Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo – Tutok Erwin Tulfo, Radyo Pilipinas



TULFO: Secretary Harry Roque, sir good morning po.

SEC. ROQUE: Good morning, Pareng Erwin; magandang umaga, Pilipinas.

TULFO: Opo. Bilisan ko na lamang, sir. Kasi po nagiging usap-usapan na sa buong kapuluan, sa mga kainan, sa mga inuman na kung may karapatan daw ba ang taumbayan na malaman kung magkano ba talaga ang tunay na presyo ng mga bakuna na bibilhin po ng gobyerno natin na itatarak o ibibigay sa sambayanan; iyan po ang katanungan. Eh kung kayo sir ang tatanungin may karapatan ho ba itong mga kababayan natin, tayong lahat malaman kung magkano itong bibilhin na bakuna ng pamahalaan po, sir?

SEC. ROQUE: Mayroon po. Ang karapatan po nating malaman ang halaga ay nasa Saligang Batas ‘no. Karapatan ng taumbayan sa mga impormasyon na nakakaapekto sa kanila at siyempre dahil pampublikong pera ang gagamitin diyan, may karapatan po. Pero sinabi rin ng ating hukuman sa kaso ng Chavez versus PCGG na mayroon pong tamang panahon para sa karapatan na ito. Habang hindi pa po kumpleto ang negosasyon eh sabi po talaga ng ating hukuman, iyong mga diplomatic negotiations ay covered po iyan ng executive privilege—

TULFO: Yeah. Nakapaloob po yata iyan sa mga non-disclosure ano po sir, na mga—oo.

SEC. ROQUE: Opo. So sa ngayon po dahil maselan ang usapan, talagang wala pa po tayong karapatan; pero ‘pag natapos na po ang usapan, alam na natin kung magkano ang babayaran at nabayaran na, talagang hindi po mapagkakait sa taumbayan iyan at hindi po itatago ng gobyerno iyan. Kaya lang sa ngayon po, hayaan muna natin matapos nang kumpleto ang negosasyon, iyong proseso ng negosasyon.

TULFO: All right. Panghuli na lamang na tanong, Secretary. Mayroon po ba tayo—is there a way na iyong gobyerno natin na malaman na mura iyong nakukuha natin kumpara doon sa ibang bansa na maaari nga—may mga tsismis kasi sir, pasensiya na kayo sa mga Facebook, mas mura raw ang kuha ng India ng Sinovac kaysa sa atin. So mayroon po bang way tayo na malaman na mura iyong nakukuha natin o baka minamahalan naman tayo ng source natin Sec. Harry, sir?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po sa ngayon kasi ang tawag dito, it’s a supplier’s market. Dahil nga po kulang ang ating supply eh talagang kumakagat ang lahat ng mga bansa sa kung anong presyo iyan. Pero malalaman at malalaman din po natin iyan sa bandang huli ‘pag tapos na ang negosasyon. Iyan po iyong panahon na bibigyan natin ng buhay iyong karapatan ng taumbayan para sa impormasyon ‘no.

Pero ang masasabi ko lang po, lahat po ng hakbang ay ginagawa ng gobyerno para makakuha nang murang gamot. Pero ang katotohanan po, wala pong isang kumpanya na makapagbibigay ng total supply na kinakailangan natin kaya ang ating istratehiya ay kukuha po tayo sa anim o pitong mga manufacturers para sa ating pangangailangan.

TULFO: All right. Panghuli na lamang, last na lang talaga po Sec. Inutusan na raw ni Pangulong Duterte ang Vaccine Czar na si Secretary Galvez na makipag-ugnayan kay Senate President Sotto at ibigay sa kaniya kung magkano iyong presyo ng binibili nating bakuna. Is this correct, Secretary Harry?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po sinabi ni Presidente ipagpatuloy ang kaniyang testimonya sa Senado, i-explain sa kanila na talagang hindi pupuwedeng isapubliko iyong presyo habang hindi pa nagkakatapos, habang hindi pa nagpipirmahan ng contract of sale at panandalian po ay talagang magbigay ng thorough eksplanasyon, maging transparent. Pero kung kinakailangang protektahan po iyong dapat hindi pa isapubliko, ganoon po ang gagawin.

Pero ang sabi po ng Presidente, “Kung ika’y binastos, tumayo ka, huwag kang sumagot at umalis ka; at kapag ikaw ay iko-contempt, susunduin kita roon.”

TULFO: All right. Secretary Harry Roque, Presidential Spokesperson, IATF Spokesperson. Maraming salamat, Sec.; magandang umaga! Please stay safe and healthy, Sec.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po at magandang umaga rin po.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)