TULFO: Magandang umaga, Secretary Roque, sir.
SEC. ROQUE: Magandang umaga, Pareng Erwin. At magandang umaga buong Pilipinas.
TULFO: Opo. Sir, ang Pangulo raw talagang noong isang araw yata ay halos mag-walkout na doon sa meeting dahil sa banas na banas na raw ho ito sa red tape na gusto na niyan nang mawala, dagdagan pa ng korapsyon, Secretary. Kaya sabi niya, puwede raw siyang imbitahin at magsalita sa Senado kung iimbitahan siya, Secretary?
SEC. ROQUE: Well, iyan po naman ang deklarasyon ng ating Presidente at talaga naman pong ang kampaniya ng Presidente laban sa—ang kaniyang track record naman po, pati mga malalapit na supporters, pati iyong mga tumulong sa kampaniya, talaga namang kung may bahid ng korapsyon ay sinisibak.
At naiinis talaga siya doon sa mga gawain ng taong gobyerno [garbled] sa permit para nga doon sa mga imprastraktura na kinakailangan natin. At ang pinakahuli nga po, iyong kaniyang mandato na lahat ng mga local councils, municipal ang city councils na nagdi-delay ng mga permits na kinakailangan ng telecom para mapabuti po iyong ating connectivity ay dapat disiplinahin.
TULFO: All right. Sir, maiba tayo. Kumustahin ko lamang, kailan po iaanunsyo ng Pangulo iyong desisyon iyong tungkol po doon sa pagbabawas ng social distancing?
SEC. ROQUE: Hindi po pala ngayong linggo iyan ano. Kasi ang pagkakaintindi ko, iyong mga reports para kay Presidente ay parang ngayon lang po yata maisusumite sa kaniya. So inaasahan po natin – contrary to what I earlier said na baka ngayon – baka sa Lunes na po sa kaniyang regular talumpati sa taumbayan.
TULFO: So as is muna, Secretary, one meter ang distancing?
SEC. ROQUE: Opo, as is muna po.
TULFO: Sir, panghuli na lamang. Ilalapit ko na lang sa inyo mismo siguro para maibulong po ninyo kay Pangulo.
May lumapit po sa akin na mayor, Mayor ng Aliaga, Nueva Ecija – si Mayor David Angelo Vargas. Iniipit daw po, sir, ng konseho – ni Vice Mayor niya at konseho dahil mga kalaban po niya ito – ang kanilang pondo para sa SAP sana. Noong pandemic, hindi siya nakapagbigay kaagad ng pera ng SAP sa kanyang constituents dahil inipit umano ng konseho. Pangalawa, sir, gusto niyang mag-hire ng additional doctor at nurses sa kanyang bayan dahil doon sa COVID, ayaw din naman siyang aprubahan, i-release iyong kaniyang budget eh kahit na may nagdeklara na ng state of calamity, ayaw raw aprubahan nila Vice Mayor. Ano po kaya ang puwedeng maitulong ng Palasyo dito dahil kaalyado raw ho siya ng Pangulong Duterte pero itong mga konseho at Vice Mayor ay kalaban po niya, hindi niya kapartido, Secretary?
SEC. ROQUE: Ipagbibigay-alam ko po ngayon iyan kay Secretary Año mismo ng DILG dahil sila naman iyong mayroong powers to supervise and control iyong mga locally elected officials. Ibigay lang po ninyo ang number ko kay Mayor at magkakaroon po kami kaagad ng teleconference ni Secretary Año at siguro po iyong ilang mga Usec. ni Secretary Año.
TULFO: Sige po, sir, pagkatapos po ng program ibibigay ko. Salamat po ha, kahit na busy po kayo, you still have time to help us out here. Thank you po, Secretary Harry Roque, sir.
SEC. ROQUE: Maraming salamat din, Pareng Erwin. At magandang umaga po sa lahat.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)