Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Henry Uri and Missy Hista (DZRH – Coffee Break)



URI:  Secretary, magandang umaga po sa inyo.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga, Henry. Magandang umaga, Missy. Magandang umaga, Pilipinas.

URI:  Alam kong kayo ay marami ng appointment, bibilisan na namin ni partner Missy. Hihingi lang kami sa inyo, una muna ng reaction. Umabot na ba kay Pangulong Rodrigo Duterte itong pinaiiral na pork holiday ng ibang magtitinda po ng karneng baboy at ano po ang pahayag dito ng Palasyo?

SEC. ROQUE:  Well, mamayang hapon pa po na isasangguni ko kay Presidente. Ang isyu po na isasangguni ko matapos iyong Cabinet meeting na sinang-ayunan naman ni Presidente na iyong price cap ay dapat kapareho ma-impose sa supermarket at sa palengke.

Mamaya po, hihingin ko ang kanyang guidance pagdating naman doon sa hinihingi na lower tariff. Kasi kung titingnan mo iyong halaga ng baboy ngayon na may taripa na 40 porsiyento, nasa 114, And yet bago tayo mag-price cap ay binibenta iyan ng 350 to 400. So, parang walang dahilan para lalo pang babaan ang taripa na iyong mga lokal na nagpapalaki nga ng baboy ay hirap na hirap dahil nadali na sila ng ASF. Eh baka hindi pa sila makabangon kung bababaan pa natin ang taripa at mas lalo pang mumura iyong baboy samantalang hindi naman nari-reflect sa mas mababang presyo diyan sa palengke.

Iyong pork holiday po kasi iyan po ay dahil nagrireklamo iyong mga nagbibenta na hindi nila kayang magbenta doon sa price cap, pero kung titingnan po ninyo talaga, ang solusyon doon sa ating kawalan ng supply ay mag-angkat galing sa Visayas, sa Mindanao at saka doon sa ibang lugar ng Luzon na hindi naman apektado ng ASF at kung pa ito sapat ay mang-aangkat talaga from abroad ‘no. Pero iyon nga po iyong isyu ‘no: Gaano kadami ang aangkatin at gaano ang taripa, dahil importante na bigyan  din natin ng proteksiyon iyong mga sinalanta ng ASF para sila ay makabangon muli.

URI:  Ang binabanggit po ninyo, tama ba iyon pagkakaintindi ko, na kapag binabaan kasi ang taripa noong mga imported na meat products like pork and chicken, lalong maapektuhan iyong mga local breeders and growers dahil mas maluwag na makakapasok ang importasyon?

SEC. ROQUE:  Tama po, kasi po 147 ang cost of production dito sa lokal and yet ang baboy ngayon, na mayroon ng 40% taripa ay nakakarating lang dito ng 114. So ang isyu talaga, ang problema natin, madaling ibsan iyong supply. Pero ang isyu, bagama’t nakakapasok na iyong mga imported na baboy, bakit hindi pa rin bumababa ang presyo.

So kaya nga po bumuo ng economic surveillance team ang ating gobyerno noong huling Cabinet meeting para tingnan kung sino talaga ang nagsasamantala, kasi murang-mura na nga po even with 40% tariff, eh ngayon may mga gusto pa pong bababaan pa lalo ang taripa, eh hindi naman nagriresulta sa mas mababang presyo ng baboy.

So, talagang kinakailangan talaga na tingnan kung sino iyong mga nagsasamantala at for the time being ang assurance naman natin sa publiko, hindi po tayo mawawalan supply. Dahil gaya nga ng sinabi ko, maski at 4o% tariff, 114 lang po ang presyo ng baboy, maski magbayad ng 40% na taripa.

URI:  So, ang hihilingin ninyo sa Pangulo mamaya, kung puwedeng huwag ng babaan pa ang taripa?

SEC. ROQUE:  Opo. Iyon po ang isasangguni ko sa kaniya dahil importante po ito, kumbaga malapit sa bituka at kinakailangan bigyan talaga ng katugunan ng ating gobyerno.

HISTA:  Maraming salamat lang kay Secretary Roque, kasi mas reasonable na ang presyo ng baboy ay talagang mas maiibsan na iyong problema ng ating mga kababayan na hindi naman din kalakihan ang kitaan, hindi ba.

SEC. ROQUE:  Opo, opo. Ang talagang naging problema natin iyong ASF. Ang ASF po kasi parang COVID ng baboy, kaya lang hindi gaya ng COVID sa tao na hindi medyo nakakamatay; talagang kapag tinamaan ng ASF, patay lahat ng baboy ‘no.

Sa totoo lang po, halos naubos talaga ang baboy sa Luzon at ang natitira na lang diyan ay iyong mga mega facilities ng mga multinational corporations na harinawa ay hindi naman na tinamaan dahil napaka-istrikto ng bio security; hindi pa uso ang PPE, wala pang COVID eh naka-PPE na lahat ang mga workers nila.

So, talagang importante na tulungan natin iyong mga natitira pa at mayroon naman tayong programa, limang bilyon ang ating gagastusin para mare-populate iyong ating mga namatayan na mga magbababoy at kukunin natin iyong mga palaking baboy sa mga lugar na wala pong ASF.

URI:   So, mamaya may Cabinet meeting at inaasahang mayroon ulit talumpati ang Pangulo?

SEC. ROQUE:  Opo. Hindi naman po Cabinet meeting iyan, ito po iyong selected meeting at inaasahan po natin iyong nakaugalian na nating Monday Address to the People ng ating Presidente.

URI:  Sec, hihingin na rin namin ang inyong reaksiyon doon sa inyong ipinahayag na gumamit kayong ng salitang “manigas kayo” ano ho. May reaksiyon, of course specifically ang ilang senador, si Senator Lacson, sabi ito raw ay isang aroganteng pahayag. Bakit ba ninyo nasabi iyon at ano ang inyong reaksiyon naman doon sa reaksiyon naman ni Senator Ping?

SEC. ROQUE:  Ang konteksto niyan, Pareng Henry ‘no. Ang sinabi ko nga dahil dumating iyong boring machine, ito po ay infrastructure renaissance ng Pilipinas. So bukod pa po diyan na magkaka-subway na tayo, nandiyan ang connector, nandiyan iyong TPLEx, nandiyan iyong Cavitex, nandiyan iyong mga expansion ng LRT. So, isa ito sa legacy ng Presidente bukod pa doon sa siguradong magwawagi tayo sa COVID-19 at saka iyong mga social and welfare legislation kagaya ng Universal Healthcare na sinulong natin at saka iyong libreng tuition.

Pero sa kabila ng lahat ng ito ay walang tigil pa rin ang pagpupula sa Presidente, alam naman ninyo iyan, alam ng lahat iyan. Na kahit anong gawin ng gobyerno, iyong mga usual suspects pareho pa rin ang sinasabi. So, iyon po iyong konteksto ng sinabi ko, dahil wala na talaga tayong magagawa, lalo na panahon ng eleksiyon na lalong umiinit.

Eh pagdating naman po kay Senator Lacson, idol ko po iyan, palagi ko pong binuboto iyan at hindi siya kasama doon sa dapat manigas, dahil matagal na pong matigas itong ating idol na si Senator Lacson.

URI:  Wala kayong intention doon na maging bastos?

SEC. ROQUE:  Wala po. Lahat ng nakakakilala sa akin, that’s a usual expression that I have at wala pong kabastusan iyan. Sabi nga po ni Winona Ryder ‘reality bites.’

URI:  Iyan ba ay exasperation… isang klase ng pahayag na exasperated lang kayo o may pinatatamaan kayo o naibulalas lang ninyo iyan dahil sa disappointment?

SEC. ROQUE:  Siguro ganoon na nga po, kasi napakadami namang accomplishment itong gobyernong ito and yet kung babasahin mo iyong mga kritiko ay parang walang matinong ginawa. So, I think marami rin pong nagsasang-ayon sa akin, ang karamihan na tahimik na hindi maingay alam ko naniniwala na mas mabuti ang ating pamumuhay sa ilalim po ni Presidente Duterte.

HENRY URI: Isa pang sinabi ni Senator Panfilo Lacson, during the time of Napoles, 50o million in kickbacks was already considered huge. Now, transactions—sabi niya, ginamit niya iyong “Now, transactions are going by the billions,” Secretary Harry. You’re part of the administration, ano po ang inyong masasabi dito?

SEC. ROQUE: Kaisa naman po ni Senator Lacson si President Duterte ‘no dahil patuloy po ang kampaniya ni Presidente Duterte laban sa korapsiyon. Iyang korapsiyon naman po ay hindi nagsimula sa administrasyon ni Presidente Duterte, bagama’t ipinangako po ng Presidente igugugol niya iyong natitira niyang dalawang taon o isa’t kalahating taon na lang pala ‘no para po maibsan itong problema ng korapsiyon sa gobyerno.

HENRY URI: Okay. Partner, if you have question, I have two more questions.

MISSY HISTA: Yes, matanong ko lang, Secretary, lahat po ng mga proyekto ng ating gobyerno ay may assurance po na matatapos kahit na tapos na po ang panunungkulan ni Pangulong Duterte?

SEC. ROQUE: Ang marching order po ni Presidente, lahat ng pupuwedeng tapusin, dapat tapusin. Bagama’t marami talagang proyekto na maiiwan, for instance, iyong ating subway project ‘no. Inaasahang matatapos talaga ang Phase 1 at Phase 2 niyan 2025 pa, pero at least nasimulan na at nandiyan na iyong boring machine, so ibig sabihin ay patuloy na iyong ating paggawa ng subway sa buong Metro Manila ‘no. At ito ay bukod pa doon sa subway na ginagawa ng Siyudad ng Makati ‘no, alam naman po natin iyan ‘no.

So may mga ilang proyekto na kinakailangang magpatuloy pero marami pong proyekto, maski hindi sinimulan sa administrasyon ni Presidente Duterte kagaya ng Skyway connector, alam naman natin na kung walang political will ang Presidente para ayusin iyong right of way ay talagang mabibinbin pa rin iyang proyekto na iyan, at iyan nga pong perfect example diyan ay iyong connector.

HENRY URI: Okay. Ang reaksiyon ng mga netizens, itong si Secretary Harry Roque eh ang daming sinasabi, pero ano ba ang talagang maipagmamalaki nito sa ating mga kababayan? You were mentioning kanina, two things, iyong Universal Health Care at saka itong libreng edukasyon, why is it, bakit ninyo nabanggit iyon?

SEC. ROQUE: Well, tayo po talaga ang nagsulong nitong Universal Health Care. Kauna-unahan pong araw ng 17th Congress, hinain po natin iyan, House Bill 21, para mabigyan tayo ng libreng gamot at libreng pagamot. At ngayon sa panahon ng COVID, nagbibenepisyo po tayo diyan dahil mayroon po tayong libreng PCR test at mayroon po tayong mga packages para sa mga COVID-19. At darating po ang panahon na mas marami pa tayong benepisyong maibibigay kasama po iyang mga heart procedure na iyan, ninanais natin na mapalibre din natin iyan.

Bukod pa po diyan, kung maaalala ninyo, iyong libreng tuition sa college at saka sa mga state universities, iyong economic team noon, noong mga panahon na iyon ay tutol diyan at gustong i-veto. At ako nga ay naitalaga ng aking mga kasama sa Kongreso noong mga panahon na iyon na kausapin ang Presidente para huwag i-veto, at ginawa ko naman po iyon at talagang alam naman ni Presidente na kinakailangan natin iyan.

At bukod pa po diyan, ito nga iyong mga dahilan kaya naman ako po ay pumayag na aging spokesperson ni Presidente ay naipasa rin po natin iyong libreng patubig. Ngayon po ay hanggang limang ektaryang lupain ay libreng patubig; iyong ating free lunch para sa ating mga kabataan na nasa grade school; at saka iyong ating national age law at pati na iyong free WiFi. Eh lahat po iyan, ako ay neophyte congressman, kung hindi ako talaga tinulungan ni Presidente sa pamamagitan ng certification of urgency ng mga panukalang batas na iyon ay hindi maisasabatas.

So sa akin po, iyan po iyong mga dahilan kung bakit noong ako ay naimbita ng Presidente, minabuti naman natin na tumulong din dahil iyong suporta niya sa ating mga panukalang batas na nagsusulong po ng karapatang mabuhay at iba pang karapatang pantao ay patunay na talagang ginagampanan po ng Presidente at ng estado ang kanilang katungkulan na itaguyod ang karapatang pantao.

HENRY URI: So maski taga-saan mang panig ng kapuluan ka naroon basta Pilipino ka, nasa tribu ka man, nasa kabundukan, kapatagan, kaparangan, kalunsuran, kahit wala kang trabaho—ang sinasabi ninyo ba kahit wala kang trabaho, miyembro ka na ng PhilHealth because of the Universal Health Care?

SEC. ROQUE: Opo. Ang ginawa natin, ang pagiging miyembro po ng PhilHealth ay hindi nakadepende sa pagbabayad ng premium; nakadepende po iyan kung ikaw ay Pilipino. So kahit kayo po ay bata, kahit kayo ay matanda, kahit walang trabaho, sagot po kayo ng gobyerno. Iyong inyong premiums kung hindi ninyo mababayaran, gobyerno ang magbabayad kagaya po ng nangyayari ngayon.

HENRY URI: Iyon daw pong Universal Health Care, Universal Harry Care – may mga ganoon pa.

SEC. ROQUE:  Salamat po.

HENRY URI: Anyway, reaksiyon daw po ninyo sa sinabi ng isang news website, kayo daw ay possible senatorial sa line up ni Pangulong Duterte sa 2022. Inyo daw reaksiyon?

SEC. ROQUE:  Well, nagpapasalamat po tayo kay Presidente, pero nakatutok po tayo ngayon sa ating trabaho. Alam ninyo po, mula noong sinabi ko na tututok tayo sa trabaho at isasantabi ang pulitika, napakalaki pong ginhawa ang nangyari sa aking pagpapatupad ng aking katungkulan bilang spokesperson. Dahil isinantabi ko na muna iyang mga ambisyon na iyan, nasasabi ko ang gusto kong sabihin. At tingin ko naman bagama’t tayo ay binabato ng kritiko, nakakarating naman po ang mensahe sa ating taumbayan na walang paliguy-ligoy, walang palamuti. At importante naman na malaman ng taumbayan sa panahon ng pandemya kung ano talaga ang katotohanan.

So sa akin po, naging epektibo po iyan na pamamaraan, at ipagpapatuloy po natin iyan. So bagama’t nagpapasalamat tayo kay Presidente sa kaniyang tiwala, pero ngayon po, tutok tayo dito sa ating napakahirap na trabaho bilang tagapagsalita.

HENRY URI: Teka pala, may binanggit daw kayo na February 15 ay may mga babakunahan na?

SEC. ROQUE:  Well, inaasahan po kasi natin na darating na po ang ating bakuna at inaasahan po natin na mga second to third week ay magsisimula na tayo. Handang-handa na nga po tayo. Nag-isyu na po ang IATF ng resolusyon kung sino ang mauuna, unahin po natin iyong mga COVID referral hospitals kung saan talagang ginagamot nila ang mga COVID patients dahil sila po siyempre ang most at risk.

HENRY URI:  So may higher possibility na by February 15 ay may mababakunahan na?

SEC. ROQUE: Let’ say po na ini-aim natin na magsisimula na tayo ng ating vaccination program by February 15. At ang una pong darating nga ay 117,000 doses ng Pfizer at hanggang limang milyong dosages ng AstraZeneca. So sapat po iyan para mabakunahan ang mahigit kumulang mga 2.550 na mga frontliners both health frontliners at saka economic frontliners.

HENRY URI: Teka, posibleng this week, sa nalulooban ng Lunes hanggang Biyernes na ito or early next week ay may darating nang bakuna. Anong bakuna iyong dadating na iyan?

SEC. ROQUE: Kagaya ng sinabi ko po, ang siguradong darating ay iyong galing sa COVAX Facility na bakunang Pfizer o ‘di naman kaya po ay AstraZeneca. At pagdating po ng a-bente ng buwan na ito, mayroon din po tayong 50,000 na darating na Sinovac.

HENRY URI: May specific ba tayo kung from Feb. 8 to 12 ay may darating na?

SEC. ROQUE:  Well, hindi ko po alam iyong specific date kasi nga po ito ay galing sa COVAX Facility. Ang COVAX Facility po, hindi tayo ang bumili niyan; ang bumili po niyan ay ang COVAX Facility na binuo po ng WHO. So ang mangyayari, bibigyan nila tayo ng notice kapag nakasakay na sa eroplano, kapag isasakay na nila sa eroplano ang Pfizer. Kasi alam ninyo iyan, special arrangement iyan dahil kinakailangan ng dry ice iyan at mayroon pong limitasyon sa amount ng dry ice na pupuwedeng isakay sa eroplano ‘no.

So siguro po, ititiyempo iyan ng COVAX, at siguro mga one or two days bago isakay sa eroplano ay magbibigay na sila ng notice sa atin para maanunsiyo naman natin na parating na iyong kauna-unahang mga bakuna na galing po sa COVAX Facility.

HENRY URI: So ang sigurado, this week, may parating nang bakuna?

SEC. ROQUE: Ang inaasahan po natin, hindi po matatapos itong mid-February na wala pong darating. Inaasahan po natin mayroong darating.

HENRY URI: All right. Secretary, maraming salamat po sa inyo.  Thank you so much.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po at magandang umaga po.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)