Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Henry Uri and Missy Hista (DZRH – Coffee Break)



URI:  Attorney, magandang umaga po sa inyo, Secretary.

HISTA:  Good morning.

SEC. ROQUE:  Good morning, Henry. At good morning, Missy. Good morning, Philippines.

URI:  Kami nga ay inyong turuan, parang gagawin muna namin kayong professor sa UP College of Law ano ho. Unang tanong namin, kasi iyong kagabi na may binabanggit na mga probisyon kayo ng batas lalo na inyong principally authored law na Universal Health Care Law pertaining to the vaccine allocation of China, ano ho. Ano ba ang puno at dulo noong pinag-uusapang iyon na may mga nababanggit kayo na recommendatory something? Ano ba iyon, iyong puno at dulo, bakit humantong sa ganitong may lecture na kaming naririnig between the President and you, lecturing the Vice President?

SEC. ROQUE:  Well, okay kung maalala po ninyo, noong dumating po ang Sinovac ay iniengganyo natin ang mga health workers na magpabakuna na because the best vaccine is the vaccine that is available.  Eh nagsalita po ang Vice President na parang hindi pa dapat gamitin ang Sinovac kasi hindi pa raw siya aprubado ng HTAC, iyon iyong Health Technology Assessment Committee. Kaya nga po ako mismo nagpanting din ang aking tainga sa galit kasi alam na alam ko naman iyong Universal Health Care Law dahil tayo nga ang nagsulong niyan sa Kongreso, at alam na alam ko na hindi requirement HTAC. Ang requirement lang ay ma-approve ng FDA, dahil ang FDA ang mayroong hurisdiksiyon para mag-desisyon kung ligtas at epektibo ang isang bakuna. At ang HTAC naman iyong mga procedure na ibibigay sa ating mga bayan na bayad ng kaban ng taumbayan, iyon iyong dadaan sa HTAC, hindi sa isyu ng safety or efficacy kung hindi kung dapat ba talagang ibigay sa taumbayan. Kung ito ba ay napakamahal, kung ito ba ay kailangan talaga, iyon iyong hurisdiksiyon ng HTAC.

URI:  Wait, Secretary HTAC is one of the provisions na nasa loob ng Universal Health Care Law.

SEC. ROQUE:  Yes, iyon iyong Health Technology Assessment.

URI:  Ang trabaho nito?

SEC. ROQUE:  Para nga po tingnan kung ano iyong maibibigay na mga benepisyo sa loob po ng Universal Health Care na libre.

URI:  Okay. Iyan po ba ay may kapangyarihan? Saan lang may kapangyarihan, sa bibilhin o doon sa matatanggap na libre ng Pilipinas? I am talking about donation.

SEC. ROQUE:  Ang hurisdiksiyon po niya iyong mga maibibigay na mga serbisyo at mga gamot na babayaran ng gobyerno sa ating mga kababayan.

URI:  Ah, so kapag bumili ka ng gamot, ito ay dapat dadaan sa HTAC para malaman niya kung nararapat ba itong ibigay sa mga kababayan natin.

SEC. ROQUE:  Kung ibibigay na libre sa ating mga kababayan, iyon po iyong distinction doon. Kung ibibigay na libre sa ating kababayan. Pero hindi talaga gamot ang kaniyang hurisdiksiyon kung hindi ano iyong mga benepisyo na maibibigay natin sa ating mga kababayan. For instance, ilang dialysis ang maibibigay natin sa kanila, ilang chemotherapy ang ibibigay nila.

HISTA:  Health benefits.

SEC. ROQUE:  Babayaran ba natin ang paglalagay ng test, babayaran ba natin ang open heart procedure – iyan iyong hurisdiksiyon ng HTAC. Now, siyempre may mga gamot din na dapat dumaan diyan kung ibibigay ng libre. For instance, ang gamot sa diabetes ‘no, ibibigay ba natin iyong insulin at gaano kadalas nating ibibigay. Pero iyon lang iyong isyu niya, kung ibibigay. Dahil nga hindi naman walang katapusan ang resources ng gobyerno. Hindi sila magdi-decide kung ligtas o epektibo ang isang gamot. Ang didesiyunan lang nila kung ibibigay ng libre ang isang gamot dahil kung ito ba ay hindi naman masyadong magastos o ito ba ay talagang kinakailangan.

URI:  Ang concern po nito, mainly nitong HTAC na ito, is the financial capability of the government?

SEC. ROQUE:  Para naman masiguradong hindi masasayang iyong pondo ng bayan sa mga benepisyong ibibigay nating libre. Iyon.

URI:  Ano ang bumubuo ng mga HTAC, mga doktor din?

SEC. ROQUE:  Mga doktor din po iyan na appointed ng Secretary of Health. Pero iyong sinabi ni VP, para bagang hindi magagamit ang bakunang Sinovac kung walang approval ng HTAC. Kaya nga po nagalit ang Presidente, kasi abogado naman si Vice President, kung binasa naman niya iyong batas, makikita niya na hindi naman talaga dapat rirebyuhin ng HTAC iyong desisyon ng FDA na ligtas at epektibo na ang Sinovac. And yet ang sabi niya, dapat huwag muna daw gamitin hanggang hindi dumadaan sa HTAC. So, at the time na pinalalakas natin ang kumpiyansa ng taumbayan na gamitin ang bakunang available at ang nauna naman talaga ay ang Sinovac, eh parang si VP Leni pa ang naglalagay ng takot sa puso ng mga kababayan natin at sa isipan dahil parang pinalalabas niya na hindi pa dumaan sa proseso na maling-mali.

URI:  Pero ano ang mali at ano ang masama kung susundin iyong kaniyang sinasabi na ipa-review muna sa HTAC?

SEC. ROQUE:  Well, unang-una nga po hindi nga kinakailangan kasi, unang-una, hindi naman natin pinaggastusan iyong dumating na Sinovac, libre. Pangalawa, maski bibilhin po natin iyan, hindi naman po kinakailangan dahil panahon po ngayon ng pandemya, dahil kung susundin mo talaga lahat ng proseso, kinakailangan ang mga bibilhin lang natin na libreng mga bakuna ay dumaan na sa clinical stage 4. Eh talaga namang dahil sa panahon ng pandemya at lahat po iyan ay emergency use, eh wala pa pong bakuna laban sa COVID-19 na dumadaan sa stage 4.

URI:  Between HTAC and FDA, mas makapangyarihan ang FDA sa bagay na pinag-uusapan natin?

SEC. ROQUE:  In fact, hindi lang po mas makapangyarihan, pero walang poder ang HTAC na magdesisyon sa isyu ng safety at effectivity, tanging FDA lang po.

URI:  Ano ito lang, evaluation and recommendatory power lang ang mayroon sila?

SEC. ROQUE:  Recommendatory lang po iyan, para doon sa mga ibibigay nating libre sa ating mga kababayan.

URI:  Pero binabanggit nga ninyo, because in extreme emergency na nga itong problema nga natin, kailangang mabakunahan na. Kasi iyong Sinovac dumaan na sa approval at review ng FDA kaya wala ng dapat kuwestiyon doon,  is that what you are saying?

SEC. ROQUE:  Iyan po ang sinasabi natin, at si Vice President pa ang nagtatanim ng lumot sa utak ng ating mga kababayan dahil nga po sa pulitika at dahil sa tinatawag nating prejudice.

URI:  Ito namang sa AstraZeneca, ito ba ay ganoon din, hindi na kailangan ding dumaan sa HTAC dahil sa ito ay may approval ng FDA at may EUA na?

SEC. ROQUE:  Basta pagdating po sa isyu ng safety at effectivity, hindi po iyan dinidesisyunan ng HTAC.

URI:  Okay, Missy, go ahead.

HISTA:  So practically, kaya po na-trigger kayo ni Pangulong Digong ay dahil po palagay ninyo ay halatang hindi nabasa o hindi naintindihan nang husto ni VP Leni ang nasasaad po sa jurisdiction ng HTAC?

SEC. ROQUE:  Hindi lang po iyon, pinu-politika. Lahat ng ginagawa ng gobyerno, nilalabanan lang; imbes na tumulong na magbigay kumpiyansa sa taumbayan na magpabakuna na, siya pa iyong nagtatanim ng lumot.

URI:  Sa ibang nakakausap natin at siguro iyong naririnig na rin ninyo, ang dating nga eh bakit ba itong administrasyong ito, wala nang sinabing maganda si Vice President Leni Robredo? Sa kabilang dako naman, sa mga supporter ng administration, ang sinasabi eh wala na itong ginawa kung hindi pumuna nang pumuna, lahat na lamang eh.

HISTA:  Parang never supportive of each other ang President at ang Bise?

URI:  Lahat na lamang may mali sa gagawin ng gobyerno.

SEC. ROQUE:  Well, alam mo, Henry at Missy, huwag nating kalimutan, isa sa pinakaunang ginawa ni Presidente ay binigyan niya ng pagkakataong magsilbi si VP Leni, itinalaga niya na miyembro ng Gabinete para sa Department of Housing.

URI:  Vice President in supporting the President?

SEC. ROQUE:  Well, unang-una, kung ako si VP Leni binigyan na ako ng Cabinet portfolio, ginawa ko na ang lahat nang dapat kong magagawa para magbigay ng pabahay sa ating mga kababayan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit inuna niya ang pulitika lalung-lalo na iyong mga panahon na iyon, bagung-bago pa sila sa puwesto, anim na taon ang termino eh bakit namang kinakailangang magkaroon ng lider ng oposisyon sa bagung-bagong termino ng Presidente. Pero sa ngayon po, sa panahon ng pandemya dapat po lahat nagkakaisa, hindi po dapat nagsisiraan. At makikita naman natin sa lengguwahe ni Vice President Leni, wala pong tamang ginawa ang gobyerno kasi nga atat na atat nang tumakbo sa eleksiyon. Isantabi muna kasi ang eleksiyon na iyan, may panahon po para diyan.

URI: Ito, partner, is hanapan ito ng resulta ng panunungkulan at ginagawa ng mga nakaupo, figures don’t lie. When it comes to pigura na nagawa ng Vice President, ang administrasyon bang ito may mari-recognize na kumbaga accomplishment ng opisina ng pangalawang Pangulo?

SEC. ROQUE:  Noong panahon pong namimigay siya ng tulong sa COVID-19 at mayroong mga kaalyado si Presidente na pinupulaan siya, tinerminate po ni Presidente iyong opisyales niya mismo dahil sabi niya mali iyan. Kung gustong maglingkod ang isang opisyales, hayaang maglingkod. So malinaw po ang ginawa ng Presidente. So, welcome po siyang magbigay ng tulong at pinarusahan pa nga niya iyong nagiging hadlang sa pagbibigay ng tulong ni VP Leni.

Malinaw po ang naging posisyon ni Presidente: Sa paglilingkod, dapat i-encourage, hindi dapat dini-discourage at hindi po namumulitika si Presidente. Kasi kung namumulitika, eh di dapat kinatigan niya iyong kaniyang kakampi na nagsasabi na nakikipagkumpetensiya si VP Leni sa pamimigay ng ayuda sa gobyerno, pero hindi po ganoon ang nangyari. Malinaw po ang track record ng Presidente.

URI:  Ang isa pang binabanggit, partner, ni Vice President Leni Robredo ay hindi daw niya maintindihan bakit iyong ganitong klase ng liderato ng Pangulo at mismong at maging iyong ipinakikitang liderato ni Mayor Sara ay niyayakap ng mga Filipino? Hindi daw niya maintindihan iyon, Secretary. Ano iyong paliwanag riyan?

SEC. ROQUE:  Iyan po ang pagkakaiba kung bakit 91 ang trust and satisfaction rating ni Presidente at siya ay less than 50. Kasi po ang Presidente hindi namumulitika; serbisyo lang sa taumbayan sa panahon ng pandemya.

URI:  Pero ang sabi naman ng Vice President, hindi naman siya desididong kumandidato sa pagkapangulo, niri-recognize niya iyong baka mag-local na lang siya. Saan siya namumulitika sa dakong iyon?

SEC. ROQUE:  Well, siguro po ngayon na lang niya nakita na wala na siyang pag-asa, kasi nga po sa kaniyang maagang pamumulitika, na-turn off ang taumbayan. So, good for her!

URI:  Okay. Sa tingin ba ninyo, well, of course isang taon na lang mahigit ang pinag-uusapan natin, wala na bang pag-asa na magsanib puwersa iyong dalawa para sa bayan?

SEC. ROQUE:  Hindi po natin kinakailangan na magsanib puwersa na sila dahil patuloy naman po ang Presidente sa paglilingkod, despite and in spite the ostracism at iyong mga hadlang na binibigay ni VP Leni.

URI:  Missy, if you have question. I have another question.

SEC. ROQUE:  Kailangan ko na pong umalis kasi mayroon pong naghihintay na meeting sa akin.

URI:  Sir, isa na lang. Hindi ba ikinukonsidera ng Pangulo na from GCQ higpitan tayo, mas mataas sa GCQ sapagkat ang dami nang kaso na naman ng COVID.

SEC. ROQUE:  Hindi pa po dahil sapat-sapat naman po iyong ating kapasidad na bigyan ng medical attention iyong mga matinding magkakasakit, kaya pa po nating magbigay lunas sa mga seryosong magkakasakit.

URI:  All right. Salamat, Secretary. Ingat kayo.

SEC. ROQUE:  Okay. Maraming salamat po, Henry and Missy.

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)