Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo – Tutok Tulfo Reload



TULFO:  Nasa linya si Secretary Harry Roque, ang Tagapagsalita po ng Palasyo at the same time siya po ay Spokesperson ng IATF. Magandang umaga, Secretary Roque, sir.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga, Pareng Erwin. At magandang umaga sa buong Pilipinas.

TULFO:  Opo. Sir, iyong doon sa Fontana hospital, iyong iligal na ospital ho doon, ito po ba ay masusing minu-monitor kasi mukhang naggagamut-gamot sila ng mga COVID patients doon na hindi alam ng mga awtoridad natin? Mabuti na lang nadiskubre po ito kaagad, Secretary.

SEC. ROQUE:  Opo. Kaya po kakasuhan po sila ng paglabag ng batas na hindi pupuwedeng mag-practice ng medisina na walang lisensiya po na binibigay ang PRC. Iyong pagbibigay po ng mga gamot na hindi rehistrado ng FDA at saka iyong posible po, Bayanihan Act, kasi kung mayroong mga COVID diyan na nagpunta sa kanila, mga pasyente, dapat ni-report po iyan sa Department of Health.

TULFO:  All right. Sir, isang katanungan po ng mga kababayan natin, ito kumakalat eh curious lang ako at nagtatanong din sila. Bakit everyday, tuwing hapon, paglabas na po ng mga update na ilan ang may COVID, ilan ang nag-recover, ilan namatay, laging nasa 200 lang lagi ang lumalabas na na-contaminate o nahawaan? Two hundred nang two hundred – 210, 250, 290. May dahilan po ba, sir? Napapansin lang ng mga netizens natin, Secretary, sir.

SEC. ROQUE:  Tingin ko po kasi limitado pa rin ang testing natin dahil PCR ‘no. So dahil limitado po iyan, ganiyan po iyong capacity na lumalabas sa 32 centers na mayroon na tayo ngayon na authorized to conduct PCR testing.

TULFO:  Sir, panghuli na lamang. Secretary Roque, dito po sa—marami tayong kababayan pa rin na hindi nakatanggap ng unang ayuda, ng first wave doon sa SAP. Ngayon tanong ho nila, parang hindi na naman daw—anong gagawin nila kung hindi na naman sila makatatanggap doon sa second wave, itong mga partikular na ito, mga taga-NCR Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, linawin ko lang po. Iyong sa first wave, 98% na po ang nailabas. So siguro po maraming hindi talaga nakakuha kasi hindi sila napasali doon sa listahan. So ang aking advice po sa kanila, dahil magbibigay pa ang Pangulo ng additional ayuda sa 5 million more people, eh siguraduhin po nila na magpalista sila sa barangay captain. At kung hindi pa rin sila kasama doon sa bagong listahan na limang milyon, eh umapela kaagad sa DSWD. At ito naman po ang dahilan kung bakit naantala nang bahagya iyong pagbibigay ng pangalawang ayuda kasi dapat maayos talaga iyong listahan ng 5 million na additional na makakatanggap po.

TULFO:  All right. Sir, panghuli na lamang. Iyon pong tinanggal ng Pangulo na si Asec. Kristoffer Purisima ng OCD, mayroon na ho bang development kung ano ho ba ang nangyari?

SEC. ROQUE:  Ang binigay lang po sa akin na impormasyon at pinarating sa akin ng Pangulo ay sabihin nga po na natanggal na because of loss of trust and confidence.

TULFO:  Ayun. Ganoon din po, tinanggap din daw po ng Pangulo iyong resignation ni DICT Usec. Eliseo Rio, finally.

SEC. ROQUE:  Ay, pagdating naman po kay Usec. Rio, talaga pong nagpapasalamat ang Presidente, ang buong sambayanang Pilipino dahil sa kaniyang magiting na paglilingkod bilang Acting Secretary and Undersecretary po ng DICT. At I will personally miss him dahil noong unang round po na ako ay naging Spokesperson, seatmate ko po siya nang isang taon sa mga Cabinet meetings.

TULFO:  Sir, pahabol ko lamang. I don’t know, we’ve been trying to get in touch with DICT, hindi naman po namin ma-contact; at ang NTC. Sir, napansin ninyo ba, kahit kayo siguro I’m sure napapansin ninyo, iyong signal ninyo sa Globe at Smart pawala-wala pati iyong internet. Kaya ang problema ng mga kababayan natin, papaano makapag-work-at-home daw, sir, eh mahina ang signal ng internet? Para bang tinitipid ng mga kumpanya na ito. Ito po ba ay puwedeng pasilip, Secretary, sir?

SEC. ROQUE:  Well, tatawagan ko rin po sila kasi kanina po nahirapan akong mag-Zoom sa mga interview ko dahil hindi po gumagana sa aking iPad so nasa telepono lang ako nagsu-Zoom ‘no. So talagang tatawagan ko po kung ano nangyayari ‘no, at hindi lang po iyan, iyong telepono ko, napakasama na talaga ‘no; talagang from third world, naging fourth world na yata tayo. Wala na po yatang call na nagkakarinigan. In fairness, mas mabuti pa nga mag-voiceover internet at mag-Facetime o kaya eh mag-cyber call kaysa doon sa audio call natin sa cellphone ngayon, matindi po talaga.

TULFO:  Oho. Parang tinitipid, sir, at parang pina—suspetsa ng mga netizens natin, alam mo mga malilikot ang isip, baka binabawasan dahil hindi pa tayo nagbabayad, 3 months na.

SEC. ROQUE:  Sana huwag naman po ‘no dahil baka tuluyang hindi na tayo magbayad sa kanila kapag nawala ang prangkisa nila.

TULFO:  [Laughs] Secretary Harry Roque, sir, nice talking to you always. Magandang umaga. Please take care of yourself and happy weekend, Secretary, sir

SEC. ROQUE:  Salamat, Pareng Erwin. Happy weekend. God bless.

                                                                                                ##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)