ay isang linggo silang nakatengga sa quarantine facilities o sa mga hotel. Nauubos po iyong kanilang vacation leave. Mayroon na po bang idea kung kailan magbabayad ang PhilHealth o kahit na kalahati muna ang babayaran sa Red Cross para makabalik ulit ang Red Cross at mag-swab test sa mga paparating na OFW?
SEC. ROQUE: Nagsalita naman ang Presidente na babayaran niya. Kaya lang gaya ng lahat ng ahensiya ng gobyerno, hindi naman pupuwedeng mabayaran nang walang submission of the requirements at hindi alinsunod doon sa audit regulations natin, ng COA ‘no. So ang sabi naman po ng PhilHealth, 50% no questions babayaran na nila para lang magsimula uli ang testing, pero hindi po ito tinanggap ng PhilHealth (Philippine Red Cross). So ako naman po ay nakikiusap pa rin sa PhilHealth (Philippine Red Cross), na sa ngalan po ng Presidente na nagbigay ng pangako na babayaran ang dapat bayaran at nandiyan naman po ang pondo, sana naman po huwag ganito. Sana po naman makipagtulungan pa rin tayo dahil iyong mga kababayan naman po nating umuuwi iyan.
Ganoon pa man, Pareng Erwin, Sen. Bongbong, gumawa na po tayo ng hakbang na hindi naman pupuwedeng matigil ang testing at lilinawin ko po tuluy-tuloy po ang testing. Ang ating swabbers naman po galing po iyan sa Coast Guard, galing po iyan sa Bureau of Fire at ngayon po pinadadala natin sa ibang mga gobyernong laboratories kagaya ng Lingad na mataas din ang kapasidad para mag-test. At gaya ng sinabi ko po kahapon, mayroon na pong walong pribadong mga laboratory na papayagan na po mag-test iyong mga bumabalik na OFWs. Alam ninyo kasi malaking negosyo rin po iyan. Kaya nga wala naman pong pagkukulang sa mga laboratoryo na pupuwedeng mag-take over kung talagang hindi pumayag ang PRC dahil we have 114 PCR laboratories and 35 GeneXpert laboratories na pupuwede naman pong mag-swab sa mga bumabalik nating mga kababayan.
TULFO: Partner BBM…
MARCOS: Yes. Sec. Harry, tama ba iyong pagkarinig ko sa inyo na sinabi mo na iyong Presidente nakiusap sa PhilHealth pero iyong PhilHealth ay nandiyan ang pondo na ipambabayad sa Red Cross, hindi pa nagamit?
SEC. ROQUE: Oo. Nandiyan po talaga ang pondo, kaya lang hindi naman mabayaran iyong 100% kasi ang legal opinion po ng DOJ subject to submission of requirements at saka subject to government audit rules ‘no. So mayroon lang pong paplantsahin sang-ayon nga sa mga rules din ng COA. Pero kung nag-offer na po ang PhilHealth 50%, kung tinanggap na po iyon matagal na pong bayad iyong 50%. Pero ang gusto po ng Red Cross ay 100% ang mababayaran.
MARCOS: Ah, okay. So, hindi nagkakaintindihan o hindi sila mag-agree kung ano iyong payment schedule ng PhilHealth sa Red Cross? Is that basically what’s happening?
SEC. ROQUE: Well, kailangan po siguro mag-reconciliation. Kasi ang aking paningin diyan iba-iba kasi ang halaga ng testing depende kung donated iyong machine at depende kung donated iyong testing kit. Bagama’t ang case rate po ay P3,500 pero mas mababa po talaga ang dapat masingil sa PhilHealth kung ang machine po ay donated at ang testing kits nga po ay donated. Sa tingin ko reconciliation lang iyan so wala pong problema iyan. Ang gobyerno naman po eh, kaya nga po napakaimportante nang tinatawag nilang sovereign guarantee right, kahit gaano ka kahirap, kahit gaano ka kayaman basta naman gobyerno ang nag-assure na magbabayad eh tinatanggap po iyang assurance na iyan dahil hindi naman po tayo mauubusan ng pera.
TULFO: All right. Okay. Secretary Harry, mayroon po akong isang katanungan na lamang. Kanina po matapos po magsalita ang Pangulo, may nabanggit siya rito na sinasabi niya na, “Kayong mga taga—lahat ng taga-gobyerno, to those who were implementing the assistance, huwag na ninyong pagawain pa ng mga proposal, simplify the giving of the money, do away with the delay.” Sino po ang tinutukoy ng Pangulo dito, Sec.?
SEC. ROQUE: Well, hindi po ako sigurado. May idea ako pero hanggang walang pong kumpirmasyon hindi ko puwedeng sabihin iyong aking hinala. Pero ang tinutukoy po ni Presidente, alam mo iyong mga ayuda, iyong mga pautang para sa negosyo, sa mga nawalan ng hanapbuhay eh dapat hindi kumplikado. Eh may mga ilan pong mga ahensiya humihingi pa ng feasibility study. Sana po simplified project proposal na lang dahil hindi naman ganoon kalaki iyong halaga na mapapautang o maibibigay din ng gobyerno.
So iyan po iyong binabanggit ni Presidente na may mga ilang ahensiya, mayroon pang feasibility study na hinihingi na hindi naman po realistic dahil unang-una limitado iyong kakayahan noong mga nawalan ng trabaho na magsimula ng negosyo. Pangalawa po eh hindi naman ganoon kalakihan din ang pinapautang ng gobyerno.
TULFO: All right. Secretary Harry Roque, sir, maraming, maraming salamat po. Magandang umaga. Stay safe, Sec.
SEC. ROQUE: Ay maraming salamat, Pareng Erwin at saka Senator Bongbong. Magandang umaga po.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)