TULFO: Magandang umaga, sir.
SEC. ROQUE: Magandang araw po, Pareng Erwin. At magandang umaga, Pilipinas.
TULFO: All right, sir, two issues. Unahin ko na po iyong sa Jolo incident pa rin, iyong pagkamatay ng apat na sundalo. So, kahapon po sabi ninyo kakausapin ng Pangulo iyong mga siyam na pulis na involved dito and at the same time gusto rin niyang kausapin iyong mga officers and men ng Army doon po sa Jolo, Sec?
SEC. ROQUE: Totoo po yan. Iyan po iyong unang-una niyang sinabi noong siya po nagrecord ng kanyang ulat sa bayan noong nakaraan. At ang sabi nga po niya sana ito na ang huling pagkakataon na may ganitong mangyayari sa kanyang administrasyon dahil mayroon na lang siyang dalawang taon nalalabi sa kaniyang puwesto. At ang sabi po niya hindi dapat nangyayari itong mga bagay na ito dahil pare-pareho ang ideolohiya nila. At importante na magpakita doon ang ating Pangulo para po ma-boost po ang morale lalung-lalo na po ng ating Hukbong Sandatahan na ngayon po ay mababa.
TULFO: All right, sir, moving on to another topic – Anti-Terror Bill. July 9 ay magla-lapse na po ito, nasa lamesa pa rin ng Pangulo. This will become into law kapag hindi po napiramahan. Mayroon po bang dahilan, sir… or wini-weigh ng Pangulo lahat ng mga options niya at pinapakinggan lahat ng panig before signing this? What do you think?
SEC. ROQUE: Aalamin ko po. Kasi po ang sabi ni Presidente ay binigay niya po sa kanyang legal adviser, ito po iyong Deputy Executive Secretary for Legal Affairs at inaantay pa niya ang reaksiyon. Pero aalamin ko po bago pa tayo mag-press briefing ng alas-dose kung nakarating na po iyong memorandum sa lamesa ng ating Pangulo.
TULFO: Panghuli na lamang, sir, reaksiyon lamang. Nabasa rin po siguro ninyo, napanood ninyo iyong post in Miss Sharon na she is supporting daw the candidacy—not supporting, but rather, “Sana manalo si VP Leni at papalit kay Pangulong Duterte kasi baka bumalik na ang pagiging disente nating lahat.” What is your take on that, sir?
SEC. ROQUE: Ito po ay iniiwasan ng ating Pangulo ‘no. Sa panahon ng pandemya ayaw pong mag-pulitika ng Pangulo, isinantatabi po niya iyan at ganyan din po ang ating posisyon bilang kaniyang tagapagsalita, saka na po muna ang pulitika.
TULFO: Very well-said. Maraming salamat po, Secretary Harry Roque, sir. Good morning.
SEC. ROQUE: Good morning po.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)