TULFO: Secretary Harry Roque, ang Tagapagsalita po ng IATF at the same time Presidential Spokesperson. Good morning, Secretary Harry Roque sir.
SEC. ROQUE: Magandang umaga Pareng Erwin; at magandang umaga buong Pilipinas.
TULFO: Iyong speech ng Pangulo kagabi, iyong kaniyang presscon sir, malinaw na binitiwan ng Pangulo wala na munang peace talks sa NPA dahil patuloy nilang inaatake ang mga sundalo na tumutulong sa mga Pilipino ngayong COVID, Secretary.
SEC. ROQUE: Tama po iyan ano, wala pong kuwenta iyong sinasabing unilateral ceasefire ng CPP-NPA dahil wala po talaga silang isang salita, wala silang sinseridad so wala po tayong ceasefire ngayon sa mga Komunista.
TULFO: Nabanggit din ng Pangulo Secretary na ‘pag may mga reklamo iyong kababayan natin sa—all the way down sa barangay, lumapit kila mayor, sa mga media sa mga radyo para iparating sa gobyerno ang kanilang hinaing. What does this mean, Secretary?
SEC. ROQUE: Well alam po ng Presidente na lalung-lalong na iyong mga ayuda na hindi pa nakakarating sa taumbayan, kinakailangan po managot ang mga lokal na opisyales diyan dahil sa record po ng pamahalaan ay na-download na po sa lahat ng mga local government units lalung-lalo na iyong tinatawag na SAP ‘no. So kapag hindi pa rin sila nakakatanggap… pero kailangan naman ‘no ang reklamo ay nanggagaling doon sa dapat makatanggap ‘no.
Kung ikaw ay dapat makatanggap at hindi pa nakakatanggap, magreklamo po kayo. Kung wala pong mangyari, magreklamo sa inyong mga lokal na opisyales, punta po kayo sa media.
TULFO: Sir, speaking of nakakarating, eh hindi pa yata—ang naibigay pa lamang po yata ay iyong first wave, iyong second wave eh hindi pa ho yata naibibigay ng DSWD.
SEC. ROQUE: Hello?
TULFO: Secretary? Naku naputol na. Naputol si Secretary. Isisingit ko sana, sasabihin ko na baka puwede niyang i-propose sa IATF, bigyan na lang ng tigwa-one thousand bawat Pilipino. Lahat ng tao dito papayag eh. Eh natural, o eh kagaya niyan, lima sila sa bahay nila, ‘di five thousand. O si Cesar iyong magulang niya o… O ikaw na lang diyan Direk oh, nandiyan iyong magulang, o ilan kayo lahat sa bahay? O apat, ‘di four thousand.
Secretary Harry Roque, good morning ulit sir.
SEC. ROQUE: Yes. Oo, talagang palpak po ang telecoms natin ‘no. Talagang kailangan na ng third telecoms talaga
TULFO: Oo, kailangan na natin ng third telco. Nasaan na ba iyon? Anyway Secretary, may proposal po si Congressman Joey Salceda noong una na kung puwede 110 million tayo, alisin mo iyong 10 million dahil itong 10 million mga milyonaryo, mga pulitiko—
SEC. ROQUE: Naku, nawawala [LINE CUT]…
TULFO: Mobile siguro si Secretary. Naku hindi na tayo marinig. Oh anyway, iyon sana ang proposal. Gawin na lang tig-isang libo, bigyan ng tig-isang libo ang bawat Pilipino; alisin mo iyong mga pulitiko, alisin mo mga mayayaman, alisin mo na iyong mga nakatira sa Dasmariñas, Forbes Park… eh ang matitira diyan eh 100 million. Kasi iyong mga mayayaman lang naman nasa 10% lang naman iyon ng ating lipunan. Iyong iba ay middle class na. Sir, are you mobile ba, Secretary?
SEC. ROQUE: Yes, mobile po. Oho, mobile po.
TULFO: Hindi sir, ito lang sir… kung you have the chance to meet with IATF ulit, baka puwede po iyong proposal ni Congressman Salceda na bigyan na lang tig-iisang libo ang bawat tao/Pilipino except sa mga mayayaman at mga kilalang pulitiko/personalidad para lahat eh mabibigyan at wala nang magrereklamo na hindi nakatanggap, mga senior citizen walang nakuha ni singkong duling sa SAC. What do you think, Secretary?
SEC. ROQUE: Well kung iyan po ay papayagan ng Kongreso, ang keeper of the coffers naman po, tagahawak ng pondo ng bayan ay Kongreso, eh susunod po ang Ehekutibo. Pero dapat po eh—ang nagbigay po pondo sa amin para sa social amelioration ay Kongreso din; kung ganiyan ang gustong mangyari ng Kongreso, napakadali po niyan, gumawa po tayo ng batas.
TULFO: ‘Ayun. Pero would it be—there will still be time ba sir? Parang wala na hong oras, siguro IATF na lang ho siguro ang—sa level ng IATF ito ‘di ho ba?
SEC. ROQUE: Yeah. Ang level ng IATF po ay kinakailangan gastusin sang-ayon doon sa We Heal as One Act ‘no, at nakasulat nga po doon na ang bibigyan ay iyong pinakamahihirap na mga Pilipino ‘no. So pero tingin ko po eh may pagkakataon pa naman dahil habang wala pang bakuna eh hindi natin alam kung kailan matatapos itong problema natin sa COVID-19. Siguro po iyong susunod na ayuda, puwede na nilang isabatas iyan nang sa ganoon po ay mas madali po iyan. Lahat na ng Pilipino na hindi mayayaman ay magkakaroon ng ganitong halaga.
TULFO: Right, right. Secretary Harry Roque, sir maraming, maraming salamat. Sir, please stay healthy and safe, Sec.
SEC. ROQUE: Ay kayo rin Pareng Erwin, at mabuhay po sa buong Pilipinas.
TULFO: Thank you po, good morning.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)