Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Henry Uri and Missy Hista – Damdaming Bayan/DZRH



URI: Secretary Roque, magandang umaga sa inyo. Sorry for an unscheduled call, kami po ay mayroon lang importanteng klaruhin lang po sa inyo – Secretary, good morning.

SEC. ROQUE: Good morning. Magandang umaga, Henry at sa lahat ng Malacañang Press Corps.

URI: Yes, sir. Sir, unang-una lang, ito ay tanong din ho ng ating mga executives, mga top level management dito ho. Iyon daw po bang 60 years old na hindi na puwedeng lumabas sa kalye under GCQ and ECQ, exempted daw ho ba riyan?

SEC. ROQUE: Magbibigay klaro po ako diyan – ng alas dose, hinihintay lang po namin na aprubahan ni Presidente iyong mga IATF resolutions. Pero huwag po kayong maniniwala sa mga fake news. Kaya po mayroon tayong mga designated spokesperson, iyon lang po ang paniwalaan ninyo. Bibigyang linaw ko po iyan mamayang alas doseng press briefing. Pero siyempre po, respeto kay Presidente, kinakailangan maaprubahan niya muna iyong mga resolutions na iyon.

URI: Opo. Kasi pinapatanong lang po ng mga managers namin, kasi kalimitan sa mga senior managers ng private and government offices ay mga 60 years old na pataas.

SEC. ROQUE:  Well, ang masasabi ko lang po, wawalo lang kaming hindi senior sa Gabinete at ang Presidente ay senior din po. Kaya kung magkakaroon po tayo ng rule, eh paano naman iyong mga miyembro ng Cabinet. So wala pong rule na ma-adopt sa seniors na magiging dahilan para hindi rin makapagsilbi sa bayan ang mga miyembro ng Gabinete at si Presidente mismo. Huwag po kayong maniwala sa ginawa ng mga kalaban ng gobyerno.

URI:  So mamaya malalaman po iyan, Secretary, mamaya?

SEC. ROQUE: Opo, malalaman po iyan. Respeto lang po sa Presidente, hintayin natin ang approval niya.

URI:  Secretary, posibleng mamayang gabi ba ay mag-a-announce ulit ang Pangulo on that matter?

SEC. ROQUE:  Hindi ko po alam. Basta ang alam ko ay hinihintay ko ang approval ng Presidente para po maanunsiyo itong mga polisiya; mayroon pong ilang pagbabago sa ECQ, pero siyempre po ay maraming bago sa GCQ.

URI: Oho, kasi a-trenta na ngayon. Another question: Marami pa ring reklamo at palagay ko ay ito naman ay talagang maski sa inyo ay nakarating na nga iyang mga ospital na tumatanggi sa mga pasyente. Paano ba ito, Secretary, hindi ho natitigil ito?

SEC. ROQUE: May batas po tayo na nagpapataw ng parusa na pagkakakulong sa kahit sinong mga empleyado ng ospital o doktor na hindi magbibigay ng serbisyo kapag walang deposito – iyan po iyong Anti-Hospital Deposit Law ‘no, iyan po ay pinapairal. At lahat po ng may reklamo ay dumulog po kayo sa pinakamalapit na DOJ office at magsampa po ng reklamo dahil iyan po ay kasong kriminal.

MISSY HISTA: Matutulungan ninyo po kaya ang mga naging biktima ng ganito, Secretary? Kasi po siyempre baka maalangan sila, tingin nila oppressed sila – maaasistahan ninyo po kaya?

SEC. ROQUE: Well, makikipag-ugnayan po ako kay Atty. Persida Acosta ng PAO para po magbigay na legal na serbisyo ang mga nangangailangan, iyong hindi makakuha ng abogado, nang sa ganoon ay matuluyan pong makasuhan ng kasong kriminal iyang mga lalabag sa Anti-Hospital Deposit Law.

URI: Secretary, April 30 na ngayon, iyong mga hindi pa naipamigay ng mga LGUs na SAP; may mga ibang LGUs na nagsasabi na hindi nila kakayanin – ano po ang sabi rito ng Malacañang?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, humihingi po kami ng paumanhin, nalulungkot po talaga ang Presidente dahil alam niyang mahirap ang buhay lalung-lalo na hindi natin napagtrabaho ang ating mga mamamayan. Eh naghanap po tayo ng pondo, nakakuha tayo ng pondo, ibinigay na po natin sa mga LGUs, eh tinakot na po nating ikukulong sila pero talagang may mga LGUs na nagsabing magpapakulong na  lang ho kami kasi talagang hindi namin kayang maibigay iyan sa lalong mabilis na panahon dahil lalung-lalo na ay mayroon tayong restrictions sa social distancing.

Sa ngayon po, ang aking masasabi na lang ay talagang gagawan po natin ng paraan na mailabas na iyan dahil talagang alam namin ang paghihirap ng tao. Wala po kaming palusot, we take responsibility. Pero ang sinasabi nga po natin, hinding-hindi po natin ito-tolerate iyan at gagawin natin ang lahat para maibsan ang kahirapan ng lahat. Iyan lang po ang posisyon at panawagan ng ating Presidente.

URI:  At iyong mga middle income earners, naghihintay pa rin sila ng tulong sa gobyerno. Ano ho ang napagkayarian na rito sa Palasyo?

SEC. ROQUE: Iyong ating small and medium enterprises, mayroon naman tayo talagang salary subsidy program. Fifty-one billion po iyan para sa mga empleyado ng mga small, medium industries dahil alam natin na mahihirapan din (garbled) magbigay sahod doon sa mga hindi makapagtrabaho during ECQ. So nagkaroon po tayo ng espesyal na programa para sa kanila.

URI:  All right. Sir, salamat nang marami sa inyo at alam ko po na kayo ay naghahanda sa ating briefing mamaya. Thank you so much.

MISSY HISTA: Thank you po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)