TULFO: Magandang umaga po, Secretary Roque, sir.
SEC. ROQUE: Magandang umaga, Pareng Erwin. Happy New Year at Happy New Year po sa buong Pilipinas.
TULFO: Opo, thank you po, Secretary. Happy New Year din po. Sec, tanong ko lang po lumabas kasi sa mga pahayagan na baka itigil na naman daw, pero ayon po kay Senator Dick Gordon, hindi pa naman. They are still contemplating kasi nga hindi pa raw nakakabayad at lumobo na sa 800 million ulit ang utang ng PhilHealth para dito po sa testing nila sa NAIA sa mga OFW. Kailan po ba makapagbayad daw muli ang gobyerno, Secretary?
SEC. ROQUE: Alam mo kasi nag-Pasko naman kasi ano. Ang nagpapatagal lang diyan siyempre iyong confirmation na ginagawa, kasi iba rin iyong payment scheme ng PhilHealth, depende kung donated ang makina o ang mga test kits. So iyan pong delay na iyan ay dahil lang doon sa pagpo-proseso, pero ang pera po ay nariyan, hindi naman po bangkarote ang gobyerno. Kaya hindi po dapat magkaroon ng atubili kahit ano ang PRC na hindi sila mababayaran.
TULFO: So mababayaran sila entonses, sir. Pero kailan po kaya, Sec., would you happen to know?
SEC. ROQUE: Mabilis naman po ang proseso ng reconciliation, basta kumpleto ang mga papel. So, hindi po problema iyan ano. Pero paulit-ulit na po ito. Pero palagi naman po silang nababayaran. Sana itigil na itong ganito, hindi nakakatulong ito sa ating bayan.
TULFO: Sir, mamaya raw may meeting kayo with the President at isa raw sa tatalakayin itong bakuna sa mga PSG, Secretary?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung tatalakayin pa iyan, dahil iyan po ay non-issue. Ang PSG po ang katungkulan nila protektahan ang ating Presidente at kabahagi ng kanilang katungkulan, minabuti nilang magpabakuna, para huwag mahawa sa kanila ang Presidente. So hindi na po dapat pag-usapan iyan, katungkulan po iyan ng PSG. Ang PSG po handang mamatay para sa Presidente, kung gusto nilang kasuhan ang PSG, kasuhan nila – lahat ng kaso, dahil nga itong mga ito magpapakamatay kay Presidente, ano naman ang takot nila sa kahit ano pang parusa na hindi po involved iyong kamatayan. So, ganoon po ang paninindigan at paglilingkod ng PSG. At ito rin po ang dahilan kung bakit malapit naman sa puso ng ating Presidente ang ating kasundaluhan at kapulisan, kasi ang binubuwis nila mga buhay.
TULFO: All right, very well said. Secretary Harry Roque, IATF/Presidential Spokesperson, maraming salamat po. Stay safe, stay healthy, Sec.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Magandang umaga. Happy New Year.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)