Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Jeff Canoy and Sherrie Ann Torres (Special Coverage of Teleradyo)



CANOY: Magandang hapon po Sec.

SEC. ROQUE: Magandang hapon Jeff at saka Sheryl

CANOY: Si Jeff po at Sherrie Ann. Sec. ano po ang update natin mula diyan sa Villamor Air Base—

SEC. ROQUE: Well, nakaposisyon na po iyong eroplano ng Tsina na lulan niya iyong 600,000 na Sinovac vaccine at nakaposisyon na po siya para madali pong mapuntahan ng Presidente at iba pang mga miyembro ng Gabinete para inspeksyunin ‘no.

At parating na po ang Presidente, pinaupo na rin po kami, kanina po mga limang minuto ang nakalipas nag-take off na po iyong helicopter para dalhin ang ating Presidente at ngayon po ay inaantay na natin ang pagdating ng ating Presidente.

Mayroon pong programa, unang magsasalita po ang ating Secretary of Health, pagkatapos po ay magsasalita po ang ating Vaccine Czar at bago po magsasalita ang ating Presidente.

At ito po ang kauna-unahang pagkakataon na tatanggap po ng mga katanungan ang ating Presidente galing sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps at sa ABS-CBN po ang natalagang magtanong ay si Pia Gutierrez, siya po ang pangalawang magtatanong sa ating Presidente via a Google meet. So, it’s a virtual press briefing po; bagama’t matagal na nga po na nagkaroon ng ganitong press briefing ang Presidente with the members of the Malacañang Press Corps.

So, ngayon, narito na po nakaupo na po ang mga miyembro ng Gabinete pinangungunahan po ni Executive Secretary Medialdea, narito po rin siyempre ang ating Secretary of Foreign Affairs, narito po ang ating Secretary of National Defense, ang ating Secretary of the Presidential Communication, si Secretary Vince Dizon Deputy Implementer.

CANOY: Kumbaga full force talaga, Sec ‘no.

SEC. ROQUE: Oo. Si Secretary Duque, Secretary Galvez—

CANOY: After niyan Sec, may usapan na ba Sec kung paano iyong hatiin natin sa dinonate na Sinovac. Paano po iyong magiging hatian kung ilan po iyong bilang na mapupunta kunwari sa PGH, may ganoon na po bang plano, Sec?

SEC. ROQUE: Well, mayroon na pong plano iyan, nagkasundo na po na iyong NITAG na tinatawag [unclear] kung paano madi-distribute ito. At ito nga po any unang ibibigay sa ating mga frontliners, medical frontliners at hindi lang po dito sa Maynila, pati po sa Cebu at saka sa Davao. So, doon nga po tayo magpe-press briefing sa mga lugar kung saan ibabakuna na itong bagong dating Sinovac.

TORRES: Secretary si She po ito. Sherrie Ann Torres. Sir. mayroon na po bang update kasi kanina or kamakailan sinabi nga ni Senator Bong Go at sinabi rin ninyo na magpapabakuna na ang Pangulo. Mayroon na bang medical advice po ang kanyang mga doktor, kung ito na bang Sinovac ang iko-consider niya o maghihintay pa po siya ng ibang brand ng bakuna?

SEC. ROQUE: Wala pa po ‘no, dahil bukas naman po ay magkakaroon po tayo ng Talk to the People at doon po natin pupuwedeng itanong kay Presidente kung ano ang magiging desisyon niya o di naman kaya desisyon ng kanyang mga doktor.

Sa ngayon po, ewan ko, kung mayroon kayong screen ‘no, pero sa ngayon po ay tinitingnan ni Secretary Duque at ng Ambassador ng Tsina ang isang lalagyan na kung saan naroroon po iyong ilang mga vials ng Sinovac na bubuksan para makita po ng Presidente kung ano ang itsura noong Sinovac. Ito po ay refrigerated, ito po ay malamig.

TORRES: Secretary Roque, I understand may grupo din bukas na mga Cabinet secretaries na magpapabakuna para po makita rin ng publiko, tama po ba, kasama po ba kayo doon?

SEC. ROQUE: Ako po ay hindi pa kasama, dahil—alam po ninyo humingi kami ng permiso sana sa NITAG iyong vaccine cluster group na mga 50, para mabakunahan… para ba magkaroon ng vaccine confidence, eh hindi po kami napagbigyan. So, ang alam ko lang po ay dalawa ang binigyan nila ng authority para magpabakuna, ito po si Chief Implementer Carlito Galvez at saka si Secretary of Health Duque.

TORRES: Okay. So possibly doon kayo sa susunod na batch?

SEC. ROQUE: Well, let’s put it this way, nangangalampag po ako para makasama. [laughs]

TORRES: Baka sir, dahil bata ka pa.

SEC. ROQUE: Nangangalampag ako para makasama sa unang batch ‘no, pero mayroon naman tayong rollout din sa Visayas at sa Mindanao. Ang aking ipapaki-usap, since mukhang hindi na ako kasama dito sa initial rollout, doon na ako sa Visayas o di naman kaya sa Mindanao.

TORRES: Oo. Ang purpose din Secretary is para maka-encourage din kayo. Well, of course aside from the needed protection ng bawat isa ano po, Sec?

SEC. ROQUE: Well sa akin po, gusto ko ding may proteksyon ;no, natatakot ako diyan sa mga bagong variant na iyan, so mas maaga akong mabakunahan, mas mabuti; secondary po iyong vaccine confidence ‘no. Pero siyempre para sa mga nagbabakuna, talagang para sa kanilang kalusugan po ito. At iyan din po ang dahilan kung bakit nangangalampag ako na payagan na rin akong magkaroon ng bakuna.

CANOY: Sec, iyong siyempre kailangan nating tanungin iyong kumpiyansa po kasi ng maraming dito pong Sinovac, itong dinonate, eh medyo mababa. Ano po ang ginagawa ng gobyerno para po kumbaga makontra po itong perception na ito?

SEC. ROQUE: Well unang-una, nandiyan na po ang bagong variant, mas nakakahawa. Pangalawa, hindi pa natin alam kung kailan talaga darating iyong mga western brand na tapatan lang, eh mukhang mas gusto ng ating kapwa Pilipino. Hanggang nandiyan ang bagong variant at hindi natin alam kung kailan darating iyung ibang bakuna, sundin natin iyong sinasabi hindi lang ni Dr. Lulu Bravo at saka ni Dr. Salvania kung hindi natin si Dr. Fausi ng Amerika: The best vaccine is the vaccine that is available.

TORRES: Secretary, ihahabol ko lang ito ha. Mayroong isang OFW ang nagtatanong, si Mary Ann Makayan, kung ang OFW daw po ay uuwi pa lang ng Pilipinas at walang vaccine, puwede daw po ba silang magpabakuna dito sa Pilipinas?

SEC. ROQUE: Puwede po, kasama po sila sa economic frontliners. Kung sila ay nandito sa Pilipinas, puwede po silang magpabakuna kapag nandiyan na po iyong ating mga supply.

CANOY: Sec, nandiyan na ba si Pangulo, iyan na ba iyong helicopter?

SEC. ROQUE: Nagla-landing na po ang kanyang helicopter, kaya po maingay at inaasahan natin na ilang minuto na lang literally ay magsisimula na iyong proseso ng pag-inspection ng mga bakuna, inilapit na po iyong eroplano dito sa Grandstand ng Kalayaan para kaunti na lang ang lalakarin ni President pag-inspection ng bakunang iyan.

CANOY: Sec, iyong pagdating ng AstraZeneca bukas, ganyan din po ba iyong magiging proseso din bukas, pupunta rin po ba ang Pangulo at ano po kumbaga, mauulit po ba iyong parang ganyang programa?

SEC. ROQUE: Hindi ko lang po sigurado, basta ang alam ko po ay naka-schedule na rin po iyan, pero hindi ko po alam kung ano ang magiging programa bukas.

CANOY: Sec. pakakawalan ka na namin, alam kong abala ka pa diyan. Maraming salamat kay Secretary Harry Roque, ang tagapagsalita ng Pangulo.

SEC. ROQUE: Maraming salamat She at maraming Salamat Jeff.

TORRES: Sana magtagumpay kayo sa pagpapaturok.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center