Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Henry Uri and Missy Hista (DZRH – Coffee Break)



URI:   The birthday boy, Attorney Harry Roque. Good morning. Happy birthday, sir!

SEC. ROQUE:   Maraming salamat, Henry. At talaga namang nakakagalak na naaalala ako ng paborito kong reporter—

URI:   Aba’y siyempre naman…. Teka muna, hindi na kita muna masyadong aabalahin, hihingan na lang kita ng iyong wish sa iyong 54th birthday. Sinabi ko na edad mo kasi pinublish [published] mo eh. Anong wish mo sa Pangulo, sa Pilipinas at sa mga Pilipino?

SEC. ROQUE:   Iisa lang po ang wish ko para sa lahat: Matapos na po sana itong pandemyang ito nang sa ganoon makabalik na tayo sa ating mga dating buhay. Ipinagdadasal po natin iyan. Magkaroon na ng bakuna nang sa ganoon lahat po tayo’y mabubuo muli sa ating mga buhay.

URI:   Ayan. O, sige. Pero kung mayroon ka namang good news diyan at birthday mo naman baka balitaan mo na lang kami. Good news na lang, kung anong good news mayroon ka diyan.

SEC. ROQUE:   Well, ang alam ko po talaga eh malapit na tayong magkaroon ng bakuna, that’s very good news. At ngayon nga po nagkasundo kami na pag-uusapan na namin kung papaano ilalatag iyong logistics at saka iyong distribution ng bakuna kung darating na. Kaunting hintay na lang po.

URI:   Ayan… all right! At on your birthday, well, of course, iyon na nga sinasabi ko kanina, pasalamat naman din ang bayan sapagkat during your stint in Congress at kahit nasa Office of the President ka na ay iyong UHC ay kuwan naman … hindi mo rin hinuhugkatan sapagka’t, of course, dapat ito talaga’y mapakinabangan na ng sambayanan.

SEC. ROQUE:   Tama po, iyan po ang ating pangako. Hindi lang po natin isinulong iyan para maging batas, babantayan po natin iyan ng maipatupad po nang tama. Lahat ng Pilipino dapat magkaroon ng libreng pagamot at libreng gamot.

URI:   All right, sige. Happy birthday, Attorney! Have a good one! Enjoy your birthday.

SEC. ROQUE:   Thank you, thank you.

URI:   Salamat. Si Attorney Harry Roque, ang Presidential spokesperson na nagbi-birthday po today.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)