Q: Si Secretary Harry Roque nasa ating linya, Presidential Spokesman. Secretary, good morning. Si Joel Zobel, si Weng Dela Peña… live ka sa Super Radyo DZBB.
SEC. ROQUE: Good morning Joel at Weng.
Q: Opo. Secretary, mayroon ba talagang memo na inilabas si Attorney Gierran?
SEC. ROQUE: Bagama’t hindi ko pa po nakikita iyang memo ‘no eh nakatanggap na po ako ng tatlong kumpirmasyon na hinihingi nga po ng Presidente ng PhilHealth ngayon iyong courtesy resignation ng lahat ng Salary Grade 26 kabahagi na po diyan iyong mga Vice President diyan sa PhilHealth.
Q: Courtesy resignation, ano ibig sabihin ho niyan? Para lang ‘to ba, iyong parang malaya siya na makapamili ng mga gusto niyang ilagay sa puwesto, ganoon ba iyon?
SEC. ROQUE: Iyan po ang magiging epekto niyan ‘no. Iyong mga wala naman pong mga pananagutan, iyong hindi naman po nangurakot wala po silang dapat ikatakot dahil alam ko naman po na iyong desisyon ni Attorney Gierran kung sinong mananatili ay ibabase po niya sa ebidensiya.
Q: Uhum. Okay. So ilan ang maaapektuhang tauhan nito, ng PhilHealth?
SEC. ROQUE: Ang pagkakaintindi ko po iyong mga matataas ho na opisyales ‘no, mga Vice President hanggang Senior Vice President.
Q: Secretary, ‘pag sinasabi bang Grade 26 magkano iyan? Magkano iyong suweldo?
SEC. ROQUE: Ah, hindi ko na po alam kung magkano—
Q: Vice President [overlapping voices]… saka malaki ho ang mga allowance na nakukuha siguro niyan.
SEC. ROQUE: Mataas po iyan, siguro mga P150,000 po iyan a month.
Q: Wow! Ang taas. Okay, sige po. How do you find this? Ano sa inyo ‘to—ito ba’y isang—kung totoo man ‘to ha, iyong memo. Ito ba’y somehow good—saka kasama siguro sa utos ni Presidente, “Linisin mo iyang PhilHealth ha…”
SEC. ROQUE: Opo. Alinsunod po iyan sa deadline na binigay ni Presidente na hanggang December lamang otherwise baka buwagin ang PhilHealth or isa-pribado.
Q: Kasama dito ho, Secretary, iyong mga Regional Vice Presidents ba?
SEC. ROQUE: Kasama po lahat ng Vice President.
Q: Okay. Kahit saan mang rehiyon, nasa Mindanao, ganoon naka-assign. Lahat iyon, nationwide?
SEC. ROQUE: Opo, kasama po.
Q: Okay. Puwede bang makasingit pa ng isang tanong, Secretary, baka mayroon lang kayong pulong na pupuntahan. Pero ano ba nangyari doon sa pulong kagabi? May separate pulong daw si Speaker Cayetano kay Presidente, tama ho ba iyon?
SEC. ROQUE: Well nagkaroon po ng pagpupulong kasama po si Brother Eddie doon at nagkataon lang naman po na iyan ay ginanap one day after iyong naging botohan nga sa Kamara. Pero two weeks ago pa po scheduled iyon at ni-reiterate lang naman po ni Presidente na nirirespeto niya ang desisyon ng mga Kamara de Representante pagdating doon sa issue na kung sino ang mamumuno sa kanila.
Q: Okay. So wala na hong ano, kung anumang mangyari sa October 14 eh hands off na ang Malacañang diyan sa bagay na iyan?
SEC. ROQUE: Iyan po ang pagkakaintindi ko dahil ang talagang sinabi niya sa akin, narinig ko sa sarili kong tenga ko, nanggaling sa sarili niyang bibig: “That’s an internal matter for the House of Representatives.”
Q: Regardless kung masunod man iyong 15-21 agreement?
SEC. ROQUE: Regardless po ano at saka nakita naman natin parang nagkaroon naman ng pagtupad dahil nagkaroon po ng resignation. Hindi nga lang po natanggap.
Q: Okay. O sige, iyon lang po ang pakay namin sa inyo. Salamat Secretary and good morning to you. Stay safe, sir.
SEC. ROQUE: Salamat po. Magandang umaga po.
Q: Si Secretary Harry Roque, Presidential Spokesman.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)