URI: Kami ay napatawag sa inyo. Hindi na po tayo magpapaliguy-ligoy pa, sapagkat kaklaruhin lang namin ang nangyari po dito sa Dr. Tony Leachon na siya pong, of course, alam natin na tumatayong adviser po siya ni Secretary Galvez, ang punong tagapagpaganap ng laban natin sa COVID-19. Una, Secretary ano ba ang nangyari talaga, siya ba ay tinanggal o siya ba ay nag-resign?
SEC. ROQUE: Well, hindi ko po alam kung ano ang nangyari dahil ako naman po ay hindi naman po ako kasapi ng NTF – ako po ay kasapi ng IATF at tagapagsalita ng IATF. Ang akin lang po, ang naalala ko, dahil bilang Spokesperson, ako rin po ang hepe, chairman noong Strategic Communication Group ng IATF at isang araw nagulat na lang ako, ang daming reklamo na bakit daw itong Dr. Leachon na isang adviser ay sinisiraan o tinitira ang DOH at kinukuwestiyon ang data ng DOH. So nanggaling po iyan sa lahat ng miyembro ng Strategic Communication Group na kinabibilangan po ng lahat ng Spokesperson ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno.
So, noong nakita ko po ito na lahat ay nagrereklamo, pinarating ko po ito kay Secretary Duque dahil ang buong akala ko, dahil siya ay doctor, ang kumuhang consultant sa ay si Secretary Duque. Sinabi sa akin ni Secretary Duque na hindi siya ang kumuha bilang consultant diyan kung hindi si Secretary Galvez ng NTF. So, noong nagpulong po kami kay Presidente, iyong huling pagpupulong po namin ay nabanggit po ni Presidente iyan, hindi ko alam kung nakasama sa brinodkas na hindi niya maintindihan kung bakit naninira itong si Leachon.
So, ang naging hudyat po para talagang siguro kausapin na mag-resign na siya ay iyong mga binanggit na salita mismo ni Presidente na hindi niya maintindihan, bakit itong si Leachon ay sinisiraan ang DOH sa panahon ng pandemya – so, iyon po talaga ang pangyayari.
So walang pong katuturan na ako ang nagsabi na dapat na siyang mag-resign. Mayroon po talagang sentimyento laban sa kaniya na sinabi ang Presidente noong huling pagpupulong po namin kay Presidente noong siya po ay magkaroon ng address sa ating taumbayan. Sinabi niya sa panahon ng pandemya dapat nagkakaisa ang lahat, dapat na gawin ng mas mabuti, dapat iyan pinag-uusapan at hindi po inilalabas sa publiko.
URI: Sa kaniya pong isang tweet, mayroon po siyang binabanggit dito. Most of us avoid telling the truth because it is uncomfortable, we are afraid of the consequences making others feel uncomfortable, hurting their feelings or risking their anger and yet if when we don’t tell truth and others don’t tell us the truth, we can’t deal with the reality. Ngayon po doon sa mga binabasa kong mga comment sa twitter, para ang lumalabas ay pinipigilan siyang maglabas ng katotohanan dahil takot daw tayo, takot daw ang gobyernong ito na marinig iyong katotohanan – ano ang reaksiyon ninyo rito?
SEC. ROQUE: Wala pong katotohanan iyan, dahil unang-una hindi ko po alam kung ano ang katotohanan na alam niya, eh siya naman po ay consultant lamang. Ang nag-irita po talaga kay Secretary Galvez sa mga pinaggagawa niya ay iyong mahilig siyang pangungunahan iyong Presidente sa anunsiyo ng mga klasipikasyon. Samantalang hindi naman siya kasapi sa mga IATF meeting.
Nagkaroon lang siya ng access sa mga dokumento dahil siya nga ay adviser ni Secretary Galvez. So, kapag nakakuha ng dokumento, ewan ko kung bakit, kung ano ang tripping niya na gusto niyang siya ang mangunguna sa pagre-release ng impormasyon uunahan pa ang Presidente. Pero pagdating po diyan sa katotohanan, wala pong nagtatago ng katotohanan.
Kung alam lang po niya kung paano talaga kami umakto sa IATF. Ako po ilang beses na, na nakipag-usap sa DOH na kinakailangan, parang baguhin iyong format ng reporting. Kung maalala ninyo sa press briefing ko, sinabi ko na nga iyan noong minsan na kinakailangan baguhin siguro iyong reporting of death, ang gamitin iyong date of swabbing, dahil kapag ikino-consider mo iyong backlog sa mga laboratories at saka iyong delayed dahil sa verification, eh kapag lumabas ang resulta biglang sipa iyan, na mali naman ang impression na ibibigay sa tao parang biglang-bigla ang dami-dami ng kaso. Samantalang iyang mga kasong iyan ay nangyari na sa mga nakalipas na araw ‘no.
Oh, ano ang nangyari noong sinabi ko po iyon, sinundan naman ako ng DOH at binago na nga iyong presentation, mayroon na tayong fresh cases, mayroon na tayong old cases para maintindihan ng tao. So wala pong nagsisinungaling, we are all trying to improve, lalung-lalo na pagdating sa data collection at saka sa data reporting. Dahil alam naman natin na kapag wala tayong tamang data ay hindi tayo makakagawa ng istratehiya.
Pero itong nadesisyunang ito po, hindi naman siya kasama sa discussion, kaya hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya na sinusupil ang katotohanan, hindi naman siya kasali sa mga desisyon na ito, sa mga diskusyon na ito.
URI: Ano ba talaga ang responsibilidad lang niya bilang adviser po ni Secretary Galvez?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam, kasi sila iyan ni Secretary Galvez. Pero hindi ko na po sasabihin ang mga sinabi sa akin in Secretary Galvez kasi siguro ano na iyon, between Secretaries na lang iyan. Pero sa totoo lang po ang intindi ko ay wala naman talaga siyang katungkulan diyan, pinapakinggan lang siya at iyon nga po ang dahilan na talagang medyo nairita lang sa kaniya ang kaniyang principal na si Secretary Galvez, iyong propensity niya na unahan pa ang Presidente sa pagsasapubliko ng mga desisyon na ginagawa ng IATF.
URI: Ang sinasabi niya ay I left NTF due to my differences with DOH policies, example, lack of sense of urgency, problems with COVID data management and transparency in communication process?
SEC. ROQUE: Ang punto po hindi kinakailangang mag-agree palagi. Ako nga po sinabi ko na sa inyo doon sa kanilang reporting about cases, nagsalita ako noong minsan kasi inakusahan ang DOH ng lying, ang sabi ko hindi naman po lying, kung hindi siguro dapat baguhin ang presentasyon para maging mas accurate, napag-usapan naman po iyan. Hindi ko alam kung anong specific recommendation na ginawa ni Dr. Leachon na hindi sinunod ang DOH, ang alam ko wala naman, kasi wala naman siyang nako-contribute talaga. Kaya nagtataka po ako noong minsan siya na nagsalita na tinira niya ang DOH. Tapos sabi ko, eh saan nanggagaling ito eh wala naman siyang sinasabi in the past.
MISTA: Secretary Harry. I would like just to ask did you ask him to resign or is he opted not to re-contract his services?
SEC. ROQUE: Ako po ay wala po akong—hindi ko po siya pinagkakausap. Ang huling pagkausap ko lang po sa kaniya eh napakatagal na. Ito po iyong nag-isyu ng memorandum ang Executive Secretary alinsunod na rin sa utos ng Presidente na dalawa lang po ang may authority para magsalita sa gobyerno ako po saka si Usec. Vergeire para sa health matters. Iyong mga panahon pong iyon ay nagkaroon ng consultations with experts, isa siya sa naimbitahan at bagama’t ang usapan ay huwag dapat ilalabas ang diskusyon sa publiko eh nagsimula po siyang magsalita.
Hindi po ako ang pumigil sa kaniyang magsalita, PMS po nagsasalita sa kaniya at noong nagkausap kami, ang sabi ko nga, alam mo Dr. Leachon, mayroon kang karapatan na magkaroon ng malayang pananalita, pero dapat iwanan mo na iyong position mo as adviser or consultant sa, akala ko dati IATF siya consultant iyon pala NTF, dahil kapag hindi mo iniwan iyang consultancy mo, sakop ka noong memorandum. Kapag ikaw ay pribado puwede ka na talaga magsalita hangga’t gusto mo, pero habang ikaw ay mayroong titulo na kahit papaano consultant sa isang government body kinakailangan sumunod ka, iyon lang po iyong usapan at ito po ay mga one month and a half ago na.
MISTA: Secretary, Ka Henry, reaction from Secretary on this commentary by this Dr. Tony Leachon: Hindi naman kontrobersya ang sinasabi ko. Marami ring nagsasalita tungkol dito pero tayo ang napag-initan eh, hindi ka puwedeng magsalita kahit ikaw ay medical expert kumpara sa Presidential Spokesperson na hindi naman doctor.” What can say about that?
SEC. ROQUE: Wala po akong sinasabi tungkol sa mga issues na related sa medicine. Ang mayroon pong ganiyang karapatan ay si Undersecretary Vergeire, so hindi ko po alam kung saan siya nanggagaling. Maraming beses na po ako nagdi-defer kay Secretary Vergeire at ang lahat ng datos na nilalabas ko po galing sa DOH. Huwag po niyang ako sisihin kung hindi siya pupuwedeng magsalita habang siya ay may koneksiyon sa gobyerno dahil iyan po ay desisyon ng Presidente.
URI: Iwanan natin itong topic na ito sa panig po ng Department of Health. Secretary, itong kay Maria Ressa, ito lang ho, para lang sa inyo na manggaling, ang lumalabas galing sa kampo ni Maria Ressa ay si Ginoong Wilfredo Keng ay may koneksiyon sa Pangulo sa pamamagitan naman ng isang milyonaryong is Ginoong Huang Rulun, iyong nagpatayo ng Mega Rehabilitation Center sa Nueva Ecija.
Pagkatapos ito daw isang anak ni Ginoong Keng ay na-appoint din sa isang posisyon sa gobyerno, commission on Filipino Women kung hindi ako nagkakamali. So, therefore ang sinasabi nila, hindi totoong hindi iyon kilala ng Presidente, kaya nag Presidente may kinalaman kung bakit iyong matagal ng kaso ni Maria Ressa ay nagkaroon ng hatol sa panahong ito ng kasalukuyang administrasyon?
SEC. ROQUE: Insulto po iyan sa ating hudikatura. Insulto po iyan sa ating mga institusyon. Sabihin na nating totoo ang mga sinasabi nila, hindi po nag-iba ang anyo ng pagkatao ni Mr. Keng bilang isang pribadong indibidwal. Ang batas po ng libel acts natin ay talagang pinoprotektahan iyong karapatan ng mga pribadong indibidwal na huwag silang pag-usapan sa publiko, kaya po mayroon tayong tinatawag na malice in law.
Kaya ang naging burden, eh dapat sila Maria Ressa nagkaroon ng burden na wala silang malice noong sinabi nilang criminal si Keng na wala naman pala silang ebidensiya at wala naman pala silang facts verification. So natural, dahil hindi nila na overcome iyong presumption of malice eh na-convict sila dahil wala naman talaga silang kahit anong ebidensiya na in-offer na wala silang malice. Kaya uulitin ko po ang aking posisyon diyan: Ang conviction po ni Maria Ressa, wala po itong kinalaman sa freedom of expression, this is about bad journalism, hindi po sila nag-fact checking; and bad lawyering dahil hindi po nila prinuwebahan na wala silang malice.
URI: Itong batas pala na ito ay panahon pa noong dating administrasyon, tama ba, Secretary Harry?
SEC. ROQUE: Opo, ang cyber libel law iyan po ay administration bill ni dating President Noynoy Aquino.
MISTA: Ano po ang inyong mensahe sa mga pumupukol sa inyo tungkol nga po sa pagsikil ng freedom of speech or freedom of the press?
SEC. ROQUE: Maria Ressa is a sour looser. Mali ang kaniyang depensa, mali ang ginawa niya bilang isang peryodista at siya ngayon ay nasabihan na ikaw talaga ay lumabag sa batas, sinisisi po niya at ina-attempt niyang sirain ang ating mga institution – hindi po ako papayag diyan. Alam po ninyo bagama’t ako ay isang Spokesperson, ako ay isang abogado rin, ang mga abogado po we are officers of the court.
Ipaglalaban ko po ang integridad, ang kredibilidad ng ating hukuman, hindi ko po papayagan na ang kagaya ni Maria Ressa ay lapastanganin ang ating mga hukuman. Dahil kapag nawalan po ng tiwala ang taumbayan sa ating mga hukuman magkakaroon po tayo ng kaguluhan – iyan po ang aking paninindigan, paninindigan po natin iyan.
URI: At panghuli uli, iyong talagang ginigiit po, ‘hindi si Presidente iyan’, iyon siguro ang kailangang masagot ninyo ng tuwiran, Secretary?
SEC. ROQUE: Hindi po kilala ni Presidente iyan at kung kilala man wala po siyang kinalaman sa desisyon na ito; hindi po namin kilala kung sino iyong huwes na iyan; malinaw po ang batas sa libel, lahat po ng piskal lahat po ng abogado na may karanasan sa libel alam po ang dapat gawin [static] na hindi po nila ginawa, iyan po ang naging resulta, blame yourself.
URI: Mayroon na bang nakasuhang journalist, may kinasuhan na ba si Presidente, iyong kaniyang opisina?
SEC. ROQUE: Wala po, mula noong siyang Mayor, Vice Mayor, Presidente, ni isang kasong libel wala pong isinampa ang Presidente, dahil naniniwala po si Presidente, ang mga nagsisilbi po sa gobyerno hindi dapat balat-sibuyas. At malinaw po ang record ni Presidente kung ikukumpara mo sa dating Presidente Cory Aquino na ang daming dinemanda ng libel, habang siya ay Presidente. Hindi po ginagawa iyan ni Presidente dahil naniniwala siya sa malayang pananalita, sa malayang pamamahayag.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)