Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo – Tutok Erwin Tulfo 2.0



TULFO: Nasa linya po si Secretary Harry Roque. Magandang umaga po Secretary Roque, sir.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga, Pareng Erwin. Magandang umaga, Pilipinas.

TULFO:  Opo. Sir bibilisan ko lang, alam kong may mga briefing pa kayo at marami kayong mga interview mamaya. MGCQ, sabi po ng IATF, posibleng bumaba sa MGCQ depende kung kakayanin kaagad magresponde ng mga LGU. Does that apply also sa Metro Manila, Secretary?

SEC. ROQUE:  Ay, hindi ko po alam kung anong basehan ng ganiyang conclusion pero ang alam ko po wala pa po talagang desisyon at hihintayin na lang po natin ang desisyon. Pero uulitin ko po, wala pa po talagang kahit anong desisyong nagagawa ang IATF at iba po ang naging rekomendasyon ng DOH, hindi po MGCQ.

TULFO:  All right. Isa pa ho sir, sabi po ng DOH puwede na raw po ngayon ilibing ang mga namatay sa COVID provided na double-sealed iyong bangkay bago ipasok sa ataul and then iyong ataul isi-seal na, wala na pong burol-burol, diretso libing at bawal nang hukayin kailanman iyong labi ng namatay ng COVID. Is this correct, Secretary?

SEC. ROQUE:  Hindi po. Lilinawin ko po na iyan lang po ang protocol kapag hindi po available ang cremation. Pero ang una pa rin po, cremation pa rin po ang nasa protocol ng DOH. Kung hindi lang po available for whatever reason ang cremation, saka lang ho natin ililibing. So iyan po ang paglilinaw din ng DOH.

TULFO:  Kasi po, iyan po ang lumalabas sa mga media ngayon sir. Siguro kailangan talagang linawin ito dahil ang sinasabi, dahil overloaded na raw po ang mga crematorium natin at may mga mahaba po ang waiting list ngayon sa cremation, Secretary Roque, sir?

SEC. ROQUE:  Nakipag-ugnayan na po tayo kay Doctor Beverly Ho ‘no ng DOH at hindi naman po daw totoo iyan bagama’t mayroon talagang established protocol po na for whatever reason hindi maki-cremate, pupuwedeng ilibing subject to iyong protocol na sinabi ko kanina Pareng Erwin. Pero ang protocol po, cremation po muna.

TULFO:  Cremation. Sir panghuli na lamang 56,000 plus, ang gumaling 16,000; dapat po bang mabahala tayo Secretary at ang sinasabi pa ay kailangan kapag tinamaan ka ng COVID or isa sa mga kamag-anak mo ay kailangan dalhin sa isang malapit na medical facility, Secretary?

SEC. ROQUE:  Again lilinawin ko po ‘no, mula Abril pa sinabi na po ng DOH dahil ito po iyong nadiskubre natin sa Italya na kinakailangan maski ikaw ay asymptomatic o mild, kinakailangan ihiwalay na, so dapat magho-home quarantine. Abril pa po iyan, hindi po iyan bagong polisiya ‘no.

At pangalawa po, well, buong mundo po talaga ay nagkakaroon ng problema; sa buong mundo nadoble na po iyong numero ng ating COVID cases pero sa akin naman po, tingin ko po, mamaya sa aking press briefing i-aanunsiyo ko po kung ano iyong bagong taktika ng gobyerno para labanan itong COVID-19. Siyempre po habang mayroon tayong bagong pagsubok, mayroon din tayong mga bagong taktika at abangan ninyo po, alas dose mamaya sa press briefing at sasabihin po natin kung anong naging bagong taktika natin.

TULFO:  Secretary Harry Roque, sir maraming, maraming salamat. Magandang umaga. Stay healthy, stay safe sir.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat, Pareng Erwin.

 

###

 

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)