Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Henry Uri and Missy Hista (DZRH – Coffee Break)



URI:  Attorney, magandang umaga – si Henry Uri po at si Missy.

MISTA:  Good morning.

SEC. ROQUE:  Hi! Magandang umaga, Henry at Missy. At nagpupugay sa kilabot ng Malacañang Press Corps kasi…

URI:  Naku! Sir, oo, pasensiya na kayo … kayo ay aabalahin namin muna. Kasi ang dami hong stranded ngayon sa kalye na mga commuters: Iyong iba, wala pong masakyan; ang daing noong iba, wala namang ipinu-provide na sasakyan iyong mga company nila. Lumabas sila para pumasok, hindi nila sigurado kung may masasakyan kaya ngayon na-stranded sila sa lansangan. Ano ang plano ng Malacañang? May order ba ang Pangulo na tulungan sila? Papaano ang gagawin natin ngayon?

SEC. ROQUE:  Opo. Nagpalabas po ng 80 sasakyan ang MMDA at ngayon po ay nagde-deploy na rin po ang Hukbong Sandatahan. Lahat po ng mga bus ng Army, ng Marines, pati Air Force at Navy ay ginagamit na po para masakyan ng mga stranded na ating mga mananakay.

URI:  Okay. Iyan po ay utos mismo ng ating Presidente?

SEC. ROQUE:  Iyan po ay inutos po kanina. At mamaya po, bagamat hindi siya originally scheduled sumama sa ating press briefing, sasama po si Secretary Lorenzana para maipakita po kung anong ginagawa ng Hukbong Sandatahan para nga po ma-augment itong ating public transportation.

URI:  Okay. Pakibigyan ninyo lang ng assurance, mensahe iyong ating mga kababayang nakikinig na nai-stranded at iyong ayaw nang lumabas kahit may trabaho silang pupuntahan dahil baka daw wala nga silang masakyan, please.

SEC. ROQUE:  Well, talaga pong humihingi po tayo ng abiso pero talagang new normal na po ito. Ang hinihingi po namin ngayon sa lahat ng employers kung pupuwede gawing staggered ang pasok nang sa ganoon 50/50 lang po ang papapasukin sa kanilang mga trabaho.

Pero huwag po kayong mag-alala, ang lahat po ng mga bus ng gobyerno ay gagamitin din natin para po masakyan ng ating mga stranded na mamamayan.

URI:  Ang Pangulo ho ay nasa Davao ba o nakabalik na dito sa Metro Manila?

SEC. ROQUE:  Nasa Davao po ang Pangulo at mananatili po siya doon. Iyong susunod niya na talumpati sa bayan ay manggagaling po doon sa Davao.

URI:  Okay. Secretary, hindi ko na masyado kayong ipre-preempt iyong ating mga … itatanong ng mga kasama natin mamaya. Maraming salamat po sa inyo.

MISTA:  Thank you po.

SEC. ROQUE:  Okay. Maraming salamat po. Magandang umaga.

URI:  Thank you.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)